No Boundaries - C27

Saturday, February 5, 2011

Pagpapalaya ni Andrei at Pagbabalik sa Banal na Buhay ni Nicco

Matapos nga ang pag-uusap na iyon ay nagtext si Andrew kay Nicco kinagabihan. Agad namang binasa ni Nicco ang laman ng text na iyon ni Andrew.
“Niks, pumayag si Kuya, magkita daw kayo sa lumang bahay bukas ng umaga” sabi sa mensahe.
Dali – dali naman niya itong sinagot ng “Sige sabihin mo hihintayin ko siya duon. Salamt Kuya Andrew” pagktapos nuon ay wala ng sagot mula kay Andrew.
Masaya si Nicco dahil muli ay tinawag siyang Niks ni Andrew. Nangangahulugan lamang iyon na unti-unti na siyang nauunawaan ng kakambal ni Andrei. Samantala, pinag-iisipan ni Nicco ang sasabihin kay Andrei ay muli siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang likod. Dumadalas siyang makaramdam ng ganito. Mainam na lang at mabisa ang ibinigay sa kanyang gamot ni Dok Matthew. Hindi nga nagtagal ay nawala ang sakit at dali-dali siyang nakatulog.
Kinabukasan, bago pa man mag-alanueve ay nasa lumang bahay na siya ng mga del Rosario. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Andrei na nakaupo sa may hagdanan. Nagtataka siya dahil wala namang nakaparadang kotse sa harap ng bahay. Inisip niyang baka naglakad ito papunta duon. Nakaramdam siya ng tuwa ng muling masilauyan ang minamahal niyang siu Andrei. Higit pa ay nakaramdam siya ng kaba sa kung paani ipapaliwanag dito ang sitwasyon.
Maagang nagising si Andrei, agad siyang nagbihis at agad na tinungo ang kanilang lumang bahay. Napagpasyahan niyang maglakad nalang ng sa ganuon ay may mas mahabang panahon siya para mag-isip kung paano kakausapin si Nicco. Isang oras na din siyang naghihintay ng makitang pumasok na ito sa loob. Agad siyang tumayo at pinuntahan ang nuon ay napatigil na si Nicco. Agad niya itong niyakap at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya alam kung papakawalan pa ba si Nicco sa mga bisig niya.
“Nicco ko, I Love You.” sabi ni Andrei.

Napaluha si Nicco at agad na sumagot ng “I Love You more” niyakap din niya ang binatang si Andrei. Tahimik ang plaigid habang dinadama nila ang mga yakap ng bawat isa. “Sorry kuya Andrei sa nagawa ko sa iyo.” wika ni Nicco “alam ko hindi maganda ang gagawin ko na iwan ka.”
“Sssh, you don’t need to explain” agad naman sagot ni Andrei.
“Kuya..” nanatili sila sa ganuong ayos at sa isang mahabang katahimikan. Pakiramdam nila ay ayaw na nilang matapos pa ang muli nilang pagkikita. Subalit unang kumawala sa pagkakayakap si Nicco at nakiusap na pakinggan siya.
“Mahal kita kaya hindi pwedeng hindi mo malaman ang nasa puso ko.” giit ni Nicco.
“Hindi na kailangan, sapat na ang sinasabi ng puso ko para sa iyo. Sapat na ang narinig ko kagabi, sapat na ang mga luhang nakita ko sa iyo, sapat na ang nakita at naramdaman kong bigat ng kalooban mo.” Pagsaway ni Andrei “dahil mahal kita kaya naramdaman ko kung gaano kabigat ang nararamdaman mo. Dugtong pa ni Andrei.
Lumunok muna ng laway si Nicco bago tuluyang makapagsalita “Kuya hindi ko naman gusting gawin ito, kaya lang..” napahinto si Nicco at lalong tumulo ang mga luha sa mata nito.
“I Love You Nicco, more than everything, more than my life” sabay hawak sa balikat ni Nicco at tiningnan ni Andrei sa mga mata ang binata.
“I Love you more than you love me, more than my life, more than any limits. I love you without any hesitations, I love you even if it means sacrifice” sagot ni Nicco “at iyon ang gagawin ko ngayon, kasi mahal na mahal kita. Ayaw kong masaktan ka sa bandang huli kung kailan mas malalim na ang pagtingin mo para sa akin.” dugtong pa nito.
“Alam ko, kaya naman sige, pinapayagan na kita, basta siguraduhin mong magiging masaya ka. Pipilitin kong maging masaya kahit wala ka.” malungkot na sagot ni Andrei.
“Salamat Kuya, sana, sa gagwin kong paglisan ay ipagpatuloy mo ang buhay mo. Makahanap ka ng taong karapat-dapat sa iyo. Karapat-dapat pagtuunan ng pansin. Umaasa ako, sa paglipas ng isang taon mula ngayon ay muli kitang makikita, bisitahin mo sana ako sa seminaryo, sana sa panahong iyon, kasama mo na ang taong pinili mo para pag-alayan ng lahat ng buhay mo.” Wika ni Nicco. Sa isip ni Nicco, “paano ako magiging maligaya kung hindi kita makakasama, kung alam kong mawawala ka na sa akin”
“Sinasabi mo bang kalimutan na kita?” kontra ni Andrei “mahirap kalimutan ang taong nagparamdam sa iyo na may halaga ka. Mahirap kalimutan ang unang tumawag sa iyo sa pangalan mo ng puno ng pagmamahal. Higt sa lahat mahirap kalimutan ang taong naging buhay mo sa mahabang panahon. Ikaw ang tong iyon, ikaw ang unang taong umintindi sa akin.” Pagpipilit ni Andrei. “Pero dahil sa sinabi mo, kahit hindi ko kaya gagawin ko.”
“Salamat Kuya, isipin mo nalang na nagkamali ka sa pagpili mula sa isang libong posibilidad ng makilala mo ako. Hanapin mo ang tunay na dapat sa iyo. Mayroon diyan na mas higit ang kayang gawin para sa iyo.” sabi ni Nicco “Ipangako mo, paglipas ng isang taon pupuntahan ninyo ako sa seminaryo kasama ang taong pinili mo.” Pagpipilit ni Nicco.
“Ipinapangako ko, pupuntahan kita sa seminaryo, pero ang makahanap ng kapalit m,o, mukhang Malabo na iyon” sagot ni Andrei.
“Gusto ko ikwento mo sa taong mamahalin mo ang yugto kung saan magkasama tayo. Hindi ako papaya na mapunta ka sa taong hindi kayang tanggapin ang nakraan mo. Kung hindi niya matatanggap ang nakaraan mo, paano pa niya tatanggapin ikaw at ang kinabukasan mo?” tila paalala ni Nicco “Walang karpaatan ang isang taong mahali ka kung hindi niya kayang mahalin at tanggapin ang nakaraan mo.” pahabol ni Nicco.
“Sige, gagawin ko para sa iyo. Mahal na mahal kita Nicco.” sabi ni Adrei
“Mahal na mahal din kita Andrei ko” sagot ni Nicco.
Sa huling pagkakataon ay nilasap nila ang sarap ng labi ng bawat isa. Nakaramdam ng kagaanan sa kalooban si Nicco ng bigyang laya na siya ni Andrei. Nakaramdam ng kagihawahan sa kalooban ng malamang maayos ang buhay nito kahit wla na siya. Kinabukasan ay hinatid siya ni Andrei sa seminaryo bilang huling pamamaalam na din. Bago bumaba ng kotse ay nag-usap muna ang dalawa.
“Mag-iingat ka lagi kuya Andrei” sabi ni Nicco.
“Basta para sa iyo, mahal kong asawa” nakangiti nitong sagot “wag kang magagalit kung maghanap ako ng kabit, iyon kasi ang bilin mo.” Pabiro nitong sagot. Sa kalooban ni Andrei ay kabaliktaran ang pinapakita niya.
“Asus ang Kuya ko talaga, sige na pasok na ako.” Sabi ni Nicco. Sabay baba sa kotse. Pakiramdam niya ay napakabigat sa pakiramdam ang ginagawa niya. Pinilit niya ang sarili na makababa.
“Basta pag hindi ka tinggap ulit sa loob tawagan mo ako iuuwi na kita ulit” sagot ni Andrei sabay paandar sa kotse para hindi na makita ni Nicco ang mga luha sa mha mata niya.
Habang papasok ay sinalubong siya ng rector at agad na inaya sa kwarto kung saan ay hinihintay na siya ng pamunuan ng seminaryo. Sa loob ng kawarto ay hindi alam ni Nicco ang mararamdaman subalit pinatatag niya ang kalooban.
“Maligayang pagbabalik Nicco” nakangitng bati sa kanya ni Fr. Cris.
Sinuklian lang niya ito ng ngiti.
“Ano ang dahilan mo at naisipan mong bumalik dito?” tanong ng rector.
“Nagabablik po ako dahil ito ang sinasabi ng puso ko. Nagawa ko itong iwan dati sapagkat may nakita akong tao na sa palagay ko ay nakalaan para sa akin. Sa ngayon, naiisip ko pong bumalik sa dating landas na mula sa pagkabata ay nianais ko ng pasukin. Alam ko isa ito sa nakalaan para aking tahakin, kung kayat muli ay binabalikan ko. Isa pa sa taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal at pagpapahalaga, gusto kong mabuhay siya ng normal at maayos. Niais kong mabuhay siyang tanggap ng lipunan. Nais kong mabuhay siya na pasado sa basehan ng moralidad. Mangyayari lamang iyon kung ako na mismo ang lalayo sa kanya.” sagot ng batang si Nicco, bagamat kinakabahan ay handa siyang aminin ang totoo sa harap ng mga pari.
“Isa kang malaking kawalan sa seminaryo Nicco.” sabi ng rector “kaya naman bago ka pa namin kausapin ay may desisyon na kaming nagawa” dugtong pa nito.
Nahulaan na ni Nicco kung ano ang pasya ng mga ito, kaya naman nakaramdam siya ng kasiyahan at kalungkutan dahil naiisip niyang tuluyan na niyang iiwan si Andrei.
“Muli at tinatanggap ka ng seminaryo na ito bilang mag-aaral ng teolohiya.” Sabi ni Fr. Ed na siyang pinuno ng mga seminarista “hindi ka na dadaan pa sa pilosopiya dahil natapos mo na ito sa labas” dugtong pa ng pari.
“Maraming salamat pos a inyo” sabi ni Nicco “Nais ko pong sa nalalabing oras ko ay tahakin ko ang landas na patungo sa Diyos. Nias kong paglingkuran siya at isakripisyo ang lahat para sa kanya.” dugtong pa niya.
Binati siya ng mga pari na kita ang kasabikang muli siyang masilayan. Pagkalabas ng silid na iyon ay nakita niya ang mga dating kasamahan na hinihintay ang kanyang pagbabalik. Binati din siya ng mga ito at nagpakita ng kasiyahan na muliay makakpiling nila si Nicco. Higit sa mga ito ay ang kaligayahan ng nabigyan niya ng pinakamalaking tulong sa pagpasok niya sa seminaryo.
Sa gitna ng kasiyahan ay nakita niya si Dok Matthew.
“Usap tayo sa klinika mamaya” sabi nito. Pagkaraan ay umalis na din ang doktor.
Nang hapon ding iyon ay pinuntahan niya ang kaibigang doktor sa klinika ng seminaryo.
“Maupo ka Nicco.” Sabi nito “Sa ngayong andito ka sa seminaryo, ako ang mag-aalaga sa kalusuigan mo.” Sabi pa ng doktor.
“Salamat po Dok, alam ko makakatulong po kayo para mabawasana ng sakit ng nararamdaman ko.” pasasalamat ni Nicco.
“Tulad ng sinabi mo, wala akong pinagsabihan ng tunay mong kalagayan.” Saad pa ng doktor “ang maitutulong ko lang ay mabawasana ang sakit pero hindi ko natitiyak kung madudugtungan pa ang buhay mo.” malungkot na sabi ni Dok Matthew.
“Tanggap ko nap o ang kamatayan ko, lahat tayo darating sa puntong iyon. Ang tanging magagawa natin ay maging maligaya sa kung anong kapalaran mayroon tayo. Maikli na lang ang buhay ko para maging malungkot pa.” sabi ni Nicco “Mahalaga, bago ako mawala makita ko Andrei na masaya kasama ang taong para sa kanya” sabi ni Nicco.
“Mabait kang talaga Nicco” sabi ng doktor “O siya, bumalik ka na duon, inumin mo ito araw-araw, tatlong tableta, isa sa umaga, tanghali at gabi.” Aalis na ako pamaya-maya.
“Salamat po talaga Dok Matthew.” Pamamaalam ni Nicco.
Naging maganda naman ang paglalagi ni Nicco sa seminaryo, pinilit niyang maging masaya. Iniisip ang magandang buhay ni Andrei na hindi siya kasama. Sa tuwing maiisip niya ang bagay na ito ay iisa lang ang nasasabi niya.
“Mainam na iyong hindi ako ang kasama niya, sigurado naman akong magiging maligaya siya higit pa sa mararamdaman niya pag kasama niya ako.”

3 comments:

Myx February 7, 2011 at 12:07 AM  

This really made me cry...

thanks for making such a great story, emray

Jayson S Patalinghug February 7, 2011 at 12:30 AM  

right Myx...hehehe in love ka na yata Myx....

Myx February 7, 2011 at 4:58 PM  

how I wish kuya Jayson
hehehe
gustong gusto ko kc ung mga ganitong klase ng storya...
ung may sense, ung may aral...
lalung-lalo n ung may kinalaman sa bi. hehehe
I am so amazed sa mga ganitong uri ng storya...
sakto un timpla ng kilig, tampuhan, aral, at lungkot...
hehehe

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP