Chapter 6 and 7 : THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT

Saturday, January 1, 2011

Photobucket

Pahigpit ng pahigpit ang naging pagyakap ni Monty sa baywang ni Ronnie. Paano ba naman. Ang tuling ng pagpapatakbo nito na hindi na niya kayang tingnan ang kanilang dinadaanan. Hindi niya alam kung gaano sila kabilis pero ang sigurado siya ay they are running really fast in the freeway. Buti na lang walang gaanong sasakyan na kasalubong.

Kakatwa naman na nagugustuhan ng husto ng kanyang ilong ang pagsinghot sa amoy ni Ronnie. Natural na lalaki ang amoy nito. Lalaking-lalaki. Ang pagkakadama rin niya sa katawan nito ay sobrang tigas. Parang bakal ang kalamnan nito at sobrang init sa pakiramdam kahit pa nakasuot ito ng jacket. Hinuha niya, batak ang muscles nito sa exercise.


"Monty." tawag nito sa kanya.

"Hmm?" aniya habang nakasubsob pa rin sa likuran nito.

"We're here."

"Huh?"

"Nandito na tayo."

"Saan?" sabi pa rin niyang nakasubsob sa likod nito.

Ronnie chuckled. "As much as I would like to enjoy your honest-to-goodness sniffing, I'm afraid I would have to cut it for our food is waiting Monty."

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Ronnie at napapasong kumalas. Kanina pa pala sila nakahinto ng hindi niya namamalayan. Paano mo malalamang nakahinto na, eh busy ka sa pagsinghot sa likuran ni Papa Ronnie? Sigaw na naman ng bahagi ng isip niyang kapatid yata ni Rubi.

"Ah-ahm. Sorry. K-kanina pa b-ba tayo dito?" mukhang tanga lang niyang tanong. He knew he was beet red. Pero di na niya maitatago iyon. Bumaba siya ng motor at inalis ang helmet na suot. Namangha siya sa nakita. Naroon sila sa isang floating restaurant along the highway. Madadaanan muna ang isang basketball court bago ang dock papunta sa restaurant na nasa malaking bangka na nakadaong sa parteng iyon ng ilog na kumukonekta naman sa dagat.

Di niya mapigilang mapa-wow!

"Did you like it?" tanong ni Ronnie.

"Of course. Who wouldn't Ronnie? Pero teka, baka mahal dito." natatarantang sabi niya pagkatapos mamangha.

"Huwag kang mag-alala. Mura lang dito and besides its my treat." nakangiting sabi ni Ronnie sa kanya sabay kuha sa kamay niya at hinila na siya patungo sa floating restaurant.

Namamangha man ay hindi naman nakaligtas kay Monty ang tila kuryenteng dumampi sa kanya ng hawakan ni Ronnie ang kanyang kamay. Ang hirap tanggihan ng masarap na pakiramdam na dulot ng pagkakadaupang-palad nila kaya naman ninamnam na lamang niya iyon.

Nangingiti pa rin siya hanggang sa makaupo sila sa pinakadulong set ng lamesa. Medyo kubli doon. Tanaw ang malinis na ilog na payapang umaalon. Napakaganda ng ambience kaya naman hindi niya namalayan na kahit naka-upo na sila at magkaharap ang silya ay magkahugpong pa rin ang kamay nila ni Ronnie.

Naiilang at disimulado niyang hinila ang kamay mula rito. Ang kaso, hinigpitan pa ni Ronnie ang pagkakahawak sa kamay niya as if it was his lifeline. Napahugot na lang siya ng hininga ng tawagin nito ang waiter habang pilit pa rin niyang binabawi ang kamay mula rito. But all his efforts were futile.

Hindi naman siya makatingin dito sa hiya ng dahil sa pangyayari kanina. Hindi rin siya makatalak. Ronnie won't let go of his hand. Kaya naman ng dumating ang waiter ay nagbaling siya ng tingin sa ilog. Hindi bale ng magkastiff-neck. Dedma lang. Huwag lang ako makilala ng waiter. Nahihiya siya. Ewan ba niya!

Nang maka-order ito ay saka niya ito tiningnan ng masama dahil naalala niya si Orly. Hindi porke't wala ito sa paligid at may gwapong nilalang na hahawak sa kamay niya ng basta-basta ay basta-basta rin lang siyang papayag. Hell will freeze over kapag nagkasira sila ng Papa Orly niya. With that in mind nag-ready na siyang rumipeke ng talak ng magsalita ito na talaga namang ikinawindang niya.

"Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" nakangiting sabi nito sa kanya. His eyes tantalizing like that of a raven's feather. Ang initial reaction niyang pagtataray ng dahil sa kapangahasan nito ay naipong lahat sa kanyang lalamunan.

What do I think? I can't think! Huice ko! Hinay-hinay lang naman po! Bakit ba nagkakaganito ang lalaking ito? Litong-lito at tarantang-tanranta na parang panchinco machine ang isip niya sa pinagsasabi ni Ronnie. Naka-drugs yata ito.

But what is he implying? Did he mean those words? Yung linyang ito oh teh, "Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang baso ng tubig sa harapan niya.

Salamat! Salamat! Salamat sa tubig! Nagbubunying sabi ng isip niya. Para kasing natuyuan siya at na-drain lahat ng enegy niya sa katawan at hindi kinaya ng katawang-lupa niya ang kakiligan na naramdaman niya. Naubos niya ang tubig sa baso. Padarag niyang naibaba iyon.

"Monty?" si Ronnie. Naka-kunot noo na.

"R-ronnie. Yung ka-kamay ko, p-please?" he said stammering.

"Bakit? Anong problema sa kamay mo?" takang tanong nito. Hinaplos-haplos pa nito ang ibabaw ng palad niya.

"Ah, baka kasi lamog na siya. Nagtext na sa akin eh. Kanina pa raw siya nasasakal sa iyo." pakwela na lang niyang sabi. Hoping that Ronnie will notice his point.

Natigilan ito. Good! Sinubukan niyang bawiin na ang kamay niya but he won't let go talaga. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Bakit? Ganoon ba ang pakiramdam mo sa akin ngayon Monty? Nasasakal ka na ba sa presensiya ko?" malungkot na tanong nito. Bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang kalungkutan.

What the... Saan galing iyon? Bakit may ganoong factor? Bakit napunta sa kanya ang tanong eh kamay niya ang tinutukoy niya? Ganoon pa man ay hindi niya maiwasan
ang sundot ng konsensiya kahit nalilito siya sa eksena ni Ronnie.

"Ah eh, Ronnie. Hindi naman sa ganoon. Bakit mo naman naisip na ganoon ang nararamdaman ko?" nangingiwing tanong niya.

"Wala lang. Baka kasi paraan mo lang iyong pagsasabi noon para iparamdam sa akin na ayaw mo sa presensiya ko eh." malungkot pa ring sabi nito habang nilalaro ang kamay niya.

Iba't-ibang feeling ang bigla na lang nag-unahan sa pagusbong sa kanyang dibdib para rito. Nangunguna na ang awa. Pero nunca niyang ipapakita iyon dito. Mukha pa namang ayaw nito na kinakaawaan ito. Ang laking mama nito at mukhang astigin pa kaya hindi rin bagay na kaawaan.

Napabugha na lang siya ng hangin sa pagsuko. Kung trip nitong lapirutn ang kamay niya, go ahead! Make my day! Masarap naman sa feeling eh. "Don't twist my words Ronnie. Wala akong sinasabing ganyan. Ang sabi ko lang, baka mapilay na yang kamay ko kakalapirot mo."

Natawa naman ito sa sinabi niya. Ngunit kitang-kita niya na hindi iyon umabot sa mata nito. "Pasensiya na ha? Baka kasi matagalan ulit bago ko mahawakan ito kaya lulubos-lubosin ko na." sabi nito saka ibinuka ang palad niya paharap dito at tinitigan siya.

Napapantastikuhan naman siyang nakipagtitigan dito. Strange feelings surrounded his now trembling heart. Hindi sa takot kung hindi sa kakaibang kaba na napukaw ni Ronnie sa kanya. Nagsalita ulit ito habang hawak ang kamay niya at hindi pinuputol ang eye contact nila.

"Alam mo ba kung bakit may gap ang bawat daliri ng tao?" tanong nito.

"H-hindi. Indulge me, Ronnie."

"Para mapunan iyon ng mga daliri ng iyong partner sa buhay." seryosong sagot nito.

Was he professing something? Hindi kaya pinagti-tripan siya nito? But he really looked sincere. Mas mabuti sigurong tanungin na niya ito.

"Why are you doing this Ronnie?" naguguluhang tanong niya rito.

"Ang alin Monty?"

"This. Are you telling me that you have feelings for me?" diretso niyang tanong.

"And what if I am?" patanong na sagot naman nito.

"Don't answer me with another question Ronnie. Naguguluhan ako sa inaarte mo." nakasimangot na niyang sabi.

"Don't frown Monty. Papangit ka niyan sige ka."

"Huwag mo akong utuin. Naiinis na ako."

"All right. Sige, aaminin ko na. Gusto kita." nakataas pa ang kamay na sabi nito.

Hindi siya nakahuma agad sa sinabi nito sapagkat dumating na ang mga inorder nito. Puro mga fresh na seafoods na talaga namang katakam-takam ang pagkaluto. Lalo na ang mga alimango na naglalaway pa ang taba mula sa katawan.

"Thank you." anito sa waiter ng ma-i-serve na ang lahat pati na ang drinks nila. Nagmistulang fiesta sa lamesa nila sa dami ng order nito. Pansamantalang nawala ang atensiyon niya sa kakatapos pa lang na rebelasyon nito.

"Ang dami nito. mauubos ba natin lahat iyan?" natatawang sabi niya. Linuha niya ang naka-tissue pang kubyertos para simulan na sana ang pagkain ng sawayin siya nito.

"Hep! Hep! Magkakamay tayo." saka ito tumayo para maghugas ng kamay sa sink na malapit sa kanilang mesa. Nahihiyang sumunod siya rito.

Matapos makapaghugas ay nagdasal muna ito. Ganoon din siya. Nang matapos ay talaga namang buong kagalakan itng nagsandok ng kanin para sa kanya. Naaaliw na pinagmasdan niya ito.

"Tama na yan. Masyadong marami. Kukuha na lang ulit ako." awat niya rito.

"Sus, ang konti pa nga niyan. Patatabain kita sa mga dates natin." masayang sabi nito sa kanya.

Natigilan si Monty sa sinabing iyon ni Ronnie. Naalala niya ang pagtatapat nito. Nag-aalangan na sumubo siya pagkatapos kumurot sa grilled hito na nakahain.

"Ah Ronnie. Bakit mo ako gusto?" alanganing tanong niya.

"What is there not to like?" sagot nito.

"Eh kasi ano..." namimilipit halos na sabi niya.

"Eh kasi, may boyfriend ka na?" pagtatapos nito sa sinasabi niya.

"O-Oo." alanganin siyang ngumiti.

"So anong problema?" nakangiti pa ring sabi nito.

"Eh, mahal ko yung boyfriend ko." sagot niya sa tanong ni Ronnie.

"Hay naku. Hindi naman kita inaagaw sa kanya eh. Sinabi ko lang na gusto kita." magiliw pa ring sabi nito.

"O-okay lang yun sa'yo?"

"Gusto mong malaman ang totoo?" sagot nito.

"Huwag na lang." naduduwag na sabi ni Monty. Para kasing ayaw niyang marinig yung magiging sagot nito. Baka di na niya kayanin.

"Sure." sabay kuha nito ng alimango at binali iyon sa gitna.

Parang may bitterness yung pagkakabali.

"Kilala mo ba yung boyfriend ko, Ronnie?" tanong niya after ng ilang minutong pananahimik.

"Who wouldn't? Orly the Team Captain? C'mon Monty, give your guy some credit. Sikat kaya yun." natatawang sabi nito.

"Alam ko naman yun eh, natanong..."

"But I don't want you to talk about him kapag kasama mo ako. Paki-usap lang sana." awat nito sa dapat ay sasabihin niya.

"I'm sorry." napapahiyang sabi na lang niya rito. OO nga naman teh. Sampal naman sa kanya yun di ba?.

"No. Don't be. Pasensiya na rin kung nagdedemand ako sayo. Pero masakit kasi sa tenga na ibang lalaki ang binabanggit mo samantalang ako ang kasama mo. Nakakaselos." nakangiti man ay kita niya sa mata nitong totoo nga iyong sinabi nito.

"Unless, gusto mo ng makipag-break kay Orly ngayong alam mo ng gusto kita." pagpapatuloy nito.

Muntik na siyang masamid sa diretsang pahayag nito. Grabe naman itong lalaking ito. Sa isip-isip niya. Wala man lang pasakalye.

"That is very unlikely to happen Ronnie." aniya ng makabawi.

"Alam ko naman yun eh." malungkot na sabi nito.

"Saka anong tingin mo sa akin? Kaladkarin? Hindi porke gwapo ka at gusto mo ako eh sasama agad ako sa'yo kapag niyaya mo ako. Magagalit si Lola Maria Kearse este Maria Clara ko uy!" he said in between chewing his food.

"Hindi ko naman sinabing ganoon ka." malungkot pa ring saad nito.

"Joke lang yun Ronnie. Ano ka ba? Marami diyan sa paligid. Totoong girls pa. O di kaya andyan si Dalisay. Yung friend ko. Bagay kayo nun." pag-kokonsola niya rito.

"Huwag ka ng mag-effort pa Monty. Salamat na lang." matipid itong ngumiti saka sumubo ulit ng pagkain.

"Bakit? Ayaw mo kay Dalisay?" tanong niya.

"Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang. Kaya nga susugal ako sa sampung dates na ito eh. Baka sakali lang, mabago ko ang isip mo. Sa akin mo naman ibaling ang pagtingin mo."

Natigagal siya sa sinabi ni Ronnie. Ganoon ba siya kagusto nito? But why? Oh my gulay! Wikikik niyang makeribells ito. Hay!!!

Napalunok siya bago magsalita. "Wala akong masabi Ronnie."

"You don't have to say anything. Just give me a chance please."

"Ayokong paasahin ka." sabi niya.

Hinawakan nito ang kamay niyang hindi ginagamit sa pagkain gamit ang isa nitong kamay. "Don't you like me too?" tanong nito sa kanya.

"I do." sagot niya.

"Iyon naman pala eh..."

"Pero bilang kaibigan lang." putol niya rito.

Natigilan ito. Binitiwan ang kamay niya at yumuko. Nakonsensiya naman siya pero kailangan niyang protektahan ang relasyon nila ni Orly. Bago pa lang ito. At ang mga katulad ni Ronnie ay isang malaking distraction lamang. As in capital D.

Nag-angat ito ng paningin at ngumiti ng mapait. "Okay. Sige." sabi nito kapagkuwan.

"Okay na friends na lang tayo?" tanong niya.

"Nope, I don't want to just your friend. I want you for myself Monty. Itaga mo iyan sa bato. Kapag natutunan mo akong mahalin, I will rock your world. Promise yan." sabi nito sabay kindat sa kanya. Nagbalik na rin ang ngiti nito sa labi at ang sigla nito.

"But I won't give up Orly, alam mo iyan." naguguluhang sabi niya.

"Of course I know that. Pero nangako ka na tutuparin mo iyon ten dates natin. So iyon ang gagamitin ko para..." pambibitin nito sa sinasabi.

"Para?"

"para agawin kita sa kanya." pagtatapos nito.

"What?" napapantastikuhang sabi niya.

"Yup! You heard it right! Aagawin kita sa kanya." then he winked at him and smiled mischievously.

As for Monty. His heart did a somersault three times over ng dahil sa kindat, ngiti at pahayag na iyon ni Ronnie.


Itutuloy...
--------------------------------
CHAPTER 7 

NAKASUOT si Monty ng makapal na shades pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos pagkatapos nilang maghiwalay ni Orly kagabi. Ang usapang sa bahay ng mga ito siya matutulog ay hindi natuloy dahil sa pag-aalala niya sa mga sinabi ni Ronnie. Actually, hindi siya nag-aalala. Nalilito ang buong sistema niya sa mga naging pahayag nito.

Pagkatapos nito ideklarang ‘aagawin’ siya nito kay Orly ay parang nanlaki ang ulo niya. Inihatid pa siya nito sa kanila bagama’t wala silang imikan sa daan. Ganoon ba siya kaganda para pagbalakan nitong agawin sa boyfriend niya? Sa totoo lang, hindi niya maisip ang intensiyon sa paglalahad na iyon ni Ronnie. Parang may mali. Sa pakiramdam kasi niya ay may mas malalim na dahilan ang pakikipaglapit nito sa kanya. Kung ano man iyon ay kailangang malaman niya.

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip ng may umakbay sa kanya na ikinapitlag niya. ‘Huh ! Ano ka ba naman Orly ! Ginulat mo ako.’’ Naiinis na sabi niya sa katipan.

Napahagikgik ito dahil sa reaksiyon niya. ‘Grabe ka naman Pet, kanina pa kita tinatawag pero dinededma mo ako. Sobrang lalim ba ng iniisip mo ?’’ nakangiting tanong nito.

‘Oo. Sobrang lalim. Hindi na ako makaahon.’’ Impit na sigaw ng isip niya.

‘Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi. Inatake ako ng insomia ko.’’ Pagdadahilan na lamang niya.

‘Bakit hindi ka nakatulog ? Siguro masyado mo na naman akong inisip no ?’’ panunukso ni Orly sa kanya.

Matipid siyang ngumiti. ‘You have no idea Orly.’’ Sasabihin sana niya.

‘Sino pa ba ang iisipin ko mahal ko ?’’ sa halip ay sabi niya.

‘Ang sweet naman non.’’ Sabay halik nito sa pisngi niya. Nanlambot ang tuhod niya sa gesture na iyon ni Orly. Kahit paano na-divert nito ang kanina’y magulong pag-iisip niya.

Marahan niyang tinampal palayo ang pisngi nito. ‘Mukha mo sweet ! Nambola ka pa.’’ Saka siya impit na napatawa.

‘Oy hindi ako bolero ha. Kahit itanong mo pa sa mga ka-team ko. Di ba team ?’’ sagot ni Orly na hinuli ang ipinangtampal niyang kamay pagkatapos ay hinalikan ang likuran ng palad niya.

‘Oo naman boss !’’ korong sagot ng mga ka-team mate nito.

Noon niya lang napansin na nasa paligid lang pala ang mga ito. Kilig na kilig naman na siniko niya ito ng marahan.

‘Aray ! Nakakarami ka na Pet ha !’’ nagtatampo kunwaring sabi nito.

Ngumuso lang siya saka inirapan ito. Laking gulat niya ng bigla siya nitong kabigin at halikan ng marubdob sa harap ng mga estudyante. Nagpalakpakan ang mga miron at ang ilang nakatambay sa mga bench na naghihintay rin marahil sa pagsisimula ng klase.

It was a very hot kiss. Orly’s kissing him as if there’s no tomorrow or like they had only so much time left. There was too much passion. Too strong an edge to the way Orly’s lips crushed his. But he liked it. Monty surrendered wholeheartedly and wantonly. In fact, he didn’t mind that there are people watching them kiss. He even raised his hands to his nape. It seemed like an eternity when Orly stopped kissing him. Nanginginig pa ang tuhod niya sa pagkakatayo kaya kumapit siya ng husto sa batok nito.

Humihingal na nagsalita ito. ‘Anong sabi ko sa’yo about pouting your sweet lips?’’ his eyes teasing him.

Tinampal niya ang pisngi nito. ‘Salbahe ka !’’ natatawang wika niya. Narinig niya ang hagikgikan at ang makulit na palakpakan sa paligid. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang estudyante sa campus. Maaga pa kasi. Kalahating-oras pa bago mag-alas siyete.

‘Ikaw ang salbahe. Nananakit ka kaya.’’ Tukso nito.

‘O sige na. Ako na.’’ Natatawang pagsuko niya. Kumalas siya rito at inayos ang bahagyang nagusot na polo.

‘Ayan tuloy.’’ Kunwaring paninisi niya rito.

‘Sorry pet. Sabi ko kasi sa’yo huwag kang ngunguso. Hindi tuloy ako nakapagpigil.’’ Nakangisi nitong sabi sabay akbay sa kanya. Naiiling na nagpatuloy na lang sila sa paglalakad sa pathway patungo sa department nila. Pagdating doon ay nakita nila na naghihintay si Jordan.

‘Hello friend.’’ Bati niya rito sabay beso.

‘Kamusta ang love birds ?’’ sabi nito pagkatapos humalik sa kanya.

‘Okay lang.’’ Si Orly ang sumagot.

‘Ang aga-aga eh nilalanggam kayo. Nagpahatid ka pa talaga para lang ingitin ako no ?’’ nakasimangot kunwaring sabi ng kaibigan niya.

‘Hindi ah.’’ Painosente niyang tugon.

‘Tse ! Diyan ako nagtae !’’ pakwelang sagot ni Jordan.

Napuno ng halakhakan nilang tatlo ang hallway na iyon dahil sa sagot ni Jordan. Sinaway naman sila ng ilang estudyanteng busy sa pagre-review kunwari.
‘Ay sorry naman.’’ Di totoo sa loob na paumanhin ng kaibigan sa mga nasa paligid.

‘Ang gross naman kasi nun friend.’’ Nangingiwing sabi ni Monty.

‘Gross ka diyan.’’ Naka-irap na sabi nito pagkatapos ay tinampal sa dibdib si Orly. ‘Hoy !’’

‘Aray ! Magkaibigan talaga kayong dalawa .’’ natatawang sabi ng nobyo niya.

‘Of course, The Corrs. Parehas kaming maganda.’’ Sabi ni Jordan.

‘At parehong mabigat ang kamay.’’ Tukso ni Orly.

‘Ewan. Kayo bang dalawa eh nag-do na ?’’ eskandalosong tanong nito sa kanila.

‘Shuta ka !’’ nahihiyang saway ni Monty sa kaibigan. Natawa lang si Orly.

‘What? May mali ba sa tanong ko ?’’ pakunwaring inosente ni Jordan kahit pa punong-puno ng amusement ang mata.

‘Baliw ! Kailangan mo ba talagang itanong iyon ? Nakakahiya.’’ Pa-demure niyang sabi.

‘Virgin ‘teh? pang-aasar nito.

‘Huwag kang mag-alala D. Kapag nangyari iyon, malalaman mo rin.’’ Nakangising sagot ni Orly saka tumingin sa kanya na nagtaas-baba pa ang kilay.

Siniko niya ito ng mahina. ‘I didn’t know na kiss and tell ka pala Mr. Diamond.’’ Galit-galitan niyang sabi.

Gumibik ito ng bahagya at tumatawang tumugon. ‘Of course not Pet. I don’t do kiss and tell. Ang ibig kong sabihin ay mahahalata niya kasi iika-ika kang lalakad kinabukasan kapag may nangyari na sa atin.’’ Pabulong nitong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Jordan sa pagkakarinig. Siya naman ay umawang ang bibig sa kilig at pagkahiya na rin. Eskandaloso namang tumili si Jordan. ‘Ay !!! Ako muna friend. Please !’’ sabay hawak sa braso ni Orly para hilahin ito sa kung saan.

Maagap naman na hinablot niya ang buhok ng kaibigan kaya napaatras ito. Natatawang hinila rin ng nobyo ang sarili mula sa ‘ahas’ niyang kaibigan. ‘Shutanginamels ka ! Ahas !’’ natatawang sabi niya.

Hinaplos naman ni Jordan ang nasaktang buhok saka siya marahang hinampas ng bag nito. Natatawang umilag siya. ‘Aray ko ! Ito naman. Hihiramin ko lang. Siyempre, kumbaga sa pagkain dapat may food testing. Paano kung di pala masarap ?’’ naka-ingos na sabi nito sa kanila.
‘Oy masarap ako ah.’’ Depensa ni Orly.

‘I know dear. Kaya nga tetestingin ko nga muna sana yung ‘produkto’ mo para mabigyan ko ng tip si friend.’’ Ang sabi ng luka-luka.

‘Baliw ! There’s no need for that.’’ Naaaliw na sabi niya.

‘Ang damot mo !’’ nagdaramdam na sabi ni Jordan.

‘Talaga. Pagdating sa lalaking mahal ko, madamot ako.’’ Aniya sabay yakap kay Orly.

Yumapos din ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo.

‘Tse !!! Ang bababoy niyo. Parehas kayong lalaki no tapos nagmamahalan kayo.’’ Baliw-baliwan nitong sabi sa kanila.

‘Inggit ka lang.’’ Sagot ni Monty sa kaibigan.

‘Oo nga.’’ Sagot ni Jordan sabay tawa.

May sasabihin sana si Orly ng mag-ring ang bell na siyang hudyat na magsisimula na ang klase. Nagmamadaling humalik ito sa labi niya. Saka nagpaalam. ‘Kita tayo mamayang break.’’ Sabi nito sa kanya. Tango na lang ang naging sagot niya dahil nagmamadali na siyang hinila ni Jordan para pumasok sa classroom nila.



BABA muna tayo sa canteen. Hindi ako nakapag-agahan eh.’’ Yaya sa kanya ni Jordan. Hindi pa nila break. Wala lang ang instructor nila sa isang subject na pang alas-diyes kaya mahaba-haba ang break nila.

‘Sige. Pero doon na lang tayo sa Wendy’s. Treat kita. May ikukwento ako sa iyo eh.’’ Sagot niya sa kaibigan.

‘I know. Kanina ka pa tulaley sa klase. Buti na lang hindi ka nakita ng mga professors natin kung hindi, malamang na napahiya ka.’’ Sabi nito habang isinusukbit ang mga gamit at kinipkip ang mga librong dala.

‘Oo nga friend. Halika na.’’ Tumayo na siya at sumabay ng lakad dito.

‘What is it friend ?’’ tukoy ni Jordan sa problema niya.

Hindi na siya nag-alinlangan na sabihin dito ang gumugulo sa isip niya. ‘It’s Ronnie.’’

‘What about him ?’’

‘Nag-date kami kahapon.’’

‘Then?’’

‘He said something.’’

‘He said something… What?’’

‘Aagawin daw niya ako kay Orly.’’ Di makatinging sabi niya sa kaibigan.

‘Shit! Ikaw na. Diyosa ka pala eh!’’

‘Sira. Yun nga ang sinabi niya.’’ Frustrated na sabi niya.

Jordan rolled his eyes. ‘Ang simple lang ng problema mo eh. E di don’t entertain Ronnie. That is, kung hindi pa siya nakakapasok diyan sa puso mo.’’ Sabi nito.

Hindi siya agad naka-imik agad. Nakapasok na nga ba si Ronnie sa puso niya ? Wala siyang ideya. Basta ang alam niya lang ay nalilito siya.

Tinapik siya ni Jordan sa likuran. Napatingin siya rito. ‘Oh my god!’’ sabi nito sabay iling.

‘What ?’’ nalilitong tanong niya.

‘Nalilito ka lang friend.’’

‘Tell me something I don’t know Jordan.’’

‘Loka. I mean, nalilito ka kasi may dalawang lalaking nagpahayag sa iyo ng pagkagusto. It is something na hindi madalas mangyari sa ating mga diyosa. Now, the problem lies diyan mismo sa pagkalito mo. Napakasimple lang friend. Kung mahal mo talaga si Orly, hindi ka dapat nalilito ngayon. Ang dahilan kasi ng pagkalito mo ay parang ego-tripping na lang. Imagine, may boyfriend ka ng hunk may delicious ka pang admirer on the side. Sino bang hindi matutuwa non ? Pero dahil nga ayaw mong mawala sa’yo si Orly kaya ka nalilito ngayon. Kung papatulan mo ba ang mga sinabi ni Ronnie na hindi naman dapat kasi may boyfriend ka na ? Or paiiralin mo ang awa mo sa taong iyon kasabay ng pag-eenjoy na bukod sa main course, isinabay mo ng kainin ang side dish.’’ Mahabang paliwanang ng kaibigan.

He thought so. Para ngang natuwa siya na bukod kay Orly ay meron pang Ronnie na nagkakagusto sa kanya. Para tuloy naging bloated ang ego niya sa pangyayari. Kasabay ng pamomroblema niya kung paanong hindi malalaman ng nobyo ang tungkol kay Ronnie. Maganda talaga na nai-share niya sa kaibigan ang gumugulo sa isip niya. Ngayon, medyo malinaw na ang dapat niyang gawin. Iiwasan na lamang niya si Ronnie.

Hinawakan niya sa braso ang kaibigan. Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa kanya ng may pagtataka. ‘Salamat friend.’’ Nakangiting sabi niya.

‘Your welcome loka. Akala ko kung ano na.’’ Naiiling ngunit nakangiting sabi nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

‘Hay. Half-problem solved na ako.’’ Deklara niya sabay pakawala ng malakas na hininga.

‘O bakit half lang?’’ nakataas-kilay na sabi nito sa kanya.

‘Kasi I still need to talk to Ronnie na hindi na namin itutuloy yung ten dates na sinasabi niya. Kesohoda pang sabihan niya akong walang isang-salita. Kiber ko sa kanya.’’ Pahayag niya.

‘Koyek!’’ ayon ni Jordan sa sinabi niya.

‘Pero alam mo ba friend. Sayang si Ronnie.’’ Sambit ni Jordan kapagkuwan.

‘Loka. Ginugulo mo na naman ang isip ko niyan eh.’’ Natatawang tinampal niya ang ulo nito.

‘Loka ka rin. Hindi naman para sa’yo eh. Para sa akin.’’ Anito saka humalakhak.

‘Sorry girl. I tried to tell him na irereto ko siya sa iyo, pero wiz daw niyang bet ang beauty mo. Atashi lang daw ang beth-tamayo niya.’’ Pang-aasar niya rito.

‘Ikaw na diyosa.’’ Mataray na sabi nito.

‘Salamat.’’ Ganti niya rito.

‘Oy teka. Si Orly yun di ba?’’ sabi nito sabay turo sa isang lalaking papalabas din ng gate ng campus.

‘Anong ginagawa niya dito sa labas ? May klase sila ah.’’ Takang tanong niya.

‘Aba malay ko ? Bakit ako tinatanong mo ?’’ pamimilosopo ni Jordan sa kanya.

‘Baliw. Ang ibig kong sabihin eh hindi siya dapat nandito kasi may klase siya. Dala pa niya ang gamit niya oh.’’ Tukoy niya sa nobyong nagmamadali sa paglalakad.

‘Sundan natin.’’ Yaya niya sa kaibigan.

‘Teka. Pero kakain pa tayo.’’ Reklamo nito.

‘Mamaya na yun. Alamin lang natin kung saan patungo si Orly. Iba kasi ang kutob ko eh.’’ Sabi niya saka ito hinila. Wala ng nagawang sumunod ito sa kanya.


SHHH… Huwag kang maingay bakla.’’ Saway niya sa kaibigan.

‘Ikaw na lalaki.’’ Mahinang anas nito.

‘Loka. Magtago ka.’’

‘Oo na.’’ Asar na sabi nito.

Nakarating sila sa may bakanteng bahay na nakatirik sa isang malaking lote sa likuran ng campus. Ang alam niya, tambayan iyon ng fraternity. Agad ang pagbangon ng pagdududa sa kung ano ang pakay ni Orly doon. Sumali ba ito sa fraternity ng hindi niya alam? Maaaring kailangan nito ang makukuhang benepisyo sa pagsali sa frat pero maaari rin itong masaktan sa gagawin nitong pagsali.

Lumapit sila ng kaunti sa may bintana. Sumilip sila ni ng kaunti. Nakita niya ang nobyo na ibinababa ang gamit saka nakipag-kamay sa kakaibang paraan sa mga nasa loob. Medyo nakatalikod sa kanila ang mga ito kaya kumbinyente ang pwesto na iyon para sa kanila ni Jordan.

Matapos ang pakikipagkamay sa isa’t-isa ay nagsalita ang isang lalaking nasa harapan. Kilala niya iyon bilang leader ng frat sa SBU. Fourth-year engineering student ito. Pumalakpak na kinuha nito ang atensiyon ng lahat.

‘Gusto kong ipaalam na ang final initiation rights natin ay bukas na. I’ve given you two weeks para ayusin ang first task ninyo bilang mga bagong sali. Ngayon, kukumustahin ko ang progress ninyo para malaman kung sino ang kasali sa big night.’’ Mahabang turan nito.

Isa-isa ang ginawang pagtatanong. Kinakabahan naman si Monty mula sa pwesto. May pakiramdam siyang hindi maganda ang maririnig niya ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pakikinig. Napahigpit ang kapit niya sa balikat ni Jordan ng dumating ang turn ni Orly para sumagot.

‘Ikaw Orly. Anong task ang ibinigay sa’yo ?’’ tanong ng lider.

‘Ahm… Bungguin ang unang taong tatawid sa field habang may practice ang football team. Pagkatapos ay gagawan ng paraan na mapalapit dito in a very sweet manner.’’ Diretsong sabi nito.

Napasinghap siya sa narinig. Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ni Jordan.

‘Halika na friend. Huwag ka ng makinig.’’ Naaawang anas nito sa kanya.

He felt numb. Like he was hit by a bullet train. Ganoon pala iyon? Sinadya akong banggain ni Orly dahil sa task niya iyon sa pagsali sa frat. Pero bakit kailangan siya nitong syotain?

‘At sino naman ang nabangga mo ?’’ tanong ng lider kay Orly.

‘The campus sweetheart Monty Labrador.’’ Tugon ng nobyo.

‘Ah… Kaya pala may kumakalat na balitang kayo na ng campus sweetheart na si Monty. Well, anong progress ?’’ anang leader ng frat.

‘Well, it’s our sixth day today.’’ Sagot ulit ni Orly.

‘Are you enjoying it ?’’ malisyosong tanong ng pinuno ng frat.

‘You can put it that way.’’ Maikling sagot ng katipan.

Para siyang tinamaan ng bala ng kanyon. O sinaksak ng ilang libong punyal sa narinig. So lahat ng nangyayari sa kanila ni Orly is just for a show. Kaya pala parang napakabilis ng lahat. Tama lang pala ang pag-aalinlangan niya sa simula pa lang. Napakawalang-hiya nito.

‘Halika na friend.’’ Anas ng kaibigan niya.

‘O-oo.’’ Sang-ayon niya saka sila mabilis na tumalilis sa lugar na iyon.

‘Huwag ka ng umiyak. Walang kwenta ang Orly na iyon.’’ Matigas na sabi ni Jordan.

‘Sinong umiiyak ?’’ takang tanong niya.

‘Ako. Ako. Ako ang umiiyak.’’ Naiinis na sabi nito.

Kinapa niya ang pisngi. Basa nga iyon ng luha. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya umiiyak. Sa pagka-alala ng panloloko ni Orly ay napahagulgol na naman siya. Ang lahat ng sama ng loob na natipon sa pagkarinig ng mga pahayag nito kanina ay muling nagbalik.

‘Ang sama niya friend.’’ Humahagulgol na yumakap siya sa kaibigan.

‘Alam ko. Sige lang. Umiyak ka lang. Iiyak mo ng lahat ngayon. Para pagkatapos nito hindi ka ulit luluha pa. Ubusin mo na lahat ngayon.’’ Garalgal ang boses na sabi sa kanya ni Jordan.

‘I don’t deserve this friend. I don’t deserve this.’’ Umiiyak pa rin na sabi niya.

‘No one does, sweetie.’’ Pagsang-ayon nito. Hinagod ni Jordan ang likod niya. Somehow, it felt good na may napagbubuhusan siya ng sama ng loob.

Inilayo nito ang katawan sa kanya then cupped his face. ‘Cry sweetie, if you must. I know you’re aching. So iluha mo lang lahat. Pagkatapos noon, mararamdaman mong medyo magaan na sa pakiramdam. Let’s skip class for today. Umuwi na tayo. Ihahatid na kita.’’ Umiiyak na sabi nito saka siya niyakap ulit.

After what it seemed like an eternity of crying. Mabilis na pumara si Jordan ng taxi na nagdaan sa tabi nila. Sumakay sila doon at mabilis na nagpahatid sa bahay nila. Habang lulan ng taxi ay nakapagisip-isip siya. Two can play this game. Ipaparamdam niya kay Orlya ng feeling ng nasasaktan. Ng napapahiya. Hindi lang ito ang aktor. Siya rin. Sinabi niya kay Jordan ang napag-isipan at tumatangong sumang-ayon ito.

Itutuloy….

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP