Chapter 11 : Tol... I Love You! Ending

Sunday, November 21, 2010

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

Pakiwari ko ay napakabigat ng aking mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.

Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.

Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”


Sa pangalawang tanong ng pari, naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.

Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.

“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang narinig kong sigaw ni Sarah.

Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Noong nasa labas na ako ng simbahan, tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon, bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian, agad-agad akong umupo sa driver’s seat.

Hindi ako lubusang marunong magmaneho at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.

Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay ni Lito.

Noong makarating na ako, agad-agad akong nag door bell.

Nakailang door bell din ako. Sa pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo niya. Ang paboritong kanta niya -

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

Hinalughog ko ang buong kwarto – sa CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw ko.

Dahil sa hindi ko naisara ang pinto, narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni Lito at agad-agad itong napasugod.

“Martha, nasaan ba si Lito?” ang tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.

“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45 ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya, wala pa ba siya doon?”

Hindi ko na sinagot si Martha. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.

Ang sunod kong tinumbok ay ang paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan para sa kanya at sa aming relasyon.

Noong makarating na, dali-dali kong tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito. Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.

“Tol… binigyang laya na kita. Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta. Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya, matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”

Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.

Agad kong inilagay ang kabibe at ang sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building. Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.

Ibayong kaba naman ang naramdaman ko noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.

Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag. Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob ng tangke.

Nakahanap ako ng isang tubo na may habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke. Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari ko ay mistulang isang katawan ng tao.

Tila nawala na ako sa tamang katinuan sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”

“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong building.

“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.

Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya, hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko – itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.

“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!” Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.

Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon, tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon – isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang sabihing taong mahal niya.

Humagulgol ako nang humagulgol, sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!! ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa mgakahalong galit at sama ng loob.

Habang nasa ganoon akong paghihimutok, namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.

Habang nakalatag siya, napansin kong isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CPR, lunamtad naman ang kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.

Tinanggal ko ito at walang sinayang na sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth, pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CPR ko sa kanya dahil sa hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang pintig ng kanyang puso. Hanggang sa dumating na ang mga paramedic at itinuloy nila ang CPR.

Maya-maya, dinala nila si Lito sa ambulansya nila kung saan may equipment silang pampa-revive ng puso at paghinga. Ngunit pati ito ay wala na ring silbi kay Lito. Hanggang sa ang isa sa mga paramedics ay nagsalita. “Hindi na kaya… We are sorry.”

Mistulang pinutukan ako ng bomba sa narinig, hindi makapaniwalang wala na si Lito. Sumigaw ako hanggang sa tuktok ng aking baga sa laki ng panghihinayang at sama ng loob. “ARRGGGGHHHHHHH!!! Ngunit hanggang sa pagsigaw na lang ang kaya kong gawin para sa kaibigan.

Hindi ko alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Puno ng pagsisisi, galit sa sarili, at awa sa kaibigan. Pakiramdam ko, gusot ko na ring magpakamatay at samahan na rin si Lito. Ang nakahadlang lang nito ay ang paniniwala ko na mali ito.

Ibinurol si Lito sa bahay nila ng limang araw. Sa panahon din iyon, doon ako pinatulog ng mga magulang siya sa kwarto mismo ni Lito. Ibinigay nila sa akin ang karapatan sa kung ano man ang gusto kong gawin sa mga personal na gamit ni Lito. Noon daw kasing panahon na malungkot na malungkot si Lito dahil sa hindi ko pagpatawad sa kanya, may nabitiwanitong salita ito sa kanila na kung ano man ang mangyari sa kanya ay huwag nila akong sisihin at ipaubaya sa akin ang mga personal na gamit niya.

Noong manghalungkat ako sa mga personal na gamit ni Lito, nakita ko ang mga litrato namin sa panahong napakasaya pa naming nagsama bilang magkaibigan. May isa ding litrato kung saan may nakaukit sa likod na, “My Best Friend, Warren… Mahal na Mahal Ko Iyan!”. Nakita ko rin ang isang tuyong bulaklak kung saan natandaan kong ibinigay ko sa kanya isang beses na biniro ko siyang bakla. Nandoon din ang isa kong shorts na hiningi niya sa akin matapos kaming maligo sa beach. Habang isa-isa kong hinalungkat ang mga gamit niya, isa-isa ding bumabalik ang mga ala-ala na nakaukit nito. Hindi maiwasang hindi tumulo ang mga luha ko.

Iniligay ko ang lahat ng iyon sa isang karton, kasama na syempre ang pinakamahalagang mga bagay para sa amin, ang pares ng sapatos na itinapon namin sa tangke na pinagbuo ko na at ang kabibe. Bago ko binuo at tinalian ang kabibe, gumawa muna ako ng sulat –

“Dear Lito, salamat sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Salamat at kahit sa maikling panahon ay may isang katulad mo na dumating sa buhay ko. Salamat sa lahat ng tulong, salamat sa lahat ng payo, salamat sa pagiging tapat na kaibigan, salamat sa kaligayahang ibinigay mo sa akin. Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal. Pasensya ka na, na ako pa itong dahilan sa wala sa panahong pagpanaw mo. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang lahat… Hindi ako mapakali. Nahirapan akong tanggapin ito. Kung alam ko lang na ito pala ang kahahantungan ng lahat, sana, hindi ko na hinayaan ang sariling lumayo pa sa piling mo. Hindi ko mapatawad ang sarili ko tol. Sana naghintay ka. Sana hiniling mo sa akin na ayaw mo akong magpakasal. Hinintay ko lang naman na sabihin mo iyon sa akin e… Ngunit wala na akong magaagwa pa. Sana ay kung saan ka man naroon, masaya ka, mapayapa, sa mundo na kung saan sinabi mo sa kanta na ‘lucky’ ka dahil mahal mo ang best friend mo. Huli na man ang lahat, ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito Tol… I Love You!”

Isiniksik ang sulat na iyon sa loob ng binuong kabibe. Tinalian ito upang siguradong hindi na maghihiwalay pa.

Sa libingan ni Lito inilibing ko rin ang lahat ng mga alaala namin. Nakihatid ang lahat ng mga kaibigan, kaklase, mga buddies. Ako nag pinakahuling umalis sa libingan niya.

Habang nag-iisa, parang isang baliw akong nakikipag-usap sa kanya. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha. At bago ako umalis, binitiwan ko uli ang mga katagang matagal na niyang inaasam-asam na marinig sa mga bibig ko.

Alam ko huli na ang lahat…

Mahigit alas 8 na ng gabi noong maisipan kong umuwi. Sa taxing napara, umupo ako sa harapan sa tabi ng driver. Disoriented, pagod ang katawan at sobrang bigat ng kalooban. Pakiwari ko ay himinto ang takbo ng mundo, naglaho ang sigla na harapin pa ang bukas.

Inilabas ko ang cd na baon-baon ko. Hiniling ko sa driver na isalang ang laman noon sa player niya.

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

Tumulo muli ang mga luha ko. Sa bawat bigkas ng mga kataga ng kanta, naiimagine ko ang tindi ng kalungkutang nadarama ni Lito sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin. At ang naibulong ko sa sarili, “Sana natupad na ang mga katagang sinasabi ng kantang iyan, kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin kapag pinatugtog mo iyan, na sa kantang iyan mo lang nabibigyang-buhay ang ‘pagmamahalan’ natin dahil sa totoong buhay, ikaw lang ang nagmamahal. Ngunit nagkamali ka tol… Hindi ko lang masabi-sabi ito sa iyo dahil nahirapan din akong tanggapin sa sariling nagmahal ako sa isang lalaki. Hintayin mo ako d’yan; isang araw, magsama din tayo. Palagi mong tatandaan, tol… I Love You!”

(Wakas)


--------------------------------------------------------

“Tol… I Love You [11: Last Part – Version 2]
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Blogspot: http://www.michaelsshadesofblue.blogspot.com

Pakiwari ko ay napakabigat ng aking mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.

Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.

Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”

Sa pangalawang tanong ng pari, naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.

Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.

“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang narinig kong sigaw ni Sarah.

Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Noong nasa labas na ako ng simbahan, tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon, bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian, agad-agad akong umupo sa driver’s seat.

Hindi ako lubusang marunong magmaneho at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.

Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay ni Lito.

Noong makarating na ako, agad-agad akong nag door bell.

Nakailang door bell din ako. Sa pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo niya. Ang paboritong kanta niya -

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

Hinalughog ko ang buong kwarto – sa CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw ko.

Dahil sa hindi ko naisara ang pinto, narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni Lito at agad-agad itong napasugod.

“Martha, nasaan ba si Lito?” ang tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.

“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45 ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya, wala pa ba siya doon?”

Hindi ko na sinagot si Martha. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.

Ang sunod kong tinumbok ay ang paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan para sa kanya at sa aming relasyon.

Noong makarating na, dali-dali kong tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito. Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.

“Tol… binigyang laya na kita. Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta. Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya, matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”

Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.

Agad kong inilagay ang kabibe at ang sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building. Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.

Ibayong kaba naman ang naramdaman ko noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.

Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag. Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob ng tangke.

Nakahanap ako ng isang tubo na may habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke. Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari ko ay mistulang isang katawan ng tao.

Tila nawala na ako sa tamang katinuan sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”

“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong building.

“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.

Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya, hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko – itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.

“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!” Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.

Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon, tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon – isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang sabihing taong mahal niya.

Humagulgol ako nang humagulgol, sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!! ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa mgakahalong galit at sama ng loob.

Habang nasa ganoon akong paghihimutok, namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.

Habang nakalatag siya, napansin kong isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CPR, lunamtad naman ang kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.

Tinanggal ko ito at walang sinayang na sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth, pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CPR ko sa kanya dahil sa hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang pintig ng kanyang puso.

Hanggang sa dumating na ang mga paramedics at itinuloy nila ang CPR. Maya-maya lang, dinala nila si Lito sa ambulansya nila kung saan may itinurok sila sa kanya at may mga equipment silang pamparevive ng puso at paghinga.

Pinasakay din nila ako sa ambulansya at humarurot na ito pabalik ng hospital.

Agad-agad kong tinawagan ang mga magulang ni Lito na sa pagkakataong iyon ay pauwi na rin galing sa kasal kong naudlot. At napag-alaman ko sa kanilang dinala din pala sa ospital si Sarah, dahil nakunan gawa ng pagkaudlot ng aming kasal at sa tindi ng hiyang nadarama.

Noong nasa ospital na kamin, idineretso na si Lito sa emergency room at pagkatapos, sa ICU.

“Delikado ang lagay niya…” Ang sabi ng duktor sa paglabas nito sa ICU. “Ito ang mga possibilities na maaring mangyari sa kanya. Una, ano mang oras maaaring tuluyang bawian na siya ng buhay. Pangalawa, kung malampasan niya ito hanggang 24 oras, magiging comatose na lang siya, hindi natin alam kung hanggang kailan. Pangatlo, kung manumbalik man ang malay niya, ay magkakaroon siya ng damage sa kanyang utak at makakaapekto ito sa kanyang normal na pananalita, pagkilos, at paggalaw. In 24 hours at malampasan niya ito, then let’s hope for the best…”

Noong dumating ang mga magulang ni Lito, walang humpay ang pag-iiyak nila. Hindi naman nila ako sinisi. Alam nila na ginawa ko ang lahat para sa anak nila, na pinilit kong ibigay sa kanya ang lahat ng suporta at makakaya ko. At lubos nilang naintindihan ang aking kalagayan.

Niyakap ako ng mama ni Lito, “Warren! Ano ba ang nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak ko?” ang tanong niya sa akin habang humahagulgol.

“Nasa loob ng water tank na po siya noong maabutan ko, Ma… pasensya na po, hindi ko kaagad siya naagapan.”

“Huwag mong pabayaan ang anak ko Warren.” Ang tugon ng mama niya sa akin.

Habang binantayan namin si Lito, hindi kami mapakali at hindi namin alam kung ano ang gagawin upang matutulungan si Lito sa kanyang kalagayan. At ang pumasok na lang sa isip namin ay ang magpunta sa kapilya ng ospital at doon nanalangin.

Nabalot sa matinding lungkot, naghanap ako ng pwesto sa isang gilid at lumuhod. Noong maalala ang kalagayan ni Lito, tumulo na ang luha ko. Buong pagpakumbaba akong nanalangin. Iyon bang feeling na sobrang helpless mo na at parang gi-give up ka na at ipaubaya mo na lang sa kanya ang lahat, wala nang halaga pa ang ibang bagay kungdi ang bagay na lang na ninanais mong ibigay niya sa iyo.

“Panginoon… alam ko, marami akong kasalanan, marami akong pagkukulang sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko, sa mga nagawa ko. Nagsisisi po ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang po ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at lungkot para sa isang tao. Ngayon lang din po ako humingi ng isang bagay at nagmamakaawa sa iyo. Sana po ay pagbigyan ninyo ang hiling ko. Sana po ay pagalingin nyo siya. Bigyan po ninyo siya ng isa pang pagkakataon...” At namalayan ko na lang ang sariling humahagulgol.

Noong lumabas ako ng kapilya ay napag-alaman ko naman na doon din naka-confine si Sarah na ligtas na ang kalagayan bagamat hindi naisalaba ang bata. Binisita ko siya at nanghingi ng tawad.

“Masakit sa kalooban ko, syempre, ngunit tanggap ko na ito, Warren. Noong una pa man ay may hinala na ako sa inyo ni Lito. Kasi ba naman, kahit ako ang kasama mo, palaging si Lito ang lumalabas sa iyong bibig. Tapos walang oras na hindi ka nagtitext sa kanya… o siya tumatawag. At least ngayon, na-confirm ko na ang lahat ng hinala ko. Mahirap pumasok sa isang relasyon kung isang side lang ang nagmahal, di ba? Kaya huwag kang mag-alala, I can move on. Ngayong wala na ang baby natin, wala nang dahilan pa upang hahabulin kita. Malaya ka, Warren, kung saan ka man liligaya, hindi kita guguluhin. Napag-alaman ko rin na kritikal ang kalagayan ni Lito. Puntahan mo siya. Mas lalo ka niyang kailangan. Basta, isipin mo lang palagi na nandito lang ako, kung sakali mang kailangan mo ng tulong o ng karamay…” Ang sabi ni Sarah.

Niyakap ko siya, at sa huling pagkakataon, hinalikan ko ang mga labi niya. Pinasalamatan ko rin siya sa kabaitang ipinamalas niya, sa lawak ng kanyang pang-unawa. Bagamat dumaloy ang mga luha niya sa pisngi, ramdam kong mas naiintindihan niya ang kalagayan namin ni Lito. At doon natapos ang relasyon namin ni Sarah. Maluwag sa aming kalooban ang desisyong ginawa at wala kaming hinanakit sa isa’t-isa.

Bumalik ako sa ward ni Lito. Habang pinagmasdan ko siya, matinding awa ang bumalot sa buong pagkatao ko. May kung anu-anong mga tubong nakakabit sa katawan niya, sa ilong, sa bibig.

Dumaan ang walong oras, siyam na oras, sampu, labing-isa, labing-dalawa… nakakasindak ang bawat patak ng oras, iniisip na ano mang sandali ay maari pa ring bumigay ang katawan ni Lito. Hindi ako mapakali at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip. Ngunit kahit papaano, may dala din itong kaunting dulot na konsuwelo na nand’yan pa rin siya at hindi bumibitiw.

Eksaktong 24 na oras ang nakaraan at nanatiling lumalaban pa rin si Lito, wala pa ring malay at hindi gumagalaw. Kaya’t ang sabi ng duktor na kung magiging steady ang takbo ng kanyang sistema ay may tsansa pa raw na manumbalik ang malay nito.

Pagkatapos niyang malampasan ang 24 oras, araw naman ang binilang namin. Dalawang araw, tatlo, apat… Limang araw na ang lumipas noong tila hindi ko na makayanan pa ang pagkainip. Kaya ang ginawa ko noong umalis ang mga magulang ni Lito upang magpahinga sa bahay at ako na lang ang naiwang nagbabanytay, kinausap ko si Lito. “Tol… naiinip na ako, gustong-gusto ko nang makausap ka, makitang ngumiti, tumawa, makasama. Miss na miss na kita, tol. Lakasan mo ang loob mo. Lumaban ka, huwag kang bibitiw. Sabi mo doon sa sulat mo na kung sinabi ko lang sa iyo na mahal kita ay ipaglaban mo ang relasyon natin. Ngayon, sasabihin ko sa iyo Tol… mahal kita. Mahal na mahal kita! Kaya lumaban ka. Ipaglaban mo ang pagmamahalan natin kahit na kamatayan pa ang gustong humadlang nito. Huwag kang padaig… huwag kang mawalan ng lakas. Ipaglaban mo ako tol… dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, hindi kita iiwan at hihintayin kita hanggang sa pagbalik ng iyong malay.” At hinalikan ko siya sa pisngi.

Naupo uli ako sa silya at pinagmasdan ang anyo niya. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Bagamat nanumbalik at lumilitaw na muli ang normal na katangian at anyo ng kanyang mukha, pakiramdam ko ay nakikipag-usap pa rin ako sa isang taong walang buhay.

Kinapa ko ang cellphone ko at pinatugtog ang paborito niyang kanta. Inilatag ko iyon sa higaan niya, malapit sa kanyang tenga sa tiwalang maaring marinig niya ito at makakatulong sa kalagayan niya.

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

Bumalik uli ako sa kinauupuan, pinakinggan ang bawat kataga ng kantang paborito niya. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga, nakatatak sa aking isip ang tindi ng kalungkutang nadarama niya sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin habang pinagmasdan ko ang kanyang anyo. “Hindi ko na papayagang magdusa ka pa tol…” At ang sabi ko uli sa kanya.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni at pagtitig sa mukha niya noong hindi ko inaasahang mapansin ang mga luhang biglang dumaloy sa mga pisngi niya at bumagsak ang mga ito sa unan.

Napabalikwas ako sa magkahalong gulat at tuwa, hindi magkamayaw sa pagtatatalon. “Tooolll! Tangina, narinig mo pala ako, tolll! Kanina pa ako nagsasalita nakikinig ka pala sa akin ha?” Sigaw kong biro sa kanya. Pakiramdam ko talaga ay narinig niya ang lahat ng sinabi ko. “Yeheeeyyyyy!” Sabay sampa sa kama at yakap sa katawan niya at hinalik-halikan ang pisngi.

Pinahid ng kamay ko ang mga luhang iyon na dumaloy sa mukha niya at saka seryosong kinakausap siya. “Kahit anong mangyari tol… di kita iiwan, pangako iyan. Kaya lumaban ka, pareho nating labanan ang buhay, tol. Narinig mo ba ako, tol? Huwag na huwag kang bumigay! Magpakatatag ka tol para sa akin! Ipaglaban mo ako. Iparamdam mo sa akin na mahal mo ako, tol!”

Ngunit ganoon pa rin siya. Boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong kwarto na iyon.

“Bigyan mo ako ng isa pang palatandaan tol na narinig mo ako. Isa pa tol! Pleaseeee.” pag encourage ko sa kanya.

Tahimik.

“Ok, tol… igalaw mo ang katawan mo. Kahit anong parte, kahit mata mo lang tol!” ang pag-encourage ko muli.

Akala ko ay wala na talagang chance pa. Ngunit hindi ako sumuko. Ipinadama ko sa kanya na hindi ko siya igigive-up at kaya dapat ay hindi rin siya gigive-up para sa akin. At nagulat na lang ako noong habang inuutusan ko siyang piliting igalaw ang ano mang parte ng katawan niya, nakita ko ang biglang pagbaltak ng kaliwang hintuturong daliri niya. Halos hindi ko nga napansin ito ngunit kitang-kita ng mga mata ko ang paggalaw nito na parang lang isang mabilis na di-kusang galaw ng kanyang kalamnan.

“Tol… ginawa mo iyon?” Ang excited kong tanong sa kanya. “Kung ginawa mo iyon, tol, gawin mo uli! Gawin mo uli, tol!” utos ko.

Pinagmasdan ko uli ang hintuturo niyang iyon. At nakita ko na binaltak na naman niya ito.

“Tolllll. Shittt! Naririnig mo na talaga ako! Yiheeeyyyyy!” at muli kong siyang niyakap at hinalikan. “Ngayon ay pwede na tayong mag-usap tol!” ang sigaw ko habang nagtatalon sa nadaramang kagalakan.

Hinaltak niya uli ang daliri niya na para bang ipinadama niya na natuwa din siya na may contact na kami. Iyong daliring iyon lang ang kaya niyang igalaw.

“Narinig mo ang tugtog ng paborito mong kanta, tol?”

Hinaltak uli niya ang kamay niya.

“Gusto mong ipatugtug ko uli?”

Sagot uli siya.

At iyon na ang simula ng pagkakaroon namin ng contact ni Lito. Kapag “Oo” ang sagot niya, hinahaltak niya ang daliri. At kapag “Hindi” o “Ayaw” naman, hindi niya ginagalaw ang daliri. Minsan binibiro ko siya kagaya ng, ”Sige ka, kapag di mo pilitin ang sariling gumalaw, hindi na titgas iyang ari mo” sabay tawa. Hahaltakin naman niya ng sunod-sunod ang daliri na tila tumatawa o sinasabing “Tado ka!”

Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari sa amin ni Sarah; na hindi natuloy ang kasal namin dahil iniwanan ko siya para sa kanya; na nalaglag ang bata, at na nagkausap na kami at napagdesiyonan naming tapusin ang aming relasyon.

Isang lingo pa ang lumipas at bumalik na ang buong malay ni Lito. Sabi ng dukto, tila isang milagro ang nangyari kay Lito, sa bilis ng pagrecover niya. Ngunit sinabi din ng duktor na iyon ay dahil sa ipinamalas na lakas ng loob ni Lito, dahil sa nadaramang suporta sa kanya ng mga mahal sa buhay.

Noong ibinuka niya na ang kanyang mga mata, ang pinakaunang nakita niya ay ang malaking streamer na ginawa ko at isinabit sa dingding paharap sa kanya, na pinaikutan ng maraming pulang balloons. At ang nakasulat sa malaking streamer at mga ballons ay, “TOL… I LOVE YOU! Welcome back!”

Kitang-kita ko ang kagalakang bumakat sa kanyang mga mata noong mabasa niya iyon. Tiningnan niya ako at ngumiti. Iyon na ang pinakamaganda at pinakamasayang ngiti na nakita ko sa kanya. At ang una niyang nasambit ng mga kataga? “Tol… I Love You!” at niyakap ko na siya at hinalikan, hindi alintana ang nakatingin na mga magulang, kapamilya at mga kaibigan namin na nandoon.

Pagkatapos ay ipinakita ko rin sa kanya ang kabibeng binuo ko uli, at ang mga sapatos naming itinapon sa tangke ng tubig.

Dalawang buwan pa ang nakaraan at tuluyan na siyang gumaling, pagkatapos ng ilang mga physiotherapy sessions. Syempre, sobrang tuwa at saya ang nadarama ng lahat, lalo na ang mga magulang ni Lito. Nakita nila kung gaano ko inalaggan si Lito sa ospital na halos hindi na ako natutulog, hindi kumakain, hindi nagpapahinga, hindi umuuwi ng bahay. At malaking pasasalamat nila sa ipinakita kong suporta at pagmamahal sa anak nila.

At dahil nakita nila na sa akin din humuhugot ng lakas at inspirasyon si Lito, naintindihan nila ang lahat-lahat sa amin, at syempre, pati na ang kakaibang relasyon namin. Binigyang-laya nila ang aming naramdaman at ang payo nila sa akin ay, “Warren, ngayong alam na namin kung gaano mo kamahal si Lito, ipaubaya namin siya sa iyo. Ano man ang gusto ninyong gawin o ano man ang mga plano ninyo sa buhay, susuportahan namin kayo…”

Nasa US na kami ngayon ni Lito; sa isang estado kung saan legal ang pagpapakasal ng mga kagaya namin. Kasal na kami, at nagsasama na sa isang bahay na binili ng mga magulang niya para sa amin.

Sa bagong lugar na ito, sisimulan naming buohin ang aming buhay, ang aming mga panagarap, at pagtibayin pa ang aming pagmamahalan. Hindi man namin kuntrolado ang takbo ng aming magiging bukas ngunit sapat na para sa amin na nagmahalan kami ng tapat at nangakong hinding-hindi namin pababayaan ang isa’t-isa.

Alam ko, may laban kami sa buhay. Ano mang dagok at pagsubok ang darating pa sa amin, handa namng harapin ang mga ito at patuloy naming ipaglaban ang aming pagmamahalan.

(Wakas)

9 comments:

Anonymous,  March 19, 2011 at 3:41 PM  

my gosh!!! this is one of the greatest LOVE STORY i ever read in my life....
nice one!!! tol naiyak akoh!
to the author,
galing mo poeh... thank you....it inspires me a lot...

richmond,  March 19, 2011 at 9:16 PM  

hayyyyyyyy, saya ng version 2,, nging sia jejejejjeejej gudluck po,, sa nagsulat nito gud job po, gling, sana meron pa,, need ng book2

Anonymous,  May 20, 2011 at 3:49 AM  

a must read.....

Anonymous,  May 27, 2011 at 11:37 AM  

very inspiring love story... naka-relate ako lalo na sa kanta... i'm lucky i'm in love with my best friend... sa nagsulat nito... good job... ang galing... astig ka 'tol...

Anonymous,  May 29, 2011 at 10:13 AM  

omg... grbe talaga.. gnda...

Anonymous,  November 26, 2011 at 7:29 AM  

Wala akong masabi Kung Hindi d'best tong story... Good job to the author..

Rhen,  December 25, 2011 at 5:55 AM  

Super ganda!!! yan ang totoong pag-ibig..Kawawang Lito, hangga sa huli. pinakita yung pag-ibig kay Warren... partly blame si Warren.. Nowadays, .....

michaeldmira December 26, 2011 at 1:36 PM  

I like the first version....

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP