Dreamer C6

Saturday, February 19, 2011

Chapter 6
Break-Up: Moving Out

“Julian! Please naman ayusin na natin ito.” tila pakiusap ni Benz kay Julian.
“Sorry Benz!” biting sagot ni Julian.
“Sorry for what?” tanong naman ni Benz na nagsimula nang makaramdam nang kakaibang kaba.
Nanatiling tahimik si Julian.
“Sorry for?” tanong ulit ni Benz kay Julian at naghihintay at umaasa sa isang positibong sagot.
“It’s over. It’s enough.” malungkot na wika ni Julian.
Nagulantang ang buong mundo ni Benz sa sinabing iyon ni Julian. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon na sa hinagap ay hindi niya nagawang maisip.
“Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ni Benz ka kita sa mga mata nito ang labis na sakit.
“Hindi sa ganuon Benz.” tila pagtutol ni Julian sa mga sinabing iyon ni Benz.
“Then, bakit mo ako iiwan? Bakit ka makikipaghiwalay?” wika ni Benz na nangingilid sa magkabilang mata ang mga luhang nais nang kumawala.
“May iba ka na?” tanong ulit ni Benz
“It’s not like that!” kontra ulit ni Julian.
“If not, then how come that you were breaking up with me?” agad na tanong ni Benz kay Julian na pinipilit magpakatatag at magpakapormal sa harapan ni Julian.
“I need some space Benz.” tila pakikiusap ni Julian.
“I will give you what you want but please, don’t break up with me.” pakiusap ni Benz.

“Sorry Benz! Hindi ko kayang makipagkumpetensiya sa trabaho mo! Hindi ko kayang isiping mas mahal mo pa ang trabaho mo kaysa sa akin.” wika ni Julian at saka kumawala ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob.
Nabigla si Benz sa sinabing iyon ni Julian. Huli na para pagsisihan niya ang nagawang kapabayaan sa taong minamahal niya. Huli na para ibalik ang mga nasayang na panahong mas pinili niya ang trabaho kaysa kay Julian at higit pa ay huli na para pagsisihang naging manhid siya at hindi nahalatang may kinikimkim na palang sama nang loob si Julian.
“Pero mahal mo pa naman ako di’ba?” pagbasag ni Benz sa katahimikan.
Nanatiling walang imik si Julian.
“Please, sagutin mo naman ako!” tila pakiusap ni Benz.
“Siguro, hindi lang talaga tayo ang para sa isa’t-isa.” wika ni Julian na pilit ang pagpapakalma sa sarili. “Oo, mahal kita at malamang ay hindi na ako makakakita pa nang isang kagaya mo. Pero nasisigurado ko namang hindi na ako masasaktan nang gaya sa nararamdaman ko tuwing ipinagpapalit mo ako sa ibang bagay.” tila pagtatapos ni Julian sa usapan at saka iniwanan si Benz na nag-iisa.
Gumuho man ang mundo ni Benz ay wala siyang ibang dapat gawin kung hindi buuin ang mundong ito. Nanatiling walang imik si Benz at minabuting dumiretso na lang pauwi upang duon ibuhos ang lahat ng sama nang loob at magplano nang buhay na wala nang Julian sa tabi niya. Sa kabilang banda naman ay umaasa pa din siyang panaginip ang lahat at kinabukasan paggising niya ay sila na ulit ni Julian, masayang magsasama.
Pinaharurot niya ang kotse sa gitna nang kalsada samantalang may isang taong biglang tawid ang ginawa na naging sanhi para sa biglaang preno ni Benz. Halos maumpog ang noo niya sa salamin nang kotse dahil sa lakas nang impact nang preno. Mabuti na lang din at may suot siyang seatbelt. Agad niyang binaba ang taong tumawid nang biglaan na ngayon ay nanginginig na sa takot.
“Anak na nang nanay mong magaling!” wika ni Benz pagkababa nang kotse.
Sa kabilang banda naman nang Pilipinas.
“Emil, pwede nang iuwi ang nanay mo.” masayang pagbabalita ni Mando sa inaanak.
“Talaga po ninong?” masayang sagot ni Emil.
“Naayos na nga lahat ng gamit niya. Babayaran na lang iyong bill natin dito.” tila nalungkot na wika ni Mang Mando.
“Bakit po bigla kayong nalungkot?” tanong ni Emil sa ninong niya.
“Naalala ko, wala nga pala tayong pambayad dito.” tila pagpapaalala ni Mang Mando kay Emil.
“Ako na po ang bahala Ninong!” sagot ni Emil. “Nag-withdraw na po sa bangko.” nakangiting sagot ni Emil na sa totoo lang ay inilabas na niya ang lahat ng pera niya sa bangko. Maging ang kinita niya sa LD at KNP ay ubos na.
“Choleng, halika na at umuwi na tayo.” aya ni Mando sa ina ni Emil.
“Halika na nga at ayoko na sa lugar na’to.” sagot ni Choleng.
“Nay!” nakangiting bati ni Emil mula sa likuran.
“Ikaw na naman!” sigaw ni Choleng sa anak.
“Nay naman!” wika ni Emil.
“Peste ka sa buhay ko! Ikaw ang malas sa buhay ko! Lahat nang kamalasan dinala mo sa akin!” wika ni Choleng sa anak.
“Pwede ba, huwag ka nang magpapakita sa akin!” tila gigil at galit n autos ni Choleng sa anak.
“Pero nay!” tila tututol pa si Emil sa winikang iyon nang ina.
“Walanghiya ka! Hindi kita anak at kahit bumaligtad ang mundo, hinding-hindi kita magiging anak.” sigaw pa ni Choleng.
“Nanay naman! Huwag naman ninyo akong ganituhin.” wika ni Emil sabay na niyakap ang ina.
“Punyeta ka!” buong lakas na tinulak ni Choleng si Emil palayo na naging sanhi para mapaupo ito sa sahig saka niya hinabulan nang isang malutong na sampal.
“Iyan ang bagay sa’yo! Huwag ka nang magpapakita sa akin.” wika pa ni Choleng.
Agad namang inawat ni Mando si Choleng at awa ang nararamdaman niya para sa inaanak.
“Sige na iuwi na ninyo si Choleng.” tila utos ni Mando sa mga anak niya at asawa na agad namang sinunod.
“Emil, pagpasensiyahan mo na ang nanay mo.” tila pagpapaumanhin ni Mando kay Emil.
“Wala iyon ninong.” nakangiting wika ni Emil. “Sanay na po ako na lagi na lang ganito ang inaabot ko.” naluluha pa ding wika ni Emil.
Mas masakit ang nararamdaman nang puso niya kaysa sa nararamdaman nang katawan niya. Mas masakit ang nasa puso niya sa isiping may ina man siya subalit hindi naman siya itinuturing na anak nito.
“Ang hindi ko lang po maintindihan ay bakit galit na galit sa akin si nanay?” tila pagtatanong nang kawawang si Emil sa ninong niya.
“May mga bagay na siya lang ang may karapatang magsabi.” tila pagtatapos ni Mando sa usapan nila.
“Ninong! Sobrang sakit na!” biglang naibulalas ni Emil. “Minsan naiisip kong tama na! Nakakasawa na din na paulit-ulit akong nasasaktan, pero hindi ko magawa, kasi ina ko pa din siya. At ang alam ko lang, anak akong nasasaktan pero nagmamahal.” wika pa ni Emil.
“Hijo! Darating din ang araw na matatanggap ka nang nanay mo.” tila pagpapakalma ni Mando kay Emil. “O siya, sa bahay ka na muna umuwi at iwasan mo muna ang nanay mo.” tila pagwawakas ni Mando sa usapan nilang mag-ninong.
Pinili ni Emil na magpahangin muna sandali sa labas at magpalipas nang sakit na nararamdaman niya. Hawak niya ang tanging larawan niya nuong bata kung saan kasama niya ang ina habang karga siya nito at ang kanyang ama na burado na ang mukha sa ayon sa ninong niya ay ang nanay niya ang bumura duon nang iwanan sila nito.
Hindi niya namamalayan ay tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Ang larawang hawak ay biglang tinangay nang hangin. Agad niyang hinabol ito at walang pag-aalinlangang tinawid ang kabilang daan. Napahinto siya sa gitna nang kalsada nang makitang may kotseng papasalubong na sa kanya at sa takot ay hindi niya magawang maikilos ang buong katawan. Panlalamig ang tangi niyang nadarama sa sitwasyong hibla na lamang nang buhok ang layo nang kotse ay malamang na tumilampon na siya palayo.
“Anak na nang nanay mong magaling!” wika ng lalaki pagkababa nang kotse.
“Emil.” sambit pa nang lalaki na si Benz pala.
Nawala ang inis, asar at galit na nadarama ni Benz. Naawa siya sa anyo ni Emil. Ang mga mata nitong basa nang luha at ang ekspresyon nitong tila tinatanggap na ang kamatayan. May damdaming umusbong sa kanya at nagnanais na damayan ang kaawa-awang itsura ni Emil.
“Anung nangyari sa’yo?” tanong ni Benz kay Emil.
Nanatiling walang sagot mula sa binatang scriptwriter.
Inalalayan naman ni Benz si Emil paalis sa kinalalagyan nito at maingat na isinakay sa kanyang kotse.
“Halika na, sumabay ka na sa akin.” anyaya pa ng binatang direktor kay Emil kahit hindi niya alam kung saan ito pupunta.
Nabalot nang katahimikan ang dalawa. Ang anyo ni Emil ay nanatiling walang imik at nababalot nang matinding kalungkutan. Samantalang ang problema sa pag-ibig ni Benz ay panandalian niyang nakalimutan dahil sa presensiya ni Emil at sa pagnanais niyang malaman ang dahilan at ang kwento nito.
“Emil!” simula ni Benz sa usapan.
Agad naming napalingon si Emil sa gawi na iyon ni Benz bilang pagtugon sa tawag sa kanya nang binata.
“Ano bang nangyari sa’yo?” nag-aalalang wika pa ni Benz.
Isang matipid na ngiti lamang ang tinugon ni Emil dito. Matagal din bago muling magsalita si Benz, batid niyang wala siyang makukuhang sagot mula sa binata kayat siya na lamang ang nagkwento dito.
“Alam mo bang broken hearted ako ngayon?” simula ni Benz. “Ikaw ang dahilan.” pahabol pa nito.
“Stupid! Stupid! Stupid!” wika ni Benz sa sarili. “Baka kung ano ang isipin ni Emil.” pangaral pa niya sa sarili.
“It’s not like what you think!” agad niyang bawi sa sinabi.
Nanatiling blanko ang anyo ni Emil at nagpatuloy si Benz sa pagkukwento.
“Sa galing kasi ng KNP nagdoble kayod ako sa LD para matalo kayo. Ayun, nawalan ako ng oras para sa kanya.” nalulungkot na wika ni Benz.
“Aba at ako pa ang sinisisi mo!” nais sanang maibulalas ni Emil subalit mas matimbang pa din sa kanya ang sakit na dulot nang ina.
“Ikaw naman ang magkwento!” tila pakiusap ni Benz kay Emil na umaasang magbubukas din ito sa kanya.
“Ang daya mo naman, nagkwento ako, tapos ikaw hindi.” may lambing sa tinig na wika ni Benz.
“Bakit sino bang may sabing magkwento ka?!” wika ni Emil kay Benz.
“Aba! Ako na nga itong concern sa’yo, ikaw pa ang nagagalit ngayon!” tila naasar na wika ni Benz kay Emil.
“Kasi naman napakakulit mo!” sagot pa ni Emil. “Magkukwento ako kung gusto ko!” habol pa niya. Sa totoo lang ay hindi pa siya handa para magkwento kay Benz at higit pa ay ayaw niyang makaramdam nang awa para sa kanya ang direktor.
“Sorry na!” wika ni Benz sabay hawak sa mga kamay ni Emil. Tila nabago na naman ang mood ni Benz at muli itong naging malambing para kay Emil.
Bumilis ang tibok ng puso ni Emil sa ginawang iyon ni Benz. Napagaan nang mga palad na iyon ang nararamdaman niyang lungkot. Ang kakaibang init na ibinibigay nang palad na iyon ay sapat na para tunawin ang yelong bumabalot sa kanyang puso na nagbibigay kirot sa sawi niyang puso.
“Tell me your story when you’re ready.” maamong wika ni Benz kay Emil.
Muling nanatiling tahimik ang pagitan nang dalawa.
“Emil! Alam kong mali, pero sa tingin ko minamahal na kita!” wika ni Benz sa sarili.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP