Habal-Habal

Friday, February 25, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

***********************************

This photo was taken from caragadiversionsandbeyond
May lugar sa probinsya namin na ang popular mode of transportation ay tinatawag nilang “Habal-habal”. Hindi ko actually alam kung paanu nakuha ang pangalan na to but I think it came from the local word “habal” which means “mating”. Kasi ba naman, ang sasakyan ay isang customized heavy-duty motorcycle lang, lengthened to accommodate 6 or 7 passengers in one trip. You can just imagine all passengers, lalaki at babae, cramped up tightly together na naka-angkas sa motorsiklo habang nagta-travel paakyat o pababa sa lubak-lubak na hindi pa sementadong bulubunduking daan. 

Kaya pag nakita mo ang position ng mga passengers, maiisip mo ang mating position ng mga hayop, na dikit ang mga katawan.

Nakasakay na din ako nito at di maiwasang matawa kapag naalala ang mga kahiya-hiyang experiences kagaya ng may isang beses nasa gitna ako at ang nasa harap koy babae at nang umusung pababa ang motor sa slope, dumikit ang harapan ko sa may likuran nya at sa katagalan, tinigasan din ako. Sigurado ako, napansin nya ang bukol ko dahil nilingon nya ako na para bang gustong matawa o ano... na siguro ang nasa isip ay, “Sarap naman, idiin mo pa...” o kayay “Langyang manyakis na to...!” 

Swerte ka kapag type mo yung nasa likuran o harapan mo (depende na rin sa position preference mo – hehehe) at sagana ka sa tsansing.

Meron din akong experience na sa likuran ko ang babae, sa harap naman ay lalaki at habang nadadampi ang boobs ng babae sa likod ko, tumitigas naman ang ari ko na dumadampi-dampi sa likuran nung lalaki. Syempre, hindi ko mapigilan... kayat tinitimpi ko na lang ang kahihiyan dahil alam kong napapansin iyung nabubundol-bundol na bukol ko. Natatawa nalang ako sa sarili. Patay-malisya lang naman din yung lalaki kaya ok lang. Iniisip ko nalang na baka tinitigasan din sya (hehehe).

Anyway, nung last year kong bakasyon, nakasakay na naman ako ng “habal-habal”. Nangyari lang yun dahil sa may meeting ang fraternity namin sa downtown at dahil mejo gabi na, hinatid ko ang isa kong sis sa lugar nila. May motorsiklo naman ako na pweding gamitin pero I didn’t want to take risk dahil una, mejo gabi na at delikado ang lugar, maulan at maputik at dahil bundukin, nakakatakot ang slopes at swerves. So, I decided na sa habal-habal na lang kami sumakay at ganun din ang sa pagbalik kong mag-isa.

Swerte naman at nakahanap pa kami ng sasakyan. “Last trip na po ito!” ang nakangiting sabi ng driver na sa tingin koy nasa edad 25 lang, sunog at matipuno ang katawan dahil sa exposed palagi sa araw pag nagda-drive at sanay din siguro sa iba pang trabaho.

Dali-dali akong umangkas sa pag aakalang maubusan na ng pwesto. Ako yung nasa likuran ng driver at sa pinakadulo naman ng likuran ng motor yung sis ko. Sanay daw kasi syang sa pinaka-dulo. Iniisip ko nalang na siguro ayaw nyang matsansingan o may naiksperience na rin sya tungkol sa “bukol”, hehe. 

“Anyway, kahit saan ok lang bastat ang importante, nakahabol kami sa trip na yun” sabi ko sa sarili. Sa likuran ko naman ay isang estudyanteng lalaki, na nasa 19 years old lang ang edad. Brando daw ang pangalan nya. Bago paandarin ng driver ang motor niya, nilingon ko sya, kinindatan sabay ngiti, yung casual na pakikipagkaibigan lang. Kumindat at ngumiti din naman sya, sabay angkas sa motor at kapit sa balikat ko habang nasa side lang ng lap ko ang mga kamay ko. 

Anim kaming lahat pasahero, pampito na sa driver. May isang oras din ang layo ng pupuntahan namin, madilim ang kalsada dahil sa wala pang kuryente sa lugar na yun. Habang bumibiyahe na kami, walang imikan, walang kwentuhan. Maya-maya, unti-unti kong nararamdaman sa may likuran ko ang bukol ni Brando. Mejo natatawa nalang ako sa sarili dahil sa kabubundol ng ari ni Brando sa likuran ko, tinitigasan din ako na nabubundol-bundol naman sa likuran ng driver. Imbis na ang worry ko ay ang sitwasyon na madilim ang kalsada, maulan-ulan, delikado ang daan at kung meron pa ba akong masasakyan pabalik ng bahay, ang sumisiksik sa utak ko ay puro kalaswaan. Anjang iniisip ko na hubot-hubad kami lahat habang nakaangkas sa umaandar na motor at ang mga ari ay tigas na tigas at dumadampi sa mga likuran namin... para akong gago na nag-iimagine.

Nasa ganun akong pagmumuni-muni nang mapansin kong ibinaba ni Brando ang mga kamay nya sa side ng lap ko. Hindi ko na pinansin. Maya-maya, yumapos sya sa katawan ko. Patay-malisya pa rin ako. Iniisip ko nalang na dahil yun sa unsteady na kalsada, lubak at slopes at dikit na dikit naming mga katawan. Ngunit nung humigpit ang yapos nya sa akin, dun na ako nag-isip ng malaswa. Ang nasambit ko nalang sa sarili ko ay, “Shit! Tangna, pinag-tripan ako neto!” Pero dahil sa libog na libog na rin ako sa mga oras na yun, hinayaan ko na lang syang pangigilan ako. At habang yakap-yakap nya ako, minsan dinidiin din nya ang mukha nya sa leeg ko na para bang hahalikan yun. Ramdam na ramdam ko naman ang nagpupumiglas nyang bukol sa may bahaging likuran ko.

Sa sarap na nararamdaman ko rin, parang gusto ko na ring yakapin ang driver na nasa harapan ko. Ngunit hiya pa rin ang nagingibabaw....

May mga 30 minutes pa siguro bago namin marating ang patutungahan namin. Habang nag-eenjoy ang kumag na si Brando sa kahihimas at kayayakap sa katawan ko, patay malisya naman ako. Kunwari, wala akong nararamdaman although ang harapan koy parang sasabog na rin sa init at sarap sa mga ginagawa nya. 

Wala naman talagang lantaran na sekswal na ginawa yung tao (Brando) pero siguro parang na-challenge lang ako. Para bagang tini-tease ako at patagalan o pahabaan na lang ng pagtitimpi kung hanggang kailan kaya. 

Ewan ko rin pero feeling ko tinablan din ang driver sa harap ko sa kakabundol ng bukol ko sa kanya ng napansin kong parang idinidiin din nya ang likuran nya sa akin. Hindi ako sigurado actually pero lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Di ko malaman kung anong gagawin... Ang narinig ko lang na sigaw ng nademonyong isip ko ay “Yakapin mo na! Yakapin mo na! Sunggaban mo ang pagkakataon at mag-enjoy ka, tado! Maya-maya lang wala na ang oportunidad na yan!” 

“Arggghhhhhhh! Shittt! Tangna! Tangna talaga!” sigaw ko sa sariling hindi mapakali. Ang ginawa ko, idiniin ko ang katawan ko sa driver. Wala syang reaction. Inilagay ko ang mga kamay ko sa sides ng lap nya, wala pa rin syang reaction. Ang hindi nya pag-pansin sa advances ko ay lalong nagpa-igting ng excitement at nagpalakas ng kabog ng dibdib, habang ang lokong si Brando naman ay pa-simpleng nag-eenjoy na sa palagay ko‎’y halos puputok na rin sa sarap na nararamdaman. Aktong ilagay ko na sana ang mga kamay ko sa balikat ng driver ng biglang huminto ang motorsiklo, “O, nandito na tayo!” sigaw nya. Bigla akong natauhan. 

“Arggghhhh! Bitin!” ang sambit ko nalang sa sarili.

Bago umalis pauwin ni Brando, lumigon sya sa akin at tumango sabay sabi ng “Bye!”. Tumango na rin ako. Bibiruin ko sana, “Swerte mo, tol, enjoy na enjoy ka sa akin at di ako pumalag!” Pero pinabayaan ko nalang... Hindi na kami nagkausap pa.

“Mark, bibiyahe ka pa bang pabalik? Alas dyes y media na kasi ng gabi at wala ng masasakyan tong bro ko pabalik ng downtown eh, hinatid lang nya lang ako kasi...” tanong ng sis ko sa driver na kakilala din pala nya. 

“Hindi na sana e...” sabi ni Mark na mejo nag-isip. “Pero di bale... dahil nasa midway naman yung bahay ko papuntang downtown, bale ideretso ko nalang sya dun tsaka ako babalik ng bahay” pag-explain ni Mark.

“Ay, maraming maraming salamat, Mark! Ambait talaga ni Mark...” pasalamat ng sis ko. 

Noon ko pa lang napansin ang anyo ni Mark. Siguro may 5’8 ang height, at rugged na rugged ang dating. Clean-cut ang buhok, clean-shaven naman ang mukha. At sa porma ng katawan, halatang sanay sa physical na trabaho. May hitsura, maganda ang built. 

Sinamahan ko muna ang sis ko sa bahay nila. Mga ilang metro lang naman ang layo at dali-daling binalikan ko na si Mark. Ako na lang ang nag-iisang pasahero nya. Agad nyang pinaandar ang motorsiklo. Muli, kinakabahan na naman ako... “Sana di na ako titigasan” sabi ko sa sarili ko na parang gustong matawa.

“Mark, kakapit ako sa iyo ha?” Tanong ko’ng mejo nag-alinlangan.

“Walang problema po, sir at mejo maputik, madulas at delikado ang dadaanan natin” ang casual namang sagot ni Mark.

Kumapit nga ako, sa balikat nga lang. Ulit, walang imikan, walang kwentuhan, basta ganun nalang. Maya-maya, sa kaaalog ng sasakyan, ayan na naman, tinitigasan na naman ako. Mejo nahiya ako kayat iniusog ko palayo ang sarili. Ngunit dahil sa ang kahabaan ng biyahe namin ay pababa ng slope di pa rin maiwasang madikit ang mga katawan namin. “Putsa namang...” sabi ko nalang sa sarili.

Hindi pa kami naka 20 minutes sa biyahe ng biglang bumuhus ang napakalakas na ulan. Nabasa kami kaya’t inihinto ni Mark ang motorsiklo sa gilid ng kalsada sa ilalim ng malaking kahoy. 

“Sir, basang-basa na kayo ah!” sabi ni Mark na pasigaw dahil sa lakas ng ulan.

“Oo nga e, pero ok lang basta makarating tayo ng town” sagot ko naman, pasigaw din.

“Kung gusto nyo sir, mga 15 minutes na lang ay bahay ko na, susuungin nalang natin ang ulan at dun na tayo magpalipas ng paghinto neto” suggest ni Mark.

“Hindi ba delikado sa yo ang mag-drive na napakalakas ng ulan at maputik pa ang daan?”

“OK lang yon, Sir. Sanay na ako dito sa lugar na to. Ingat lang sa pag drive. Mas delikado kung dito tayo mag tambay dahil nasa lugar tayo na walang kabahayan at dinadaanan ito minsan ng mga NPA.” 

Mejo natakot ako sa sinabing yon ni Mark kaya wala akong choice, tinahas na namin ang ulan hanggang marating ang bahay niya, pareho kaming basang-basa.

Nasa gilid lang halos ng kalsada ang bahay nya. Pagkatapos iparada ang motorsiklo nya sa maliit na garahe, dali-dali kaming pumasok sa loob at kaagad sinidihan ang lamparang de gas. Yari sa kawayan lang ang bahay ni Mark at sa tingin koy wala pa itong isang taong gawa. Pulido ng pagkagawa nito at maaliwalas ang loob kahit iisa lang ang kwarto, kumbaga all-in-one. Nanjan na ang sala at sa gilid nito‎ higaan nya at sa dulo, kusina. 

“Pasensya na kayo, Sir sa bahay ko, mejo magulo.” Sabi nyang sabay hubad ng kanyang t-shirt, kumuha ng tuwalya at itinapis, hinubad ang pantalon at brief tsaka inilagay sa isang tabi. Tapos kumuha ng shorts at brief at isinuot na nakatalikod sa akin. Kumuha na rin sya ng extra shorts at t-shirt “Sir, palit muna kayo ng damit... sa tingin ko pareho lang tayo ng size. Sensya na hindi ko pweding maipahiram ang brief ko” sabay tawa ng malakas.

“Hahahaha! Marunong ka rin naman palang magbiro” ang sabi ko. “Kala ko hindi ka marunong tumawa eh, di joke lang...” sabay bawi. “OK lang sakin kahit walang brief... sanay ako jan, hehehe.” Sabi kong nakangiti. “Pero kung ipahiram mo ang brief mo sa akin, e di lalong mas OK” 

“Hahahaha!” sabay kaming tumawa. 

“Palabiro din pala kayo, Sir!” sabing ganun ni Mark. “Pero walang biro po, pwedi kong ipahiram sa inyo ang brief ko, promise!”

“Hahahahaha!” lalong lumakas ang tawa ko. “Hindi... biro lang talaga, ok na ako...” at nagpalit na rin ng damit. 

Parang may sundot sa akin na kung ano yung biro ni Mark na iyon. Pero hindi ko na lang din pinansin. Ang bumalot sa isipan ko sa mga sandaling yun ay baka nagwo-worry na sa akin ang mga naghintay sa akin. Gustuhin ko mang tumawag, walang signal. At habang lumalalim ang gabi ay walang hinto din ang pagbuhos ng ulan.

Napansin ni Mark ang biglang lungkot ng mukha ko sa kaiisip kung paano maka-uwi sa gabing iyon at sa mga naghihintay sa akin sa bahay. “Sir, mag-inuman na lang kaya tayo habang hinihintay natin ang paghinto ng ulan... may ‘tuba’ ako dito kung umiinom ka neto...” 

“Wala na yata akong choice Mark. Baka nga dito na lang din siguro ako magpapalipas ng gabi dahil sa gabing-gabi na at mukhang hindi na yata hihinto itong ulan. At kahit ihatid mo pa ako, delikado rin ang pagbalik mo. So, OK, inuman tayo. At pwedi ba, tawagin mo nalang akong Mike?”

Nagbukas si Mark ng sardinas at nag-inuman nga kami. At habang nag-iinuman, kwentuhan sa buhay-buhay. Marami din akong nalaman tungkol sa kanya gaya ng sya pala ang gumawa ng bahay nya na yun dahil pag-aari nila ang lupa at habang accessible sa trabaho nyang pagda-drive ng motorsiklo, nababantayan pa niya ang mga niyogan nila sa area na iyon. Nalaman ko din na ang bahay nila talaga ay nasa kabilang baranggay pa, at may 2 syang kapatid na lalaki at isang babae. Dating army din daw siya ngunit huminto na at ayaw ng girlfriend at mga magulang nya. Ilan lang yun sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Anyway, marami din akong nai-share sa kanya tungkol sa buhay-buhay ko...

Mag a-ala-una na ng madaling araw ng mejo lasing na kami at sumentro na ang usapan sa trabaho nyang “Habal-Habal”

“Mark, ano ang nararamdaman mo kapag may isang lalaking pasahero na nakaangkas sa likod mo mismo at bumubundol sa yu ang bukol nya, lalo na pag tinigasan yung tao?”

Ngumiti si Mark, “Normal lang yun, wala akong problema dun, lalaki, o babae. Basta ako, concentrate lang sa pag-drive. Pero ok... aaminin ko naapektuhan din ako minsan pag umaandar ang libog ng katawan, hehehe.”

“E, nung ako ang nasa likuran mo kangina at tinigasan ako, napapansin mo ba yun?” seryoso kong tanong.

“Hahaha! Oo naman. At alam ko rin na niyayakap ka nung nasa likod mo.” Sabi nyang nakangisi. 

“Talaga? napansin mo rin yun? Panu? 

“Ako pa... E, nadadampi din ang kamay nya sa likod ko eh!”

“E, anong nararamdaman mo... nung malaman mong may yumayakap na sa akin?”

“Yung totoo...?” tanong ni Mark.

“Syempre, yung totoo.”

“OK, yung totoo... tinitigasan din ako! HAHAHAHAHA!” sabay kaming nagtawanan ng malakas. 

“E, kung niyakap din pala kita nung time na yun papayag ka?” follow-up kong tanong.

“Hinihintay ko nga eh – joke! Pero, mas OK sana...” sagot nyang nakangisi. “Pero malamang gutay-gutay na ang mga buto natin dahil sa aksidente, hahahaha!” tawanan ulit...

“Game pala ang mokong na to!” sabi ko sa sarili. 

“Alam mo...” pahabol nya, “feeling ko lang ha – na gusto mo rin akong tsansingan, tama ba ako?” 

“Ha? Panu mo naman nasabi yan, tol... Kaw ha, OA ka.” tanong kung nag-iinosentehan.

“E, inilagay mo na ang mga kamay mo sa gilid ng lap ko, e. Kaso, nakarating na tayo sa destination natin.”

“Hindi ah, ano ka...” pabiro kong sabi na nangingiting napahiya. 

Pero sa totoo lang, gusto ko ng umamin. Maya-maya, tumahimik na ako, tinungga ang laman ng baso, tumagay pa ulit ng isa pa at ininum. Siguro nagtaka si Mark sa bigla kong pagtahimik at tiningnan ako. Pero nag-iinit na naman ang pakiramdam ko’t gusto kong maipalabas anu man yun sa sarili ko. Nilakasan ko na ang loob ko, tinitigan si Mark, ang mga mata ay mapupunay na sabay sabing, “Panu yan, e di... pareho pala tayong bitin?”

Hindi sumagot si Mark. Tahimik na yumuko, iniwasan ang titig ko at tinungga yung tagay nya at tumagay ulit. Mejo napahiya ako kaya’t hindi na rin ako umimik. 

Natahimik kami ng ilang sandali. Mistula naman akong binatukan at napaisip sa aking sinabi. At dahil sa hiya na hindi niya sinagot ang sinabi ko at pagparamdam na iyon, tomayo ako at nag-aalibi na lang na gusto ko nang matulog. 

Akma ko nang tumbukin sana ang higaan na hinanda niya noong bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko sabay sabing, “Sandali!” 

Napahinto ako at hinarap siya. Tinitigan niya ako at hinawakan ang mga balikat ko. “Akala ko ba pareho tayong bitin...?” 

Ewan ko, matindi ang kabog ng dibdib ko. Nakipagtitigan ako sa kanya at mayamaya, namalayan ko na lang na naglapat ang amng mga labi… 

Tila hindi na tumitigil ang ulan. Malakas ang hangin at napakalamig ng panahon. Ngunit sa loob ng bahay ni Mark, nag-uumapaw ang init ng aming katawan...

Mag-aalas-otso na ng umaga nung magising kami. Huminto na rin ang ulan at nagpapakita na ang haring araw. 

Nakaangkas na ako sa motor ni Mark upang ihatid nya na ako sa bahay ko. “Panu yan, Mark... mabibitin na naman tayo neto sa Habal-Habal mo” pabiro kong sabi habang nakaakap sa kanya.

“Walang problema... ituloy na lang natin ulit mamaya! At kung gusto mo, sa bahay mo naman.” 

At sabay kaming nagtawanan...

(End)

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP