STRATA presents This I Promise You part 5 - finale

Sunday, February 27, 2011

Strata presents

This I Promise You


Part 5

Final Bout!

“Nasaan si Russel?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Melissa nang mapansing hindi pa din ito bumabalik sa opisina nila.

“Nasa office na po ninyo.” nakangiting sagot ni Melissa.

“Huh?!” nagtatakang tugon ni Ariel. “Kanina ko pa hindi nakikita si Russ!” sagot pa ni Ariel.

“Papaanong mangyayari ‘yon Sir Ariel, kasi pagkaakyat namin diretso na siya sa opisina ninyo.” napaisip pang sagot ni Melissa.

“Never mind!” sagot ni Ariel saka iniwan ang dalaga.

“Saan naman kaya nagsuot iyon?” nagsisimulang mag-alalang tanong ni Ariel sa sarili.

“Sir Ariel!” tawag na habol ng sekretarya ni Ariel sa kanya.

“Bakit?” nahihiwagaang tanong ni Ariel.

“Pinapabigay po ni Russel sa inyo.” sabay abot ng folder sa binata.

“Ano ito?” nagtatakang tanong ni Ariel saka kinuha ang folder.

“Nag-request po ng leave si Russel, approved by the board at effective po ngayon.” sagot ng sekretarya saka lumakad palayo kay Ariel.

Nahihiwagaan man dahil sa biglaang leave na iyon ni Russel ay agad naman itong nag-alala para sa binata.

“Ano bang pumasok sa kukote ng mokong na iyon at naisipan niyang mag-leave!” may asar na wika ni Ariel sa sarili. “Hindi man lang personal na nagpaalam sa akin!” dagdag pa nito.

Nag-aalala man para kay Russel ay pinilit niyang ipagwalang-bahala na muna ang pag-aalala para dito. Pinilit ituon ang pansin sa mga trabahong nakahilera sa lamesa niya.

Maagang pumasok si Ariel kinabukasan at nagbabaka-sakaling mayh iiwanang bakas si Russel sa opisina nila. Pumunta sa human resource department para kuhain ang records ni Russel subalit sa kasamaang palad ay bawal magpakita ng records ng mga empleyado at higit pa ay wala sa mga kamay nila ang profile ni Russel dahil nasa file ito ng board para sa promotion ng binata. Hinanap si Melissa para sa number nito subalit sa kasamaang palad ay hindi pumasok ang dalaga at napag-alaman niyang nagfile din ito ng leave. Ipinagtanong niya sa opisina kung ano ang number at address ng binata subalit wala sa kanila ang may alam.

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Russel at dito unti-unting naramdaman ni Ariel ang pag-aalala para sa binata, ngunit higit pa ay ang pagsambulat ng isang damdaming pilit man niyang itanggi ay kusang kumawala sa kanyang kalooban. Minamahal na niya si Russel! Sapat nang dahilan ang pag-aalala niya dito upang mapatunayang mahal niya ang binata. Ang mga gabing ligalig ang puso niya sa pag-iisip kung ayos lang ba si Russel, ang mga oras na wala siya sa kundisyon para magtrabaho dahil sa tuwing makikita niya ang bakanteng upuan ni Russel ay nararamdaman niya ang pagkukulang.

“Sir Ariel! Si ir Russel po nasa labas.” tawag ng sekretarya ni Ariel sa kanya.

“Talaga?!” biglang siglang saad ni Ariel saka nagmamadaling lumabas sa opisina niya.

“Russ!” tawag pa ni Ariel pagkakakita kay Russel.

Samantalang unti-unting bumalik ang sakit ng nadurog na puso ni Russel sa pagkakakita kay Ariel at muling bumabalik sa alaala niya ang ginawa nito sa kanya.

“Sir Ariel!” pormal na sagot ni Russel saka nagbitiw ng isang mapait na ngiti.

“Good to see you back!” maligaya ang puso ni Ariel sa pagkakakita kay Russel. Nagniningning ang mga mata niyang tinitigan ang anyo ng binta. “Bakit hindi ka man lang nagpasabing mag-leave ka.” may himig ng pagtatampo pa nitong tanong.

Mapait na ngiti lang ang sinagot ni Russel sa mga sinabing iyon ni Ariel. Sa katotohanan ay nais na niyang umiyak dahil muli’t-muling bumabalik sa alaala niya ang masakit na nakaraan. Ang oras na nalaman niyang pinaglalaruan lang pala siya ni Ariel.

“Come on!” aya pa ni Ariel saka inakbayan si Russel. “Usap tayo sa office!” saad pa ng binata.

“I am here for my formal resignation!” simula ni Russel pagkapasok nila sa opisina.

“Hah?!” nabiglang sagot ni Ariel na hindi pa man nakakaupo ay agad ding napatayo dahil sa sinabing iyon ni Russel. “Bakit?” naguguluhan at natatakot na tanong pa ni Ariel.

“It’s not your business Sir! It is something personal!” katwiran ni Russel.

“Akala ko ba at peace na tayo?” singit ni Ariel. “Bakit ganyan ka na naman sa akin?” tanong pa ulit nito.

“Sorry Sir!” tanging sagot ni Russel.

“Please Russ! Tell me why are you resigning?” pilit ni Ariel saka nilapitan ang binata.

“The management knows my reason and as is said it is something very personal.” sagot ulit ni Russel.

“Please Russ!” pamimilit ni Ariel saka hinawakan sa mga kamay si Russel.

“Is this part of your plan Ariel?” nagngingitngit na bulong ni Russel sa sarili. Biglang pumanglaw ang anyo ni Russel, nais na namang kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata sa isiping panlilinlang lang ulit ang ginagawa ni Ariel sa kanya ngayon. Naghuhumiyazw sa ingit ang kanyang damdamin sa isiping isang patibong na naman ang ginagawa ni Ariel para mahulog ang loob niya dito.

“I’m sorry Sir!” sambit ni Russel saka lumakad palayo para maitago ang luhang dahan-dahan ng tumutulo mula sa kanyang mga mata.

“I love you Russel!” walang pag-aalinlangang sinabi ni Ariel.

Biglang napahinto si Russel sa sinabing iyon ni Ariel. Tulad ng inaasahan niya ay sasabihin iyon ng binata at kasama ito sa plano nitong pagpapa-ibig sa kanya.

“I really love you Russel!” ulit ni Ariel sa sinabi.

“Is this part of your plan Ariel?” sarkastikong tanong ng lumuluhang si Russel.

“What do you mean Russel?” maang na tanong ni Ariel dito.

“Hindi mo na ako maloloko Ariel! I know your plan of making me fall then setting me aside broken and wasted!” madiing turan ni Russel.

“Russel I love you! That’s what I really feel!” pagsusumamo ni Ariel kay Russel.

“Shut up Ariel!” pigil ni Russel sa kasinungalingan ni Ariel. “Narinig ko kayo ni Sir Ronnie! Narinig ko kung ano ang plano mo sa akin at kung papaano mo ako itatapon ng parang basura!” kumawala ang kimkim na galit ni Russel.

“Let me explain Russel!” pigil ni Ariel. “Mahal na kita talaga!”

“Explain?” tanong ni Russel. “Para ano? Para lokohin ulit ako? Para itanggi na hindi totoong paglalaruan mo lang ako? Na mahal mo talaga ako? It’s enough Sir Ariel! It’s enough!” pagwawakas ni Russel saka mabilis na lumakad palabas ng opisina ni Ariel at mabilis na lumabas sa building na iyon.

Hinabol ni Ariel si Russel subalit lubhang naging mabilis ang binata at hindi na niya naabutan ito. Dumiretso sa kotse niya ng makitang pasakay ito ng taxi at hinabol niya ang sasakyan nito.

“Russel!” tawag ni Melissa sa kaibigan. “Saan ka pupunta?” tanong ni Melissa pa dito subalit tuloy lang sa paglakad si Russel.

“Hoy Russel!” sigaw ulit ni Melissa kay Russel na ngayon ay pumara ng ng taxi.

“Ano bang problema mo?” tanong ni Melissa ng maabutan si Russel na nagawang makasakay sa kaparehong taxi.

“It’s over Mel!” simula ni Russel.

“What happened?” nag-aalalang tanong ni Melissa dito.

Walang pag-aalinlangang sinimulan ni Russel ang kwento niya sa lahat ng nangyari.

“Friend! Magtiwala ka sa puso mo!” pagpapayo ni Melissa sa kaibigan. “Ang puso ay may kakayahang kumilatis sa laman ng puso ng isang tao!” makahulugang wika pa ni Melissa.

“Ano?” naguguluhang tanong ni Russel sa kaibigan.

“Hayaan mong ang puso mo ang magsabi kung ano ang katotohanan! Ang utak natin madami na iyang pinapaniwalaan kaya hindi na malinaw na makakabasa ng puso ng tao. Magtiwala ka sa puso muna, kalimutan mo muna ang galit at hayaan mong ang puso mo ang kumilatis at magsabi kung ano ang totoo sa sinasabi ni Ariel.” nakangiting pagpapayo ni Melissa.

Napangiti lang si Russel sa sinabing iyon ni Melissa. “Paano nga kung talagang mahal ako ni Ariel? Paano kung mahal na nga talaga niya ako?” pag-aalinlangang wika ni Russel sa sarili.

“Para na po mama!” sabi ni Russel. “Kaw na muna magbayad Mel!” nakangiting tugon ni Russel dito saka bumaba.

Walang alinlangang tumawid sa kabilang kalsada para makasakay sa kabila pabalik kay Ariel nang walang anu-ano at isang nakakabinging busina ang narinig.

Napaupo si Russel sa nakitang malapit na siyang mabangga ng kotse at pasasalamat na lang niya at hindi siya nito nahagip. Nawalan ng malay si Russel dala ng takot at ngayon ay napahandusay sa kalsada. Bumaba mula sa kotse ang driver ng kotse at isinakay si Russel sa kotse nito.

Ilang sandali pa at nagising na si Russel. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

“Ariel?” tila inaaninag kung sino ang nasa harapan niya ngayon.

“Russel.” nag-aalalang sagot ni Ariel.

“Ikaw nga Ariel.” masayang paninigurado ni Russel.

“Mahal na mahal kita Russel.” saad ni Ariel saka hinalikan sa noo ang binata. “I really love you!” naluluha nitong dagdag.

“Ariel! Totoo ba yan?” tanong ni Russel.

“Totoong totoo.” sagot ni Ariel. “I will prove to you Einstein’s Law of Relativity para lang patunayang karapat-dapat ako sa’yo.” sabi pa ni Ariel.

Matitipid na ngiti ng kagalakan lang ang sagot ni Russel sa sinabing iyon ni Ariel.

“Our past will not cross their roads for no reason, and that is to bind us in the future. Our present will be the essential key to hold this binding moment that I am willing to sacrifice my wholeness for you. I can’t change my past but my future will be solely yours. Madami man akong pagkakamali sa nakaraan at kung babaguhin ko iyon, sisiguraduhin kong ikaw lang ang una kong hahanapin para sa simula pa lang ay tama na ang lahat ng gagawin ko sa buhay. Hindi ko man kayang ipaliwanag ang Law of Relativity scientifically, pero kaya kong ipaliwanag ang Law of Relativity ng puso ko para sa puso mo. Kasi mahal na mahal kita!” pagwawakas ni Ariel.

“Mahal na mahal din kita Ariel, sa simula pa lang.” tanging nasabi ni Russel.

“I love you Russ!” sabi ulit ni Ariel saka niyakap ang nakahigang si Russel. “Please spent the rest of your life with me.” pakiusap pa ulit ni Ariel kay Russel.

“I will, even my next life!” sagot ni Russel.

“I love you!” puno nang kaligayahang tugon ni Ariel saka ginawaran ng halik sa labi si Russel.

END

2 comments:

Clyde Menkent Cute,  February 28, 2011 at 2:05 AM  

How sweet hehehe parang ung sa The Martyr the stupid and the flirt.

emray March 2, 2011 at 5:53 AM  

:-)

gandan nung the m,s and f..

hahaha.

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP