Chapter 5 to 7 : Unbroken

Friday, February 4, 2011

 “Unbroken 5”
If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson

Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali. Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung  mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.


Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.

Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.


Whew. This is it for me. Ayan na. Nangangatal na naman ang mga labi ko sa nerbiyos. Maybe I should take some pills para makatulog ako? Whew. Wala akong Sleepasil dito. Grrr. Ano gagawin ko? Teka? Bakit parang wala akong katabi? Solo ko tong dalawahang upuan dito. Nakakapagtaka naman. Mula sa nerbiyos ay napalitan ito ng pagtataka. Usually kasi pag ganitong hindi masyado classy ang plane puno ang mga tao. Patuloy pa din sa pagchecheck ang stewardess sa mga tao at kung nakakabit na ba ng maayos ang mga seat belt nito. Di nagtagal.lumapit ito sa akin at chineck ang aking kalagayan.


“Sir. Check lang po natin ang seatbelt.”


“Sure.”


“Ayan sir, Okay na po. Sir may kailangan po ba sila?”


“Ahh.wala naman. Salamat sa pagtatanong. But I'm fine here.”


“Okay Sir. Basta po pag may kailangan tawagin nyo lang po isa sa amin dito sa eroplano.”


“Okay. Sure. Ahh miss,wala ba akong katabi?” nagulat nalang ako ng naitanong ko iyon.


“Ahh,yung seat po ba na yan? Sige po Sir. I'll check it po.”


“Okay. Okay. Thanks.”


Muli akong naiwan sa dulo ng eroplano na nagiisa. Umalis ang stewardess to check kung reserved ba ang seat o hindi. Nagsimula na naman bumaliktad ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay namumutla na ko. Parang gusto ko nang bumaba sa eroplano. Pwede bang magbarko nalang ako?
Hindi naman ako nagmamadali umuwi eh. Promise. Grrr. Sa tuwing naririnig ko ang mga reminders na nagmumula sa piloto ay nanlalamig ako. Sana nandito si Daniel. Whew. At muling tumulo at aking luha.


Nasa kalagitnaan ako ng pageemote nang biglang bumalik ang stewardess.


“Sir. Occupied po ang seat beside you. Paparating na din po yung nakaupo dyan.”


“Ahh really? Okay. Thanks ha?” sabi kong nagtataka.


“Sir. Are you okay? Para pong namumutla kayo.”nagaalalang tanong nito.


“Ahhh okay lang ako. Maybe pagod lang.” agad kong bawi.


“Sir tawagin nyo lang po ako pag may kailangan po kayo.” sinserong sabi ng stewardess.


“Okay. Salamat ha?”


Ngumiti ito at umalis. Same scenario. Naiwan akong magisa sa dulo ng plane. Magaling ang serbisyo nila sa Airlines na to. Maging ang mga stewardess ay okay din. Napakagalang ng pagtrato sa aming mga pasahero at todo assist pa pag may kailangan. Panandalian kong nakalimutan ang sakit na naramdaman. Maganda pala ang buhay. May mga taong nandyan at aalalay sayo sa tuwing madadapa ka. Tulad ng sinabi ng stewardess,tatawagin ko o lalapitan ko yung mga taong alam kong nandyan para sa akin. Lalo na sa ganitong pagkakataon. Kahit wala na siguro sya ay makakaya ko pa din. Oo naman. Kaya ko. Kung hindi ko kaya,kakayanin ko pa rin. Napuno ng pagasa ang aking puso. Totoo din pala ang sinasabi nila na kayang kaya mong paniwalain ang sarili mo. Alam kong pinapaniwala ko ang sarili ko. Alam kong magiging mahirap ang mga susunod na araw pero makakaya ko. Isa. Dalawa. Tatlo. At ako'y nagpakawala ng aking hulin buntong-hininga. Sa paglabas ng hininga sa aking mga ilong ay isang luhang nakatulong para gumaan ang aking pakiramdam. Pumikit ako at ninanamnam ang realidad na wala na. Nasa momentum ako nang biglang may pumahid sa aking mga luha na aking lubos na kinagulat.


“Hey,don't cry.”sabi ng isang familiar na boses.


Dumilat ako at nagulat sa aking nakita. Nakita ko na naman ang maamo nyang mukha. Nakita ko ulit ang braces nya at ang pinkish nyang mga labi. Nakita ko ulit ang kanyang singkit na mga mata.
Si Carlos.


“Ohh. Hi. Same flight?” natataranta kong sabi.


“Not just the same flight,we're also seatmates.” sabay ngiti.


“What? So you're the one seated next to me?” nagtataka kong tanong.


“Yes. We can put it that way.” sabay ngiti.


At bigla syang umupo sa aking tabi. Mapapansin mo na halatang sanay na sanay na sa biyahe. Kampante agad sya at mabilis nyang inayos ang kanyang seat belt. Inayos ang buhok at ang pagkakagusot ng kanyang polo. Nagpakawala sya ng isang buntong hininga at ngumiti sa akin.


“Whew. This day's really a bummer.” sabi nya at pumikit


“Bakit naman?” sagot ko.


“Busy eh. Been loaded with a lot of work. Wala na nga din akong panahon sa sarili ko.” sinsero nyang tangan.


“Ahh I see.” sagot ko.


Patlang. Nang nabanggit nyang “Been loaded with a lot of work” eh biglaang pumasok si Daniel sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit. Hanggang ngayon kasi eh di pa din ako makapaniwala na nagawang kaliwain ako ni Daniel. Weird. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko na. Eto na naman ako. Hindi ko maiwasang hindi makapagbuntong hininga. Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi naiwasang hindi ito mapansin ni Carlos.


“Oh,anong problema?” nagtataka nitong tanong.


“Wala naman Carlos. May naalala lang.” sagot ko.


“Sino?” tanong nito at biglang tumitig sa akin.


I must admit na nalulusaw ako sa mga titig ng mokong na to. Hanep ang singkit na mata. Kung nakakahiwa yun,malamang chop-chop na ko. Pira-piraso. Literally. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nahihirapan akong humanap ng mali sa mukha nya dahil masasabi kong perpekto talaga ang hubog nito. Wala talaga akong masasabing pangit dahil wala naman talagang kapintas pintas.


“Hey,sino naman yung naalala mo?” isang tanong na nagbalik sa akin sa kamalayan


“Ha? Wala naman. Wag nalang natin pagusapan.” sabi ko.


“Hmmm. Okay. Pero wag ka na po umiyak ha?”sagot nito sa akin.


Ngumiti ako. Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “Wag ka na umiyak ah?” Hindi ko alam kung
dapat ba ako kiligin o ano ba dapat ko maramdaman. Pero ang alam ko,habang sinasabi nya yun nararamdaman ko ang 101% na concern. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero natutuwa ako dahil nandyan sya. Kahit malabo kung ano ba talagang pakay nya sakin.


“Oh,di ka na nagsalita dyan ah?” sabi nito.


“Ha? Nahihiya kasi ako. Uy,thanks sa glasses.”sagot kong sinsero.


“Hmmm. Okay lang yun. Atleast I helped. At  isa pa,sabi ko nga sayo na dalawa talaga glasses ko. Kaya walang kaso yun sa akin.” sabi nya.


“Okay. Hehe. It's just weird. On the first place,bakit mo ko pinapahiram ng glasses mo eh hindi mo naman ako kakilala?”tanong ko


“Ewan ko din. Weird nga eh. Usually aloof ako sa mga di ko kilala.” sagot nya habang nagaayos ng sarili.


“Aloof talaga ha? Eh Ikaw pa nga ang kumuha ng number ko at naglend ng glasses mo. Hahaha”
nangaasar kong sabi.


“Ang yabang nito. Fine. Inaasar mo ko ha? Akin na yang glasses ko.” bawi nya


“Uyy. Wag ganun. Alam mo naman na nahihirapan ako ng walang salamin. Hays.” sagot ko at biglang nasimangot


“See? Kaya wag mo kong asarin. You better treat me right dear! “Tawa nito sabay pitik sa tenga ko.


“Awww. Bakit mo ko pinitik sa tenga?” Naiirita kong sagot.


“Wala. Gusto ko lang kitang asarin.Hehe.” sabay ngiti ng nakakaloko


Weird. Nung pinitik nya ko sa tenga pumasok na naman si Daniel sa isip ko. Tandang tanda ko na pinipitik ni Daniel ang tenga ko kapag nangaasar sya. Hindi ko na naman maalis sa isip ko ang lalaking yun. Napatulala ako at natahimik. Laging pinipitik ni Daniel ang tenga ko. Nostalgic. Whew.


“Oh,bakit natahimik ka na naman? Nagtataka na ako sayo eh. Nakakatampo ka naman.” sabi nya.


“Ha? Ah,eh.sorry,may iniisip lang.”sagot ko.


“Bakit? Sino ba kasi yun? At teka,bakit ka nga pala umiiyak kanina?”tanong nya


“Wala yun. Don't worry magiging okay din ako.”sagot ko. Isa pang buntong hininga.


“Magiging okay ka. Hindi nga lang ngayon. Siguro in time.”sagot nyang mahinahon


“Oo. Siguro lahat naman ng sakit nagiging okay in time. Magaantay na lang akong maramdaman
ko na okay ako. Hindi din naman siguro katagal yun. Kakayanin ko.” sagot ko sabay pakawala ng isang ngiti


“Oo naman. Kaya mo yan. Just remember that there are a lot of people na willing tumulong sayo.”
sagot nya at tumitig sa akin.


“Andito naman ako.” dagdag pa nito.


“Ha?Ano?” sabi ko habang ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa aking mukha.


“Sabi ko,nandito ako,if no one will listen,I will be here.”sagot nito.


Tameme. Basag. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng kanyang mga salita. Hanggang naramdaman ko nalang na super blush na ko. Natahimik kami pareho. Pakiramdam ko noon ay nasa cloud nine ako. Heaven pare. Ikaw ba naman sabihin ng ganoon ng ganito kagwapo,sure akong magmemelt ang heart mo. Lutang na lutang ako sa kilig. Hindi ko maipaliwanag. It's really weird dahil kanina lang eh si Daniel ang naiisip ko,ngayon naman eh naooverwhelm ako sa kindness at sa pagiging sweet ni Carlos. Fuck. Mula sa isang desperadong bata ay sumibol ang isang kumikirengkeng na bakla. Nagpakawala ako ng isang ngiting nakakaloko.


“You know what? You're weird.” sabi ni Carlos.


“Weird? In what way? Huh?” tanong kong nagtataka.


“Wala lang napansin ko lang kasing kanina,umiiyak ka,may mga times na nagbubuntong hininga ka,tapos ngayon naman,kung ngumiti ka eh parang wala ng bukas. Weird. Pero cute ka pa din. Haha.” sabi nya at biglang kinurot ako sa pisngi.


“Aray! Nakakarami ka na ha? Kanina pinitik mo ko,ngayon naman kinurot mo ko. Sadista ka. Eh ano namang masama kung ngumiti ako,eh sa masaya na ako eh.” sagot kong defensive


“Sus. As I know,kinikilig ka sakin. Hahaha. Wag ka magdeny. I can feel it.” pangungulit nya.


Namumula ulit ako. Kilig na ewan. Magaan ang loob ko sa kanta. Weird. Para makabawi sa pamumula,tinarayan ko sya.


“Hoy, Ang hangin grabe no? Yabang. Hahahaha. Kala mo kung sinong gwapo.” sabay tingin ko sa bintana.


“Ah,so ganun? So hindi ako gwapo pala?Ha?” tanong nitong nagbibiro


“Hindi. Mas gwapo ako sayo.” sabi kong nangaasar.


“Gwapo ka nga,naknakan ka naman ng attittude.” sabi nito sabay tawa


“Ang yabang talaga. Hmp. Hahaha.” sabi ko sa kanya.


Nagpatuloy kami sa asaran. Nandung paluin ko sya ay ganun din sya sa akin. May mga pagkakataon na kakagatin nya ako sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at ang alam ko sobrang saya ko sa mga moments namin sa eroplano. Okay na sana ang lambingan at kung ano pa ng biglang nagsalita ang stewardess.


“Magandang tanghali po. Pagpaumanhin nyo po kung medyo natagalan po ang ating paglipad. Mayroon po lamang problemang teknikal na inayos ang ating mga technician. Kung maari po lamang ay pakiayos nalang natin ang mga sinturong pangkaligtasan. Kung maari rin po ay umupo tayo ng maayos habang nagtetake off ang eroplano. Aalis na po tayo sa loob ng dalawang minuto. Maraming Salamat po.”


Habang nakikinig sa mga paalala ng stewardess ay bumalik ang kanina ko pang nararamdaman. TAKOT. Naramdaman ko ang pagbabago ng mukha ko. Mula sa pula naging putla. Bigla akong
nakaramdam ng panlalamig. It's official. Namumutla na ako. Unconsciously,napalulon ako kahit wala naman ako iniinom. Akala ko ay normal pa ang inaasal ko,hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni Carlos.


“Alam mo,maputla ka. Natatakot ka ba?” tanong nito.


“Ha? Ahhh. Hindi. Okay lang ako.” nangangatal kong sagot.


“Anong hindi? Eh namumutla ka nga eh.” sagot nito,


“Ha? Wala yan. Puyat lang yan.” sagot ko,pinipilit na tinatago na takot ako pag papalipad na ang eroplano.


“Puyat? Eh kanina pa tayo naghaharutan okay naman ang kulay mo. Teka, (sabay hawak sa kamay ko) ang lamig din ng kamay mo eh. There must be something wrong.” sabi nyang nagtataka.


“Okay lang ako. Salamat sa concern.” pagsabi ko at ako'y ngumiti ng pilit.


“Maghanda nalang po tayo. At ang eroplano ay lilipad sa loob ng isang minuto” sabi ng stewardess.


This is it. Naramdaman kong pumatak ang pawis sa aking mga noo.


“Ten,nine,eight,seven,six,five,four,three,two,one....”


At nararamdaman ko na ang pagangat ng eroplano sa lupa. Sa sobrang takot ko ay pumikit ako. Nagsama sama na ang lahat. Sobrang lakas ng nerbiyos ko habang nagtetake off ang plane.
Ramdam ko na parang naiiwan yung kaluluwa ko habang umaangat. Para akong gago na sobrang kapit sa upuan. Habang ang katabi ko ay kampante lang. Todo pikit ako,ramdam na ramdam ko ang pakiramdam na lumalaki ang ulo (sa taas) habang inaabot namin ang langit. Grabe ang pressure.
Sa sobrang nerbiyos ay di ko napigilang lumuha,nang biglang...


“I told you not to cry anymore.”si Carlos.


“Wala. Natatakot lang ako kasi lumilipad na yung eroplanong sinasakyan natin.” sabi ko sa kanya at bigla na akong umiyak na parang bata.


“Hays. Yun naman pala eh. Wag ka na umiyak dyan. Andito po ako oh? Hello? Hindi naman po kita papabayaan kaya wag ka na umiyak okay?” sabi nyang nangaalo.


Muli,sa ikailanmang pagkakataon,natagpuan kong kumalma ang aking sarili. Ang aking takot na takot kong loob ay nakahanap ng kapanatagan. Isang kapayapaan dala ng isang estrangherong wala ko pang 2 oras na kakilala. Isang estrangherong nagtatakang pumasok sa buhay ko. Isang estrangherong nagpangiti sa akin.


“Salamat. Maraming maraming salamat Carlos.” sambit ko habang pinupunasan ko ang aking mga mata.


“Wala yun,basta hanggang nandito ako,no one can harm you.” sagot nyang punong puno ng sinseridad.


Tumitig ako sa kanya,ngumiti ng galing sa aking puso. Nakatitig sya sa akin,sinasabi ng kanyang mga mata na hindi nya ako iiwan. Napanatag ang aking loob. Parang isang orchestra na nagbibigay ng banayad na tunog,naramdaman ko ang pagkalma ng aking puso. Pagkatapos,natagpuan ko nalang ang aking ulo ay nasa kanyang balikat at magkakapit na ang aming mga kamay..


ITUTULOY...

  
❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

“Unbroken 6”
TERRIFIED
“I could be all that you need If you let me try”
-Katharine Mcphee,TERRIFIED

Mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang balikat,amoy na amoy ko ang bango ng kanyang damit. Halatang mamahalin ang ginagamit nyang perfume. Hindi ko alam kung anong brand pero napasubtle ng amoy. Nakakahook. Hindi ko maiwasang mapapikit dahil totoo namang nakakarelax ang amoy nito.


“Feel na feel mo pabango ko ah? Bango ba?” sabat nito.


“Yup. Gusto ko ng ganyang mga perfume. Soothing yung effect.” sagot ko naman.


“Ahh ganun ba? Actually,regalo lang yan ng isang patient ko.” sabi naman nya.


“Ahh ang galing nyang pumili ahh.”sagot ko naman.


“Yup. Actually yung pasyente ko na yun eh magaling talaga. Husay non. Gwapo pa. Sabi niya sa akin eh babagay daw sa chemistry ng katawan ko yung pabango. Magmamatch daw.” sabi nya


“Ahh. Ganun. Yup. May kakilala kasi ako eh,na magaling din pumili ng pabango. Alam nya kung magmamatch ba sa katawan mo yung amoy nun o aasim ba pag nagtagal.”


Tahimik. Alam kong si Daniel yun. Siya ang mahilig magbigay ng pabango sa akin. Siya ang pipili ng babagay sa akin. Sa tuwing naglalagay ako ng pabangong bigay nya ay imposibleng hindi nya ako amuyin ng husto. Andung nakadikit lang lagi ang ilong nya sa leeg ko. Tapos ikikiss nya.
Ako naman eh gustong gusto ko yun. Whew. Isa pang buntong-hininga.


“Ayan. For the 7th time nagbuntong hininga ka. Lagi kong napapansin yan. Bakit po kasi hindi ka magopen sakin para maintindihan ko kung bakit ka sigh ng sigh. It's just weird. Hindi ka pa rin ba comfortable sakin?” tanong nito.


“Comfortable na po. Magkahawak pa nga tayo ng kamay no? Wala to no. Okay lang ako. Tensed pa ako sa eroplano.” pagpapalusot ko.


“Sus, Tensed daw? Eh kanina ka pa nga okay. Hindi ka na maputla,normal na kulay mo. Hindi ka na tensed. Dali na kasi,sabihin mo na kung ano. Kung sa bf mo yan eh okay lang. Magaantay nalang ako na magbreak kayo tapos saka kita popormahan.” pabiro nitong sabi.


Napangiti naman ako sa narinig. Pakiramdam ko ako si Rapunzel na pwedeng iladlad ang buhok sa eroplano dahil sa sobrang haba. Take note,nakatrintas pa.


“Wala po. Seriously.” sagot ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.


“Di nga?” kumalas sya sa pagkakahawak ng aming mga kamay at tumitig sa akin.


“Oo nga. Kulit.” sabi ko habang nakikipagtitigan sa kanya.


“Ako? Makulit? Di ah. Concerned lang ako.” sabi nya gamit ang kanyang sexy voice.


“Fine. Concerned. Maraming maraming salamat. Tensed lang ako. Yun po ang totoo.”sagot ko sa kanya.


Wala pa din tanggalan ng tingin. Tila ba nakapako ang mata namin sa isa't isa. Hindi ako nagpapatalo,titig kung titig din ako. Ako pa? Talent ko ata makipagtitigan, todo titig ako nang mapansin kong papalapit na pala ang mukha nya akin. Teka? Ano ba to? Hahalikan ba ako ng mokong?  Fuck. Umandar na naman ang dugo paakyat sa mukha ko. Nagbablush na naman ako.
Papalapit ng papalit ng papalapit. Didikit na any moment ang labi nya sa labi ko. Anong gagawin ko? Pipikit? Oh my Jesus!


“Ano? Tensed ka pa ba?” sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko,nangaakit.


“Ha..? Haaaa? Hiin-dii.. ako...”


“Tsup.”


Biglang naglapat ang aming mga labi. It was our first kiss. Naramdaman ko nalang na bigla akong napapikit. Hindi ko alam kung dala ba ito ng tensyon o dala ng sarap at tamis ng kanyang mga labi. Sobrang lambot. Damang dama ko ang paglalaban ng aming mga labi. Kasabay nito ang halinhinang pagsinghap ng aming mga hininga.Tumagal ng ilang segundo ang aming halikan.  Ang kauna-unahan. Ang halik na mula sa isang estranghero. Matamis. Punong-puno ng passion. Nerve-rocking.


Bigla syang kumalas mula sa pagkakalapat ng aming mga labi. Tumitig sa mga mata ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Gumuhit sa kanyang mukha ang isang magandang linya buhat sa kanyang nakakabato-balaning ngiti.  Nanatili akong nakatulala. Waring hindi ako makapaniwala na we just “DID” our very first kiss. Masasabi kong memorable dahil unang una takot ako sa eroplano. At nagawa nyang alisin sa akin ang takot at palitan ito ng naguumapaw na kilig. Hindi din ako makapagsalita. Tila ba naubusan ako ng salita. Pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pati ata labi ko nanginginig din.


“Oh,Ayan tensed ka pa?” sagot nyang  naglalambing.


“Ha? Hindi na po. Okay na ko.” sabi ko habang nangangatal.


“Oh,eh bakit nanginginig ka magsalita?”tanong nya at hinawakan muli ang aking kamay


“Nabigla lang ako. Sorry po.” mahina at malambing kong sabi.


“Sus. Sorry ha? Hinalikan kita bigla. Hindi ko na kasi mapigilan sarili ko. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkakaganito eh.”sabi nyang walang bahid ng kasinungalingan


Nagitla ako ng marinig ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang ay sobrang kilig at saya ang nararamdaman ko. Napakaexaggerated
dahil wala pa kaming isang araw na magkakilala,pero parang sobrang tagal na namin pinagtagpo.
Habang magkahawak ang aming mga kamay ay pakiramdam ko bumagal ang paglipad ng eroplano.
Yung tipong sa mga pelikula ba? Yung tipong slow motion tapos may napakagandang love song na nagpeplay? Whew. Weird pero parang di ko na nararamdaman yung pain ni dinala ni Daniel. I think kung sakaling si Carlos ay seryoso,sya nalang. Pero teka? Wait. Eh hindi pa nga nagpopropose na gusto ako eh? Assuming na naman ako. Whew.


“Alam mo FR?”


“Hmmm?”


“Wala naman. Parang na-love at first sight ata ako sayo.” mahina nyang sabi.


Ayun yun eh. Diba? Moment. Ang ganda ko. Iniisip ko palang kanina na di pa sya nagtatapat ng pagibig nya eh eto na sya. Nagsasabi na nabighani sya sa aking taglay na kagwapuhan. Kung measurable lang ang kilig na nadarama ng tao,malamang apaw na apaw na yung sa akin. Kanina pa ko namumula,siguro kulay maroon na ko ngayon sa sobrang kilig. Pero weird din eh,wala pa nga kaming isang araw magkakilala ganito na agad. Masyado bang mabilis?


“Di ka ba naniniwala sakin?”tanong ni Carlos. Malungkot ang tono ng kanyang boses.


Hindi ko alam ang isasagot ko. Sobrang saya ng feeling eh. Nakakakilig. At the same time mahirap pa din talaga magtiwala. Siguro wag nalang kami magmadali. Yun na lang siguro.  Napansin ko na naging biglang malungkot si Carlos ng hindi ako sumagot sa tanong nyan. Habang magkahawak ang aming mga kamay,dahan dahan kong piniga ito ng paulit-ulit. Sa bawat pagpisil ko ay nangingiti sya. Halatang natutuwa sya at ito'y nagbabadya na naman ng isang matinding harutan sa eroplano.
Ilang segundo pa,bumalik na ang masayahing Carlos. Sa bawat pisil ko sa kamay nya ay pipilitin nyang gumanti. Nandyang kilitiin nya ko sa leeg at sa tagiliran. Ako naman ay kikilitiin sya sa may kilikili. Sa sobrang lakas ng aming boses ay di maiwasang pagtinginan kami ng mga tao.


“Hinaan natin boses natin Carlos,kasi nakatingin silang lahat sa atin oh?”sabi ko sabay beautiful eyes.


“Hayaan mo sila. Okay lang yun. Di naman nila tayo kilala eh.” sabi nya sabay kurot sa aking pisngi.


“Ngek. Okay lang sayo na tignan tayo ng mga taong naglalambingan kahit pareho tayong lalaki?”tanong ko.


“Oo naman. Hayaan mo sila. I learned that I shouldn't give a damn sa mga taong di nakakaintindi sa atin. And on the first place,wala silang pakialam. We don't do them any harm. Okay? Game. Tara harutan na tayo ulet.” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa sinabi nya. Atleast kung maging kami ay alam ko na,alam ko na na pwede akong maglambing sa kanya in public. Wala syang pakialam sa iba,ganun din naman ako. Sobrang saya. Hindi katulad ni Daniel na sobrang affected sa sasabihin ng mga tao. Atleast kay Carlos eh alam ko na mararamdaman ko ang affection nya kahit in public.


Sa mga sumunod na minuto ay walang humpay kaming nagkwentuhan. Nalaman ko na isa pala syang “ONCOLOGIST”. Isa syang doktor na gumagamot sa mga pasyenteng may cancer. Nalaman ko din na nasa States na pala ang parents nya,isa lang syang anak at independent siya. Sa mga narinig ko,hindi ko maiwasang humanga. Naging stable person sya on his own. Samantalang ako,ang daming pagkakataong nasayang. Isa na sa mga dahilan ay sa dahil inuna ko si Daniel kaysa sa mga priorities ko. Before ko sya nakilala ay sobrang sunod ako sa mga plano ko,nung minahal ko sya,nawalan ng structure ang buhay ko. Basta ang alam ko mahal ko sya at yun na yun. Masaya na ko na nakakasama ko sya. Hindi ko man lang nasipat na pwede palang mawala si Daniel,akala ko sya na kaya habangbuhay,kaya hindi ko na naayos ang sariling buhay ko. This time,kung magtuloy tuloy ang kung ano mang atraksyon sa amin ni Carlos,I'll make sure na magiging wiser ako. I'll make sure na aalagaan ko ang relasyon namin at aayusin ko din ang buhay kong nawalan bigla ng direksyon.


“FR,I want to say thank you.” sabi nya.


“Thanks saan?”tanong ko.


“Thanks sa pagtyatyaga sa akin. Kahit makulit ako.” sagot nyang parang bata.


“Hindi ka naman makulit.tolerable pa naman. Isa pa ako dapat magpasalamat for the glasses.”sagot ko.


“Wala yun. Sige,sayo nalang yang glasses na yan.”sabi nya sabay ngiti.


“What? Di nga? Di ka nagbibiro?”tanong ko sabay pacute.


“Ayan. Nagpapacute ka na naman. Hehe. Oo,bibigay ko yan sayo. Pero sa dalawang kondisyon.”sabay ngiti ng nakakaloko


“Ha? Anong kondisyon po? Wag po bata pa po ako kuya. Hahaha” pabiro kong sabi.


“Hahahaha. Wag ka magalala,di pa tayo kasal kaya wala muna sex.” sabi nito sabay ngiti.


“Ganun? Eh ano nga yung kondisyon?” sabi ko.


“Simple lang.” sabi nya at titig sakin.


“Ano nga? Kinakabahan ako sayo ahh.”sabi ko.


“Hmmm. Ganito. Magpapahatid ka sakin sa bahay nyo. At lagi tayong lalabas pag libre ako. Ayoko na kasi mawalan ng contact sayo. Gusto din kita tulungan kasi parang ang sad mo. Kung papayag ka lang sana.” seryoso nitong tono.


Bigla akong nanghina. Sobrang saya ng naramdaman ko habang naririnig ko ang kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko lumulutang ako. Masaya ako. Kinikilig. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako pa? Siguro planado to ng Diyos. Alam nyang nasaktan ako at baka di ko kayanin,kaya ba hinayaan nyang makilala ko si Carlos? Kung ano man ang plano nya ay dun ako. I know that God knows the best for me. Kaya nya siguro sinugo si Carlos. Makakalimutan ko si Daniel. At darating ang panahong mamahalin ko si Carlos.


“Uy. FR,di ka na naman sumagot eh. Daydream na naman? Kinikilig ka lang sakin eh.”pabiro nitong sabi.


“Ha? Kapal mo talaga. Hehehe. Fine. Sige. Payag na ko sa kondisyon mo. Akin nalang yung glasses ha?”sabi ko sabay ngiti.


“Oo naman. Kahit bigyan pa kita ng hundreds ng glasses. Basta maging happy ka lang.”sabi nito.


“Seryoso ka ba talaga? I mean, (SIGHS) natatakot kasi ako. To be honest,kakagaling ko lang sa break up. As in kagabi lang. So di ko alam kung kailan ako magiging okay. Sorry ha?”sabi ko.


“Oo seryoso ako. Hindi naman kita minamadali ah? At isa pa,okay na ko sa ganito. Masaya ako kahit ngayon palang kita nakasama. Alam mo yun? Sa sobrang busy ko wala na kong panahon sa sarili ko. Nung nakita kita,ewan ko ba,pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo. Parang kilala na kita ng sobra. I really find you refreshing. Tapos sa looks naman di ka din naman papahuli. It's just I think you're a perfect match sakin. Sorry kung napepressure kita. Basta handa ako magantay.”sinsero nitong sagot.


Tahimik. Nakaramdam ako ng guilt sa narinig ko. Pakiramdam ko nasaktan ko sya sa sinabi ko.
Pero ano bang magagawa ko? That's the greatest respect I can give him. I respected him by saying the truth that I'm not okay and I just came from a break up. Ayoko din naman syang gamitin. Pero sobrang saya ko at gusto ko syang makilala.


“Hey Carlos,alam mo super thankful ako sayo. Ramdam ko yung sincerity mo and super saya ako.
Pareho naman eh,ramdam ko na okay ka. Pero ayaw kitang gamitin. Ayoko din naman maging unfair sayo. Kasama nga kita pero yung ex ko yung iniisip ko. Ayoko po ng ganun. Naiintindihan mo
ba ko?”paliwanag ko sa kanya.


“Naiintindihan kita. And I really know what you've been going through. Kaya nga sinasabi ko eh handa ako magantay. At gusto kita tulungan makalimot. Masaya naman ako sa company mo. Let's take it there. Basta tandaan mo,hindi ako nagmamadali. We can commit at the right time. Pag wala ka ng excess baggage sa kung sino mang nanakit sayo ngayon. I promise,I can wait.” mahabang sabi nito at ngumiti.


“Whew. Kung alam mo lang kung gaano mo ko pinasaya Carlos. Maraming salamat talaga. Ikaw ba yung guardian angel ko?”sabi ko sabay lagay ng aking ulo sa kanyang balikat.


“Di ako pwede maging angel,I've messed up before. So di na ko magiging angel mo.” sabi nito sabay ngiti.


“I know. Napakapilyo mo kasi.” sabi kong pabiro.


Ngiti lang ang tinugon nya sa akin. I felt relieved. Parang naging masaya ako bigla. Atleast alam na nya na may mga inaayos pa ako sa sarili ko kaya hindi pwede magmadali. Last night was a mess. Today is such a blessing. Alam kong ang lalaking kasama ko at katabi ko dito sa eroplano ay isang mabuting tao. Isang estrangherong naging isang mabuting kaibigan. Isang kaibigang magaantay sa akin hanggang maging okay na ako. Isa syang hulog ng langit.


Nakarating na kami ng Maynila ng may ngiti sa aking labi, Bumaba kami ng eroplano ng magkaakbay at naghaharutan. Pakiramdam ko ay wala akong iniindang heart ache. Sobrang saya ng pakiramdam. I feel so light. It's very weird kasi kung anong iyak ko kagabi,sya namang tawa ko ngayon. I guess God always has a way of balancing things. And I know that this thing is really for the better.


Dali dali namin kinuha ang aming mga gamit at mula sa labas ng airport ay humanap kami agad ng taxi. Naalala ko na gusto pala nyang ihatid ako sa bahay. Nakasakay na kami ng taxi ng makaramdam ako ng gutom. Sinabihan nya ang driver na sa MOA kami dalhin. Agad naman sumunod ang driver. Dala ang aming mga bagahe,pumasok kami sa Sbarro. Umorder sya ng Lasagna, Pasta Rustica,Pizza Blanca at Baked Zitti.


Inabot kami ng gabi ng mapagpasyahan naming umuwi na. Tulad ng napagusapan,ihahatid nya ko.
Mula MOA,hinatid nya ako sa Mandaluyong. Wala naman masyadong trafic kaya madali kaming nakaabot ng bahay. Bumaba kami ng taxi at dumukot sya sa bulsa para kunin ang kanyang pitaka.
Kapareho din siya ni Daniel,ayaw nya akong pagbayarin kahit singko.


Agad kong tinungo ang gate. Tanaw mula sa labas ang aming simpleng tahanan. Meron itong itim na gate na siguro ay kasing taas ko lamang. Sa gilid ay meron mini-garden dahil mahilig sa halaman si Mama. Sa may kanan naman ay isang maliit na garahe para sa sasakyan naming pamilya. Ibubukas ko na sana ang gate para papasukin si Carlos nang bigla nyang hinawakan ang aking kamay.


“FR. Wag mo na muna siguro ko papasukin sa loob.”sabi nito.


“Ha? Bakit naman Carlos? Para nga makita ka na din nila Mama. Bakit ayaw mo?” nagtataka kong tanong.


“Hindi pa ngayon ang right time FR,Maybe pag okay ka na. Masaya na kong naihatid kita sa bahay nyo na ligtas.” sabi ni Carlos habang hawak pa rin ang aking kamay at nakatitig sakin.


“Okay. Naiintindihan kita. Masaya din ako dahil kasama kita ngayon. Sa mga bagay na ginawa mo ngayon,alam ko ng kung saan tayo pupunta in the future. Maraming salamat Carlos.” sagot kong sinsero.


Hinaplos ni Carlos ang mukha ko. Tumitig ito sa aking mga mata at unti-unting nilapit ang kanyang mukha. Dahan-dahang inabot ng kanyang malalambot na mga labi ang sa akin. Sa bawat pagdampi nito ay ramdam ko ang isang emosyong pamilyar na ako. Ramdam ko ang katapatan at malinis na intensyon ni Carlos sa akin. It felt very good.


Nasa kalagitnaan kami ng aming halikan ng biglang...


“Excuse me FR.”isang tinig na pamilyar sa akin.


Bigla kaming nagkalas ni Carlos. Nagitla kami sa aming nakita. Isang babaeng nakablack dress at skinny jeans. Hubog na hubog ang kanyang mga hita sa kanyan suot na pantalon. Ang kanyang itim na dress ay nagbibigay diin sa kanyang kutis na parang porselana. Ang kanyang chinitang mata ay bumabagay sa kanyang maiksing brown na buhok. Kilala ko ang babaeng ito. Pero ano ang ginagawa nya dito? Bakit ngayon pa sya pumunta? Kung kailan naghahalikan pa kami ni Carlos. Bad trip.


Ngumiti si Carlos at nagbadyang aalis na. Halatang nagulat din sya sa nakita. Ngunit nagpakawala pa rin sya ng isang napakatamis na ngiti. Ngumiti lang din ako sa kanya.


“FR. Honey,sino ba yang cute na guy na yan? At bakit kayo nagkikiss?” tanong pa ng babae


“Pixel,shut up. Pumasok ka na sa loob at doon tayo maguusap.”sabi kong irita.


“Honey naman,di mo ba ko iintroduce sa bago mong friend?” tanong nyang nangaasar


Bago pa man ako makapagsalita ay lumapit na sya sa akin,lumingkis sya sa mga braso ko at humalik sa aking pisngi. Nakaramdam ako ng awkwardness,nahiya ako bigla kay Carlos.
Inabot ng babae ang kanyang kamay kay Carlos at nagwikang..


“Hello Cutie! I am Pixel. GF ako ni FR. Ikaw po?” sabi nito at kumindat sakin.


WTF. Napako ako sa aking kinatatayuan.


ITUTULOY....

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

 “Unbroken 7”
Faultline
“Everytime you look at me,I want something more.”
-Katharine Mcphee,Faultline


Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Pati si Carlos malamang ay nagtataka kung sino si Pixel. Halatang halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Pati ang kanyang mukha ay namumula rin. Bilang pakikipagkilala,inabot din na Carlos ang kanyang kamay kay Pixel and they did a handshake.


“Oh,hi! Nice meeting you Pixel. I'm Carlos,kaibigan ni FR.” magalang nitong sabi.


“Hi Carlos,ang cute mo. Magaling talaga pumili ng kaibigan tong Boyfriend ko.” sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko.


“Pixel anong nahithit mo? Pumasok ka na nga sa loob.” Irita kong utos.


Natawa si Carlos sa narinig. Sa halip na pumasok sa loob ay lalong lumingkis sa akin si Pixel.
Halatang nangaasar. Halik pa ito ng halik sa pisngi ko habang nakatingin kay Carlos. Nawala ako sa sarili. Wala na ako sa wisyo. Hindi ko alam na ganito pa pala ang sasalubong sa akin pagdating ko ng Mandaluyong.


Dala na rin ng sitwasyon,nakaramdam ako ng awkwardness. Pati si Carlos ay nangangapa sa kung ano ang dapat nyang gawin. Samantalang si Pixel ay patuloy sa paglingkis at paghalik sa akin. Kung tignan nya si Carlos ay kakaiba,parang gusto nyang burahin ito sa mundo at ibaon ng buhay sa lupa.


“FR,honeybunch,isakay na natin sa Cab yang Friend mo. Late na oh?” sabi nyang nangaasar.


“Ahh. Yeah. That's what I'm about to do.” sagot ni Carlos na dumistansya sa amin.


Tumalikod si Carlos sa amin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. Kasi hindi na sya nagsasalita. Ngumingiti lang ito pag nagkakatama kami ng tingin at hanggang dun nalang. Hindi kami makakilos ng husto dahil kay Pixel. Ilang minuto pa ay
may dumaan na  cab. Sumakay na dito si Carlos at kumaway sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Pixel. Punong-puno ako ng pangamba sa nangyari. Paano kung isipin ni Carlos na ginago ko sya?
Paano kung isipin nya na nagsisinungaling ako? Paano kung isipin nya talaga na GF ko tong pesteng  Pixel na to?


Biglang umakyat ang dugo ko ng maalala ko ang pangtitrip ng BESTFRIEND kong si Pixel. Punyeta. Moment ko na yun eh? Gaganunin pa nya? Kabadtrip. Mula sa pagkakalingkis nya sa akin ay kumalas akong agad. Hinarap ko sya at tinitigan. Nakipagtitigan din ang lintik, Eye to eye,sa mga titig nya ay parang sinasabi nya na dapat akong magpaliwanag.


“Shit ka Best! Moment ko na yun eh. Gaganyanin mo pa?” asar kong sabi.


“Ang landi mo talaga. Haliparot ka. Sino naman yung umbao na yun?” sagot nyang sarkastiko.


“Carlos. Diba nakipagkamay pa nga sa'yo? Tanga ka?” gigil kong sabi.


“Ahh Fine. Ang landi mo. Naku. Ang galing ko talagang umacting friendship no? Pang FAMAS akis!”sabi nito sabay tawa.


Naiirita ko sa tawa nya. Akala nya ay lumalandi ako. Hindi nya alam ay yung taong pinagtripan nya ay yung taong makakatulong sa akin sa pagrerecover dahil sa break up namin ni Daniel. Kung hindi lang masama sumuntok ng babae,bugbog-sarado na to sakin malamang.


“Hindi ako malandi,at isa pa,wag kang papasok sa bahay namin.” sagot kong galit


“Ayy? Anong drama ito te? Kailan ka pa naging iritado sa akin? Diba nga love na love mo ako friendship? At kailan pa ako naging bawal pumasok dyan sa bahay nyo? Eh halos dyan na ako tumira?” sagot nyang sunod sunod.


“Ngayon lang. Mula ngayon,hindi ko na makakapasok sa bahay na to. Ayoko na makita ang pagmumukha mo sa bahay na to.” Sabi ko sa kanya ng pasigaw.


Iyan ang unang beses kong masigawan si Pixel. Sa mahigit 5 taong pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang nakuhang taasan sya ng boses. Hindi naman din kasi tama yung ginawa nya,mangtrip ba naman na Girlfriend ko sya sa harap ng future boyfriend ko? Ayaw ba nya kong maging masaya?
Sabagay,wala din naman syang alam sa nangyari.At wala din syang alam sa aking nararamdaman.


“Friendship? Sinagawan mo ko? Di nga?” sagot nito,halatang nabigla,naiiyak.


“Pixel,this is not a joke. You saw me with Carlos a while ago diba? Then you're going to trip na girlfriend kita? Para ano? Ayaw mo ba kong maging masaya?” sabi ko sa kanya.


Pagkasabi ko noon ay biglang tumulo na naman ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay bumalik sa akin ang lahat ng nangyare sa amin ni Daniel. Bumalik sa gunita ko ang gabi kung kailan nya ako iniwan para sa kanyang kabit. Naalala ko bigla lahat kung gaano ako umiyak ng gabing iyon,kung paano ako naging miserable. Kung paano namatay ang isang parte ng aking pinakaiingatang sarili.


Wala na kong alam sa mga sumunod na nangyare,ang alam ko lang ay nakarating ako sa aking kwarto bitbit ang aking mga gamit. Hindi ko pinansin ang aking mga magulang at dire-direcho akong umakyat sa aking kwarto na umiiyak na parang bata. Pakiramdam ko ay pati ang bestfriend
ko ay hinahadlangan ang aking kaligayahan. Masama na ba kong maging masaya kasama ang ibang tao? Why does she have to do that? I hate her. I hate her. I hate her. Para akong batang tumalon sa aking kama. Agad na dumampot ng unan ng agad na niyakag ito. Bawat diin ng yakap ko sa unan ay kasabay na pagtulo ng aking mga maiinit na luha. Mga luhang akala kong hindi na aagos.


Nakadapa akong nakayakap sa unan ng may naramdaman akong biglang pumasok. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabango na yon. Naramdaman kong humupa ang aking pagiyak. Nakaramdam ako ng security sa mga hakbang na aking naririnig papalapit sa akin. Ilang saglit pa,naramdaman ko ang paglubog ng kama na nagpapatunay na may tao ngang umupo dito.


“Anak.”


“Ma.”


“Anak.”


“Ma.”


“Anak. What's up?” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa “What's up?” ni mama. Ganyan ang nanay ko. She knows how to make fun kahit na sobrang depressing na ang mga nangyayari. Ang nanay ko ay nasa 50 na. Medyo namilog dahil na marahil sa kakakain,pero maraming nagsasabi na parang 30 lang sya dahil sa kanyang mukha na labis naman nyang kinatutuwa.


Dali dali akong bumangon. Hinarap ang aking pinakamamahal na ina. Tumingin sya sa akin. Ngumiti. I tried to manage a fake smile. Hindi ko mawari ang reaksyon ng nanay ko,hindi ko alam kung naniniwala ba sya na masaya ako o hindi. Lumapit sya sa akin at tumitig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maipakita na okay lang ako. Bigla akong napabuntong hininga.


“Anak?”


“Po?”


“May pimple ka sa noo oh?”seryoso nyang sabi.


“Ha? Mama naman eh!” sabi ko sabay ngiti


“Joke lang to naman. Anak,alam kong hindi ka okay.”sabi nya


“Opo. Hindi talaga. Pero magiging okay din ako Ma,promise!”


“You have to make sure anak,sino yung naghatid sayo?”


“Ahh,yun ba Ma? Si Carlos po.”


“Bago?”


“Hindi po Ma.”


“Sus,iiwan na muna kita. Andyan sa labas ng kwarto mo si Pixel,magusap kayo. I'm sure na sya ang makakaintindi sa'yo. Tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng Back up. Okay?”


“Opo Ma,Salamat ng marami.” sabi ko sabay ngiti at buntong hininga.


Tumayo ang nanay ko at naglakad palabas ng pinto. Pero bago sya lumabas ay nagwika ito na.


“Nak,Infairness kay Carlos ha? Shoot sya sa banga. Palong Palo.” sabay ngiti at kembot palabas ng kwarto


At biglang sumara ang kwarto. Halos mamatay ako sa kakatawa sa aking nanay.She has always been so supportive sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Hindi sya kunsintidora,may tiwala lang talaga sya sa akin. Nung umpisa ay sobrang nanay na nanay yan sa akin,yung tipon nanay na ubod ng bait
kagaya ng sa mga soap opera. Pero mula ng mapadpad si Pixel sa bahay,ayan naging kikay na din. Naging cool mom na,pero atleast naman ay di nya napapabayaan ang pagiging nanay nya sa akin.


Umupo ako sa edge ng kama. Inayos ko ang aking sarili. Mula sa aking pagkakaupo  ay di sinasadya kong nakita ang larawan namin ni Daniel. Nakapatong ito sa computer table na nasa gilid ng higaan. Maganda ang kuha namin sa larawan na iyon,nakapolo shirt ako na maroon habang si Daniel naman 
ay nakawhite na t-shirt. Nakaakbay sya sa akin sa larawan. Kinunan ito 2 years ago,birthday ni Pixel. Naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam. Bigla din bumabagal ang aking paghinga,sa bawat paghinga ay ramdam ko ang sakit na iniwan nya sa akin. It only hurts when I'm breathing. Akala ko okay na ako. Hindi pa din pala. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at muli kong binagsak ang aking katawan sa kama. Tanaw ko ang kisame. Blanko. Buti pa ang kisame
andyan lang. Hindi bumagsak,kahit na anayin ito ay nakadikit pa din sa taas. Hindi nya hinahayaan na madaig sya ng mga anay. Hindi sya nagpapatalo sa temptations para bumagsak sya. Sana naging ganun din si Daniel sa relasyon namin. Sana hindi sya nagpadala sa kung sino mang lumalandi sa kanya. Sana hindi nya pinaanayan yung utak nya para hanggang ngayon masaya pa din kami. Sana ngayon kami pa din. Naramdaman kong sumara ang talukap ng aking mga mata. Kasunod nito ay ang pag-agos ng butil ng aking mainit na luha. Kahit anong gawin ko ay di pa rin talaga ako okay.
Kahit anong gawin ko di pa din ako masaya. Kahit anong gawin ko,at kahit anong kilig ang dala sa akin ni Carlos ay babagsak pa din ako sa pagiisip na si Daniel pa rin talaga ang hinahanap ko.
Si Daniel pa din ang mahal ko.


Buntong-hininga. Isang malalim na hininga.


Nakaramdam ako ng bagong presensya na pumasok sa kwarto. Alam ko na kung sino,sa tunog palang ng takong na tumatama sa aking kwartong may tiles ay alam ko na kung sino ang pumapasok. May kalakihan ang aking kwarto para sa isang tao,isa na yun sa dahilan kung bakit
mabilis narating ng taong ito ang aking kinahihigaan. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga
at dali dali syang umupo sa aking kama.


“Best.”


“Umalis ka dito. Ayaw kita kausapin.” sabi ko.


“Paano kita maintindihan kung ayaw mo magsalita?”tanong nito halatang malungkot ang tono.


“I need time.”


“Leche.You don't need time. We need to talk. Ano ba kasi nangyari?”


“Read between the lines.”sagot ko.


“Okay. Read between the lines. Kinakaliwa mo si Daniel?”tanong nito.


Napangiti ako sa narinig. Ngiting ubod ng pait.


“Ganoon ba talaga tingin mo sa akin?”tanong kong may halo ng sarkasmo.


“Bes,I know you're faithful.”


“You know right?”


“Oo. Eh bakit nandito yung si Carlos? Susumbong kita kay Daniel.”


“Magsumbong ka. Pagbuhulin ko pa kayo.” sagot ko.


Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Pixel.


“Fine. I'll call him now.”


Sabay kuha ng phone nya,nagdial at tinapat ang cellphone sa kanyang tainga.


“Ayan. Nagriring na.” nangaasar nyang sabi.


“He left me.” mahina kong sabi


Nangilid ang aking mga luha.Nagitla sya sa narinig. Agad agad na pinutol ang tawag,ibinaba ito at initsa sa isang parte ng kama.Hindi agad sya nakapagsalita. Tumitig sya sa akin at sinuri kong totoo ba ang aking sinasabi,maging siya ay halatang di makapaniwala. Naramdaman kong nagpakawala sya ng buntong hininga. Umakyat ang panghihina sa akin at dumaloy na naman ang aking luha. Umupo ako at humikbi na parang bata. Agad lumapit si Pixel at yumakap. Alam nya kung anong nararamdaman ko. At alam nya sa aking mga mata kung nagsasabi ba ako ng totoo. Alam kong may tiwala sa akin ang Bestfriend kong ito.


“Anong nangyari best? Bakit nagkaganoon?”


“May iba na daw sya. After 3 years best. Masakit.”


“May iba? Eh halos nga hindi na natutulog yon sa mga trabaho nya. Ang dami nyang projects n designs sa bahay. Impossibleng makapagsingit sya ng 3rd party best.” sabi nyang may halong pagtataka at galit.


“I don't know how he did it. Pero wala na. At eto na ako. I'm left alone.”


At tumulo na naman ang isa pang round ng aking mga luha.


“Stop crying bestfriend. Di ko alam yung sasabihin ko. Even me,I'm shocked. I really don't know what to say to you now. You should have told me. Para di ko na pinagtripan yung prospect BF mo.
Sorry friendship. Sorry talaga.”


“Tapos na yun. Hindi ko na din lalo alam ang gagawin ko.”sabi ko


“Ano ka ba? The world hasn't stopped revolving.”sagot ni Pixel


“I know best.”


“Anong plano mo?


“Hindi ko alam. He left me and I feel so fucking wasted. For the past 3 years,he has been my life. Wala ng magtetext sakin ng “Good Morning Hon. I love you.”. Wala ng tatawag sa akin in the middle of the day para magremind na I should take my vitamins. Wala ng bibisita dito sa bahay tuwing midnight para magayang kumain ng balot sa may kanto. Wala na best. I don't know where to go from here.”



Blanko. Tahimik. Walang gustong magsalita. Alam ni Pixel kung gaano ako nasasaktan sa lahat ng mga nangyari. Hindi din madali magmove on. Alam nyo yan. Hindi ito overnight process. Hindi din ito parang Ponds Cream na magiging visible ang dark spots in just 7 days. Pag naging broken hearted ka,you'll be bearing a lot of dark spots depende na dinsa  tolerance mo. Nanatili akong tulala at sobrang bigat ng pakiramdam,naramdaman ko na lamang ang init ng yakap na nagmula sa aking pinakamamahal na kaibigan.


“You'll be fine best.”


“I know. Thanks talaga Best.”


“Sorry sa ginawa ko kay Carlos. Hindi ko naman meant yun. Alam mo naman na fan ako ng love story nyo ni Daniel. Isa pa I'm just being protective. Sorry talaga.” sinsero nyang sabi


“Wala na yun. Pag magtext sya eh swerte,pag hindi eh siguro I have to fix myself alone. Pero alam mo,he really is a good catch. I'm sure you'll like him.”


“Mukha nga. Infairness,He's my MOMD.”


“Landi mo. Walang ahasan Best.”


“Ayy naman! Ganda kong to FR no? OMG. I'm so ganda kaya dami kong boys no?”sabi nito


“Madami ka ngang boys. Wala ka namang boyfriend.” pangaasar kong sabi


“Hindi porket madami kang nahuling isda sa dagat eh kakainin mo na lahat. Dapat best,may reserba ka para hindi ka maubusan bukas. Diba?” sabi nitong nangiinis.


Pansamantala kong nakalimutan ang mga sakit na dinadala. Ang kaninang sobrang lungkot kong aura ay biglang nabura. Nakatulong ang isang kaibigan. Napuno ng tawanan ang aking kwarto,bumalik kahit papano ang aking sigla. Masaya ako ngayon at ayoko muna magisa,dahil alam ko na pag naiwan ako magisa,tatargetin na naman ako ng kalungkutan. Isang kalabang napakahirap labanan.


Nasa kalagitnaan kami ng isang magandang usapan ng mag-ring ang aking phone. Dali dali kong kinuha ito mula sa aking bag.


“0916*******

   Calling....”


“Hello?”


“Uy. Musta?” sagot ng lalaki sa kabilang linya.


“Hey? Oyyy Musta?” sagot ko in exaggeration


Si Carlos ang nasa kabilang linya.Biglang may nagflash na ngiti sa aking mga labi. Bigla kong naramdaman ay pamumula ng aking mukha. Napansin ito ni Pixel at humiyaw.


“Best! Sino yan? Nakikipag SOP ka na naman!” nanunuya nitong sabi.


“SOP? FR do you do that? Hahahaha.” sabat ni Carlos na narinig ang sinabi ni Pixel.


“Ha? Naku hindi ahh. Adik lang tong babaeng to. Wag ka maniwala dyan.” sagot kong defensive.


“Hay. Uy FR sorry kanina ha? Nahuli tayo ng GF mo na nagkikiss, nagaway ba kayo? Sorry. Sorry.”
sabi nyang ramdam na ramdam ang sincerity.


“Don't mind him Carlos. No worries at all. Hindi ko yun GF. Bestfriend ko lang yun,nangtrip na BF nya daw ako. Kaya okay na. Wala ng dapat ipagalala.” sabi ko


“Really? Wow. Buti nalang. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nasira kayo dahil sakin. Buti nalang talaga.”tuwang tuwa nyang sabi


“Yup. No worries. Mabait tong si Pixel. You'll like her. Pakilala kita pag nagkita tayo ulit.” sabi ko


“Sure. My pleasure,isurprise nalang kita. Tutal alam ko na din naman ang bahay mo. So paano FR? See you tomorrow?” sabi nito


“Surprise ba yun? Eh sinabi mo nang bukas?” pabiro kong sabi.


“Hindi mo naman alam kung anong oras. Hahaha.” sabay tawa nitong sagot.


“Duga.”


“Sige na,I'll see you tomorrow. Good night FR.”


“Good Night Carlos.”


Then the call ended. Woohhh. Bigla na namang sumaya ang gabi ko. Nagmadali akong tumalon sa kama at humiga. Para akong dalaga sa mga telenovela. Patuloy ako sa pagdeday dream kahit gabi na.


“Best. Sabi ko sayo wag ka hihithit ng brief eh, Ayan tuloy.” sabi ni Pixel.


“Sus,inggit ka lang best.” nangaasar kong sabi.


“Hindi din no. May pekpek naman ako.” sagot nito.


“Adik ka best,may pekpek din naman ako no.”sagot ko sabay ngisi


“Oo nga best,may pekpek ka umuutot nga lang.” sabay halakhak ng malakas.


11:45P.M.


Nakaramdam na ko ng pagod. Pagod na din marahil sa byahe at sa lahat ng nangyari. My day has been a roller coaster of emotions. Masaya. Malungkot. Down. Hyper. Atbp. Ano pa ba ang mangyayari bago matapos ang araw na ito?


Magkahiga na kami ni Pixel sa kama. Tamang kwentuhan lang kami ng mga bagay bagay. Nagpapaantok kami pareho. Nandyang pagusapan namin ang mga bagong songs,mga bagong trends sa damit. Mga bagong prospect Bf at kung anu-ano pang bago. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap about sa “Teenage Dream” ni Katy Perry nang tumunog ang aking phone.


“Best,may nagtext sayo.” sabi ni Pixel sabay abot ng phone.


“Ahh okay.” agad kong inabot ang aking cp..


1 message received:
23:47:23
Daniel


Kinabahan ako nakita.


“Inbox”


Read?


“Ahh punyetang CP. Ang daming chechebureche.”


Message:

FR. Thanks for everything. We didn't end things properly.
Sorry Sa lahat. But Thanks for the 3 years with you.
I'm going to the States to fix everything. I'll have my flight
at 3A.M. I wish you the best. Thanks Hon!


Message End:


At biglang tumulo ang aking mga maiinit na luha.


ITUTULOY....










0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP