Chapter 10 to 11 : Unbroken

Friday, February 4, 2011

Anybody's Heart
“The heart that you broke,it wasn't just anybody's heart.”
-Katharine Mcphee,Anybody's Heart.

Kakaibang intensity ang aking naramdaman ng muling magtama ang labi namin ni Daniel. Ibang-iba ito. Muli kong naramdaman ang lambot ng mga labi nya. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang laway at bango ng kanyang hininga.. Muli kong nasaksihan ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Hindi ko mawari kung anong dapat kong maging reaction sa nangyayari. Basta ang alam ko,sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ng muli kong nalasap ang mga halik ni Daniel.

Patuloy ang pagtutungali ng aming mga labi. Masiglang nanunuod ang buwan at ang mga bituin. Kitang kita nila ang nagaalab naming mga emosyon kasabay na rin ang pagdampi ng malamig at mapanuksong hangin sa aming mga balat. Kumalas si Daniel mula sa pagkakahinang ng aming mga
labi at tumitig sa akin. Gustong kong matunaw sa mga titig nya. Alam ko sa  sarili ko na hindi din magiging okay. Mali na ito. Makakasakit ako ng tao. Ayokong masaktan ulit. Ayoko masaktan si Carlos.

Carlos. Naalala ko si Carlos. Ang lalaking nagtyaga sa akin mula ng binasura ako ni Daniel. Si Carlos na hindi man lang ako iniwan kahit minsan. Si Carlos na naging tapat at nagparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako after ako iwanan ng lalaking pinahalagahan ko. Si Carlos na mabait.
Si Carlos na mahal na mahal ako. Tila malakas ang naging impact sa akin ng pagpasok ni Carlos sa isip ko. Naalala ko na kung gaano nya ako minahal ay ganun naman ako binasura ng lalaking nasa harap ko para sa babaeng binuntis nya. Mula sa tuwa,unti-unti akong binalot ng galit.

“FR. Happy Birthday.” Malambing na sabi ni Daniel.

“Salamat.” walang emosyon kung tugon.

Tumitig sya sa aking mga mata. Aminado kong maganda ang mga ito,pero dahil sa mga matang iyon
ako ay nahulog sa bitag. Naalala ko kung paano ako inabandona. Iniwang durog. Ngayon nagsink in na sa akin. Dahan dahang umakyat sa litid ko ang galit na nahukay pa sa nakaraan. Ang kaninang di mapaliwanag na FR ay wala na. Marahil ay tama nga si Pixel. Mahal ko pa si Daniel pero hindi na tama. Kailangan kong gumanti.

“FR,I missed you so much.” sagot nito na puno ng passion.

“Really? Namiss mo ba mga halik ko?” sagot ko. Sarkastiko.

“Oo. FR. I missed it so much. I missed you hon.” sagot nito.

Sinubukan nyang hawakan ang aking mga kamay pero agad akong umiwas. Pinaramdam ko sa kanya na wala na syang babalikan sa akin. Galit ako. Galit ako. Galit ako.

“You missed me? Really?” sarkastiko kong tugon.

“Oo FR. I missed you so bad.”

“Then why did you leave me?Bakit mo ko pinagpalit kay Ivy?” sagot ko.

Natahimik sya. Halatang nabigla. Naguumpisa na. Ipaparamdam ko na kung ano ang impyernong ginawa nya sa akin. Matitikman nya kung anong klaseng tao ang iniwan nya. Sisiguraduhin kong
magsisisi sya sa pangiiwan nya sa akin. Nagpakawala ako ng isang ngiti. Isang ngiting puno ng poot
at pagnanasang makaganti.

“See you can't even answer me? Bakit Daniel? Umurong na ba dila mo?” nangaasar kong tugon.

“FR. Let me explain oh. I have my reasons.” sabi nito.

“You have your reasons and I don't care. Ang mabuti pa,umalis ka na dito!” sigaw ko.

“FR. You don't understand me. Kung sasama ka sa akin ngayon I swear maayos natin to.” pagsusumamo nito.

“Ako? Sasama sa'yo? Bakit? Everything's clear. Hayop ka! After 3 years natin ipagpapalit mo ko?
Gago ka ba? Hindi mo ba alam kung ano mga sinakripisyo ko para sa'yo?” sagot ko. Malakas. Nagmamatapang. Nagmamaganda.

“Aayusin natin to. Magiging okay tayo. Please FR. Please naman oh!” sabi nito.

“No Daniel! Hindi na natin maaayos to! Hinding hindi!” sigaw ko.

Pagkahiyaw ko noon ay mabilis na tumulo ang aking mga luha na tila gripo. Nanatiling nakatayo si Daniel sa kanyang kinalalagyan nang mabanaag ko sa kanyang mukha ang labis na pagsisisi. Alam ko at ramdam ko ang kanyang kalungkutan pero hindi na. Hindi na ako kailan man magmamahal ng isang tulad nya. Bakit pa? Naiwan na akong minsan,I'm sure na kaya pa rin nya akong iwanan ulit.
Isa pa,hindi ko pinangarap na manira ng pamilya. May anak na sila ni Ivy kaya dun na sya. Hindi ko maintindihan kung bakit pa nya ko pinuntahan ngayon. Bakit pa nya ko ginugulo,bakit pa sinusubukang bawiin ako sa kung saang estado man ako.

Nakarinig ako ng pagsara ng pinto mula sa aming bahay. May paparating. Pumasok sa aking tenga ang tunog ng mga yabag. Seconds after,lumabas si Pixel sa gate,nakapantulog at halatang nagulat nang tumama ang kanyang mga mata kay Daniel. Hindi agad ito makapagsalita. Agad itong tumakbo papalapit sa akin,nakita na naman nyang sugatan ang kanyang matalik na kaibigan. Sinubukan nya akong aluin sa pagtapik tapik nya sa aking balikat. Nakaramdam ako ng sense of direction. Tumingin ito kay Daniel at ngumiti.

“Kamusta ka na Daniel?” sabi nito. Formal. Ngumiti.

“Okay naman ako Pixel.” sagot ni Daniel.

“Long time no see.” matipid nitong sagot.

“Oo nga eh. Sana makasama ko kayo minsan.” sabi nito kay Pixel.

“Hindi na mangyayari yun kahit kailan Daniel! Hinding-hindi na!”sabat ko.

“Best,chill.”sabi ni Pixel habang kinocomfort ako.

“FR,you can't deny na mahal mo pa rin ako. Alam ko at ramdam ko. Sa mga halik mo kanina. I know I still have a place in your heart. Mahal mo pa ako FR!” sabi nito.

“Ang kapal mo din? After 3 years? Iisipin mo pa din na mahal kita? Well,I've moved on! After 3 years,iisipin mo na I'm still the same FR? You're wrong! After 3 years,tingin mo magiging ganun
kadali mong maayos lahat? You're definitely wrong Daniel!” sigaw ko.

“I'm sure you still love me . And I'm going to pull you back.” sabi nito.

“I don't love you anymore Daniel! I don't love you anymore! Akala mo kung sino ka ha? Hindi na kita mahal! Nakamove on na ako! At may bf na ako! Hindi na kita mahal! Dun ka na sa asawa mo at sa anak nyo. Ayoko sirain ang pamilya mo. Umayos ka na tigilan mo na ko!”sabi kong gigil na gigil na naiiyak.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Pixel. Alam nya kung anong pinagdadaanan ko. Alam nya kung anong hirap ang dinadala ko lalo pa ngayon na bumalik na out of the blue si Daniel. Nararamdaman ko na naiintindihan lahat ni Pixel ang galit na nararamdaman ko. Naiintindihan nya ang gigil ko sa lahat ng nangyayari. Higit sa lahat,nararamdaman nya ang ginagawa kong pagtanggi na mahal ko pa si Daniel. Alam ni Pixel lahat. Lahat ng nararamdaman ko. Lahat-lahat.

“You have a boyfriend?” naiiyak na tanong ni Daniel.

“Yes. I do. Tatlong taon na din Daniel mula ng iwanan mo ako. I think deserve to be happy.” sagot kong nagmamatigas.

Nagulat si Pixel sa narinig. Ako may boyfriend? At sino ang tinutukoy ko? Alam kong yan ang mga tanong na nabubuo sa isip ko ngayon. Tumitig ito sa akin ng may halong malaking pagtataka. Nilakihan ko sya ng mata at mula don ay nagets nya ang ibig kong sabihin:PIXEL,MAKISAKAY KA!

Parang manikang nalagyan ng baterya,agad umayos si Pixel para sa isang palabas. Tumitig ito kay Daniel at nagwika..

“Daniel,tama na. I think my bestfriend already had his fair share sa lahat ng namagitan sa inyo. Anong purpose mo para bumalik pa? Para manggulo? We'll I think honey,you're a bit late. FR's madly inlove with Carlos. Right FR?” sabay tingin sa akin.

“Oo. Tama si Pixel. I have a boyfriend. His name is Carlos. He's an oncologist. Gwapo at mayaman.
What can I say more?” pagmamayabang ko. Mapait.

“Carlos what?” tanong ni Daniel.

“Wait there's more. Carlos is a darling. Gustong-gusto sya ng parents ni FR.”sabat ni Pixel.

“Really?”sagot ni Daniel. Talunan.

“Oo. Kaya umalis ka na. At wala ka nang babalikan sa akin. Wala na.” sagot ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba. Ang sarap ng pakiramdam. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Daniel. Halatang nasaktan. Halatang talunan. Naramdaman ko ang kiliti ng tagumpay sa aking katawan. Sa wakas,kahit papaano,nakaganti ako. Kahit papaano,nasaktan ko sya. Pero kulang pa,he deserves more. Daniel deserves more.

“Siguro nga wala ng pagasa. Pero I will still try to win you back FR. Seryoso.”

“Wala na talaga.” sagot ko.

“Bukas,magkita tayo sa Coffee Bean along Emerald Avenue 7PM. Isama mo ang bf mo. I want to see him.”

Tumalikod na si Daniel. Hindi na nagpasabi ng paalam at dali dali itong sumakay sa dala nyang itim na Ford Lynx. Naiwan kami ni Pixel na nakatayo sa labas ng gate ng bahay. Walang gustong magsalita. Ang huling kataga ni Daniel na iyon ay paulit ulit na umaandar sa isip ko. Bakit kailangan pa nyang makita si Carlos? At bakit sinasabi nya na babawiin nya ko? Ano ba? Matapos kang iwanan at ipagpalit ngayon eh babalik na parang walang nangyari? Gago ba sya?

Walang gustong magsalita sa amin ni Pixel. Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. Tapos na nga ang palabas,naging magaling sa pagarte si Pixel. Masasabi natin na naging consistent sya sa character na ginampanan nya. Ako? Kamusta naman kaya ang naging acting ko? Ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Best,are you happy with your performance?”tanong ni Pixel.

“Ewan ko. I don't actually know what to feel.”sagot ko. Blanko.

“That means hindi ka masaya sa ginawa mo.” sagot nito.

“Anong bang mas okay? Maging tama ako o gawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin?”
tanong ko.

“Hindi ko alam best. Pero ako siguro,pipiliin ko yung tama. Hindi ako magiging masaya pag alam ko na may nasasaktan ako.” sabi ni Pixel.

“Carlos has been a good bf material for you best. Isipin mo nalang,he wouldn't have given you a lot of effort if he sees you as a friend lang. It's pretty obvious na he wants more. It's obvious that he wants to take care of you.”sabi ni Pixel. Serious ang tono.

“I know best. Mahirap pero ginagawa ko naman best. Sana madali. Sana madali lang turuan tong sarili ko na si Carlos nalang. Sana madali lang ding kalimutan si Daniel. Sana madali lahat.” sagot kong umiiyak.

“Kung hindi mo ibubukas ang kakarampot mong utak sa katotohanang wala na kayo ni Daniel,hindi ka makakamove-on. Alam mo naman na pinakamahalaga ang acceptance best diba? Hindi na kayo.
Para saan pa? Bakit di mo bigyan ng chance ang sarili mo na maging masaya kay Carlos? Isa pa may pamilya na si Daniel. Ano ka best? Kabit?”

“Eh bakit pa sya pupunta punta dito tapos manggugulo at sasabihing mahal pa nya ko at he wants to pull me back?”sagot ko, Tuliro.

“Sana alam ko sagot dyan best. Kaso hindi eh. Hayaan nalang nating mangyari lahat ng dapat. Basta pagisipan mo ang mga sinabi ko. Malay mo si Carlos na talaga pala.”sabi nito.

“Best,para saan pa? Diba gusto nga din nya makita si Carlos bukas? Ano gagawin ko? Puntahan ko ba? Ano ba?” Lito kong tanong.

“Wag na. Bakit pa? Magmall nalang tayo bukas. Day off mo diba?” sagot nito.

“Problemado na nga ako mall pa din ang nasa isip mo?”sabi ko.

“Best,shopping is a therapy. Kaya magshopping tayo bukas.”

“Fine.”

Isang malalim na buntong hininga.

Eto nga yun. Ganito ang tamang pagbati sa akin ng tadhana. Regalo mula kay Carlos. Masayang dinner kasama ng aking pamilya. Mga payo ni Pixel. Ang pagbabalik ni Daniel. FUCK.
 “Happy Birthday FR.”

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

Maaga kaming gumising ni Pixel. Katulad ng napagusapan kagabi,magsashopping kami. Ang tagal ko na ding hindi nakapamili o nakapunta man lang ng mall. Maybe it's a really good time to unwind.
Kahit na alam ko na sobrang bothered ako sa nararamdaman ko kay Carlos at kay Daniel. Nagbreakfast. Naligo at nagbihis. Naging mabilis ang aming pagkilos dahil na rin sa excited na ako makapagmall kasama si Pixel. We haven't done it for a long time.

“Best,ready ka na?”

“Wait lang friendship. Nagaayos pa ko.” sagot nito.

“Gising na tayo ng 9am. 11 na ngayon,di ka pa din ayos?” sagot ko.

“Ano ka ba? Kakain na din naman tayo dito diba? Para tipid na sa mall. Mukhang shoot na naman ang luto ni mudak mo eh.” sagot nito.

“Ganon? Eh di sana pala nakatulog pa ako ng mas mahaba haba? Atat ka masyado eh. Ginising mo pa ako.”inis kong sabi.

“Ano ka ba? Keri lang. Para pagkakain natin go na agad tayo sa mall no.”

“Hay. Eat and run ka talaga. Kapal.” sagot ko.

“Eto naman. Nakikikain na nga lang yung tao.” banat nito.

“Oo na. Oo na.”

1 PM.

“Best. Magtaxi nalang kaya tayo?”

“Oo nga. Magtatataxi nga tayo. Tirik na tirik ang araw eh.”sagot ko.

“Go. Go. Basta sagot mo ang pamasahe. Go.”

“Kupal ka talaga. Buraot.”

“Gago. Go na.”

2PM. Megamall mode.

Overwhelmed ako sa tao. Sobrang dami. Infairness,warm welcome ang pinagkaloob sa akin ng megamall. Sobrang crowded ng mall,animo'y divisoria. Yun nga lang,mas okay ang aircon dito kesa sa divi. Mahigit ilang oras din kaming nagpaikot ikot ni Pixel sa mall. Nakabili naman kami ng isang libro mula sa National bookstore,isang jacket sa “Mental”,isang pares ng couple's shirt sa department store at isang bag sa isang specialty store.

“Best. Hunger strike na ako. Saan tayo kakain?” sabi ni Pixel.

“KFC?”

“Wit ko bet. Box-office best eh.” sagot nito.

“Okay. Hanap tayo ng hindi matao.”sagot ko.

“Inasal?”dugtong ko.

“Di ko pa din bet. Dami pa din tao oh.” sagot nito.

“Best. Weekend malamang no? Kaya siguro box-office lahat ng fastfood chain no? Tonta.”sagot ko.

“Ouch naman non. Pukibels ka. Hanap tayo ng fine dining best sa taas.” sambit nito.

“Fine dining? May pera ka best? Di ka ba natatakot sa sinasabi mo? OMG! Hahaha.” sagot ko.

“Wag kang ganyan. Porket di ako gumagastos at humaharbat ako sa inyo eh wala na agad ako pera? Grabe ka naman best! Napakajudgmental mo!”sabi nito sa malungkot na tono.

“Ayyy may ganung emote? Tigilan mo ako ha? Gutom na ako.” sabi ko.

“Hunger strike na ko. Magtake out nalang tayo sa Mcdo, Tapos eat natin habang naglalakad.”

“Tamang trip ka ha? Pero pwede din.”

Pumila kami ng pagkahaba haba sa Mcdo para lang magtake out ng Fries,Float,Sundae at Big Mac.
Agad na tinungo ang foodcourt sa baba at humanap ng upuan. Nakahanap ng pagkakainan ng maayos at kumain na parang wala ng bukas. Isabay mo pa ang masayang kwentuhan. Pansamantalang nakalimutan ang mga agam agam na bumabalot sa aking kamalayan.

Tumayo na kami ni Pixel at nagayos. Tumayo na mula sa upuan ng foodcourt at lumakad na palabas ng Megamall. Pagtingin ko sa relo ko ay 6:30 na pala. Di maiwasang magflash back ang mga huling sinabi ni Daniel.

Bakit pa ba nya ko gustong makita? Bakit kailangan pa nya makita si Carlos? Ano ba talagang gusto nya? Buntong hininga. Mula sa happy times,bumalik na naman na ang parang sirang plakang emosyon. CONFUSION.

“Best. If bothered ka dun sa sinabi ni Daniel kagabi,kaw ang bahala. Do you still want to see him?”tanong ni Pixel.

“Best,I really don't know. Nalilito ako talaga. Di ko alam kung ano pa ba dapat kong gawin.” sagot ko.

“Ganito nalang,follow your instinct. Ano ba sa tingin mo ang dapat mong gawin?”

“I definitely have no clue.” sagot ko.

“Okay. Umuwi nalang tayo.”sagot ni Pixel.

Lumakad na kami papunta sa labasan ng Megamall. Ang exit na tinahak namin ay malapit na sa may mga bus bay ng Building B. Medyo kumakagat na ang dilim ng lumabas kami ng Mall. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin sa labas. Pero di pa din maitatanggi na mas malamig ang hanging dala ng aircon sa loob. Whew. Parang gusto ko uling bumalik sa loob ng mall. Ilang hakbang ang nasa baba na ako.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang huminto si Pixel. Nanatiling syang nakatayo at tila may inaaninag sa di kalayuan. Marahil ay may nakitang kakilala o dating kaibigan. Katulad nya,napahinto na rin ako sa pagkilos. Pareho kaming nahinto sa paglakad.

“Best? May GF ba si Carlos?” tanong nito.

“Ha? Wala yung GF. Tagal na din naming magkakilala wala naman syang nababanggit eh. Bakit?” tanong ko.

“Ehhh,paano kung may GF si Carlos?” tanong nito.

“Siguro malulungkot ako. Pero ano bang karapatan ko? Hindi ko naman BF yung tao. So walang lokohan na naganap. Sinayang lang nya panahon nya sa akin. Ganun din ako sa kanya.” sagot ko.

“Okay Okay. Fine.”

“Best? Bakit mo natanong? Ano ba nangyayari? Naadik ka na naman?”tanong ko.

“Wala best. Wala naman.” sagot ni Pixel habang nakatitig pa rin sa spot na kanina pa inoobserbahan ng kanyang mga mata.

“Best,ano ba yang tinitignan mo?”sagot ko.

Dahil na rin sa hindi ako mapakali sa kung sino o ano mang tinititigan ni Pixel. Napagpasyahan kong sundan ng tingin ang pinagmamasdan nya. Hindi ko masyado maaninag dahil na nga rin sa mata ko at medyo may kadiliman na din. Basta ang alam ko ay mayroong isang lalaki at babae na bumaba sa kotse. Seconds after,binuksan ng babae ang pinto sa likod ng sasakyan at kinuha ang isang batang lalaki na siguro ay nasa tatlong taong gulang. Nasa gitna ang bata at hawak nito ang kamay ng lalaki at babae. Naglalakad na sila papasok ng Megamall.

“Best. Tara pasok tayo ulit sa mall.” sabi ni Pixel habang patuloy pa rin ang sunod ng tingin sa pamilyang bumaba sa kotse.

“Best,sila ba? Di ko maaninag masyado eh. Sino ba yun? Barkada mo? Happy Family sila best.” sagot ko. Namamangha.

“Tignan natin kung ano masasabi mo pag nakita natin sila ng husto.”sagot ni Pixel. Tensyonado.

“Ha? What do you mean?” nalilito kong tanong.

Nakita ko nang papasok ng mall ang maganak. Agad akong hinatak at nagmadali para makapasok sa mall. Muling sumambulat ang liwanag ng mall sa aking mga mata na nagpadali upang makita ko ang kanina pa pinagmamasdan ni Pixel. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nagitla ako.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Hindi magkamayaw ang aking mga emosyon. Binabalot ako ng kakaibang pakiramdam. Ni hindi ako makapaniwala at makapagsalita.

“Nakikita mo na ba ang kanina ko pa nakita?” sagot ni Pixel. Nagtataka.

“Oo. Maliwanag na maliwanag.” sabi ko. Gumagaralgal ang boses. Naluluha.

“Oh? Bakit ka naluluha? Kala ko ba okay lang?” tanong ni Pixel.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam best.”sagot ko.

“Nasasaktan ka?”

“Ewan.”

“Pati ba naman si Carlos nakabuntis din at may pamilya na?” takang tanon ni Pixel.

“Hindi ko alam best. Hindi ko alam naguguluhan ako.”

At pumatak ang mainit at maalat na butil ng luha sa aking kaliwang mata. Hirap ako huminga.
Pakiramdam ko masakit ang bawat paglabas masok ng gases sa aking sistema. Bumabagal at nagiging mas kumplikado bawat hinga. Hindi ko na alam.

“Oh? Bakit ka natulala dyan? Ano? Hindi ba man lang natin wawarlahin? Hindi ka man lang ba magtatanong kung “Da Who?” si Gurlash at anakchiwa ba nya si Babybells?” tanong ni Pixel.

“Wala na kong idea best. Ayoko na. Let's go home. I've had enough. Nasaktan ako. May pamilya na din si Carlos. Ayoko na.” sabi ko. Umiiyak.

“No!”sigaw nito. “Hindi tayo uuwi! Hindi tayo aalis ng Megamall hanggang di ko nakakalbo ang lalaking iyan.” sabat ni Pixel.

“Best. Hayaan na natin. Naging mabuti si Carlos sa akin. Kaya hayaan na natin.” sabi ko. Umiiyak.

“Gago ka ba? Kaya ka naiiputan sa ulo eh. Hindi ka marunong lumaban pag pagmamahal na ang usapan. Tignan mo,kay Daniel,hinayaan mong iwanan ka. Malamang kung drinamahan mo yun,nagstay sana. Hahayaan mo bang mangyari ulit? This time kay Carlos naman? Kung kailan nakakakuha ka ng bangus papakawalan mo pa? Ano gusto mo? Galunngong? Puki ka.” iritang sermon nito.

“Isipin mo nalang yung bata. Paano na yung bata ha?” tanong ko.

Natahimik si Pixel. Malamang narealize nya ang punto ko. Kahit kailan man ay di ko pinangarap na makasira ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng ama dahil naghiwalay noon si mama at papa. Yun nga lang ay nagkabalikan sila. Pero alam ko pa din na hindi ganun kadali na walang ama ang isang bata. Kailangan nito ng ama na gagabay sa paglaki nya. Isa pang malalim na buntong-hininga.

“Best. Naiintindihan kita. Pero paano natin malalaman kung hindi mo sya ikoconfront?”tanong ko.

“Ewan ko. Wala na ako sa wisyo. Wala na kong bait.” sagot ko.

Patuloy kami sa pagsunod sa kanila. Sa buong pagsunod namin sa kanila ay bihira o hindi ko man lang nasipat ang mukha ng babae. Pero sa tayo nito ay mukhang maganda. Maputi din ito at makinis. Yun marahil ang dahilan kung bakit sya nagustuhan ni Carlos. Kung sakaling sya nga ang GF o Asawa nya.

Napagod kami sa kakasunod. Nakita ko nalang na pumasok sila sa isang fine-dining restaurant kung saan sila kakain. Mababakas mo sa mukha nila na masaya sila at sabik silang makita ang isa't isa.
Mula sa pagkakatayo ay natanaw ko ang babae. Kita ko na ang kanyang mukha. Maamo pa rin ito. Para pa ding anghel. At hawig pa din nya si Carla Abellana. Muling bumalik sa akin ang mga gunita ng nakaraan. Naalala ko ang aming naunang engkwentro.

“May inaantay ka?”

“May inaabangan lang.”

“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. Btw,ako si Ivy.”

“Ahh nice name. I'm FR.”

Muli,inusok ang utak ko. Nakaramdam ako ng matinding galit. Nakaramdam ng matinding panginginig sa aking kalamnan. Galit ako.Galit na galit.Tama. Si Ivy nga ang nakita ko. Pero bakit?
Di ko maipaliwanag. Bakit kasama nya si Carlos? Anong koneksyon nya kay Carlos? At bakit kilala nya si Carlos? Teka. Hindi na maproseso ng utak ko lahat. Hindi ako makahinga.

“Best. May ichura yung babae.” sabi ni Pixel.

“Hayop.”

“Ako?”Sabat nito.

“Hayop sila.” sabi ko. Gigil na gigil.

“Bakit best? Ano ba? Kilala mo ba ung babae?”

“Si Ivy.” gigil kong sagot.

“Ivy who?”

“Si Ivy. Siya yung nabuntis ni Daniel dati. Sya yung babaeng umahas kay Daniel. Ngayon naman pati si Carlos.”

At muling pumatak ang aking luhang puno ng pait at galit. Di ko na din alam ang gagawin ko.
Nakita ako ni Pixel na galit na galit. Sobrang galit. Ang bilis na ng aking paghinga. Naramdaman
ko nalang na biglang lumakad ang aking mga paa papasok ng restaurant. Kaba at takot at galit ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ko alam. Naghalo halo na lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman. Ang alam ko,kailangan kong malaman lahat. Lahat lahat. Mananagot si Ivy. Hindi ko sya mapapatawad.

Nakapasok na ako ng restaurant at handa na akong sumugod sa kanila. Nasa likod ko si Pixel at halatang back up ko talaga. Mabilis akong nakalapit sa kanila. Ngayon ay nasa harap na nila ako at laking gulat ni Carlos ng makita ako sa harapan nilang umiiyak na parang basahan. Nagkatinginan kami ni Ivy at puminta sa kanyang mukha ang malaking pagtataka at pagkabigla. Hindi ako mapakali. Mabigat ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ingudngod si Ivy sa mesa ng table pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin.

Lumingon ako kay Carlos na humahangos. Lumuluhang parang batang inagawan ng ice cream. Gusto kong sabihin na iwanan na nya si Ivy. Gusto kong bawiin sya. Gusto kong ako lang ang nasa puso nya. Ako lang. Hindi si Ivy. Hindi sa kung kanino man.

“Carlos,can we talk?” sagot ko. Nanginginig.

“FR. Ahh. Sure.” Nangangatal na sagot nito.

“Ivy. Can you excuse us for a while?” sarkastiko kong tanong. Naiiyak.

“Huh? Sure Fr. Sure.” mahinang sagot nito. Nagtataka.

Patayo na sana si Carlos mula sa kanyang kinauupuan nya ng biglang..

“Uy,late na ba ko?” masiglang bati ng lalaking nagsalita.

Inangat ko ang aking ulo. Tinignan kung sino ang nagsalita. Tumama ang aking mata at lubos akong nanghilakbot sa nakita. Si Daniel. Shit! Ano to? Reunion? Si Carlos,Si Ivy,Si Daniel,Si Pixel at ako.
Isama mo pa ang anak ni Daniel at Ivy. Putang ina talaga. Sabi nga nila lightning strikes,pero di ko alam na sobrang hagupit pala ang itatama nito.

Mula sa scenariong ito. Napagtagpi tagpi ko na ang mga nangyari. Iniwan ako ni Daniel. Dumating Si Carlos. Umeksena si Ivy. Buntis at lumipad papunta ng Amerika kasama si Daniel. Bumalik sila at nakita kong magkakasama. Isa itong Malaking SET UP! Di ko maiwasan di maawa sa sarili ko.
Sa loob pala ng tatlong taon ay naging magaling na aktor si Carlos. Nandito silang lahat para guluhin ako. Para pahirapan ako. Mga hayop sila.

Tumingin ako sa kanilang lahat. Nararamdaman ko ang tensyon dahil sa pagtitig ng mga tao sa amin na tila drama sa TV. Naramdaman kong pumatak ang aking luha. Talunan. Nasetup. Ginago. Lumapit si Pixel to the rescue.

“Best,tara na uwi na tayo.” sagot nito. Pinapakalma ako.

Hindi ko sya pinansin.

“Mga hayop kayo. Ano bang ginawa ko sa inyo? Bakit nyo ko ginago? Bakit nyo ko ginago?
Daniel! I loved you! Anong ginawa kong mali! Faithful ako! Wala akong iba! Iniwan mo ko!
Pinagpalit mo ko kay Ivy. Ngayon isesetup nyo ko sa palabas nyo?Papaibigin ako ni Carlos tapos iiwan din? Hayop! Mga wala kayong puso! Hayop kayo! Mamatay kayo!” sigaw ko.

Nakatutok sa amin ang mga mata ng mga tao. Gumawa kami ng eksena. Agad akong lumabas. Tumatakbo. Luhaan. Hindi na ko nagsawa sa kakaiyak.

Isa itong malaking set-up.

FUCK.

ITUTULOY...

“Unbroken 10”

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
“Unbroken 11”
Speechless
“I'll never talk again,oh boy you've left me speechless.”
-Lady Gaga,Speechless.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman nung mga sandaling iyon. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tila ba hinampas ako ng malaking kahoy sa dibdib para mamanhid ito at magdugo ang aking puso.Naramdaman ko ang malaking dagok sa aking damdamin. Ginago ako ng lalaking minahal ko at ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng husto. Ano pa ba dapat mong maramdaman? Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Dali dali akong tumakbo papalabas ng restaurant. Naramdaman ko ang walang habas na pagtulo ng aking mga luha habang mabilis na umaandar ang aking mga paa. Naramdaman kong nakasunod sa akin ang aking matalik na kaibigan. Mistulang mga kabayo sa pagtakbo. Mistulang mga dagang umiiwas sa bawat taong nakikita. Ilang Segundo pa naramdaman ko muli ang hangin na nagmumula sa labas ng Megamall. Nasasagap na rin ng aking mga tainga ang ingay na dala ng mga bumubusinang bus at sasakyan sa Edsa.

“Best. Hiningal ako kakahabol sa iyo. In all fairness ha? May pagkakabayo ka talaga te.” Sabi nito

“Best.let’s go home.” Sagot kong umiiyak.

“I  understand. Ang bigat ng araw na ito best.” Sagot nito.

Papunta na kami sa may overpass papunta sa sakayan ng bus na pasouthbound ng…

“FR! Sandali!”

Dali dali kaming napalingon ni Pixel sa pamilyar na boses na iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. I felt anger. He betrayed me. I am wanting him already just to find out na they are just tripping on me. Ano bang mali kong ginawa sa kanila? Ano ba?

“Carlos. Enough. Please. I think I’ve seen everything. And you don’t know how you’ve hurt me.” Sagot ko umiiyak.

“No. FR. Believe me,wala kang alam sa nangyayari. Even me,I don’t know that you’re related to Ivy and Daniel. Please. Let me explain.”

“Carlos,you know what? I trust you. I trusted you. Akala ko you’re real. I thought lahat ng affection na pinakita mo sa akin eh totoo. Pero hindi pala. Carlos you’ve been a good person sa akin. I felt your sincerity. Ang galing mong umarte. Alam mo yun? You made me believe na mahal mo ko and all that. Carlos ang sakit. Sinet up nyo ko.” Mahaba kong turan. Umiiyak.

“Even me FR. Sa maniwala ka at sa hindi. Hindi ko alam na magkakilala kayo. Hindi ko alam. I don’t know kung sino si Daniel at si Ivy sa buhay mo. Pero kaibigan ko sila.” Sabi nito. Naiiyak.

“Too bad Carlos. I don’t believe you.” Sabi ko. Blanko.

“You’re unfair FR.” Sagot nito. Umiiyak.

“Ako pa naging unfair Carlos? Kailan pa naging di patas ang nadehado? Wala kayong kwenta lahat. Di ko alam lahat ng motibo nyo for putting me on a set up. How dare you!”

Napasigaw ako. Kasabay ng pagbato ng maanghang na salita na yon ay ang pagpatak ng aking mga luha. Lumipat si Pixel to the rescue. Tumitig ito kay Carlos at nagbuntong-hininga. Pinatong nito ang kanyang kamay sa aking balikat tanda ng pagpapaalalang nandyan lang sya. Nakaramdam ako ng kasiguraduhan na kahit papaano ay may matitira pa sa akin. Andyan sya. At di ako iiwan ng aking matalik na kaibigan.

“Carlos. I don’t want to be mean. But bumalik ka na sa kanila don. I think wala na din talagang pagasang makinig si FR sa mga paliwanag nyo. Kung ano man yung mga yun.”sabi ni Pixel. Hindi maipaliwanag ang kanyang tono.

Hindi nya pinansin si Pixel. Bumaling sya sa akin at nagsalita.

“FR. Kahit ba katiting minahal mo ko? Or kahit ba man lang katiting ginusto mo kong mahalin?” tanong ni Carlos. Desperado at umiiyak na parang batang inagawan ng kalaro ang tono.

Nagulat ako sa narinig. Nakaramdam ako ng awa sa side nya. Sa nagdaang tatlong taon naramdaman ko lahat ng kabutihan nya. Ramdam ko naman lahat eh. Dahil lang sa nangyari ay di ko na alam kung totoo ba lahat ng ginawa nya o arte lang. Hindi ko na maintindihan. Sino ba talaga ang mga kakampi ko? Sino ba ang gugulo sa akin? Sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan?

“Carlos,to be honest,malapit na sana.” Mahina at umiiyak kong tugon.

“Then why can’t you give me another chance? Bakit ni hindi mo man lang ako hayaang magpaliwanag?”sagot nitong nagmamakaawa.

“Sorry. I don’t give second chances. Pinaglaruan nyo lang ako. Pinaglaruan. Ginago. Sinira. Magsama sama kayo.” Sagot ko.

“How can you be sure kung pati nga ako kasama sa panloloko na sinasabi mo? Anong mapapala ko kung lolokohin din kita FR? Magkakapera ba ko? Hindi. Will I get a new house for doing so? Hindi din FR! So hindi talaga kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung anong connection niyo nila Daniel at Ivy. Bakit kilala mo ang magkapatid na yun?” Taka at naiiyak na sagot ni Carlos.

“Magkapatid?” sabat ni Pixel.

“What do you mean na magkapatid?”nanginginig kong tanong kay Carlos.

“Ha? Ano ba sa akala nyo?” nagtatakang tanong ni Carlos.

“Hindi ba asawa ni Daniel si Ivy?” nanginginig at naiiyak kong tanong.

“Ha? Hindi. Magkapatid sila. Teka bakit ba? Ano mo ba si Ivy? Ano mo ba si Daniel? Nalilito na ako.” Sabi ni Carlos.

“Daniel is FR’s ex boyfriend.” Nagtatakang sabat ni Pixel.

Napahinto ako.Nagulat din si Carlos. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Carlos. Palabas lang ba to? Or totoo na ? Hindi ko alam. Nanginginig ako sa mga naririnig ko. Kapatid ni Daniel si Ivy? Teka paano?Kilala ko ang mga kapatid ni Daniel,si Max at Jared. Wala silang kapatid na babae. Pero sino ba si Ivy? Hindi ko maintindihan. Litong lito ako.

“Ex mo si Daniel FR?” tanong ni Carlos.

“Oo Carlos. Siya yung umiwan sa akin 3 years ago. Do you remember  nung nagkasabay tayo sa eroplano?”sagot nito.

“3 years ago?”tanong nito.

“Oo. 3 years ago.”

“Panong naging kapatid ni Ivy si Daniel? Hindi nya kapatid si Ivy. Sinetup nyo ko.” Dagdag ko.

“Best! Makinig  ka nga muna kung pwede!” Sabi ni Pixel sabay batok sa akin.

Natauhan ako sa batok ni Pixel. Bakit ba ayaw kong makinig? Hindi ko alam. Siguro nasaktan na ako ng husto kaya hindi ko na magawang makinig. Human nature na natin na wag makinig once na masaktan tayo ng husto. At tingin ko na ganoon nga ang nangyari sa akin. Naramdaman kong tumulo ang aking luha. Sa kaliwang mata ito na nagmula na nagpapakita ng sakit. Susubukan kong makinig kahit ngayon man lang.

“Kilala ko lahat ng kapatid ni Daniel. Si Max at Jared lang yun. Hindi ko alam na may kapatid si Daniel na babae. Hindi nya kapatid si Ivy. Carlos sabihin mo na ang totoo. Alam kong sinesetup nyo ko. Ayoko na.”

“Hindi mo talaga ako kilala at hindi ako nababanggit ng Kuya Daniel dahil anak ako sa labas.” Sagot na nagmula sa isang pamilyar na boses.

Agad naming tinumbok kung saan nagmula ang boses. Tumingin kami sa kanan at nasilayan si Ivy karga karga ang bata. Ganun pa din ang physical features ni Ivy. Mas gumanda lang sya at medyo tumaba ang pisngi. Ngumiti ito sa akin at ganoon din kay Pixel. Tanda na din ng paggalang at pagbati. Sa hindi maipaliwanag na dahilan,nakita kong ngumiti si Pixel.

“Anong ibig mong sabihin Ivy?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ako asawa ni Daniel. In fact FR,nakakatandang kapatid ko si Kuya Daniel. Anak ako sa labas,nung nalaman kong buntis ako,hinanap ko ang tatay ko na nakarelasyon ng nanay ko dati. Natagpuan ko ang tatay nga naman ni Kuya Daniel. Para makaiwas sila sa issue ay pinadala ako sa Amerika. Sinama si Kuya Daniel para alalayan ako dun. Naging napakabait sa akin ng Kuya. At walang oras na hindi ka nya naikwekwento sa akin FR. Alam ko kung gaano ka nya kamahal. His love for you has added up to this. Kahit na napollute ang utak mo dahil sa mga kasalanan na nagawa nya at sa mga nangyari. He wants you still. Believe it or not,his love for you has always been “unbroken”.” Mahabang sabi ni Ivy.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Hindi ako makapagsalita. Sa loob ng mahabang panahon ay naniwala ako na asawa sya ni Daniel at iniwan ako ni Daniel para sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang panlulumo sa sarili ko. Kaagad na bumagsak ang luhang kanina pa nangingilid. Wala na kong pakialam,kahit na nasa gitna kami ng daanan at may mga taong nakakita sa confrontation na ito. Ang mahalaga ay marinig ko dapat lahat ng dapat kong marinig.

Hindi pa rin ako makaimik. Ngayon lang nagsink in sa akin lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong itanong. Nangangapa ako. I remained speehcless. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko pa kay Ivy. Tumingin ako kay Pixel na halatang nagiisip sa nangyayari. Napakamot ito sa ulo at nagsalita.

“Ivy,gurl,ask ko lang bakit kailangang kasama pa si Daniel sa States? Di mo ba keribels na gumora dun magisa?” tanong ni Pixel.

Ngumiti ito kay Pixel. Malungkot ang ngiti nito. Nakita ko muli ang magandang ngipin nito.

“Hindi ko kasi alam dun to be honest. Unang beses ko makasakay ng eroplano non. Ang sabi sa akin ni Kuya Daniel ay kailangan din daw nyang pumunta sa States para ayusin ang mga bagay bagay. “ Nagpakawala ito ng isang ngiting malungkot.

“Bakit hindi nya sinabi sa akin Ivy? Maiintindihan ko naman at sana nagantay nalang ako.Hindi yung sasabihin nya sa akin na makikipaghiwalay sya dahil may nakita na syang iba. Hindi tama yon Ivy. Ang sabi nya sa akin may iba na sya. Tapos kinabukasan nakita ko kayo sa Airport magkasama. Ano ang iisipin ko nun? Buntis ka at nagiging cold sya sa akin months before kami naghiwalay. Naguguluhan na ako.”sagot kong humihikbi

“Kung alam mo lang FR kung gaano ka kamahal ni Kuya Daniel.Lilinawin ko sayo na walang iba si Kuya Daniel. Ginawa lang nya yun para magkaroon sya ng paraan para kumalas sayo,hindi dahil sa gusto nya. Kundi dahil sobrang kailangan. Nung panahon na nakita mo kami,sasabihin na sana nya na kapatid nya lang ako. Pero hindi ka nakinig FR. Sinampal mo si Kuya at lumakad ka na papalayo. Sinubukan ka nyang habulin pero tinawag na ang flight namin kaya napwersa syang bumalik din agad.” Sagot ni Ivy. Malungkot.

Nakaramdam ako ng sampal ng pagkaguilty sa aking pagkatao. Paano kung nakinig ako? Paano kung nalaman ko na agad lahat? Na magkapatid sila at wala talaga syang iba? Ano na kaya kami ngayon? Siguro ay kami pa nga rin. Mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Muli,pumatak ang aking luha. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng daanan papunta sa overpass. Tahimik si Carlos,ganun na din si Pixel. Si Ivy ay tila isang artistang nagaantay ng tanong sa isang Ambush interview.

“Why does he have to leave me Ivy? Sabihin mo kung bakit?” Tanong kong umiiyak.

Nanahimik si Ivy. Ayaw magsalita. Tila ba napipi sa tanong.

“Ivy,bakit 3 taon pa? Bakit after 3 years nyo pa naisipan bumalik? Ano ba ang inayos ni Daniel sa states?” biglang sabat ni Pixel.

Biglang nagkatinginan sila Carlos at Ivy. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Carlos na parang kinakabahan sa maaring sabihin ni Ivy. Bumalik ang spotlight kay Ivy at nakita ko ang pagbuntong-hininga nito. Kasabay nito ay ang pagpahid ng luha mula sa kaliwang mata. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Kuya Daniel is sick.” Malungkot na sabi nito.

“What do you mean sick?” nangangatal kong tanong.

“Kuya Daniel is sick FR.” At bigla na itong humagulgol.

Nagitla ako sa narinig. Ngayon ay parang nagiging malinaw na lahat. Mukhang napagtatagpi na ng aking inamag na utak. Alam ni Carlos lahat ng nangyayari. Impossibleng wala syang alam. Impossibleng wala.

“Carlos,you’re an oncologist,right?” tanong kong lumuluha.

“Oo Fr.” Sagot nito.

“Remember what happened sa Airplane,nabanggit mo na may pasyente kang magaling pumili ng pabango?”

“Oo FR.” Nanginginig nitong sagot.

“Natatandaan mo ba nung panahong nagpahatid ako sa Airport? Yung kaming dalawa ni Pixel? Diba sabi mo kakagaling mo lang sa Airport at may hinatid ka na kaibigan?” tanong ko.

“Oo FR.”

“Ngayon Carlos,sabihin mo sa akin.”Sabi ko na nanginginig at umiiyak.

“Sabihin mo sa akin Carlos,kung yung pasyenteng mahilig magbigay sa iyo ng pabango at yung kaibigan mong hinatid sa airport ay iisa?” tanong ko.

“Oo FR.”

At tumulo ulit ang aking luha.

“Huling tanong,ang pasyente at kaibigan ba na yun na sinasabi mo ay si Daniel?” Nangangatal kong tanong.

Tahimik.

“Sumagot ka Carlos.”

Blanko.

“Carlos please. Sumagot ka.”

Nagpakawala si Carlos ng isang buntong hininga at nagwika.

“Oo FR.”

Naramdaman ko ang pagsapo ng aking kamay sa aking matang lumuluha. Napaluhod ako ng di inaasahan sa kalsada. Napahagulgol ng wala sa oras. Linapitan ako ni Pixel at ni Ivy. Inalo na parang batang napalo ng walis tingting. Itinayo ako at inalalayang lumakad. Lumakad na humahagulgol.Ilang Segundo pa ay nasa loob na kami ng kotse. Nasa driver’s seat si Carlos. Nasa harap si Ivy at ang bata. Kaming dalawa ni Pixel ang nasa likod. Nakasubsob ako sa kanlungan ng aking pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay.

“Carlos,bakit di mo sinabi sa akin?” sabi ko habang umiiyak

“Hindi ko alam FR. Hindi ko alam na may connection kayo ni Daniel. Wala akong Idea.” Malungkot na sabi nito.

“May pagasa pa ba Carlos?” Sabat ni Pixel.

“Hindi ko alam Pixel.  Kumalat na ang cancer cells sa loob ng katawan ni Daniel. Sa last exam na ginawa ko ay wala na talagang pagasa.”sagot ko.

“Kung chemotherapy? Wala na ba talaga?” sagot ni Pixel.

“Wala na din talaga Pixel. Kaya kung mapapansin mo ay nagpakalbo si Kuya Daniel. Hindi na ata kakayanin ng katawan nya kung magpapachemo sya.”umiiyak na sabi ni Ivy.

“Gaano katagal pa sya mabubuhay?” naiiyak na sagot ni Pixel.

“Hindi ko masasabi,pero matagal na ang dalawang buwan.”

Nagkatinginan kami ni Pixel. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng naririnig ko. Para bang gusto ko nalang mawala sa kotse bigla. Wala na naman tigil ang aking mga mata sa pagluha.

“Carlos! Gawin mo trabaho mo,pagalingin mo si Daniel. Gawin mo naman ang trabaho mo oh. Parang awa mo na. Doktor ka ba talaga? Wala kang kwenta!”sigaw ko kay Carlos.

Bumaling sa akin ng tingin si Carlos. Tumitig ito na puno ng kalungkutan at nagwika.

“Sana lahat ng pasyente ko napapagaling ko. Kasi fulfillment ko yon as a doctor. Pero hindi lahat FR eh. Sana nga kaya kong makagawa ng himala para gumaling si Daniel para magkasama kayo. Kahit na mawala ako sa eksena basta makita kitang masaya okay na ako dun,ganun kita kamahal. Pero yun nga FR eh,wala akong magawa para gumaling si Daniel. Doktor lang ako,hindi ako Diyos FR. Hindi ako Diyos.”

At nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga nito. Tama,hindi sya Diyos. Hindi kalian man magiging Diyos ang isang Doktor. Ilang Segundo pa ay napuno na nga katahimikang ang loob ng kotse. May mga limang minuto na kaming nakapark pero hindi pa din kami umaalis. Patuloy pa rin ang aking pagluha. Hindi na ata mauubos ang luhang sinusupply ng mata ko.

Ilang Segundo makalipas ay bumakas ang pinto sa gilid ko. Napatingin ako sa sasakay. May bitbit itong cake at grocery. Ganoon pa din ang mukha nya. Parang walang iniindang sakit. Medyo pumayat lang pero aminado akong guwapo pa rin. Umalis sya sa may harap ko at ibinukas ang compartment ng sasakyan para doon ilagay ang mga napamili. Muli syang bumalik sa tabi ko at umupo sa tabi ko.

Tahimik kaming lahat. Halatang nagaantay ng magsasalita. Ultimong si Pixel ay malamang nabigla sa lahat ng nangyari. Patuloy pa rin ang pagtulo ng akong luha. Naramdaman ko ang kanyang kamay ni Daniel sa aking hita. Ganun pa din ang init nito. Walang pinagbago,humarap ako sa kanya at naramdaman ko ang pagpahid nya sa aking luha. Pagkatapos nito ay ang muling paghinang ng aming katawan. Niyakap ako ni Daniel,sobrang higpit. Nilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga at nagwikang…

“I never stopped loving you FR. Mahal na mahal pa rin kita. It’s Unbroken.”

ITUTULOY…

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP