Chapter 29 to 30 : Ang Kuya Kong Crush ng Bayan

Thursday, December 2, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

----------------------------------------


Matapos mahuli ng mga pulis ang natirang mga tauhan ni Kris na sumurrender, agad na dinala nila ang mga ito sa presinto habang si Kris ay dinala sa ospital sinamahan ng ilang mga escort na pulis.

Dinala din namin sina Noel at kuya Rom sa ospital. Si Noel ay conscious bagamat mad’yo malakas ang pag-agos ng dugo galing sa tama niya sa braso. Ngunit doon ako natatakot sa kalagayan ni kuya Rom. Mistula itong patay na hindi siya gumagalaw. Inalam ni kuya Paul Jake kung pumipintig ba ang puso niya at nag thumbs up naman ito. Hindi naman ako mapigil sa kasisigaw, “Kuya Rommmmmm!!!”


Sa pinakamalapit na ospital sila dinala. Kaagad silang ipinasok sa emergency room. Habang inasikaso sila ng mga duktor, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, sobrang bagal ang pagtakbo ng oras sa sandaling iyon. 

Doon na rin kami nakapagkuwantuhan ni Kuya Paul Jake sa mga pangyayari. Kaya pala niya natunton ang lugar na pinagdalhan sa amin ng mga tauhan ni Kris at nakatawag pa siya sa mga pulis ay dahil sa binanggit ni Kuya Rom na mga codes galing sa cp kong sikretong nakabukas.

“‘Partner’, kasi ang pakilala ni Romwel sa akin kay Kris noong may dalawang beses kaming nagpang-abot sa restaurant na malapit sa bodegang pinagdalahan nila sa inyo. Paborito ko ang restaurant na iyon at naimbitahan ko siya doon upang i-try ang kanilang mga pagkain at makita ang sariwang ambiance nito dahil nakatayo ito mismo sa gitna ng lawa. Paborito din palang hang-out ito ni Kris at mga ka-tropa niya. Nagtatawanan pa nga kami noon dahil pagkabanggit ni Romwel na magpartner nga kami, dinugtugan ko naman ito ng ‘partner sa katarantaduhan’. At ang restaurant na iyon ay madadaanan kapag nanggaling ka sa Marcos intersection na siyang unang binanggit mo. At ang bodegang dinalhan sa inyo ay pagmamay-ari ng Tiyo ni Kris na isang politiko. Nakita na rin namin ni Romwel ito. Ibinunyag kasi sa amin ni Kris na sa bodegang iyoon nila ginagawa ang mga initiations kapag may mga bagong aplikante ang fraternity/sorority nila. Kaya noong mabanggit ni Romwel ang ‘kakain sa restaurant’ at ‘maraming tubig’… doon ko napagtagpi-tagpi ang ibig ipahiwatig niya: isang restaurant na nasa lawa at ang salitang partner ay nangangahulugang may kinalaman kay Kris. Kaya sa bodega na iyon kaagad ang sumiksik sa isp ko.” Paliwanag ni Kuya Paul Jake.

Nagulat naman ako sa narinig. Hindi ko kasi akalain na dahil pala kay kuya Rom kaya kami natunton ni kuya Paul Jake at ng mga pulis. Ang buong akala ko, hindi niya naintindihan ang pagmuestra ko na sikretong nakabukas ang cp ko. Lalo na noong sinabi pa niya na “kakain kami sa restaurant” na nadismaya ako dahil ang buong akala ko ay ang ibig niyang sabihin talaga ay dideretso kami sa planong kainan at kung ganoon, maisip ni kuya Paul Jake na ok lang kami at hintayin na lang niya sa venue na plano namin sa gabing iyon. Ang hindi ko pala alam ay coded messages na pala iyon para kay kuya Paul Jake. 

“Ang galing talaga ni Kuya Rom! Kahit saan ang galing-galing niya!” bulong ko sa sarili. Lalo tuloy akong napahanga sa sa kanya. Ngunit lalo din akong naawa at natakot sa maaaring mangyari. Hindi pa rin bumalik ang kanyang malay-tao.

Nagpasalamat ako kay kuya Paul Jake dahil sa ipinakitang gilas din niya. “Magpartner talaga kayo, kuya!” sabi ko sa kanya. “Kasi, alam na alam ninyo ang mga kilos at ibig ipahiwatig ng bawat isa.”

Napangiti naman si kuya Paul Jake. “Ano ba yan selos o papuri?” 

“Syempre naman papuri no! Di mo naman kailangan ang katulad ni kuya Rom eh.” 

“Joke lang.” Bawi din niya. “Pero ang galing din ng ginawa mong pagbukas ng cp mo. Iyon ang daan upang marinig ko ang mga pag-uusap ninyo”

Isang pilit na ngiti ang binitiwan ko. “Salamat kuya.”

Pagkatapos ng halos dalawang oras, lumabas ang isa sa mga duktor na nag-asikaso sa kanila galing sa operating room at inilabas na rin si Noel na naka-stretcher ipapasok sa kanyang ward. “Ligtas na siya. Walang nang dapat ikabahala pa sa kanyang natamong tama.”

Niyakap ko si Noel at hinalikan sa pisngi. “Maya mag-usap tayo tol ha?” 

Tumango naman ang bata.

“Dok… kumusta na po si Mr. Romwel Iglesias?” ang tanong ko sa duktor.

“Ah… So far unconscious pa rin ang pasyente. Apparently gawa ito nang pagkabagok ng ulo niya. Pero oobserbahan pa natin siya… Isang tama sa balikat ang natamo niya at naoperahan na rin ito.” paliwanag ng duktor.

“Di ba may tama din siya sa dibdib dok…? Kitang-kita ko kasi ang pagtama ng bala sa dibdib niya.” ang pagklaro ko sa nasaksihan ko kay kuya Rom bago siya bumagsak sa sahig na siya kong ikinatakot na baka ang tamang iyon sa dibdib ang kikitil sa buhay niya.”

“Hindi tumagos sa dibdib niya ang balang iyon. Nasangga ito ng pendant na suot niya… Maswerte sa kanya ang kwentas na iyon. Kung hindi dahil doon, siguradong sa puso niya tatama ng balang iyon.”

Kinilabutan naman ako sa narinig. Sa kuwarto ko kasi nagbihis si kuya Rom bago kami lumabas at napansin ko na ang medalya na iyon na suot-suot niya. Ito kasi iyong gintong medalyang ipinagkaloob sa kanya ni papa noong matuwa ito sa pagkakaroon ni kuya Rom ng mga anak. Ang totoo, masamng-masama ang loob ko sa pagbibigay niyon sa kanya. Kasi, iyon daw ay namana pa niya sa kanunu-nunuan ng mga Igelsias. Tapos, kay kuya Rom ipinagkaloob samantalang ako naman ang tunay niyang anak. Nagtatampo ako, umiiyak kasi pakiramdam ko ay talagang wala nang pagmamahal at tiwala ang papa ko sa akin. 

“Alam kaya ni papa na ito ang magligtas sa buhay ni kuya Rom? O sadyang ito lang talaga ang tinatawag nilang devine providence.” Ang naitanong ko sa sarili. Bumalik-balik tuloy sa isipan ko ang mg paalala sa akin ni mama kapag ganoong nagrereklamo ako sa mga gustong kamtin ngunit hindi ko makuha. “May mga bagay na sadyang hindi nakalaan para sa atin. May mga bagay din na kahit nakalaan sa atin ay sadyang hindi pa panahon para maging atin. At may mga bagay din na napupunta sa ibang tao dahil sa mas kailangan nila ito kaysa sa atin. Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit nandyan at bakit napupunta o hindi napupunta sa atin. Ang mahalaga ay dapat masaya tayo sa kung ano man ang ipinagkaloob sa atin at matuto tayong pahalagahan at ma-appreciate ang mga ito… Huwg mo nang questionin ang papa mo kung bakit kay kuya Rom mo ibinigay ang pendant na iyon. Isang araw, masasabi mo na lang sa sariling, ‘tama lang pala na hindi napunta sa akin ang bagay na iyon’...”

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala na darating pa ang panahon na masasabi ko iyong sinabi ni mama. Ang alam ko kasi, unfair talaga si papa; mas mahal niya si kuya Rom at bilib na bilib siya dito. Iyon ang dahilan kung bakit niya ibinigay ito kay kuya Rom. Kinimkim ko ang sama ng loob kong iyon.

Ngunit sa sinabi ng duktor na ang medalyang iyon pa pala ang sumangga sa balang sa puso sana ni kuya Rom tatama, doon ko napagtanto ang pagkamakasarili ko at pagkamababaw ng aking pag-iisip. Hindi ko inakala na hahantong pala sa ganoong pangyayari kung saan ang medalyang iyon ang siyang magligtas sa kanyang buhay.

“I-ibig sabihin dok, ligtas na si kuya Rom kahit na unconcious pa rin siya?” ang dugtong kong tanong sa duktor.

“Ligtas na nga ang buhay niya ngunit maselan pa rin ang kanyang kalagayan. Malamang na nagdulot ng problema ang pagkabagok ng ulo niya sa semento na siyang naging dahilan ng kanyang pagka-unconscious. Kung hindi pa siya magising hanggang bukas, malamang na nagkaroon nga ng problema. Ang tanging magagawa natin ay hintayin ang resulta ng CT scan…”

Lungkot na lungkot ako sa narinig na pahayag ng duktor. At ang nagawa ko na lang ay umiyak. Niyakap ako ni kuya Paul Jake. “Huwag tayong mawalan ng pag-asa tol… ipaglaban ni Romwel ang buhay niya.” ang pag-encourage sa akin ni kuya Paul Jake.

Dahil nasa operating room pa si kuya Rom at hindi pa kami pinayagang makita siya, inihatid muna namin si Noel sa kanyang ward. 

“Tol… ligtas ka na. At bukas daw ay pwede ka nang makalabas dito sabi ng duktor. Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko ha? Buti a lang at sa braso ka lang natamaan” ang sabi ko kay Noel noong mailipat na ito sa kama. Hinaplos-haplos ko ang mukha niya.

“Ok lang iyon kuya. Gagawin ko pa rin iyon kapag may nagtangka sa buhay mo”

“Ay… huwag mo nang gawin iyon! Hindi puwede. Paano kung mamatay ka?”

“E, ganoon din naman kuya kung hindi mo po ako pinulot sa kalsada… patay na rin po ako ngayon.”

Ramdam kong may sumundot naman sa puso ko sa sinabing iyon ni Noel. Niyakap ko na lang siya at hinalikan sa pisngi. “Hmmm. Ambait talaga ng utol ko. At matalino pa. Mwah!”

Maya-maya dumating naman si mama, hindi magkamayaw sa pag-alala sa nangyari. Niyakap ko siya at dun na humagulgol, humugot ng lakas sa kanya.

Kinabukasan, lumabas ang resulta ng CT scan at nakita ang crack sa bungo ni kuya Rom. May blood clot daw at kailangan ang agarang operasyon na isinagawa naman kaagad.

Naging successful ang opersayon bagamat nanatiIi pa ring unconscoius si kuya Rom. Sabi ng mga duktor, oobserbahan lang ang kanyang kalagayan at may chance naman daw na manumbalik pa ang kanyang malay. Yun nga lang, kung sakaling manumbalik ang kanyangmalay, may posibilidad din na magkaroon ng epekto ito sa normal na mga functions ng kanyang katawan.

Malungkot kaming lahat sa nangyari. Ilang araw at ilang gabi rin akong nagbantay kay kuya Rom. Galing sa school diretso ako sa ward niya at doon na rin natutulog, doon kumakain. Kahit na hindi niya ako narinig o naramdamn, ibinigay ko ang lahat ng suporta sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siyang walang malay na tila nahihimbing lang sa pagtulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Bumabalik-balik ang mga eksena kung saana masayang-masaya kaming dalawa, ang unang pagtatagpo namin sa volleyball court ng eskwelahan pinapasukan namin, ang pagsasali namin sa mga liga kung san siya ang bantay at bodyguard ko, ang pagsagip niya sa akin noong nalunod ako sa ilog. Naalala ko rin ang pagbigay niya sa akin sa singsing na minana pa niya sa papa niya, sa pagbibigay niya sa akin ng kung anu-anong bagay at mga alaala, ang pagluluto niya sa paborito kong pagkain, ang pang-aasar niya, ang paglalambing, ang pagpaparaya kapag may hiniling ako kahit nahihirapan pa siya, ang pagtapon ko sa singsing niya sa ilog at halos malagutan na siya ng hininga sa pagsisid noon at pagkatapos ay ibinigay niya uli sa akin… Hindi pa ako handa na mawala ang lahat ng iyon. Hindi ko kaya... 

“K-kuya… kung naririnig mo man ako, mahal na mahal kita. Huwag kang bumitiw kuya. Kasi sabi mo sa akin, huwag akong bibitiw sa iyo eh. Sana ikaw ganoon din sa akin. Hindi ko kayang mawala ka kuya. Please kuya, lumaban ka.” Ang mga salitang pabalik-balik kong ibibubulong sa tenga niya.

Dinala ko na rin ang lahat ng mga ala-ala na ibinigay niya sa akin – ang singsing na isinuot ko na, ang gold bracelet, ang kumpol ng mga rosas na isa-isa kong ipini-preserve, ang mga litrato namin… lahat. 

Naglagay din ako ng malaking streamer sa loob ng ward niya na ang nakasulat ay, “Kuya… Welcome Back!” at may maraming iba’t-ibang kulay na mga baloons at yellow ribbons, na nangangahulugang naghintay ako at hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. 

Kung titingnan ang loob ng ward ni kuya, mistulang may welcome party ito, ang saya-sayang tingnan. Pilit kong ipinakita sa mga taong malakas ang kutob kong babalik pa rin ang malay ni kuya, na hindi ako mabibigo sa paghihintay sa kanya. 

Ngunit, isang kabaliktaran ito sa tunay na pangyayari. Hindi pa rin nagising si kuya.

Alam ko, nahahabag na sa akin ang mama ko at mga kaibigan namin kuya Rom. Habang tumatagal kasi, naramdaman kong unti-unti na ring nawalan sila ng pag-asa. 

Patuloy pa rin ang pag-usad ng araw at mistulang walang pagbabago sa kalagayan ni kuya Rom. Ngunit nanatiling matatag ako, hindi pa rin nawalan ng pag-asa.

At bagamat hindi ako sigurado kung maririnig niya, pabalik-balik kong ipantugtug ang paborito naming kanta na lalo namang nagpatindi sa pangungulila ko. Kahit nagka-crack ang boses ko sa pag-iiyak, sinasabayan ko pa rin ang pagkanta sa paborito naming kanta kagaya ng ginagawa naming dalawa palagi sa kwarto ko.

“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me

There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me

Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on

Baby you need to come home back to me...”

Sa bawat tugtog ng kanta na iyon, sumiksik sa isipan kong sadya talagang mapaglaro ang tadhana. Ang bawat kataga kasi ng noon ay may dalang mensaheng halos tugma sa aming kalagayan. Kagaya ng binanggit sa kanta, nagmamakaawa akong sana ay bumalik na ang kuya ko sa akin, inaasam na maramdaman niya ako, na marinig niya ang aking panaghoy; ang pagtawag ko sa kanyang pangalan… 

Isang araw, dalawang araw, tatlo, apat, lima… isang linggo. Wala pa ring pagbabago sa kalagayanni kuya Rom.

“Josh, anak… turuan mo ang sariling tanggapin na ang katotohan… at ang maaaring mas higit pang masakit na maaaring darating pa.” payo sa akin ng mama ko.

Ngunit hindi ako natinag. “Ma… habang buhay pa si kuya Rom, hindi ako nawawalan na pag-asa ma!” Ang padabog kong sabi. “Kasi po, hindi ko malimutan ang huli niyang sinabi sa akin na kahit na anong mangyari, huwag akong bibitiw dahil hindi rin daw siya bibitiw ma… Nangako siya sa akin ma, at nangako din ako sa kanya! Kaya, hindi maaaring mawalan ako ng pag-asa. Alam ko, nand’yn lang siya. Alam ko, nakikinig siya sa akin ma…”

Hindi na magawang magsalita pa ni mama. Alam ko, nabalisa na rin siya sa kalagayan ko.

“Alam mo kuya, naintindihan kita…” ang wika naman ni Noel na noon ay isang maliit na bandage na lang ang nakatakip sa unti-unti nang gumaling niyang sugat.

“Buti ka pa tol… naintindihan mo ako.”

“Kasi… noong malapit nang mamatay ang inay, ganyan ang naramdaman ko.”

“Ngunit hindi mamatay ang kuya Rom tol. Alam ko, hindi niya tayo iiwanan…” ang pagtutol ko naman sa pagkumpara niya sa kalagayan ni kuya Rom sa nangyari sa kanyang nanay.

“Mahal mo si kuya Rom?” 

Tumango lang ako.

“Mahal ko rin si kuya Rom e…” Ang puno ng kainosentehang sabi ni Noel. “Alam mo kuya, sabi sa akin ni kuya Rom sa airport noong inihatid namin siya papuntang Canada, na mahal na mahal ka raw niya at palagi daw kitang babantayan, at alagaan. Kaya noong nakita kong babarilin ka na doon sa bodega, tinakpan kita kasi ayokong mabaril ka at naalala ko rin ang sabi ni kuya sa akin. Atsaka Iglesias na raw ako kaya dapat matatag din ako at matapang katulad niya.” 

Napaiyak na naman ako sa narinig. Niyakap ko na lang si Noel. “Oo, Iglesias ka tol, na kaya palagi nating tandaan ang mga sinabi ni kuya Rom sa atin ha?”

Ewan, pero sa dinaanan kong hirap, tanging ang pangako ni kuya Rom at ang mga naririnig kong kwento tungkol sa kanya na lang ang nagpaptibay ng loob ko. “Hindi ako bibitiw kuya dahil iyan ang pangako natin sa isa’t-isa” ang palagi kong ibinubulong sa kanya.

Dahil dito, natuto din akong manalangin ng taimtim sa kanya sa taas. Alas dose palagi ng hatinggabi ako nagpupunta sa kapilya ng ospital at nanalangin. 

“Lord, pasensya na po kayo dahil minsan, nalilimutan kita at minsan din, nagtatampo sa ibinigay mong klase ng pagkatao ko. Inaamin ko naman, hindi ako naging mabait na tao. Marami akong pagkakasala, marami akong pagkukulang… Subalit, marami din po akong masasakit na dinadanas sa buhay na ibinigay ninyo. At ikaw lang ang bukod tanging nakakaalam sa lahat ng hirap at sakit na naranasan ko sa buhay. Simula noong marealize ko ang kakaibang naramdaman ko, sobrang sakit na ng kalooban ko na nahirapan akong tanggapin ito. Muntik na akong mawalan ng pag-asa. Muntik na akong magpakamatay sa nalalamang ganitong klase ang pagkatao ko. Ngunit ibinigay mo sa akin si kuya Rom. Sa kanya tumibok ang puso ko. Hindi ko ginusto ang lahat. Bagamat marami din akong pinagdaanang hirap sa kanya at maraming beses din akong nagreklamo at nasaktan sa relasyon namin, ngunit ngayon ko po narealize na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko. Handa kong isakripisyo ang lahat, mabuhay lamang si kuya Rom ko. Kahit ano po ang ibibigay ninyong kapalit, tatanggapin ko, manumbalik lang po ang malay niya. Kahit anong hirap pa po ang kabayarang ipataw mo, intindihin ko po at tatanggapin. Kahit buhay ko po, handa kong ialay para sa kanya. Mahal na mahal ko po siya. Kahit ako na lang po ang kunin mo, maintindihan ko po. Kasi, kahit mabuhay man ako ngunit kunin mo ang taong minahal ko, gugustuhin ko na rin pong mamatay. Ayaw ko po sa klase ng pagkatao na na ibinigay ninyo sa akin. Mahirap po kasi, marami pong balakid sa pag-ibig. Hindi ko kayang magkunyari, hindi ko kayang harapin ang mga pangungutya. Ngunit kinaya ko po ang lahat, tinanggap bagamat masakit at mahirap. Ito po ay dahil sa kanya – kay kuya Rom. Kung mawawala po siya sa akin, hindi ko po alam kung paano mabuhay. Sana ay huwag mo siyang ipagkait sa akin panginoon. Kinuha niyo na po ang papa ko. Sana, huwag po ninyong kunin si kuya Rom sa akin…”

Natapos na akong magdasal noon at bumalik na sa ward ni kuya. Pnasin kong nagkagulo ang mga nurse at duktor na nagmamadaling pumasok sa ward ni kuya. 

Matinding kaba ang bumalot sa buong pagkatao. At namalayan ko na lang ang sariling nagtatakbo din sumugod sa ward. Noong nasa loob na ako, narinig ko naman ang sigaw ni Noel, “Kuya Rommmmm!!! Kuya Rommmmm! Huwag mo kaming iwan kuya Rom!!!”

Tiningnan ko ang mga appratus sa at huminto na ang mga ito. Ang monitor ng graph na may tumataas-baba pang mga linya ay deretsong linya na lang ang nakikita. Pinindot pala ni Noel ang distress button ng ospital noong mapansin ang mga monitor na hindi na humihinga si kuya Rom.

Dali-daling ni-revive ng mga duktor ang paghinga ni kuya. Tinanggal ang damit niya sa kanyang dibdib at biglang inilapat doon ang de-koryenteng metal. Mistulang tumalbog ang katawan ni kuya sa pagdiin niyon. Tiningnan ng mga dukto ang monitor kung nanumbalik ba ang pintig ng puso ni Kuya. 

Ngunit wala pa rin. 

Idiniin ulit ang mga aparatong iyon sa kanyang dibdib. 

Wala pa rin.

Hanggang sa ang nakita ko ay ang pag-iling na ng duktor, tiningnan ako at buong lungkot ang boses na nagsalita, “I’m sorry. He’s dead...”

“Kuuuuuuuuuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” ang salitang umalingawngaw sa buong ospital.

(Itutuloy)
----------------------------------------


Iyon ang huli kong natandaan. Kung gaano kabilis ang aking pagkaidlip sa loob ng kapilya, ay siya ding bilis na aking pagkagising sa lakas ng hiyaw na umalingawngaw sa buong kapilya na galing sa bibig ko. Nakatulog pala ako sa loob ng kapilya matapos magdasal gawa ng sobrang stress at pagod, at dahil hatinggabi ang oras na aking pagpupunta at pananalangin sa kapilya. May nagsabi kasi sa akin na kapag humiling ka ng isang bagay, hatinggabi kang manalangin, at gawin mo ito kada-hatinggabi.

Parang totoo ang lahat! Nakatatak pa sa isipan ko ang mga pangyayari. Nagsisigaw at naglupasay daw ako noong idiniklara ng duktor na patay na si kuya Rom.

Habol-habol ang paghinga, napatingin ako sa poon at tumulo uli ang luha ko. At bagamat nagpasalamat na panaginip lang pala ang lahat, nanalangin pa rin ako na huwag naman sanang ganoon ang mangyari kay kuya Rom. “Maawa po kayo sa akin. Maawa po kayo kay kuya Rom…” bulong ko.

At nagtatakbo na akong lumabas ng kapilya, tinumbok diretso ang ward kung saan nandoon si kuya Rom.

Habang binabaybay ko ang hallway, hindi ako magkamayaw sa sobrang kaba na baka magkatotoo ang eksena sa panaginip ko. At lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko noong nakita kong ang nagtatakbuhan ang dalawang nurse at isang duktor sa hallway patungo din sa direksyon ng ward ni kuya Rom, halos kapareha sa nangyari sa panaginip ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo.

Halos magkasabay kami ng duktor at mga nurse na nakarating sa direksyon. Noong nasa pintuan na ako ng ward ni kuya Rom, natanggalan naman ng tinik ang dibdib ko noong sa katabing ward pala ang pakay nila. Narinig ko kaagad ang pagsisigaw at paglulupasay ng isang babae sa loob ng ward noong binuksan na ng duktor ang pinto. “Gabriel! Gabriel! Huwag mo kaming iwanan! Gabrielllllllllllllll!!”

Hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa naramdamang sakit ng babaeng nag-iiyak. Bagamat naibsan ang sariling pangamba para kay kuya Rom, matindi pa rin ang takot ko na baka doon din ang bagsak niya, at tutluyang hindi na kami magkita pang muli.

Dali-dali kong binuksan ang ward ni kuya. Nagulat naman ako noong makita si sa loob si Noel, himbing na himbing sa pagtulog ngunit tumabi sa paghiga kay kuya Rom sa kama.

Sa takot na baka makasama ito kay kuya Rom, ginising ko kaagad ang bata. “Tol… tol! Gising!!”

“K-kuya?” Ang naisagot niya, disoriented at bakat pa sa mga namumulang mata ang pagkagulat sa naantalang mahimbing na pagtulog.

“Bakit ka d’yan natulog? Naiipit mo si kuya Rom o…” ang sambit ko. “May higaan naman tayo dito sa kabilang kama…. Bakit d’yan ka nahiga? Atsaka iyang mga nakakabit sa kanya baka masagi mo, matanggal”

Kinukuskus ang mata niya, “E… narinig ko po kasing umungol si kuya kanina, kaya tinabihan ko. Kasi baka magising na siya, makikita niya kaagad ako.”

“Ha? Narinig mong umungol kamo si kuya Rom?” Biglang may naramdaman akong tuwa.

“Opo.”

“Ano pa ba ang narinig mo?”

“Wala na po. Sabi lang, ‘Uhhhhhhmmmmm!’ tapos, wala na.”

“Talaga tol… Sana. Magising na talaga siya ano!” ang masayang sabi ko.

“Gigising din siya kuya...” ang inosenteng sabi ni Noel.

Nginitian ko na lang si Noel sabay tingala, isiniksik sa isip ang napanaginipan ko sa kapilya. “Sana nga po… kabaligtaran ang napanaginipan ko, o di kaya, iyon na po iyong nangyari sa katabing ward.”

“O sya, tabi na tayo dito sa kama natin.” Ang sabi ko kay Noel.

Kinabukasan, nakarating sa amin ang balitang namatay na si Kris. Ipinarating ito sa amin ng isa sa mga nag-guwardiyang pulis sa kanya. Hindi daw nakayanan nito ang dulot na pinsala at kumplikasyong natamo sa tama ng bala sa kanyang internal organ. At bago ito mabawian ng buhay, nakapaghingi pa raw ito ng tawad sa mga nagawa niya sa amin.

Hindi na ako nagkumento pa. Ang sumiksik sa isip ko ay, “Kapag bumalik ang malay ni kuya Rom, saka ko pa siya mapapatawad. Ngunit kapag matuluyan si kuya Rom… wala akong kapatawarang ibibigay sa kanya!”

Galit pa ako sa kanya syempre. Habang nakikita ko si kuya Rom sa ganyang kalagayan, hindi nawawala sa akin ang galit. Paano ba naman, walang kasalanan si kuya Rom sa kanya. Siya ang puno’t dulo ng lahat ng problemang kinakaharap namin. Siya itong naghahabol kay kuya Rom, siya itong namimilit. At niloko pa nga niya si kuya noong sinabi niyang anak ni kuya Rom ang isinilang niya samantalang hindi naman… Manloloko siya. Kaya dapat lang na hindi ko siya mapapatawad hanggang hindi manumbalik ang malay ni kuya Rom.

At mistula namang sinagot ang nabanggit kong kundisyon sa pagpapatawad kay Kris. Sa hapon ding iyon, habang pinagmasdan kong maigi ang mukha ni kuya Rom at pinapatugtug ang paborito naming kanta, nakita ko ang marahang paggalaw ng mga takip-mata ni kuya Rom.

Isinampa ko kaagad ang katawan ko sa kama niya at hinaplos ang kanyang mukha. “Kuya… kuya… gising na kuya. Hinihintay ka namin. Na-miss ka na naming lahat.” ang sambit ko.

Habang nasa ganoon akong paghahaplos sa mukha niya, nakita ko ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang mga mata. Sa buong buhay ko, iyon na yata ang pinakamagnadang tanawing nasaksihan ko.

Mukha ko ang unang nakita niya sa pagbalik ng kanyang malay. Sobrang saya ko sa pagkakataong iyon. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang tinitigan siya, pinagmasdan ang napaka-amo at nakakabighani niyang hitsura.

Akmang hahalikan ko na sana siya noong mapansing tila wala siyang reaksyon sa nakita sa akin. Tulala siya at disoriented habang inikot ng mga mata niya ang paligid ng kwarto.

Napahinto naman ako sa gagawin ko na sanang paglapat ng bibig ko sa kanyang mukha. “K-kuya???” ang naitanong ko.

“N-asaan ako? At s-sino ka?” ang mahinang tanong niyang hindi maitago-tago sa mukha ang matinding pagkalito.

Sa narinig, pakiramdam ko ay may matigas na bagay na humampas sa aking ulo.

“K-kuya??? Nandito ka sa ospital… At ako si Jason. K-kapatid mo.”

“O-ospital? K-kapatid?”

“Opo…”

“H-hindi ko matandaan…” ang sabi niyang bakas pa rin sa mukha ang pagkalito.

“Kuya… binaril ka ni Kris! Hinostage tayo! At nabagok ang ulo mo sa semento! Kuya naman eh…” sagot kong tumaas na ang boses gawa nang hindi pa rin niya pagkaintindi sa mga sinabi ko.

Napahinto siya. Nakatutok ang mga mata sa kisame, tulala. “H-hindi ko talaga matandaan… Ano nga uli pangalan mo?”

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig niyang mga tanong at sa kalagayang hindi niya makuha-kuha ang mga sinabi ko sa kanya. Iniisip ko na lang na may kinalaman iyon sa pagkabagok ng kanyang ulo sa semento.

At dahil hindi pa rin siya umumik, ikinuwento ko na sa kanya ang buong pangyayari kung bakit siya napunta ng ospital, ang pagka-unconsious niya ng ilang araw, at ang tama niya sa balikat.

Ngunit wala pa rin siyang natandaan. Ang masaklap ay pati pangalan niya ay hindi rin niya alam.

“R-romwel ba kamo ang pangalan ko?”

“Opo kuya. Romwel Iglesias po ang kumpleto mong pangalan…”

Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang ibayong pagkalito.

At muli, ikinuwento ko kung paano kami nagkakilala, ang pagsasama namin sa volleyball team, ang pagkamatay ng tunay niyang inay, hanggang sa inadopt na siya ng mga magulang ko.

Ngunit hindi ko na muna ikinuwento ang mga namagitan sa amin. Sa nasaksihang pagkalimot niya, may gumapang na takot na baka lalo lang magpalala sa kanyang kundisyon.

At iyon ang masaklap na parte. Hindi ko na nga masabi-sabi ang mga bagay tungkol sa amin, hindi pa niya ako kilala. Pakiramdam ko, ibang tao siya at nagsimula na naman sa wala ang aming relasyon…

Tinawag ko ang duktor at napag-alaman kong “retrograde amnesia” daw ang nangyari kay kuya at total memory ang nawala sa kanyang alaala; mga historical na information memory na naka-store sa utak niya, kasama na doon ang mga detalye sa pagkatao niya at sa mga taong mahal at nakasalamuha niya. Walang makapagsabi kung babalik pa ang dating memory niya.

Bagamat ganoon ang nangyari kay kuya, may dulot pa rin itong saya sa lahat ng mga kaibigan at mga nagmamahal sa kanya. Kasi, buhay pa nga siya.

Subalit, iba ang nararamdaman ko. Para sa akin, buhay nga si kuya ngunit sabay sa pagbalik ng malay niya, nailibing din ang aming pagmamahalan. Pakiramdam ko, ibang-iba siya, nagbago ang kanyang persona, ugali, pakikitungo… Hindi na siya ang kuya Rom na inibig ko at iniibig ako.

Lahat ng mga kaibigan namin ay dumalaw din at tumulong upang manumbalik ang ala-ala ni kuya Rom. Sina kuya Paul Jake, Shane, Julius, mga kasamahan namin sa volleyball team, mga dating ka-klase, pati na ang ibang mga nagtatrabaho at kasosyo sa negosyo ni papa na naging kadikit na rin niya. Subalit iisa ang kanilang kumento: wala na talagang matandaan pa si kuya Rom tungkol sa kanila.

Noong makauwi na si kuya Rom ng bahay, ni-request ko kay mama na sa kuwarto ko siya titira upang kahit papaano ay maalagaan ko siya, mabantayan, at matulungang ipaala-ala ang mga nakaran.

Inako ko na talaga ang responsibilidad na mag-alaga sa kanya. Sa pag-uwi ni kuya Rom sa bahay, ako na ang pumili ng kanyang damit na isusuot sa biyahe, brief, t-shirt, pantalon...

Naalala ko tuloy noong magkasama pa kami sa mga lakad na malayo, siya ang nanghahalungkat ng mga gamit ko na babaunin namin. Siya ang maglalagay nito sa iisang bag kukng saan nandoon din ang mga damit at gamit niya. At siya na rin ang pipili kung ano ang susuotin kong damit.

“Iyan ang isuot mo. Bagay iyan sa iyo”

“Ayoko nito kuya, ampangit-pangit eh!”

“Anong pangit? Ok yan. Yan ang isuot mo, wala nang reklamo!”

Kaya wala akong magawa kundi ag isuot ko ang gusto niyang suoting ko.

At siya palagi ang nasusunod. Ganoon din ang sa kanya. Ako ang magsasabi kung ano ang susuotin niya. Kasi kapag pumalag siya, huhubarin ko ang sinabi niyang isuot ko.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng ward noong unang isinuot niya ang brief. Noong napansin niyang nakatutok ang mga mata ko sa pagbihis niya, bigla siyang pumasok sa bathroom at doon ipnagpatuloy ang pagsuot ng kanyang mga damit. Syempre, naninibago ako. Hindi naman kasi ganoon si kuya Rom. Kapag ganoong nagbibihis at alam niyang nanonood ako, proud na proud iyon na ibandera ang kanyang pagkalalaki sa harap ko. Nanunukso ba…

Pero sa pagkakataong iyon na pumasok pa siya ng bathroom upang magbihis, isiniksik ko na lang sa isip na hindi naman niya kasi naalala na noong mahal pa niya ako, walang parte ng kanyang katawan na hindi ko kabisado. At ganoon din siya sa akin. Kaya, hinayaan ko na lang. “Sa simula lang iyan” bulong ko sa sarili.

Noong nakalabas na siya ng bathroom at bihis na bihis na, di maiwasang mapahanga ako sa nakita sa kanya. Napaka-guwapo pa rin niya bagamat pumayat siya ng kaunti. Nandoon pa rin ang ganda ng kanyang mga mata, ang mga mapupulang labi, ang makinis at nakakabighaning mukha, ang makakapal na kilay, ang makakapal medyo kulot na buhok na noon ay humaba na… At syempre, ang lalong nagpatingkad sa angkin niyang kakisigan ay ang hunk na hunk niyang katawan. Mistula siyang isang greek god ng kaguwapuhan. Naka-semi-body fit na puting t-shirt na may blue at yellow stripes sa balikat, bakat na bakat ang matipuno niyang dibdib at malapad na balikat na pababa naman sa 29 insches niyang baywang at ang walang kataba-tabang tiyan. Itim na faded jeans naman ang pantalon niya. At sa tindig na 6’1, mistula siyang isang modelo na kalalabas pa lang patungo sa rampa.

“Ang guwapo talaga ng kuya ko!” sambit ko.

Binitiwan naman kaagad niya ang pamatay niyang ngiti. Nagsusumigaw ang damdamin kong yakapin siya at siilin ng halik ang mga labi. Ngunit hindi ko magawa ito. Isang ngiti lang ang isinukli ko sa kanyang binitiwang ngiti.

Habang umaandar ang sasakyan pabalik ng bahay, tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid at sa dinadaanan. Ipinakilala ko sa kanya ang aming driver at mistula naman siyang isang bisitang ngiting-respeto lang ang binitiwan.

Noong makarating na kami ng bahay, ang unang ginawa ko ay ang ipatugtog ang kanta namin. Para siyang isang batang akay-akay ko upang paupuin sa sofa ng music corner. Habang tumutugtog ang kanta, sinabi ko sa kanyang iyon ang paborito naming pareho.

“T-talaga?” ang sagot lang niya na parang wala lang, hindi naaprecite ang kanta.

Kumuha ako ng beer at umiinom. Iniabot ko rin sa kanya ang isang bote ng beer. Tahimik niyang ininum ito. Habang nasa ganong ayos siyang nakaupo at tinungga ang laman ng bote ng beer, hindi ko naman maiwasan ang titigan siya.

“Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin?” ang tanog niya noong mapansin ang titig ko.

“W-wala… wala kuya.” Ang naisagot ko na lang.

Noong una, ok pa naman ang samahan namin. Dahil sa napansin kong naiilang siya sa akin, ako ang nag-iinitiate at nauunang mangungulit sa kanya. Kagaya nang isang beses na nakaupo lang siya sa harap ng TV, nakatutuk ang mga mata sa monitor ngunit malalim ang iniisip. Nilapitan ko at pabiglang ginulo ang buhok niya at palarong hinahablot-hablot ito. Sa pagkabigla, napa “Arekopppp…!” siya at tiningnan ako na dumestansya ng kaunti, pinagmasdan ang kanyang reaksyon.

Noong tinitigan niya ako na bakat sa mga mata ang pagkalito sa inasta ko at mistulang nagtatanong kung para saan iyong ginawa ko sa kanya, dinilaan ko naman siya. “Beeee!”

Syempre, nainis iyong tao kaya’t hinabol niya ako. Naghabulan kami sa loob ng kwarto hanggang sa humantong ito sa ibabaw ng aking kama. Dinaganan na niya ang katawan ko, hinablot-hablot din niya ang buhok ko sabay pag-uuumpog nito sa kutson. “O… lalaban ka pa? Ha?!” sigaw niya.

Ngunit iba ang nakikita ko sa kanya. Parang may inis o galit siya sa ginawa ko. Dati kasi, kapag ganoong dadaganan na niya ang katawan ko, hindi na niya ako pakakawalan niyan hanggang sa may mangyari. Tititigan niyan ang mukha ko na para bang lalamunin ako ng buo, bibitiwan ang isang ngiting nakakaloko at sasabihing, “Cute talaga ng bunso ko…” o kaya ay, “Teana! Tinitigasan ako!” at pagkatapos, syempre, magpupumiglas na ako kunyari, at pupwersahin na niya ako upang mangyari ang gusto niya. At kapag nagagalit talaga ako, pupungay naman ang mga mata niya at magmamakaawa sa akin na pumayag na… Kumbaga, by hook or by crook kukuhanin niya ang gusto niya sa akin; santong paspasan, o sa santong dasalan. At pagkatapos maisagawa niya ang gusto niya, ipagluluto naman niya ako sa paborito kong pagkain, o di kaya, yayayayin ako sa music corner at habang magkatabi kaming uupo at kakantahin ang aming paboritong kanta, yayakapin niya ako at lalambingin, kahit hubo’t-hubad pa kaming pareho.

Ngunit iba ang napansin ko sa kanya. Nawala na ang dating pagka agresibo niya, ang interest at concern niya sa akin… Parang napaka-dry niya, at pakiramdam ko ay ibang tao siya.

May isang beses din habang nakahiga lang siya sa kama. Hindi na siya naghuhubad ng damit kagaya ng dati na naka-boxers shorts lang kaming dalawa kapag nasa kuwarto. Bigla akong tumabi at pagkatapos ay idinantay ang isa kong paa sa tiyan niya. Parang napahiya naman ako dahil hindi man lang siya nag-react, hindi nagsalita, hindi gumalaw. Hinayaan lang ang aking paa na nakapatong doon. At maya-maya lang, tinanggal din niya ito, biglang bumalikwas at iniwanan ako sa kama. Para naman akong natulala at ang naitanong sa isip ay, “Ano iyon?”

Pero, inintindi ko na rin siya, dahil alam ko naman na may karamdaman iyong tao e. At ginawa ko talaga ang lahat upang maibalik ang dati naming samahan.

Ipinakita ko rin ang lahat ng mga ibinigay niya sa akin kagaya ng white gold na singsing, ang gold na bracelet, ang mga rosas na pinatuyo at tinupi ko, ang mga litrato namin. At noong makita niya ang isang litrato na pinakatago-tago ko, iyong niyakap ko siya at hinalikan sa bibig, tinitigan niyang maigi ito tapos nagtanong, “Naghahalikan ba talaga tayo sa bibig?” ang mukha ay halatang gulat na gulat at nandidiri.

Pakiramdam ko naman ay sinampal ako ng maraming beses sa tanong niyang iyon. Namumula ang mukha ko, nag-init ang tainga, hindi makapagsalita. “Ah… akin na iyan kuya, wala iyan!” ang nasabi ko na lang.

Alam ko tumatak sa isip niya ang eksenang iyon na naghalikan kami.

Simula noon, pakiramdam ko ay dumedestansya na siya sa akin. Kapag nagtabi kami sa pagtulog, umuusog siya palayo sa akin. Syempre, hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman ang mga kakaibang kilos niya. Kapag naliligo siya sa banyo, inila-lock niya ito. Noong unang paligo nga niya sa banyo ko at akala ko ay ok lang na pumasok ako para sana ay makisabay, bigla ba naman niyang pinatay ang shower, hinablot ang tuwalya, itinapis iyon sabay tanong sa akin, “Bakit hindi mo ako hinintay na matapos?”

Sa sobrang pagkapahiya ko, lumabas na lang ako ng kwarto at doon nagmukmuk sa sala.

Hanggang sa isang araw, nagsabi na lang siya sa akin na lilipat na raw siya sa kwarto niya. Nagtanong pala ito kay mama kung may kuwarto ba siya dati at bagamat sinagot siya ni mama na mayroon, sinabi din ni mama na doon naman talaga siya natutulog sa kwarto ko dahil gusto ko ng kasama at dati, siya rin ang may gustong samahan ako.

Pero nagpumilit pa rin siyang lumipat sa kuwarto niya. Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang magpaubaya.

Noong makalipat na siya ng kwarto, parang wala na rin siyang pakialam sa akin, o sa amin. Natuto nang lumalabas na nag-iisa, may mga tumatawag na mga babae sa kanya sa landline at isang beses, nagdala talaga babae sa bahay at ipinakilala pa sa amin na girfriend daw niya. Sobrang sweet pa nila at ang babae naman ay dikit ng dikit sa kanya. Naalala ko na naman si Kris. Parang ganoong klaseng babae ang dinala niya sa bahay. Syempre, sobrang sakit noon. Kasi ba naman, baka mabuntis na namn ang babae at magyaya itong pakasalan siya. Paano na lang ako?

Pati sa mga anak niya ay may kulang ang ipinapakita niyang pag-aaruga sa mga ito. Ipinaubaya ang lahat sa mga yaya at halos hindi man lang siya lumalapit sa kanila o tingnan kung ok ba, may gatas ba.

Wala... ibang-iba siya sa kuya Rom na nakilala ko. Bagong buhay, bagong pagkatao, bagong pag-uugali, bago lahat, maliban na lang sa katawan.

Kahit sa mga outing ng pamilya namin, may mga pagkakataong hindi siya sumasama kasi daw may lakad, o may ibang gagawin kahit wala naman, matutulog o magmumukmok lang sa kwarto niya o kaya ay maggagala. Talagang nag-iba ang pagkatao niya…

Parang gusto ko siyang kausapin. Ngunit hindi ko kaya. Kasi ba naman, ano pa ang silbi kung makipag-usap ako sa kanya ngunit wala din namang epekto ito gawa nang iba na ang pagkatao niya, iba na ang pag-isip niya, at hindi ko na alam ang laman ng puso niya. Iyon bang natatakot akong masaktan, harapin ang katotohonanang wala nang pag-asang magkabalikan pa kami. Parang hindi ko kayang pagsabihian ako na, “Hindi kita mahal!” o kaya “Wala akong naramdaman para sa iyo!”

Mistulang may naghihilahan sa loob ng aking isipan; ang isa ay ang tatanggapin na lang ang lahat at ang isa ay nagmamatigas ngunit wala namang lakas na kumausap sa kanya at maghanap ng paraan upang maangkin muli ang kanyang puso.

Minsan nag-beach kami ng mama ko at si Noel. Habang si mama at ang mga apo niya at mga yaya ay nasa cottage, lumabas kami ni Noel sa aplaya. Habang naglalaro si Noel sa buhanginan nakaupo naman ako paharap sa dagat at napako ang tingin sa kawalan, malalim ang iniisip, maraming tanong na bumabagabag. Iyon bang mga tanong na, “Bakit ako naging ganito? Bakit ako pa? Bakit ibinigay sa akin si kuya Rom tapos, babawiin lang pala sa akin? Bakit sobrang sakit ang naranasan ko sa buhay? Bakit may mga taong kagaya ko? Paano ko malimutn si kuya Rom? Ano ang dapat kong gawin upang malimutan ko siya; upang hindi ako masaktan? Wala ba akong karapatang lumigaya?”

Pumatak ang mga luha ko sa buhangin na halos hindi ko napansin.

Nasa ganoon kalalim ang aking pag-iisip noong napansin ko si Noel na naglalaro ng buhangin at sa harap ko lang pala. Gumawa siya ng maliit na hukay at pagkatapos ay kumuha ng tubig sa dagat gamit lang ang kangyang palad at ibinuhos niya ito sa kanyang ginawang maliit na hukay. Pagkatapos, mabilis din siyang tumakbo sa dagat na parang hinahabol at kumuha ng tubig at muli, ibinuhos ito sa maliit na hukay na naubusan na ring laman dahil sa tumagos ang mga ito sa buhangin.

Parang nagpapansin siya sa akin.

Syempre, napansin ko at nagtaka ako sa ginawa niya. At habang pinagmasdan ako ang pabalik-balik niyang ginawa, napaisip ako.

“Tol… ano yang ginagawa mo?” sigaw ko sa kanya.

“Ilalagay ko dito sa hinukay ko ang lahat ng tubig sa dagat!” sagot niya.

Pakiramdam ko ay matatawa na ako sa sagot niya. “Ha??? Paano mangyari iyon, e… napakalaki ng dagat at napakaliit ng hukay mo? Akala ko ba matalino ka?” ang sarcastic kong parinig.

Tinitigan niya ako ng maigi, ang mga mata ay mistulang nagtatanong. “Kuya… di ba ganyan din naman ang gusto mong mangyari?”

“Ha?” ang gulat kong sagot. “Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Madami ka pong iniisip at tinatanong. Hindi kayang saklawin ng iyong pag-iisip ang lahat ng kasagutan sa bawat tanong mo sa mundo.”

Para akong binatukan sa narinig. “Ha?!! At saan mo naman napulot iyan?”

“Wala lang. Kasi, marami din akong tanong dati eh. At naisip ko na ang liit pala ng alam ko kumpara sa kaalaman ng gumawa ng mundo. Di ba kuya? Sino ba ang gumawa ng mundo? Sino ba ang gumawa ng buhay? Kaya mo bang ilagay sa ulo mo ang mga nasa isip niya? Kaya bang ilagay sa maliit na hukay ang lahat ng tubig sa karagatan?”

Natulala naman ako sa narinig kay Noel, hindi makasagot. Ang buong akala ko ay simpleng laro lang ang ginawa niya.

“Kaya kuya, huwag mo nang hanapin pa ang mga sagot sa tanong mo kasi kusang susulpot na lang ang mga to. Kagaya ko, noong namatay ang nanay at nag-iisa na lang sa kalsada, tinatanong ko kung bakit kinuha ang nanay ko sa akin. Siya lang ang nag-iisang nagmahal sa akin, siya lang ang pamilya ko. Wala namang nakasagot sa mga tanong ko. Hinayaanko na lang. At isang araw, dumating ka, at heto na ako ngayon. May pamilya na, may mga kuya, hindi na nag-iisa. Naintindihan ko na ang lahat…”

Mistula akong abusalan sa narinig at nakatitig na lang kay Noel. Nagulat, namesmerismo, napahanga. “Napakatalinong bata nito!” Ang nasambit sa sarili. “Halika nga rito!” sambit ko sa kanya. At noong makalapit na, “Anghel ka talaga ng buhay ko.” Niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi. “Mwah!”

“Hintayin mo na lang ang sagot kuya.” Dugtong niya.

Tumango na lang ako, hinahaplos-haplos ang buhok niya.

“Tama nga naman si Noel. Bakit ko ba pahirapan ang sarili ko? Kung nakatadhana para sa akin ang isang tao, pasasaan ba’t sa akin din ang bagsak niya. At kung sakaling hindi man, hindi rin hihinto ang pag-ikot ng mundo; hindi hihinto ang pagtakbo ng aking buhay. Patuloy ang pagpintig ng aking puso at ang pagdaloy ng dugo sa aking mga kaugatan... Maaring masaktan o madurog ang aking damdamin ngunit iisipin kong normal lang ito dahil lahat ng nagmahal ay nasasaktan.” bulong ko sa sarili.

“Kuya… kausapin mo si kuya Rom please. Alam ko, magbabago siya para sa iyo, para sa atin.”

“Oo. Oo... At salamat tol... binuksan mo ang aking isip.” Ang naisagot ko.

At nabuo sa isip ko ang isang desisyon.

(Itutuloy)

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP