Chapter 3 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Thursday, November 25, 2010

Photobucket
AAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!"


"Ano ba iyan Manong?" inis na tili ni Mandarin sabay pukpok pa sa salamin na nakapagitan sa kanila ng driver.

Hindi inasahan ni Bobby na bibilis ang takbo nila kaya nagulat siya ng husto ng umarangkada sila. Hindi naman ganoon ang magpatakbo ang driver na iyon kagabi kaya nagtataka siya. Parang may mali sa nangyayari. Sabi niya pa sa sarili.

"Nakaka-inis talaga." maktol pa rin ng kasama.

Napapangiting inalalayan na lang niyang muli ito para maka-upo ng maayos. Ibinaba nito ang paldang lumilis paitaas ng aksidenteng mahulog ito kanina sa upuan dulot biglang pagbilis ng sasakyan. Nanghihinayang siya pero hindi tamang doon sila maglampungan nito. Marami namang motel sa madadaanan nila. Mamaya na lang siguro.

"Okay ka lang ba?" tanong niya rito sabay haplos sa pisngi nito.

"Ah, oo. Nakakahiya, nahulog ako." namumulang pahayag nito.

"Okay lang iyon. Hindi mo kasalanan iyon. Baka nagmamadali si Manong."

"Ang sabihin mo, baka naiinggit. Kwidaw ka!" sumimangot pa ito at hinampas ang salamin. "Umayos ka manong. Sasamain ka sa akin talaga!" animong tigre nitong sabi.


Natawa na siya ng tuluyan na umani naman ng matalim na tingin mula sa babae. Nagtaas siya ng kamay tanda ng pagsuko. "Hindi ako ang kalaban mo. Natawa lang ako kasi mukhang kahit anong sigaw mo riyan ay hindi tayo maririnig ng nasa kabila. Mukhang soundproof ang sasakyang ito." natatawa pa ring paliwanag niya.

"Hmp! Bakit kasi kailangang merong ganyan?" naiiritang sabi pa ni Mandarin.

"Siguro kasi ay gusto niya tayong bigyan ng privacy kanina. Nataon lang na napabilis ang takbo niya. Ikaw, kasi hindi ka kumakapit ng maiigi." tudyo niya rito.

Nanlalaki ang matang nagsalita ito. "Hoy! At ako pa talaga ang sinisi mo. Eh ikaw itong kung makasibasib ng halik diyan eh kala mo mauubusan ka."

"Okay. Guilty na ako sa parteng iyon. Pero, nagustuhan mo naman diba?" sabay haplos ng hita nito.

Napangiti ang hitad sa ginawa niya kaya itinaas pa niya ng kaunti ang kamay. Malapit na iyon sa lugar kung saan hindi normal na naroroon ang kamay ng isang lalaki sa katawan ng lalaki ng disimuladong tanggalin nito iyon at iangat para lamang hilahin siya at halikan ng mariin sa labi.

Nag-eskrima ang kanilang mga dila at ang kamay niya ay binawi niya at ipinagapang naman sa dibdib nito. Hindi magkamayaw sa pag-ungol ang babaeng palaban. Gumapang ang kamay nito sa kanyang dibdib pababa sa sinturera niya. Pipigilan sana niya ito ng pumatong ito sa kanyang kandungan.

Halos maduling siya sa sumunod na ginawa nito. Isinubsob nito ang mukha niya sa tayong-tayong dibdib nito. Liyad na liyad ito at waring nag-aamok sa pagkakaliyad. Hindi niya namalayang naibaba na pala nito ang bra sa bewang kasama ang tube nito na pang-itaas.

Dinilaan niya ang korona ng magkabilang bundok. Halinghing na tila kinakapos ng hininga ang naging sukli noon mula kay Mandarin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa habang ito naman ay kinakapa ang tigas na tigas niyang pagkalalaki sa loob ng kanyang pantalon.

Mabilis nitong natanggal ang buckle ng sinturon niya at naipasok ang mainit nitong kamay sa loob ng kanyang pantalon. Lalong nangalit ang parteng iyon ng kanyang katawan ng tudyuhin nito ang maselang bahagi na iyon. Hustong ibababa na niya ang kayang pantalon para magkaroon ng mùas magandang access ang kamay nito sa kanyang kaselanan ng bigla silang huminto ng malakas.

Napasubsob siya sa malambot na dibdib ni Mandarin habang ito ang tumanggap ng bigat niya sa pagkakadagan niya rito pasandal sa harang na salamin. Animo'y kapawa sila binuhusan ng malamig na tubig at ang humalili ay inis sa kanina'y nagbabaga nilang damdamin.

"Aray ko!" dumadaing sa sakit na sabi ni Mandarin. Ini-ayos niya ito ng upo at inayos naman niya ang sarili at isinara ang zipper ng pantalon.

"Okay ka lang ba?"

"Ay oo! Okay na okay ako. Ikaw na ang mauntog diba? Tapos may nakadagan pa sa'yong mabigat. Malamang okay ka nun? Di ba?" sarkastikong sabi nito.

"Mukha ngang okay ka na." ayon na lang niya. "Ano kayang nangyari?" Tanong niya.

"Ay malamang alam ko yun Bobby. Kasi may mata ako sa likod eh kaya kahit busy ako sa pakikipaglampungan sa iyo kanina eh alam ko yung dahilan ng paghinto nating bigla." naiinis pa ring sagot nito habang inaayos ang sarili.

Naiiling na lamang siyang lumingon sa labas. Tinted ang salamin ng sasakyang iyon na ipnagpasalamat niya dahil sa hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang magiging kasunod na eksena kung may nakakita sa kanila kanina ni Mandarin habang nasa gitna ng mainit na tagpo.

Napakunot ang noo niya ng makitang hindi sila sa tapat ng restaurant na dapat nilang hintuan nakatigil. Gaano na ba sila katagal na bumibyahe? Nagkwenta siya sa isip at tiningnan ang relos. Alas-dos kwarenta y otso. Lampas kalahating oras na pala silang nasa biyahe. Ang oras papunta sa restaurant na dapat nilang tigilan ay aabot lamang ng tatlumpong-minuto gamit ang sasakyan.

Kinatok niya ang salamin na nakaharang sa kanila ng malaman niyang ang lock ng pintuan ay hindi niya mabuksan. Nahulaan na niyang naka-power lock iyon. Walang tugon mula sa kabila. Sa halip ay lumabas ito at bumukas ang lock sa side niya. Kinatok nito ang bubong at nagsalita.

"Lumabas na kayo diyan."

Naguguluhan man ay umakma siyang lalabas ng pigilan siya ni Mandarin. "Anong nangyayari?" nagtataka rin ito.

"Ewan ko. Halika na, pero huwag kang lalayo sa akin. Hindi maganda ang kutob ko rito."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nahihintakutan na nitong sabi.

"Basta. Halika na." at inilahad niya ang kamay rito at inalalayang lumabas.

"Kamusta ang biyaheng-langit ninyo?" nakangising tanong ng driver. Inangat niya ang tingin at inaninang ang mukha nito. Nagulat siya ng makitang ang driver ay bata pa. May hitsura at kumpara sa kagabing naunang nagda-drive sa kaniya ay malaki ang pangangatawan nito at may angas.

"Hindi ikaw ang driver kagabi." mahinahon niyang sabi. Mas sa kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

"Nadale mo parekoy!" nakangisi pa rin nitong sabi.

"Anong nangyayari?"

"Hindi mo alam?"

"May kutob na ako pero gusto kong makasiguro."

"Oh, so manghuhula ka pala? Sige nga, tingnan natin kung tama ang hula mo sa kapalaran mo?" nang-iinis na sabi nito.

Ipinasya niyang kumalma at analisahin ang pagkakataon. May kasama siyang babae. Ano man ang mangyari, kailangang makatakas ito. Iginala niya ang paningin at natuklasang nasa isa silang hindi mataong lugar. Madilim sa bahaging iyon at ang tanging tanglaw nila ay ang liwanag ng buwan.

"May kinalaman dito ang bag na ihahatid ko dapat sa restaurant." pagpapatuloy niya ng humarap siya rito.

Nagkibit-balikat lang ito.

"Ano mang ang binabalak mo, gusto kong sabihin sa iyo na naghahatid lang ako ng bag na iyon. Hindi ko alam kung ano ang laman niyon at pangalawang gabi ko pa alng ito maghahatid sana. Paki-usap, wala akong ginagawang masama." mas pinili niyang maki-usap. Kung magkakasukatan sila ng lakas ay hindi niya alam kung makakaya niya ito. Lalo pa at nakita niya ang nakasukbit na baril sa beywang nito.

"Alam mo, medyo matalino ka eh. Pero hindi ako naniniwalang hindi mo alam kung ano ang laman ng bag na iyon." nakangisi pa rin ang tinamaan ng magaling.

"Sinabi na niya sa iyo na hindi niya alam ang laman ng pesteng bag na iyon kaya pwede ba, ibalik mo na lang kami sa sibilisasyon. Ang dilim kaya rito." nagtataray-tarayang sagot dito ni Mandarin na pumigil sana sa akmang pagsagot niya sa lalaki.

"ABA at mataray pala ang kasama mo." nangiinis na sabi ni Rovi sa kausap. Napapalatak siya sa isip ng mabistahan niyang ang gwapo pala ng kolokoy na napag-utusan lang na magdala ng bag.

Sayang ang isang ito kung nagkataon. sabi niya sa isip. Kamukha pa anman ni Rico Yan. Dagdag pa niya sa naisip.

"Ano ba kasi ang kailangan mo at pinahinto mo rito ang sasakyan at pinababa mo pa kami. Hohold-up-in mo ba kame? Wala kaming pera no kaya wala kang magaganansiya sa amin." mataray pa ring sabi ng babaeng ito. May naalala siya rito. Yung pinsan niyang si Pixel.

Napangiti siya sa naisip. Halata namang kinakabahan ito pero mataray pa rin. Nagtaas siya ng kilay at hinugot ang baril at inilapag sa ibabaw ng kotse. Walang magazine iyon kaya safe ang ginawa niya.

"Kung hohold-up-in ko kayo ay kanina ko sana kinuha ang baril na ito at itinutok sa inyo. Ayan oh, at inilapag ko pa diyan. Gusto ko lang kayong maka-usap, lalo na itong lalaking ito. sabi niya at tiningnan ang nanakakunot-noong kamukha ni Rico Yan.

"Ah, ganoon ba? Sige lang, mag-usap kayo. Kahit ilang oras pa, hindi naman kami nagmamadali. Di ba Bobby? Kahit pa pag-usapan pa ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas, dedma lang. Go! usap na kayo, kaibigan." natatarantang sagot ng hitad. Inaalog pa nito ang kasama sa balikat.

"Anong kailangan mo sa akin?" sabi ng baritonong boses nito.

"Bago iyan ay magpapakilala muna ako. Ako si P03 Rovi Yuno ng QCPD. Matagal ng naka-surveillance ang club na pinagtatrabahuhan mo para sa alleged illegal drug trafficking. Sino ang nag-utos sa iyo na magdala ng bag? At saan-saan ang drop points ninyo?"

"P03 ka? Ibig sabihin Sarhento ka." tanong nito sa halip na sumagot.

"Oo. Ngayon sagutin mo ang tanong ko." utos niya rito. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong pa niya kahit narinig na niya kanina kung ano ang itinawag dito ng babaeng kasama nito.

"Bobby po. Yung nag-utos sa akin na magdala ng bag ay si Miss Kring-kring. Yung matabang manager namin sa club. Yung restaurant lang ang pinagdalhan ko ng bag na iniiwan ko sa ilalim ng lamesang naka-reserve para sa pekeng pangalan na sasabihin ko pagpasok doon. Pagkatapos kong ilagay yun doon ng walang makapapansin ay aalis na ako at umuuwi sa amin. Kagaya ng sabi ko kanina. pangalawang beses pa lang iyon kanina." mahabang paliwanag nito.

Alam na nila Rovi ang tungkol doon. Hindi lang nasabi ng informer nila na iisa lang ang drop point. Iyon ay kung tama ang hinala niya. Mukha namang nagsasabi ng totoo ang isang ito. Besides, wala sa hitsura nito na mangloloko ito ng tao.

Ayan ka na naman Rovi. Hindi ka na nadala masyado kang mapagtiwala. Kaya ka naloloko eh. Mahabang tudyo ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang ulo at nagkonsentra sa kausap. "Hindi ka ba nagsisinungaling?" dudosong tanong niya.

"Hindi ho ako naturuang magsinungaling ng mga magulang ko hanggang sa mamatay sila." diretsong sagot nito sa kanya.

"Okay. Nagpapakita ba si Park Gyul Ho na may-ari ng club doon?"

"Sa limang buwan ko doon ay hindi ko pa nakita kahit kailan ang may-ari. Pero nakita ko na siya sa mga pictures na naka-post sa bulletin board ng club."

"Bakit mo tinanggap ang pagdadala ng bag?"

"Malaki ang bayad sa simpleng paghahatid ng bag. Nasa kinse-mil ang bigay nila sa akin para sa madaling trabaho. At saka kailangan ko ng pera para mapatingnan ko ang tiyahin kong may sakit."

"Hindi mo ba alam na hanggang ngayon ka na lang maghahatid at bukas ay burado ka na sa mundo at iba na ang maghahatid ng bag?"

Namutla ito at naguguluhang tumingin sa kasama. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Inihagis niya ang cellphone na nakuha niya sa driver ng sasakyan na pinatulog niya kanina. "Basahin mo yung text." Sinalo nito iyon at lalong namutla ng mabasa ang nilalaman ng text.

"Ipapa-patay ka ni Miss Kring pagkatapos mong maghatid?" tanong ng kasama nitong babae kay Bobby.

"I-iyon ang sinasabi ng text." naguguluhang sabi nito.

"Oh my God! Ang sama naman ng baboy na bading na iyon!" nagagalit na sabi ng babae.

"Nasaan ang driver kagabi?" tanong ni Bobby sa kanya.

"Pinatulog ko. Sa kasalukuyan ay hawak na siya ng kasamahan ko. Sinuwerte lang ako at nakita ko siya roon. Nakilala ko na siya sa pictures na ipinadala ng informer namin sa club."

"May informer kayo sa club?" takang tanong nito.

"Oo. Mga dalawang buwan na siya roon."

"Bakit nila ako ipapapatay?" nanginginig ang boses nito. Siguro kahit naman sino ang malaman na dapat ay mamamatay ka na at napigilan lang ay manginginig din. Kahit pa gaano kalaki ang katawan mo.

"Ganoon na ang modus nila para hindi sila matiktikan. Hanggang dalawa o tatlong beses lang sila nagpapahatid tapos ay itutumba na para na rin siguro hindi magka-kumplikasyon sa hinaharap."

"Mga hayup!" sabi ng babae.

"By the way, may plano kami at hihilingin namin ang kooperasyon mo. Maaasahan ka ba namin?"

"Wala naman na akong choice di ba? Sige kung ano man ang maitutulong ko ay gagawin ko sa abot ng makakaya ko."

"Sige, sa ngayon ay kailangan ka naming itago. Pati siya kasi damay na siya rito. May kamag-anak ka pa ba?"

"Wala na ho. Iyong tiyahin ko na lang po na kasama ko sa bahay. Pwede po bang pakisama na rin siya sa akin?"

"Okay. Ibigay mo ang address at kukunin na siya ng mga kasamahan ko ngayon na malapit sa area."

Bumalatay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bobby. Napansin niya iyon kaya nagsalita ulit siya. "Magtiwala ka sa akin. Hindi maaano ang tiyahin mo. Sa tingin mo ba magkukwentuhan lang tayo rito kung balak akong masama? Madali lang sa akin ang itumba kayong pareho. Pero dahil nga nasa panig ako ng kabutihan ay hindi ko gagawin iyon." pangungumbinsi niya rito.

Nagbugha ito ng hangin at tiningnan ang kasamang babae. "Sige na, mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Kasi kung di siya pulis, dapat kanina pa tayo tigok dito. Sige na." udyok pa nito.

"Sige Mandarin." at ibinigay nga nito ang address. "Kailan ko po makikita ang tiyang?" tanong agad nito pagkabigay ng address sa kaniya.

Itinext muna niya kay Jerick na malapit sa area ng bahay nila Bobby ang detalye bago sinagot ang tanong ng huli.

"Mga mamayang hapon na siguro." sagot niya saka tinitigan ito. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagdududa at pag-aalala.

"Dadalihin namin kayo sa safehouse namin. For the meantime, kumain muna tayo. Gutom na ako eh." Kinuha niya ang baril at niyaya na ang mga ito na pumasok sa kotse. Ibinaba niya ang salamin at ini-start na ang sasakyan.

"Pwede bang dito na lang ang isa sa inyo? Mukha kasi akong driver niyo eh." reklamo niya.

"Sige po. Diyan na lang ako sa harap." sagot ni Bobby. Napangiti siya, paraan lang niya iyon para makatabi ang gwapong si Bobby at mailayo sa kuko ng malanding babae na iyon na Mandarin pala ang pangalan.

"Saka alisin mo na ang po. Hindi naman ako ganoon katanda sa inyo. Ilang taon ka na ba?" hindi halatang inquiry niya sa edad nito.

"Ah, Kayo ang bahala Sarhento. bente-tres na po, este, twenty-three na ako." naiilang na sagot nito.

"Haha, inenglish mo lang eh. Ikaw?" lingon niya kay Mandarin.

"I'm eighteen Sarhento." naka-iwas ang matang sagot nito.

"Weh? Di nga." pang-aasar niya.

"Bakit, di ka naniniwalang disi-otso lang ako?" nanlalaki ang butas ng ilong na sabi nito.

"Hindi eh."

"At bakit aber?!"

"You don't look like it. Ganoon lang kasimple."

"Okay fine. Pasalamat ka at pulis ka. Bente-dos na ako." naka-ingos na sabi nito.

Natawa silang nasa harap. "See, Hindi mahirap aminin ang totoong edad." pang-aasar pa niya.

"Tse!"

"Eh, Kayo Sarhento? Ilang taon na kayo?" tanong ni Bobby.

"Rovi na lang. Bente-otso lang ako." saogt niya.

"Asus! Nagpabata pa."

"Totoo ang sinabi ko. Eto ang id ko." sabay abot dito ng ID niya. Napapahiyang ibinalik ni Mandarin ang Id niya.

"Kitam?"

"Matagal ka ng pulis?" si Bobby.

"Oo. Mga pitong taon na rin. Maaga kasi akong nag-aral at naka-graduate." simpleng paliwanag niya.

"Kaya pala. Ang bata mo kasi para maging Sarhento. Karaniwan, malaki na ang tiyan at napapanot na bago pa ma-promote. Magaling ka siguro."

Mabuti na lang medyo madilim kaya hindi nito napansin na namula siya sa pagpuri nito sa kanya. Hindi siya sanay ng pinupuri. "Sinuwerte lang." sagot na lang niya.

"Mukhang marami kang chicks. Gwapo ka kasi Rovi." napatanga siyang saglit sa sinabi nito. Kung di lang niya alam na nakikipaglampungan ito kanina sa babae sa liko ay malamang na naisip niyang kauri niya ito.

"Di naman, nabiyayaan lang." natatawang sagot niya.

"Pa-humble." bulong ng nasa likuran na narinig niya.

"May sinasabi ka?"

"Ah wala, wala akong sinasabi. Nananahimik nga ako rito eh." ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis.

Naiiling na ibinaling niya ang paningin sa daan. Nag-ring ang cellphone ng driver na pinatulog niya. Nagkatinginan sila ni Bobby. Ipinasya niyang sagutin iyon. "Hello."

"Hello. Nasaan ang hinatid mo? Bakit wala siya sa restaurant kanina?" dire-diretsong sabi ng nasa kabilang linya.

"Hindi ko alam. Hinahanap ko nga siya ngayon. Mukhang tinakasan tayo." pag-arte pa niya.

"Punyeta! Hanapin mo siya at huwag kang magpapakita sa akin hangga't di mo siya nakikita. Kailangan ko siya ng buhay! Malaking halaga ang nakataya rito at hindi kita mapapatawad kapag nalintikan ako kay Mr. Park!" iyon lang at nawala na ito sa linya.

"Confirmed. Ang amo mo ngang Korean ay may milagrong ginagawa sa club na iyon. At mukhang alam na nila Kring ang tungkol sa hindi mo pagsipot. Simula na ito ng pagtatago mo."

"Alam ko. Kung may maitutulong ako ay handa ako."

"Good."

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rick. "Kasama ko na ang courier. Kaso may sabit. Nalaman na rin nila agad ang pagkawala nito. Saan tayo magkikita?" ire-iretsong sabi niya rito pagkasagot na pagkasagot nito ng telepono.

"Sige, dalhin mo sa Calatagan. Kita tayo doon mamaya."

"Ten-four."

"kain muna tayo bago dumiretso sa patataguan niyo."

Tumango lang ang dalawa na nahulog na rin yata sa malalim na pag-iisip.


Itutuloy....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP