No Boundaries - C3

Sunday, January 23, 2011

Chapter III
Ang Pagtatagpo ni Nicco at Andrei

Sa may bulwagan ng Colegio de San Isidro kung saan idaraos ang misa para sa mga batang magtatapos ng hapon ding yun ay puno na ng mga magulang, guro, panauhin at mga bata ang buong lugar. Bago pa man magsimula ang misa ay nausal na ni Nicco ang paghanga sa lugar. “Grabe ang ganda dito, paaralan ba talaga to? Hay, puro talaga mayayaman ang nandito,daming mas maganda pa kaysa kay Sandra, mga itsurang pang-artista mga estudyante dito, para tuloy nakakahiya, hehehe. Kaya ko to. Di ako dapat mahiya.”

Mula sa malapit ay naririnig pala siya ni Fr. Rex “Oh Nicco, bakit ka naman mahihiya. Tandaan mo lahat ng tao ay special, kaya hindi dapat mahiya sa iba. Men are born equal at katulad ka din nila.”

“Salamat po Father sa ginutuang karunungan nyo. Hehehe”

“Kaw na bata ka, halika na at magsisimula na tayo.”

Habang si Andrei naman, bagamat hindi kasama ang kapatid sanhi ng katamaran, ay halata sa muka ang pagkabagot. Hihikab hikab at minsan ay napapapikit pa. “Hoy Andrei umayos ka nga” sabi ng katabi ni Andrei “nakakahiya pag may makakita sa’yo.”

Kahit asar pilit umayos si Andrei at duon nahagip ng paningin nya si Nicco. “Gwapo ah” naiisip ni Andrei habang nakatingin kay Nicco di namamalayan ng binata na siya ay ngingiti ngiti. Hindi malaman ni Andrei kung bakit tila nahuhumaling na siyang titigan ang binata na kapwa din nya lalaki. Kung sa pag-aakala nyang simpleng paghanga lang ito yun ang dapat nyang malaman na hindi pala ito ganuong kasimple. Di napapansin ni Andrei na tumitingin din sa kanya ang sacristan subalit agad agad ding binabawi.

Habang nasa may entabladong ginawang altar ay tila ba hindi mapakali si Nicco. Para bang ang lakas ng tibok ng puso nya habang nagseserve sa altar. Pakiramdam nya na may nakatingin sa kanya at sinusuri kung anung klaseng pagkatao ba mayroon siya. Tama ang hinala niya, madami na sa mga nakikinig ng misa ang tinititigan sya at minamasdan ang mga kilos nya at nagpapakita ng paghanga. Lalong lumakas ang tibok ng puso nya at lalong nanginig ang mga kamay at binti nya ng mapansing mayroong isang binatilyong nakapako na ang paningin sa kanya. Di maintindihan ni Nicco ang nararamdaman niya. Tila ba gusto nyang magpasikat para lalo siyang pansinin ng binatang iyon subalit pinangungunahan siya ng hiya sa lahat ng nanduduon sa bulwagan. Pinilit nyang baliwalain at kalmahin ang sarili ngunit talagang di nya maiwasang titigan din ang lugar na kinalalagyan ng binata.
Pagkatapos ng misa ay inaya si Fr. Rex para magminandal at sinasama si Nicco subalit tumanggi si Nicco at mas piniling ayusin na lang muna ang gamit nila sa baba. “Sigarado ka ba iho na ayaw mong kumain muna?” tanong ng pari.
“Ah hindi na po Father. Aayusin ko na lang po ung mga gamit natin para mabilis tayong makabalik sa simbahan. Hintayin ko na lang po siguro kayo sa may labasan.”
“Sabihin mo, nahihiya ka lang ano iho.”
Biglang namula si Nicco “Hindi naman po sa ganun”
“Sige na nga, ipagbabalot na lang kita. Hintayin mo na lang ako sa may labasan”
“Naku si Father talaga.”
Habang nasa may labasan si Nicco at hinihintay si Fr. Rex ay unti-unti nang nawalan ng tao sa paligid. Sa gitna ng katahimikan ay may narinig na ingay si Nicco.
“Pwede ba Carla tigilan mo na ako. Di nga kita type.” sigaw ng lalaki. Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ni Nicco ng marinig ang magandang boses na iyon.
“Andrei, naman seryoso ako. Paano mo ako magugustuhan kung di mo naman ako pinapansin lagi.” Sagot ng babae.
Hanggang sa ang dalawang boses ay nagpakita na kay Nicco. Sigurado si Nicco sa nakita nya at lalo siyang kinabahan. Iyon ung lalaking nakatingin sa kanya kanina. Nagsimula ng mabalisa si Nicco. Iniisip na baka napansin din nitong tumitingin sya sa gawi nito kanina.
Hinawakan ni Andrei ang dalawang balikat ni Carla. “Carla I’m so sorry if I hurt your feelings. Pero dapat malaman mo kung bakit hindi kita napapansin.” Sandaling tumahimik ang dalawa “Bakla ako at may boyfriend na ako.”
“Don’t fool me Andrei. Si Step hang dahilan diba. Hindi ka bakla sigurado ako.”
“No, I’m not kidding. In fact, may boyfriend na ako ngayon.” Sabay lingon sa gawi ni Nicco “kita mo hinhintay nya ako para sabay kami umuwi” sa pagwika ni Andrei ng ganoon ay hindi alam ni Nicco kung ano ang gagawin ngunit may puwang sa puso niya ang biglang sumaya at unti-unting nilapitan ni Andrei si Nicco at biglang hinalikan sa labi. Nakakabigla, ngunit hindi magawa ni Nicco na tabigin si Andrei. Pakiramdam niya ay gusto ito ng puso niya. Ilang segundo ding magkalapat ang labi nila ng biglang lumapat naman sa pisngi ni Andrei ang napakalakas na sampal. Dahil sa sampal ay nagkalayo ang dalawa.
“Walanghiya kang Andrei ka. Tandaan mo ang araw na ito. Hindi ako papayag na hindi makaganti.” Banta ni Carla.
Ilang minuto nading wala si Carla ay binasag ni Andrei ang katahimikan. “Pasensya ka na pare, makulit lang talaga kasi.” Napansin ni Andrei na tila lalong lumungkot ang mga mata ni Nicco at nakatitig sa kawalan. Mas malungkot kaysa sa nakikita at namamasdan niya kanina. “sige pare, kung susuntukin mo ako ayos lang”
“Kawawa ka naman kung susuntukin pa kita. Nasampal ka na nga at sigurado akong masakit un.” Nakangiting wika ni Nicco at sabay tingin kay Andrei.
Hindi malaman ni Andrei kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya at biglang umiwas ng tingin kay Nicco. “Ganuon ba, basta pasensya na talaga.” Pakiramdam niya ay para bang natutunaw siya sa tingin na iyon. Bigla at namula ang pisngi niya na napansin ni Nicco subalit hindi na nagawa pang usisain.
“Basta ba ikaw ang bahalang magpaliwanag kay Fr. Rex pag kumalat ung ginawa mo weh. “ sa pagkakasabi nito ni Nicco ay may kasabay na mahinang tawa na lalong kinakabog ng dibdib ni Andrei.
“Sige ako na ang bahalang magpaliwanag kay Fr. Rex kung saka-sakaling gumawa ng gulo ang babaing yun.” May katahimikan na namang namayani “siguro kung hindi ko ginawa yun malamng kinukulit pa din nya ako. Sa bahay nga laging tumatawag yun. She’s so obsessed. She’s not acting like any normal girl out there.”
“Naiintindihan kita. May mga bagay talaga na pag hindi mo dinaanan sa dahas hindi ka papakinggan o papansinin. Hindi ka seseryosohin.”
“Salamat talaga pare. Salamat at naiintindihan mo ako. Siguro kung ibang lalaki ang nandito malamang bugbog sarado na ako. Hindi naman ako pwede gumanti kasi ako may kasalanan buti na lang at ikaw ang nandito.” Pakiramdam ni Andrei ay para bang napakagaan ng loob nya kay Nicco.
Ganuon din si Nicco para bang matagal na silang magkakilala sa pakiramdam nya “Wala yun, kung hindi kita naintindihan sana nakatikim ka na sa akin” Kasunod ng mahinang tawa. “Buti na lang at ako ang nandito noh…” at ang kasunod nito ay sa isipan na lang niya sinabi “..dahil ako ang nahalikan mo”
“By the way I’m Andrei. Emjhay Andrei John del Rosario and you are..”
“Nicco, Niccollo Emmanuelle Ray de Dios. Nice meeting you.”
“Nice meeting you too.”
Sa gitna ng pag-uusap ay dumating na si Fr. Rex “Nicco tara na, balik na tayo ng simbahan.”
“Magandang araw po father” sabay ang pagmamano ni Andrei.
“Magandang araw din naman.”
“Tara na po father. Sige Andrei alis na kami. Ingat ka ah.” Pag-aalalang nasambit ni Nicco.
“Sige ikaw din. Magkita pa sana tayo sa susunod.” Sabi ni Andrei subalit ang puso nya ay ayaw na sanang iwan pa si Nicco.
“Oo Andrei, sana magkita pa tayo” – tanging nasaisip ni Nicco.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP