Chapter 8 to 9 : Unbroken

Friday, February 4, 2011

“Unbroken 8”
Say Goodbye
“Words are like scissors in your hands.”
~Katharine Mcphee,SAY GOODBYE~


Nagitla ako sa aking nabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos. Magiging masaya ba ko para sa kanya at sa bago nya? Magiging bitter ba ko dahil ako dapat ang kasama nya sa States?Ano ba dapat kong maramdaman. Again,Unlimited Luha na naman. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayayri. Si Daniel pupunta sa States? Bakit? Anong aayusin nya? Teka. Ano ba to? Bakit pa nya ko kailangan itext at may pa “HON-HON” pa? Bakit pa ba ko naapektuhan? Bakit pa ba ko umiiyak? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Di ko namalayan na hikbi na pala ako ng hikbi na parang batang nawalan ng laruan. Talunan na talunan. Durog na durog.

Dali dali naman akong kinomfort ng naalimpungatang si Pixel.


“Uyy? Best? Hala? Bakit ka umiiyak hala?”natatarantang sabi nito


“Best.” At muli na naman akong bumigay.


Sumubsob ako sa kanyang dibdib na parang bata. Yinakap ako ng mahigpit ng aking matalik na kaibigan. Isang yakap na alam king kailangan ko as of the moment. Patuloy pa din ako sa paghagulol habang patuloy nya akong tinatanong kung anong nangyari. Marahil sya din ay nagtataka na ng husto sa mga nangyayari. Patuloy ako sa pagluha ng bigla nyang kong hinarap sa kanya. Tumitig sya sa aking mga mata at nagwika.



“Best,sino ba ang nagtext? Bakit ganyan ka nalang kung umiyak?”


Tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang binaha na rin ng luha ang aking utak.
Ang alam ko lang ay sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang dalawang araw na nakaraan ay ang mga pinakamasasakit na araw sa buhay bakla ko. Bakit pa ba kasi ako naging bakla? Bakit ako pa?Bakit?


Natulala ako. Tila huminto ang mundo ko ng nagsink-in sa akin na ang lalaking kinabaliwan ko ay aalis na. Hindi ko alam kung babalik pa ba sya o hindi na. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo. May bago na daw sya,pero ngayon pupunta sya ng states para ayusin daw ang alin? Ano ba? Di ko maintindihan. Hirap akong huminga. Parang masyado ng gasgas yung puso ko. Ayoko na.


“Best. Nagtext si Daniel.” sagot ko kay Pixel. Mahina. Pabulong. Umiiyak.


“Ano sabi?”sagot nito na may halong pagtataka


“Pupunta na daw sya ng States. 3:OO A.M.”


“Ha? Bakit daw?”sagot nito.


“May aayusin daw na bagay.”sagot nito.


“Ano naman?”


“Ewan ko best. Naguguluhan ako.”


“Teka,ako din naguguluhan?”sagot ni Pixel


“Bakit best? Dahil ba sa pupunta na sya ng States?”


“Oo. Weird. Ang bilis nya makapagbook ng flight? Di mo ba naisip yun?”sagot ni Pixel.


Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung naiintindihan ako ni Pixel ngayon. Parang kinalawang din ang utak nya. Bakit pa namin iisipin ang flight? Hindi ba nya matumbok ang punto ko? Na nasasaktan ako sa mga nangyayari? Tanga ba sya? Gago? Inutil? WTF.


“Best,hindi mo ko magets.” sabi ko


“Ako din. Pero tignan mo mabuti best ha? Kailan kayo naghiwalay?”


“Huh? Bakit?” Sagot ko. Nagtataka.


“Basta.” sagot nya na parang isang imbestigador.


“Kahapon.” mapait kong sagot.


“WTF? Kahapon? Sobrang hirap magbook ng flight pag ganitong peak season best! Kaya impossible na makakuha sya agad ng tickets. I tried to book a ticket for my aunt sa states. Pero kahit anong klaseng plane or seat wala na.” paliwanag nito habang nakatitig sa akin.


“Anong ibig mong sabihin best?” sabi kong bigla. Nataranta. Nagtaka.


“Hindi kaya planado best?” sagot nya.


“What do you mean na planado?” sagot kong naiiyak.


“I mean ewan. Di ba sabi mo naghiwalay kayo kahapon? Tapos ngayon nagtext sya na aalis sya ng
3A.M ngayon? Nagpabook ako kanina wala na. Fully booked lahat. So hindi possible na ngayon siya kumuha? Tapos kahapon kayo naghiwalay? Umamin sya na may iba na sya.” sabi nito


“What do you mean?” napataas ang aking boses sa pagkalito.


“Kailangan may sigaw? Kaloka. Read between the lines.” sarkastiko nitong sagot.


“WTF! Best! Di na ako makapagisip. Wag mo na akong lituhin pa. Get straight to the point. Please?” pagsusumamo ko. Litong lito.


“It means na dati ka pa nya niloloko. I mean nagcontinue pa rin yung relationship nyo kahit may iba na sya. It means na iniiuputan ka na nya sa ulo mula pa noon.” sabi ni Pixel. Halatang may bahid ng inis sa kanyang mga salita.


Tahmik. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Magagalit ba ko? Iiyak? Maaawa ba ko sa sarili ko? Ano ba? Naghalo halo na lahat. Galit. Awa. Heartache. Self pity. In short,sobrang miserable. Disoriented. Basag.


Nanginginig ako sa realisasyong tumama sa ulo ko. Tama si Pixel,mahirap magbook pag peak season. So imposible nga na makaalis sya ng basta basta,dapat nakapagbook sya ng may allowance ng 1 o 2 months. Napansin ko din before na nagiging cold sya,pero work ang lagi nyang excuse. Inintindi ko lahat dahil may tiwala ako sa kanya. Akala ko hindi nya magagawa,pero ngayon,
nauntog na ako. Ginago ako ni Daniel,mahal nya ko? Gago ba sya? Kung mahal nya ako bakit nakuha nya kong gaguhin? Kung mahal nya ko bakit nya ko pinagpalit sa kung sinong Pilato?
Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha. Luhang dala ng galit na dala ng kanyang pagtataksil. Luhang dala ng sakit na iniwan nya sa aking pagkatao. Luhang dala ng awang nararamdaman ko sa aking sarili. After all,after being a good and loving man,this is all I've got.


FUCK.


Mula sa pagkakaupo sa kama ay biglang umandar muli ang aking binahang utak. Agad agad akong tumayo. Binuksan ang ilaw at tumayo para kumuha ng damit sa cabinet. Pinagmasdan ako ng aking matalik na kaibigan. Halatang lito sa mga nangyayari,hindi na nya nagawang magtanong at kumuha na rin sya ng damit para makapagpalit. Naging mabilis ang mga sumunod na nangyari. Agad kong hinubad ang kwintas na bigay sa akin ni Daniel. Hinanap ang kahon at iniligay ito. Ibabalik ko ang kwintas. Ipapalamon ko to sa kanya. Hayop. Pinatay nya ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Naging masamang bf ba ko? As far as I know hindi. Hinding Hindi. Kaya hindi ko maintindihan.
At mukhang di ko maiintindihan talaga. Mula sa pagiging basahan ay nakaramdam ako ng galit sa aking puso. At dapat marelease ko to. Dapat kong magantihan si Daniel sa sakit na nararamdaman ko. Dapat. Maghanda sya.


Tamang gayak. Itim na polo shirt at pants na maong. Sapatos and I'm ready to go. Kinuha ko ang wallet ko at akmang papalabas na ng pinto ng biglang:


“Best,san ka ba pupunta?” sagot ni Pixel,nagmamadali kumilos.


“Wag ka na magtanong. Aalis na ako.” sabi ko.


“Uyyy! Best! Sasama ako!” sigaw ni Pixel.


“Ha? Bakit? Sige Sige! Bilisan mo!” sagot kong natataranta


“Oo. Wait wait. Magbabra lang ako best!”nagmamadali nitong turan.


“Wag ka sisilip.” dugtong pa nito.


“Ulol. Di ako titigasan sayo.” sabi ko. Irritado.


Mabilis ang mga sumunod na eksena. Nakarating kami sa labas ng bahay. Nagabang ng taxi. Mga 15 minutes kaming nagantay pero wala pa din. Umaasa ako na may taxi na dadaan sa subdivision sa gitna ng gabi. Naaligaga ako. Paano na? Buti nalang at mautak si Pixel.


“Best,lightyears tayo bago makasakay ng taxi dito. Kung lakad na tayo papunta sa gate? Marami na taxi dun? Game?”sabi nito.


“Ahh. Oo nga. Biruin mo umaandar pala utak mo paminsan minsan Pixel?” nangaasar kong sabi.


“Gago!” sabay palo sa aking braso.


Mabilis naming nilakad takbo hanggang sa gate ng subdivision. Sa dulo pa ng subdivision ang aming bahay kaya malayo layo ito. Wala akong pakialam sa pagod kahit wala pa kong tulog ng magdamag,ang alam ko lang ay dapat makita ko sya at kahit masuntok man lang kahit sa huling pagkakataon. After all he deserves everything. He's a two-timer and a jerk. How I wish I can shoot him down.


Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng may dumating na isang Itim na expedition ang pasalubong. Hindi ko ito pinansin dahil wala naman itong maitutulong sa amin. Nagfocus ako sa paglakad ng biglang kinalabit ako ni Pixel. Hindi ko sya gustong pansinin ng biglang bumusina ng bumisina ang driver ng Itim na Ford Expedition. Nairita ako at biglang lumingon kung sino man ang driver ng magarang sasakyan na ito.


Mula sa itim na magarang sasakyan ay nanatili kaming nakatulala ni Pixel. Para kaming mga bata na nagaantay mabuksan ang regalo sa Pasko. Bumukas ang pinto at inabangan ang taong lalabas dito. Madilim na ang paligid kaya hirap akong makita kung sino ang bababa. Natahimik si Pixel ng makababa ang nasa sasakyan. Dahan dahan itong nagtago sa likod ko na parang batang natatakot pag papaluin na nga nanay. Hindi ko maaninag ang bumaba dahil medyo may kadiliman na,kahit suot ko ang salamin na bigay ni Carlos ay kulang pa din ito.


Dahan dahan lumapit ang bumaba sa Ford Expedition. Tila kilala ko ito, Ang pabango,ang tindig at ang hugis ng mukha. Si Carlos. Bumilis ang tibok ng aking puso. Kinabahan na kinilig na parang matatae. Unexplainable. Kakakaba.


“Anong oras na FR,san pa kayo pupunta ni Pixel?” malambing na tanong ni Carlos.


“Ha? Ahh. Ahhh. Wala.” natataranta kong sagot.


“Ha? Ano best? Kala ko ba may pupuntahan tayo? Pinagbra mo pa ako wala naman pala. Ano ba yan?” naiiritang sagot ni Pixel.


“FR? Okay ka lang? Ano ba nangyayari? Saan ba kayo pupunta? Pwede ko kayo ihatid.” offer ni Carlos.


“Haaa?? Ano ba?” natataranta kong sagot.


“Sige Carlos sasakay na kami. Pagkapasok namin ng kotse saka sasabihin ni FR kung saan tayo gogora. Go!”.


Bigla akong hinatak ni Pixel papasok sa loob ng kotse. At si Carlos naman,kahit mukhang takang-taka sa nangyari ay hindi na nagtanong. Agad agad na sumakay sa kotse at pinaandar ang makina.
Sa tabi ng driver's seat ako samantalang sa likod naman pumwesto si Pixel. Agad na pinaharurot ni Carlos ang sasakyan. Nanatili akong tahimik. Ganoon din si Pixel. Pinindot ni Carlos ang play button sa gitna namin at tumugtog ang isang medyo klasikal na awitin. I never thought na mahilig pala sya sa klasikal na mga awitin. Relaxing. Naramdaman kong kumalma ang aking sarili. Pero alam ko mamaya naman ay puro tensyon na ang emosyong dadaloy sa mga ugat ko.


“FR. San ba tayo pupunta?” biglang sabat ni Pixel.


“Ha? I almost forgot. Sa Airport.”


“Airport? Kakagaling ko lang halos dun.”sagot ni Carlos.


“Nice. Coincidence?” sabat ni Pixel.


“Hindi. May hinatid lang na kakilala.” sagot ni Carlos.


“E di coincidence nga po Papa Carlos?” sabay tawa.


Napuno ng tawa ang sasakyan. Naging okay naman ang rapport nila Carlos at Pixel. So far naging okay naman ang pagtrato ni Pixel kay Carlos at ganun din naman si Carlos sa kanya. Gumaan kahit papano ay naging okay na sila. Akala ko magkakaroon ng tensyon dahilan sa ginawa ni Pixel na pangtitrip kay Carlos. Buti naman wala.


1:15A.M


Trapik sa may Ayala. May banggaan ng trak at isang private car. Natrapik kami. Hindi ko na alam kung anong aabutan ko sa airport. My heart starts pounding so fast. Nanghihina ako na hindi ko mapaliwanag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.


“Kung kailan tayo may hinahabol.tsaka pa nagkakaganito. Pag nagmamadali ka napapansin mo bang lalong bumabagal ang paggalaw ng mga tao? Ano na ba to.” sabi ni Carlos.


“Tama.” sabi ni Pixel.


“Aabot pa naman siguro ako? 3A.M pa naman diba?” naluluha kong sabi.


“Oo naman.” sabi ni Carlos sabay bitaw ng isang nakakahawang ngiti.


At nilagay nya ang kanyang kamay sa aking mga binti. Bawat dikit ng balat nya sa aking katawan ay nagdudulot ng isang kakaibang pakiramdam. With his touch,I can really sense fulfillment and peace. Hope this never ends.


1:20 A.M.


Wala pa din galaw ang mga sasakyan.


1:30 A.M


Wala pa ding galaw. May dumating na Tow Truck. Ambulance at Police para sa location.



1:50A.M


Atlast,nagawaan ng paraan ng mga estupidong pulis ang problema. Naiusod ang private car sa gilid na naging daan para magkaroon ng passage ang mga sasakyang pasouthbound kahit na isang linya lang. Mahahabol ko pa to. Kung sa basketball nga 2 minutes nananalo pa ang dehado,sa higit isang oras pa kaya?


2:15 A.M


AIRPORT. Nakarating ng airport na matiwasay. 45 minutes ang kailangan ko para makapasok sa loob. I mean,para makita sya at makausap. Para masuntok. Para mabigwasan man lang mukha nya for the last time. Please.


“Best,tara na. Go go go na tayo. Lumilipad na oras.” sabi ni Pixel.


“You stay here best,I will do it on my own.” sabi ko.


“Sure ka?” sabat ni Carlos.


“Sasama na ako best,wag mo ko iwan. Baka magquickie kami ni Carlos sa car sige ka.” sabi ni Pixel


“Adik. Ano ka ba? Kaya ko to,wag kayo magalala sa akin.”sagot ko. Nagmamagaling.


“Eh paano ka makakapasok wala ka ID? Wala ka din dalang passport? Wala ka ding ticket.” sabat ni Pixel.


“FUCK. I Forgot. No way na makapasok ako at makita sya.” maiiyak iyak kong sagot.


Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang aking mga plano. Wala na ang plano kong pagsuntok sa mukha ni Daniel. Wala ding chance para makaganti ako. Wala na din pagkakataon para mailabas ko lahat ng galit ko sa kanya. I feel so hopeless. Hindi ko napigilang hindi magbuntong-hininga. Kasabay nito ang pagpatak ng isang mainit na luha.


“This is hopeless.” sabi kong mahina.


“No,it's not. We will find a way.” mahinahong sabi ni Carlos.


“Di ko na alam,ano na ba gagawin ko?” nalulungkot kong tanong.


“Hindi ako papayag best. Dapat makapasok ka sa loob. Pinagbra mo ako sa dis-oras ng gabi? Tumakbo ako sa subdivision para makakita ng taxi habang nakaheels?Pinagleggins mo ako at T-Back?Hindi ako papayag,tara na.  Makikita ng mga guard.” matalim na sagot ni Pixel.


Natawa ako sa narinig. Bigla akong nabuhayan. May kasama akong drama queen. I think it's going to be fun. Agad kaming bumaba ni Pixel sa sasakyan. Agad na tinungo ang entrance at nagkunwari na mga pasahero. Bigla ngumiti si Pixel at kumindat. Alam kong malapit na magsimula ang palabas.


“Ganito,lilituhin ko yung mga guard,tapos derecho pasok ka ha? Tapos babalik na ko sa caroo? Bet?” sabi ni Pixel.


“Paano?”


“Basta. Dumerecho ka lang,pag tinanong ka na tsaka ako eeksena. Tapos gawan mo ng paraan para di ka mapunang nakapasok. Gets?” sabi nito.


Kinabahan ako. Hindi ko alam kung masasakote kami o hindi. Bahala na.


Agad agad akong lumapit sa mga guard. 2 ang nasa may main entrance. Nakadistansya sa akin si Pixel. Halatang nagaabang ng tamang timing. Agad akong nagtaas ng kamay for body frisking. Nang magtatanong na ang guard na nasa kanan kung nasaan ang ID at passport ko ay bigla nang umeksena si Pixel.


Tumakbo itong humahangos at umiiyak. Sumigaw ito agad sa guard ng:


“TULONG MANONG GUARD,may humablot ng bag ko kuya,nakamotor po dalawa kuya,tapos yung isa tinutukan pa ako ng baril kuya. Super takot ako,tapos yung isa hinipo pa yung boobs ko kuya.”sabi nitong direderecho at umiiyak. Pangfamas talaga. Napangisi ako. Mahusay talaga si Pixel.


Nabunton sa kanya ang attensyon ng dalawang lalaking guard at ng mga taong mangilan-ngilan sa may entrance. Agad lumapit ang dalawang guard sa kanya at halatang nabatobalani sa kinis at ganda nya. Nakalimutan nila ang duty nila kaya ako naman ay agad agad na nakapasok sa loob ng airport.


2:20 A.M.


Sa loob na ng Airport. Takbo FR. Takbo. May 40 minutes pa bago ang Take off.



2:30 A.M.


I'm getting hopeless. Walang dumadating sa lobby na anino ni Daniel. Paano na ako? Hindi kaya nasa loob na sila? Images are running through my mind. Paano na ako? Uuwi nalang ba ako?
Mawawala nalang lahat? Paano na? Napayukyok ako dala na rin ng pagod at depression. Hindi ko na alam. Tears are running endless now. Ayoko na. Fuck. Napaupo ako sa upuan sa lobby. Salo ng kamay ang aking lumuluhang mga mata. Patuloy lang ako sa pagluha ng makaramdam ako ng ibang
presensya. May taong lumapit sa akin.


“Panyo oh? Okay ka lang?” sabi ng isang babaeng nakaitim,maganda ito at buntis.


“Ha?Yeah, Salamat!” sabi ko. Ngumiti ng pilit.


“Sure ha?” sabi nito at biglang ngumiti ng maganda.


Pantay pantay ang kanyang mga ngipin. May pagkakahawi sya kay Carla Abellana. Malaki ang similarity. Mas matangos nga lang ang ilong ng babaeng ito. Umupo sya sa tabi ko,at dahan dahan kong nalanghap ang kanyang Ferregamo na pabango. It was very soothing.


“May inaantay ka?” tanong nya sa akin.


“May inaabangan lang.” sabi ko naman.


“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. Btw,ako si Ivy.”sabay abot ng kanyang kamay.


“Ahh nice name. I'm FR.” sabay ngiti.


Magkaharap kaming nagkamay ni Ivy. Ngumiti ito ganun din naman ako. Yumuko ito tanda ng pamamaalam nang nang makita nya ang tao sa likod ko. Dahan dahan akong humarap at nanlaki ang aking mata sa nakita. Agad na lumapit si Ivy sa lalaki. Nagbeso. Yumakap ng mahigpit. Inakbayan ng lalaki si Ivy. Halatang masayang masaya sila. Napako ako sa kinatatayuan. Lumuha ang nanlaking mga mata. Nakita ako ng lalaki at napahinto ito sa paglakad. Di ko mawari ang expression sa kanyang mga mata. Gulat sya na ako'y kanyang nakita.


“Grabe ka,nauna pa ako sayo ah.” sabi ni Ivy sa lalaki.


Tahimik. Walang imik ang lalaki. Nagtutuos sa titigan ang aming mga mata. Ako na lumuluha,sya na hindi malaman ang reaksyon. Umakbay sya kay Ivy habang nakatitig sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig ang tuhod ko. Parang nawala lahat ng plano kong gawin pag nakita ko sya. Pero dapat. Huminga ako ng malalim. Pinahid ang aking luha at lumapit sa kanila.


“Ivy,it was nice meeting you. Hopefully maging okay ang baby at ang delivery.” sabi ko kay Ivy.


Nagulat ang lalaki at tumingi kay Ivy. Marahil ay nagtataka kung paano kami nagkakilala.


“Salamat FR ha? Don't worry. Magiging okay lahat yan. Wag ka na sad ah?” sabi nitong malambing.

“Oo Ivy. Salamat.” sabi ko.


Lumapit ako sa lalaking kasama ni Ivy. Marahil si Ivy ay nagtataka. Pero ito na ang pagkakataon ko.


“Daniel,ibabalik ko lang tong kwintas na binigay mo sa akin.” sabi ko. Nangangatal.


“FR,you don't have to.”


“Nagets ko na lahat. Maraming salamat sa panloloko. Wala kang kwenta.” sabi kong nangigigil.


“It's not what you think FR.” sabi ni Daniel. Defensive ang tono.


“Well that's the way it goes Daniel. Ginago mo ako!”sigaw ko sa kanya


“I never fooled you FR!”


“You never fooled me? Well that explains my point.” sabi ko sabay turo sa tiyan ni Ivy.


“Let me explain FR!” matigas na sabi ni Daniel.


Wala akong narinig. Bingi ako. Dali dali akong umalis sa harapan nila. Pakiramdam ko nagawa ko ang gusto ko kaya sobrang saya ako. Nasabi ko sa kanya na wala syang kwenta at isa syang gago, Pero kulang pa. Pabalikwas na ako ng bigla akong hinawakan ni Daniel ang braso ko. Matigas at mapusok.


“Let me go!” sigaw ko kay Daniel.


“I will explain.” sigaw nya sa akin.


Pagkabitaw nya ng mga salitang iyon ay biglang lumipad ang aking palad sa kanyang pisngi.


“Paaakkkkk!!!!”


Malutong at solid ang pagkakatama ng palad ko sa kanyang pisngi. Binuhos ko lahat ng galit ko sa sampal na yon. I felt relieved. Narelease ko lahat ng galit ko sa kanya. Pero alam ko kulang pa kumpara sa lahat ng ginawa nya sa akin.


“Kulang pa yan sa lahat ng sakit na dinala mo sa akin.” nangigigil kong sabi.


“Di lang ikaw ang nasasaktan FR!” bulyaw ni Daniel sabay patak ng luha sa mga mata nito.


“Fuck you Daniel! I wish you the worst!” sigaw ko.


Bigla na kong nagwalk out. I felt so strong. Nagawa ko ang dapat kong gawin. Nasaktan ko sya.
May lumabas na ngiti sa aking mga labi. Masaya ako sa ginawa ko. Pero habang nilalakad ko ang pasilyo palabas ng airport,naramdaman ko na pumatak ang aking mga luha. Pero bakit pa?
Mahal ko pa rin sya. Yun nga. Mahal ko pa din si Daniel. Kahit gaano kalakas na sampal pa ang ibigay ko sa kanya,mahal ko pa din sya. Hindi ko na maiaalis ang katotohanan na ang lalaking nanakit sa akin ng sobra ay ang lalaki pa ding nilalaman ng aking puso.


Tama si Pixel. Malinaw na lahat. Nakipaghiwalay si Daniel sa akin dahil kay Ivy, Nabuntis nya ito at lilipad na sila papunta ng States para magawa ng sarili nilang pamilya. So matagal na din pala talaga akong ginagago ni Daniel. Sobrang tagal na. Ang tagal kong naging tanga.


Ayoko na. Hindi ko na alam gagawin ko.


Nakalabas ako ng airport ng nakayuko. Parang batang natalo sa pakikipaglaro ng POGS sa ibang bata. Tuloy tuloy ang pagluha ng maramdaman ko ang yakap na pamilyar sa akin. Tumama ang aking katawan sa katawan nya. Sinalo ng mga bisig nya ang puso kong lupaypay. Muli,nakaramdam ako ng kapayapaan sa kanyang presensya.


“Ayoko na.” sabi ko,nanghihina. Umiiyak.


“Nandito na ako,di kita iiwan.” sabi ng lalaki.


“Salamat Carlos.”


ITUTULOY...


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

“Unbroken 9”
Thinking of you
“In your eyes,I'd like to stay.”
-Katy Perry,Thinking of You



At isang yakap nga ang nagpakalma ng aking naghuhulagpos na emosyon. Luhaan,sugatan,di mapakinabangan. Those words explain everything.

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Everything seemed normal. Everything seemed fine. Madami na din nagbago. Masakit ang nakaraan pero siguro nakapamove on na ako. Naging mahirap sa umpisa,pero kinaya ko naman din. Lahat ng sakit ay sinubukan kong kalimutan. Tinapon ko lahat ng negativity na dinala sa akin ni Daniel. Mahirap pero dapat. Mahirap pero kinaya ko. Narealize ko kung gaano pala ko katatag,tinuloy ko ang buhay ko from the point na akala ko ay wala na lahat. Kinaya ko.


Naayos ko na ang buhay ko. Bumalik na sa dati. Balik trabaho. Balik sa pagiipon at sa kung ano-anong sideline. Ginawa kong abala ang sarili ko. Ginawang araw ang gabi para sa trabaho, Sinasabi nga nila na daig ko pa daw si Curacha sa mga sideline. Sa tatlong taon na yon,nabigyan ako ng pagkakataon na magipon ng husto at makakuha ng sariling bahay. Naging preoccupied ako sa trabaho. Naging alipin ng pagtatrabaho na nagbunga naman, Tama nga yung narinig ko sa TV,kung sa pera ka magiinvest tutubo yan,kung sa lalaki? Wala, Heart ache.


Malamig na ang simoy ng hangin. Dala na rin siguro ng nalalapit na Pasko. Naisipan kong umuwi ng maaga ngayon para umuwi sa bahay nila Mama. Tinawagan nya ako dahil daw nagluto sya ng sinigang na baboy. Ano bang meron? Anniversary ba nila ni Papa? Hay. Ano ba to? Sarili kong pamilya di ko na nakikita dahil sa trabaho ko. Ganyan ako naging kaworkaholic.


6:30 P.M.


Bumaba na ako mula sa 11th floor ng Raffles Bldg. Sa may Ortigas. Salamat naman at wala akong nakasabay sa elevator. Medyo natatakot kasi ako kapag nagiging crowded na sa elevator. Hindi ko malaman kung “Claustrophobic” ba ako or talaga lang maarte. Anything goes. Mabilis kong narating ang ground floor at kaagad akong lumabas ng building. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
Ilang steps din ang hinakbang ko bago makalapag sa kalsada. Naglalakad na ako papunta sa sakayan
ng bus sa may Galleria ng biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.


“Hoy Gwapong nakablack! Sakay ka na!” sigaw nito sa akin. Nakangiti.


“Sorry! Di ako cheap!” sigaw ko pabiro.


“Dali na,magkano ba?” sabi nito pabiro.


“Magkano ba kaya mo?” balik kong sagot.


Pinagtitingan kami ng mga tao pero para lang kaming mga ewan na nagagaguhan sa kalsada. Matatamis na mga ngiti ang aming palitan. Magaan ang pakiramdam na may isang taong nandiyan lagi para sayo. Masayang isipin na mayroong isang nagtyaga sa akin lalo na nung mga panahong tinalikuran ako ng lahat. May isang nagantay ng tamang panahon para maibalik ko ang dati kong sarili. May isang taong nagmahal sa akin sa paraang alam nya at sa paraang tanggap ko. He's loving me for me. Unconditionally. And I felt so alive.


Agad akong sumakay sa sasakyan. Tumabi agad sa driver's seat. Umupo na parang kamaganak na sobrang at home sa magarang sasakyan na ito. Agad kong sinandal ang likod sa upuan at nagbuntong-hininga.


“Whew. Kapagod. Lakas toyo ka din no? Di ka man lang nagpasabi na susunduin mo ko?” sabi ko.


“Kailan ba ko nagpasabi na susunduin kita?” Pabiro nyang tanong.


“Oo nga naman. Lagi ka palang sumusulpot nalang. Hehe.”sabi ko.


Sinara na nya agad ang bintang at pinaandar ang sasakyan. Tinted naman ito kaya okay lang. Di masyado aninag kung may gawin man kaming kalokohan. Tuwing nagdadrive sya ay palaging seryoso ang mukha nya,marahil na rin siguro sa mata nya. Lagi syang nakasalamin dahil gaya ko,medyo malabo na din ang mata nya. Papalabas na ng Rob Galleria,kakanan na kami sa may tapat ng 7eleven sa may AIC. Nagkaroon ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan. Umangat ako sa upuan at lumapit sa kanya sya'y humarap sa kanya.


“Uy umayos ka nga,baka mauntog ka FR.” sabi nitong punong-puno ng concern.


“Okay lang yun,bukol lang naman kung sakali to Carlos.” sabay ngiti ng pilyo.


“Ah.. Teka para san yang ngiting yan...?”sabay ngiti.


Mula sa ganung posisyon ay hinarap ko ang kanyang mukha sa akin. Dali dali kong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagdampi nito ay naramdaman ko muli ang fulfilling sensation na tila nakakahypnotize. I can't stop wanting him. I can't. And I don't want to stop wanting this man.
Tumagal ang pagtatama ng aming mga labi ng ilang segundo. Bumalik ako sa upuan at muling inayos ang aking sarili. Lumitaw ang ngiti sa aking labi at ako'y napabuntong hininga. Tila napansin ito ni Carlos.


“Buntong hininga na naman? Something's wrong? Or nadala ka ng kiss?” pabiro nitong sabi.


“Adik. Pero seriously,namiss kita.” sabi ko. Naramdaman kong nagblush ang mukha ko after kong umamin na namiss ko sya. Ang weird. Siguro natakot na ko magexpress ng feelings. Kaya naging unusual sa akin nung sinabi ko yun sa kanya.


“Wow. Salamat!”sabi nito na namumula.


“Ang cute mo pag namumula. Para kang ewan.” sabi kong nangaasar.


“Nagulat lang ako,kasi hindi ka na masyado vocal. Kaya nagulat ako. Pero sobrang happy.” sabi nito. Halatang nagulat at natuwa ng sobra. Mula ng mangyari lahat ng nangyari ay nagiba ako. At isa sya sa mga taong naapektuhan ng pagbabago ko pagdating sa pagibig.


“Sus. Gumaganon pa? Bilisan mo nalang magdrive. Inaantay na tayo nila Mama sa bahay. Nagluto daw sya sinigang. Ano ba meron?” nagtataka kong tanong.


“Ewan. Parang mas alam ko pa ang mga events sa pamilya mo ha?” sabay ngiti.


“Eh dun ka ba naman halos umuwi eh? Paanong di mo malalaman?” sagot ko.


“Oh sya. Bilisan na natin. Gutom na din ako.” sagot nito sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.


Mabilis ang naging takbi ng sasakyan. Wala pa atang 8PM ay nakarating na kami sa bahay. Mukhang may fiesta,nangangamoy ang inihaw na liempo sa labas palang. Ipinark ni Carlos ang sasakyan. Pababa na ako ng bigla nya akong pinigilan.


“Wag ka bababa,ako ang magbubukas ng pinto.” sagot nya.


“Ha? Wag na. Nakakahiya.” sabay blush.


Dali dali syang bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng sasakyan sa aking gilid. Iba ang pakiramdamn ko. He treats me so well. Parang wala na kong mahihiling pa. After facing the bitter reality that Daniel had left me,Carlos became my saving grace. Siya ang nagmistulang sandalan ko sa lahat. Kung may tao akong papasalamat bukod sa pamilya ko,walang iba kundi si Carlos yun. Si Carlos na nandyan sa akin in a major way.


Binukas na nya ang pinto at inalalayan ako pagbaba. Agad nyang sinara ang pinto ng sasakyan at akmang babaling na papasok ng bahay,pinigil ko sya at hinawakan ang kanyang kamay. Humarap sya sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.


“Oh? Bakit FR?” sabi nitong nakangiti.


“Wala lang. I just want to hold your hand.” sabi ko,naglalambing.


“Sus. Naglalambing ang pogi.” sabi nito sabay haplos sa aking mukha.


“Thanks sa lahat. I mean,thanks sa lahat.”sabi kong naiiyak.

“I told you not to cry.”sabi nya. Halatang masaya.


“I can't help it. I just realized kung gaano kalaki na pala ang hirap mo sakin. I mean,lahat ng oras na ginugol mo sakin,lahat ng pagiinitindi sa mga mood swings ko,sa lahat lahat. I really owe you a lot.”


At bigla na namang tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Pero this time,hindi ito dala ng sakit,dala ito ng sobrang kasayahan dahil sa isang taong walang ibang ginawa kundi intindihin at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. This is awesome. Naging passionate ang sumunod na mga nangyari. Naramdaman kong nagdikit ang aming mga katawan at ang aking mga braso ay nakaangkla sa kanyang mga balikat. Kami ay nagyakap. Mahigpit. Tila ayaw nang bitiwan ang isa't isa. I couldn't ask for more.


“Carlos,Thanks for everything.” binulong ko sa kanya. Sinsero. Heartfelt.


“Wala yun,I just want to make you feel better.”sabi nito.


“I'm better now. And I'm happy because you're there.”sabi ko.


“Masaya na ko to now you're happy.” Ramdam ko ang contentment sa tono ng boses nya.


“I couldn't have done it.” sagot ko.


“Kaya mo. I knew it from the start.”


“I couldn't have done it without you.” dugtong ko.


Kumalas si Carlos sa aming pagkakayakap. Tumingin ito sa aking mga mata. Nangungusap ang chinitong mga mata nito. All I want to do is to run away with this guy. Kahit saan nya ko dalhin game. Basta sya ang kasama ko. Ngumiti ito at dinampi ang kanyang malambot na labi sa aking kanang pisngi. Ngumiti ako at nagpacute. Pinindot ko ang kanyang ilong.


“I have something to give you FR.”sabi nya. Nakangisi.


“Ha? Ano yun? Bakit ano ba meron?”nagtataka kong tanong.


Nagmamadali syang pumunta sa compartment at binuksan ito. Mababakas mo sa kanyang mukha ang excitement at kaba habang nilalabas nya ang isang malaking kwadradong regalong nakabalot sa isang simple ngunit mukhang eleganteng wrapper. Inabot nya ito sa akin at bigla syang napayuko.


“Sana magustuhan mo.” sabi nya,halatang nahihiya.


“Ha? Ano ba to? Nagabala ka pa? Ano ba meron? Salamat Dito Carlos.”


“Happy Birthday FR.” sabi nito habang nakatitig sya sa akin.


“Birthday? What?” Nagulat ako sa narinig.


Kasabay nito ay natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam na birthday ko pala ngayon. I mean,sa sobrang busy ko ay nakaligtaan ko na birthday ko pala ngayong araw na to. Kaya pala naghanda din si Mama ng pagkain, Tila fiesta sa bahay. Niyakap ko si Carlos at labis na pinasalamatan. Tinulungan nya ko sa pagbuhat ng kanyang regalo dahil may kabigatan ito. At kami'y pumasok na sa bahay.


Napuno ng tawanan ang bahay habang nagsasalo salo sa mga pagkaing hinanda nila Mama. Naging at home na rin si Carlos sa aming bahay. Nakuha nya agad ang loob ng Mama ko. Naging kasundo naman nya ang aking tatay sa kanilang mga Tennis moments. In short,good shot si Carlos sa kanila.
Sarap na sarap ako sa sinigang na baboy na niluto ni Mama. Maging si Carlos ay napasubo sa kainan. At syempre hindi magpapatalo si Pixel. Nakailang balik sa kanin at sa mga ulam. Kumain ng sinigang,afritada at liempo. Wala talagang kaarte arte sa katawan. Balahura sa kainan. Walang kapoise poise. In short,PG.


“Best,in fairness ha? Shoot sa banga ang sinigang.” sabi nito habang ngumunguya.


“Halata nga best,nakailang balik ka na sa kaserola eh.” pambabara ko.


“Eto naman,nakikikain na nga lang ako nagdadamot ka pa.” sabi nito.


“Ay? Ako pa nagdadamot? Eh ikaw na nga tong pinapakain. Umalis ka nga dito.” pabiro kong sabi.


“Wag naman ganun best,binibiro na nga lang kita eh. Wag naman ganun.” sabi nito.


“See? Kairita ka. Hehehe.”sabi ko.


“Mudra,pwede ba kong magbalot? Kahit yung sinigang lang,pati yung kare-kare,tsaka yung liempo.” sabi ni Pixel kay Mama.


Natahimik ako bigla. Pinipigilan kong tumuwa dahil nasa harap kami ng hapagkainan. Nagkatinginan nalang kami ni Carlos at sabay na ngumisi.


“Gurrlll,keri lang. May dala ka bang plastic dyan?” sabi ng nanay ko.


Agad na tumayo si Pixel at tumakbo sa bag nyang nakalagay sa sofa sa may sala. Pagkabalik nito ay nanlaki ang mata ko sa kakatawa. Ready talaga sya. May dala syang 3 microwaveable na lagayan ng ulam. Nang makita ni Carlos ito ay hindi nya napigilang tumawa ng malakas. Ganun na din ang aking nanay at tatay. Napuno ng tawanan ang aming hapunan. Sa isip isip ko,swerte talaga ako sa bestfriend ko. Hindi ko maimagine na kung gaano sya kaganda,ganun din naman ang kabaklaang nasa utak nya. Akala ko dati ay sobrang pino kung kumilos,pero I was completely wrong.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

Masaya ang aking naging kaarawan. Masarap ang simoy ng hangin. Maganda ang panahon. Masarap ang mga ulam na niluto ng Mama. Kasama ko ang aking pamilyang sobrang mapagmahal.
Andyan ang bestfriend kong nagbigay ng walang humpay na kakatawanang si Pixel. At syempre,nandyan ang aking savior na si Carlos. Salamat sa Diyos at okay na ako.


Nakahiga na ako sa kama. Nakatitig sa dingding na minsan na ring nakasaksi sa nadurog kong puso.
Sa ilang taong nakaraan nakita ko ang growth ko bilang tao,mula sa pagiging sobrang devoted sa isang tao,sa tingin ko ay naturuan ko ang sarili kong mahalin ulit ang sarili ko higit sa lahat. Naibalik ko ang respeto ko sa sarili ko,naramdaman kong nabuo ulit ang aking sariling nawala for a while. I can feel the contentment na dala ng mga tao sa paligid ko sa akin. Sobrang saya ako sa companionship na dala nya. And I know magiging okay pa lahat.


Nasa ganun akong posisyon ng kumatok si Pixel sa kwarto. Mukhang makikitulog na naman dito.
Agad agad syang umupo sa kama. Parang bahay na nya. Lumingin sa mga ulok ng kwarto ng may makitang kakaiba.


“Best? Ano yung malaking gift na yun sayo?” sabi nyang may halo ng excitement at kaba.


“Ah? Yun ba? Regalo ni Carlos yun.” sagot ko.


“Wow. Opening na natin best!” sabi ni Pixel.


“Sige. Pwede.” sagot ko na may halong excitement.


Dali dali naming kinuha at nilapag sa kama ang regalo ni Carlos. May kabigatan ito at hindi ko mawari kung ano. Nakabalat ito sa blue na wrapper at may gold na lace na nakaribbon dito. Agad agad kong sinira ang balot dahil na rin sa paniniwala na pag sinira mo ang wrapper ng regalo ay mauulit ang pagreregalo sayo ng taong iyon. Pinagtuluyan naming sirain ni Pixel ang wrapper. Unti-unti ng lumadlad ang regalo. Sobrang humanga ako sa nakita. Isa itong Portrait ko na gawa sa charcoal. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko para kay Carlos para iguhit nya ko. Magaling din syang pintor. Hilig nya na talaga ang pagguhit mula noon. Kaya nga lang ay pinilit sya ng kanyang tatay na maging doktor.


“Best,bongga! Ang ganda ng painting!” sabi ni Pixel.


“Wow. I'm speechless best.” sabi ko na naiiyak.


“Best? Wag ka nga umiyak dyan. Binigyan ka na nga ng ganyan eh,iinarte ka pa.” sabi nito.


“Timang! Tears of joy to.” sabi ko.


“Kailangan talaga may timang? Kaloka.” sagot ni Pixel.


Ngumiti lang ako sa kanya. Sa lahat ng unos at ligayang dumating sa buhay ko ay kasama ko sya. Sila ni Carlos. Sobrang saya ng pakiramdam. I felt that I'm a renewed person. Salamat. Napabuntong hininga ako. Agad kong nilagay ang aking portrait sa wall. Sakto naman at may pako butas at pagsasabitan na ito.


Pagkatapos isabit ang larawan ay bumalik na ako sa kama. Inilatag ko ang aking katawan at humugot ng isang malalim na hininga.


“Oh? Best? Buntong hininga ulit? Paulit-ulit?” sabi ni Pixel.


“Gago.”


“Sama mo naman.” nagiinarteng sagot.


“Adik. Sobrang happy ako ngayon.” sagot ko.


“Really? Di ako alam best kung maniniwala ako o hindi.” sabi nito. Seryoso.


“Ha? Bakit naman?” sagot ko.


“Ewan ko. I feel that your emotions are animated.” sagot nito.


“Animated? Ano ibig mo sabihin?”


“Okay ka. You feel stable. You really are stable. Pero I'm sure hindi ka pa nakamove-on.” sabi nya.


“Ha? I already moved on best! Sobrang happy ko na ngayon. Kuntento na ko sa kung anong meron ako at sa mga bagay na hindi ko hawak. Masaya na ko.”depensa ko.


“Okay best. You say so. Pero kilala na kita bago pa man tayo tubuan ng pubic hair. Kaya alam ko lahat. As in lahat. In a major way.” sabay ngiti nito.


Tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit sa sinabi nya o dapat ko pa bang usisain kung anong ibig nyang ipahiwatig. Paano nya nasabi na hindi pa ako okay? I have my work,my family,my friends and Carlos. He's been with me mula pa noong nadurog ako. So how can she say na I haven't moved on? Di ko maintindihan.


“Best,I really can't understand. Anong ibig mong sabihin sa Animated ang emotions ko at hindi pa ako nakakamoveon? Ipaliwanag mo.” sabi ko.



“Best,I want you to read between the lines. Matalino ka best. Alam kong naiintindihan mo ako. Nagtatangatangahan ka lang.” sabi nya.


“Best. I'm happy with Carlos. Okay na yun,I've moved on.” sabi ko. Pilit na kinukuha ang panniniwala ni Pixel.


“You're happy with him. He's there for you. At ayon ang set up nyo. Bakit? Mahal mo na ba si Carlos?” tanong nito.


“Ha??” nangangatal kong sagot.


“See? You can't even answer me straight. Ni hindi ka nga din makatingin sa mga mata ko. I knew it from the start.” sagot nito.


“But Best, Okay na yung kami ni Carlos na ganito. Kasi sabi nya masaya naman daw sya na magkasama kami,okay na yun.”sabi ko.


“Kayo ba?”putol nito.


“Hindi.” sagot ko,nakayuko.


“See? Ni hindi kayo. Sino ang may gusto ng ganyang set up? Ikaw?”


“Oo best. Okay naman daw sa kanya eh,mahalaga magkasama kami. Masaya na kami dun.”


“Di pwede maging kayo kasi alam mo dyan sa  sarili mo kung sino ang mahal mo. You know that you're still inlove with that guy. The guy who once broke your heart. You can't admit it but you're still in love with Daniel. Hindi kaya possible na kaya hindi mo maisip na maging kayo ni Carlos ay dahil unconsciously nagaantay ka pa din kay Daniel? Kahit na sinasabi mong sobrang sakit ng pinaramdam nya sayo ay mahal na mahal mo pa din sya. And unconsciously,you're still waiting for him.”mahabang tugon nito.


Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam na maaaring ganun na nga ang nangyayari sa akin. Sa tagal ng pagkakakilala namin ni Carlos ay hindi man lang naging kami. Weird pero sobrang saya ko naman sa kanya. Nandyan sya pa lagi ko syang kailangan ko sya. He never failed me. Kung tutuusin nga sobrang laking tulong ng presence nya para maging okay ako eh. Pero hindi ko alam,okay na ba talaga ako? Ang mga binitiwang salita ni Pixel ay masyadong mabigat. Nawala ako sa wisyo. Parang totoo na ewan. Parang gusto kong maniwala. Pakiramdam ko sinasabi ng isip ko na okay na ako pero 
emotionally I'm not really fine. Maybe she's right.


“Oh best? Natahimik ka dyan?” tanong ni Pixel.


“Wala best. Pagod lang to.” palusot ko.


“Nope. You're not tired. I know na iniisip mo kung tama ba ako o hindi. I'm afraid I'm right.” sabi nito habang hinahawi ang buhok na tumakip sa kanyang mata.


“Best. I really don't know.” sagot kong litong-lito.


“Okay. Best,hindi mo maintindihan nararamdaman mo.mas lalo naman ako. Inaanalyze ko lang lahat. Hindi ko alam kung ano ba. Pero I have my way on viewing things. At ganun na nga nakikita ko.”sagot nito.


“Ano ba nakikita mo?” sagot ko. Tulala. Nalilito.


“Nakikita? Manghuhula? Hay. Kasi kung mahal mo man sya? Bakit hindi kayo? I mean,diba pag mahal mo ang tao binabakuran mo na? I mean,dapat may commitment. Eh sa ngayon wala eh,take note best,3 years na kayo magkasama.”. Paliwanag nito.


Nagpakawala ako ng buntong-hininga.


“Ewan ko best. I must admit na nalilito ako.”


“See? Sa bibig nahuhuli ang isda. Sayo na din naman nanggaling na nalilito ka. You're cofused because alam mo pa din na hanggang ngayon that Daniel still has a space sa puso mo. Kahit ilang taon na ang lumipas,your love for him is “Unbroken”.” sabi nito sabay yakap sa akin.


Marahil nga ay tama si Pixel. May puwang pa din talaga siguro si Daniel sa puso ko. Kasi kung wala,bakit pa ba ako malilito ngayon? Kasi kung wala,bakit pa ba ako umiiyak ngayon? Kasi kung wala,bakit ko sya biglang naisip?


“Best. Let's take a walk outside. I need some fresh air.” sabi ko.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀

Malamig ang hangin habang binabagtas namin ang subdivision. Tumatama sa amin ang malamlam na sinag ng buwan. Saksi ang mga bituin sa damdaming aking nararamdaman ngayon: CONFUSION. Bakit pa kasi naisipan ni Pixel na sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi nya? Bakit pa ba nya pinaalala si Daniel sa akin? Bakit pa ba nya inisip na hindi ako masaya? Pero marahil tama sya. Kahit pala halos nasa akin na lahat ng higit pa sa kailangan ko,darating pa din ako sa punto na mararamdaman kong may kulang pa.


“Best,I have a question?” sabi ni Pixel.


“Ano naman yun?”


“Paano kung sakaling bumalik si Daniel? Paano na si Carlos?”


Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba? Yayakapin ko ba sya pag nakita ko sya?
Iiyak ba ko? Magsosorry ba ko? Magagalit ba ko sa kanya? Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling makita ko sya. Marahil nga ay tama si Pixel. Mahal ko pa din siguro si Daniel.


“Ewan ko best. Siguro magdedecide ako pag nakita ko na sya ulit. Mahirap magsalita ng tapos.”


“See? Now best,confirmed ko na. You're still in love with Daniel.” sabi nito.


Ako'y napabuntong-hininga.


Nakabalik na kami sa bahay at nakapasok na sa kwarto si Pixel. Naisipan ko uling bumaba para magisip isip. Umupo ako sa may labas ng gate namin. Tumingala at nagantay ng shooting stars. Pero wala. Inalat sa paghahanap ng shooting stars. Buntong-hininga. Makalipas ang 15 minutes ng pagiisa ay nakaramdam na ako ng pangangati,dala na rin marahil ng lamok na pumapakpak sa akin.
Agad akong tumayo at tumungo na sa gate. Dahan dahan kong inaangat ang bukasan at ako'y papasok na sana ng biglang..


“Happy Birthday FR.”


Nagitla ako sa narinig. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko malaman kung haharap ba ako o tuluyan na bang papasok sa loob ng bahay. Naramdaman kong bumiglang bumagal ang aking paghinga. Bumigat ang aking dibdib. Nangilid ang aking mga luha. Muling bumalik ang galit. Nahukay ang poot na nabaon na sa limot.


Dahan dahang akong lumingon. Di ko namalayang bumabaha na pala ng luha ang aking mga mata.
Humarap ako sa huling taong bumati sa akin ng “Happy Birthday” sa gabing ito. Humarap ako sa kanya. Nakatikom ang kamay mga kamay. Tikom ang aking bibig. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Makalipas ang tatlong mahabang taon. Ang lalaking dumurog ng aking puso. Ang lalaking aking minahal ng husto. Ang lalaking patuloy ko pa ding minamahal.


“Happy Birthday FR. Hindi mo ba ko narinig?”ulit nito.


Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili akong nakatayo sa aking kinalalagyan. He left me speechless. I can't move. Nakatitig ako sa kanyang mukha,wala naman masyado nagbago sa kanya. Maliban nalang sa kalbo nyang buhok. Bumagay sa kanya ang pagkasemikal dahil na rin sa magandang features ng kanyang mukha. Nandun pa din ang matangos nyang ilong. He's still got the almond eyes na lagi kong tinititigan. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mainit na butil nang luha sa aking mga mata. Nagbalik na si Daniel. Hindi pa rin ako makapaniwala.


“FR,Happy Birthday. FR. FR.”sambit nitong puno ng pagsisisi.


Nanatili akong walang imik. Naninigas ako sa galit,sa excitement at sa saya. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Nanatili akong nakatayo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng aming  mga labi at ang isang mainit na yakap. Ganun pa rin. Mahigpit at passionate.



“Daniel.” sabi ko.


“Hush FR. Nandito na ko. Some good thinds never change.” sabi nito.


At muli nitong dinampi ang kanyang labi sa akin.


ITUTULOY...


0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP