Sensya Na Bro... Ako Ang Secret Admirer Mo

Sunday, November 14, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------


Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Francis, 17 years old at nasa second year college. Apat kaming magkabarkada sa school – ako, si Jojo, si Larrie at Wency. Nineteen years old na silang tatlo at nasa third year college. Dahil na rin sa pareho kaming meyembro ng college volleyball varsity team kaya kami naging close sa isat-isa. Si Larry at Wency ay may mga kanya-kanya ng girlfriends ngunit ako at si Jojo ay wala pa.

Ok naman ang samahan namin except kay Jojo na talagang nayayabangan kami. Nanjan yung ipagyayabang na ang ganda-ganda raw ng girlfriend nya, wala namang maipakita kahit picture. Ipinagyayabang din nya na naging girlfriend nya yung muse na pantasya ng bayan at kung sinu-sino pang mga magaganda sa campus. Kahit iyong chick na nakasama lang nya sa sasakyan ay ipinagyayabang na na may crush daw ito sa kanya.

Ganyan ka ilusyonado at bilib sa sarili si Jojo. Hindi naman talaga sya kagawapuhan pero in fairness, masculine na masculine ang dating at kahit maitim ang balat, makinis naman ang mukha. At hindi lang yan, may magandang mga lips na match naman sa mapuputing ngipin na pansinin ang symmetry kahit hindi pantay. Kapag ngumiti ito ay nakakabighani.


At inis na inis ako sa pagka-mahangin nya. Ewan ko rin ba kung talagang sinasadya niyang magmamayabang pag nanjan ako pero pakiramdam ko, sadyang ako ang paborito nyang pinipikon at inaasar. Kayat sarap na sarap din akong pikunin sya o pagtripan kumbaga ng kung anu-ano nalang.

Ang isa pang obsession ni Jojo ay ang abs at chest nya. Hindi nawawalan ng oras yan para mag gym. Sa height nyang 5’11, masasabi kong perfect ang built nya at walang makikitang taba sa katawan. At ito ang talagang pamatay nya, ang kanyang pinakaingat-ingatang six-pack abs at magandang hubog na chest. At dahil nga mayabang, every time na may opportunity na iladlad ang katawan, ginagawa nya ito gaya na lang ng paghuhubad ng t-shirt kapag natapos ang laro namin, o kapag nagpa-practice, o kung may parade sa school o kayay nagkakatuwaan ang grupo. Kahit na pag minsang puro mga lalaki lang kaming nagba-bonding, di yan maaawat sa paghuhubad ng shirt para lang mag-display. Kumbaga, narcissist na, exhibitionist pa ang loko.

Mayroon din naman syang admirers. Kaso, ang hindi namin maintindihan ay kung bakit sa lakas ng hangin sa tuktok, kabaliktaran naman sa panliligaw. Kaya tuloy lalo kaming naaasar kapag nagyayabang na. At di namin maiwasang pagtawanan at hindi siniseryoso ang mga sinasabi nya. Dahil sa ako ang pinakainis sa kanya, sinusupalpal ko minsan pag nagsasalita. Ganyan kami ni Jojo sa grupo, parang mga aso’t pusa, nag-aasaran, kulang na lang magkakalmutan. Pero, wala namang personalan. Tawag nga nyan sa akin ay bunso. At yan ang isang parteng gusto ko sa kanya. Kahit na kadalasang ako ang talo at napipikon sa asaran, ako rin itong inaamo at nilalambing nya sa huli.

May isang gabi na nagba-bonding kaming apat na magbarkada sa beach. Inuman, kwentuhan, kantyawan hanggang sa umabot na ulit ang usapan sa pagmamayabang ni Jojo sa “girlfriend kuno” nya.

“E, kung totoong may girlfriend ka sige nga pakita mo sa amin ang picture ng tangnang napakagandang nilalang na yan para malaman namin kung talaga bang mukhang tao yan o katulad mong kabayo na nag-aanyong tao lang” sabi kong pang-aasar sabay tawanan ng grupo.

“Alam mo Francis” habang umaakbay sa kin at tumayo “Wag ka ng mainggit... makikita mo rin sya, wag kang mag-alala. At hoy... di mo ba alam na sa mukha na to maraming nababaliw at nagpapakamatay? At ikaw, palibhasa ikaw na lang ang walang girlfriend sa grupo, wag kang masyadong naiinsecure. Masama yan at nakaka-bawas ng pogi points” sagot nyang pang-aasar din. “At heto ha, nakita mo naman siguro tong gandang katawan ko na to. Hindi pa nabanat to sa pambugbog ng tao, baka ikaw ang una kong mapag-praktisan” pahabol nyang sabi sabay pakita ng abs at chest para ma-intimidate ako.

“Shitttt!” sabi kong ganun at tumayo na rin. “Bakit, wala bang laban tong hayop na gandang katawan na to, ha?” tinanggal ko naman ang t-shirt ko pagpapakita din ng katawan.

Tawanan lahat ang barkada. Akala ko hanggang dun na lang ang biruan ng biglang tanggalin ni Jojo ang jeans nya at bumulagta ang brief nyang kulay puti at ang bukol nyang kahit hindi pa tinigasan ay sa tingin ko mukhang mas malaki kay sa normal. At habang sumayaw-sayaw syang parang macho dancer ay dini-dare ako, “O ano, lalaban ka?”

Mejo natulala ako sa nakitang ginawa nya. Parang may ibang excitement ang nadama sa pagti-tease niyang iyon. Sumisiksik sa utak ko ang gandang hugis ng chest, abs, oblique muscles, at ang maiitim na balahibong-pusang animoy agos ng tubig pababa patungo sa bukol nya – sa ilalim ng brief. Nasa ganun akong paghanga ng bigla akong natauhan sa mga sigaw ng barkada, “Ibigay mo na Francis, Ibigay mo na rin!”

Wala akong nagawa kungdi ang maghubad na rin ng jeans at sumayaw-sayaw sabay sabing pagpaparining kay Jojo, “O ano, ha? Kala mo di kita papatulan ha?”

Palakpakan at sigawan ang lahat habang si Jojo naman ay kitang-kita sa mga mata ang pagkagulat at kung paano nya tinitigan ang katawan kong umiindayog din. Hindi nya akalaing patulan ko ang hamon nya. Hanggang sa ang sigaw na ng barkada ay “Hubarin mo na lahat, Jojo, hubarin mo na!”

At maya-maya nga, hinubad na ni Jojo ang brief nya at lahat ay namangha sa mitim ngunit malaki nyang ari na kahit hindi pa tumigas ay napakalaki at napakahaba na. Lalong naghiyawan at nagpalakpakan ang grupo. “Igiling mo pa Jo, giling mo pa!!!” Nasa ganung paggigiling si Jojo ng sa akin naman nakatuon ang barkada at sumigaw ng, “Hubarin mo na rin lahat Francis, ibigay mo na!”

“Shitttt!” Sabi ko sa sarili “Di ko na kaya to” at dali-dali kong isinuot ulit ang jeans at sa inis bumalik na sa upuan, at tumungga ng beer.

Tawanan pa rin ang lahat ng barkada at nung makitang umupo na ako, isinuot na rin ni Jojo ang brief at jeans nya at tumabi sa akin sabay akbay. Alam nyang napikon ako, “Uy, napikon si bunso... smile naman jan o!” Hindi ako kumibo sa tindi ng inis at hiya. Ngunit masugid din si Jojo hanggang sa kalaunan napangiti nya rin ako at nakipagkamayan sa kanya.

Ganyan si Jojo kapag nakitang napipikon ako at hindi na umiimik sa asaran namin. Hindi ako lulubayan nyan hanggang sa ngingiti na ulit ako at makipagkamayan sa kanya. Nanjan yung kikilitihin ako, yayakap-yakapin, hihipu-hipuin yung chin, o kaya‎’y bubuhatin (mas maliit ako sa kanya sa 5’7 kong height). Gagawin ang lahat wag lang sisikat muli ang araw na may galit pa ako sa kanya.

Isang araw, hindi ko alam kung anong hangin ang sumiksik sa utak ko, naisipan kong mag-printout ng card na may dedication kunyari galing sa sikreto nyang tagahanga at patagong isiniksik yun sa locker nya. “Tingnan ko na lang kung hindi ka maloloko netong gagawin ko sa yo, hehe” sabi ko sa sariling mejo nademonyo.

Magkatabi lang ang lockers namin at ng makita ko syang papunta na dun, sinadya kong sabayan sya at kunyari may kinukuha din ako sa locker ko. Bago nya binuksan ang locker, kinuha muna nya ang card at seryosong binasa iyon. Maya-maya, nakangiti na. “Aba, tuwang-tuwa ang kumag” sabi ko sa sarili. “Tol, ano yang binabasa mong yan?” tanong kong nag-iinosentehan.

“Card, sa isang taga-hanga” sagot nyang naka-ngiting-aso.

“Wow naman... hanep. Anlakas mo sa chicks tol!” sabi kong may kasunod na pabulong sa sariling, “Ulol?” Tiningnan ko ang card, kunyari pinag-masdang maigi at binasa ang dedication. “Shitttt! Sweet naman. May pa take-care take-care pa! Alam mo ba kung kanino galing?”

“Hindi e, wala namang return address!” sagot nya.

“Hayup ka talaga tol. Sikat na sikat ka na, may tagahanga pa, grabe ka!”

Natawa lang sya. “Ibahin mo tong kaibigan mo...”

“Ibahin mong mukha mo!” Bulong ko naman sa sarili.

Inobserbahan ko na lang ang iba pang mga reactions nya hanggang sa muling magka-umpukan ang barkada at gaya ng inaasahan, ipinagmamalaki nga ni Jojo ang sekretong tagahanga. At every time na binabanggit nya yun, natatawa na lang ako sa sarili at pabulong na sinasabi, “O sige, mag-ilusyon kapang tado ka... hehe”

Alam ko masama ang ginagawa ko pero di ko rin maawat ang sarili dahil sa asar sa kayabangan nya at sa gigil at excitement na makabawi sa mga ginawa nyang pangbu-bully at pamimikon sa akin. At ewan ko rin ba, para akong kinikilig kapag nakita kong binabasa ni Jojo ang mga cards at sulat ko.

Kinabukasan, ganun ulit ang ginawa ko hanggang sa maging araw-araw na. At dahil obvious na sa locker nya, inihulog ko na lang sa mail box ng school ang sulat at kini-claim na lang nya sa library. Hindi pa rin nya nalaman kung sino talaga ang sikretong taga-hanga nya. At napansin ko na lang na sa kalaunan parang naiinis na sya at nagpaparining na sana magpakilala na kung sino man yung nagpapadala sa kanya ng cards at sulat.

Parang naawa na rin ako at na-guilty kaya nung sinulatan ko sya ulit, sinabi kong magmeet kami sa central plaza, alas otso ng gabi.

Excited si Jojo nung dumating ang araw na yun at ipinagmamalaki nya sa barkada na sa wakas, makikita na ang secret admirer na patay na patay sa kanya. Sabi ko nalang sa sarili, “Namannnn...!”

“O anong gagawin mo tol pag nanjan na sya?” tanong ng isang barkada namin.

“E, di pag type ko, iki-kiss ko kaagad”

“Wow naman, pare ganyan ka katindi ha. E panu kung di mo type?”

“E... friends na lang, ehehehe” sagot nyang pabiro.

Sa eksaktong oras, nandun na kaming mga barkada at nag-abang sa isang lugar at binantayan si Jojo na nasa isang kanto naman nakaupo. Sa totoo lang, hindi ko alam ang nararamdaman. Kinakabahan, natatakot, naaawa sa kanya at nagi-guilty... Ang plano ko lang naman sana ay lokohin sya at asarin ng makabawi ako. Ngunit di ko akalain na aabot sa ganun kalaki na nalaman na ng buong barkada at iba pang mga kasamahan namin sa team. Kaya nagdadalawang isip akong lumantad at i-reveal ang totoo. “Panu ko kaya sasabihin” tanong ko sa sarili. “Ah, lapitan ko na lang siguro sya at sabihing ‘Hoy! ungas, wag ka nang maghintay pa sa sikret admirer na patay na patay sa u dahil ako lang naman yun. OO! At OO pa, ako ang pinakaasam-asam mong makitang sikret admirer; ang taong nagpakahirap at nagtyagang nagpadala sa iyo ng cards, sulat at ibat-iba pang gimik para ka lang kiligin, nyeta ka. O ngayon, iki-kiss mo ba ako o anu...’ Ahhhhh! Parang di ko kaya. Di ko talaga kaya... arrgghhh!” pag-aalangan ng utak ko.

Naka-isang oras din ang lumipas ng makapag desisyon ako. “Mga bro, lapitan ko muna si Jojo at mukhang inaamag na sa kahihintay sa secret admirer nya” sabi kong patawa pagpapaalam sa grupo.

Nilapitan ko nga si Jojo sa inuupuan nya. Laking gulat nya nung makitang ako yung lumapit at umupo sa tabi nya...

Habang nagulat ang loko at takang-taka na nakatutuk ang tingin sa mukha ko, napansin ko naman ang ayos nya. In fairness, gumandang lalaki bigla si kumag sa suot nyang pulang body-fit shirt na may puting stripes at maong. Bakat na bakat ang ganda ng katawan at ang maskuladong biceps at mga hita. “Tol, alam mo...” sabi kong nag-alangan at kinabahan, di malaman kung pano simulan at sasabihin ang totoo.

“Tangna! Ba’t ka lumapit dito!” pasigaw nyang bigla at pag interrupt sa sinabi ko, halos manlisik ang mata. “Paanu sisipot yun, e nandito ka, balik ka nga dun, bad trip ka talaga!”

Para akong binatukan sa narinig at imbes na ang nasa isip ay ilahad ang totoo, sumiksik ulit sa utak ang inis. “Hoy, kabayo...” ang sagot ko. Tawag kasi ng barkada sa kanya ay ‘black stallion’ simula nung mag ala-macho dancer sya at iladlad ang aring ga-kabayo ang laki. “E... isang oras na ang lumipas, darating pa ba yun? Tsaka, sya ang dapat atat na atat sa iyo, hindi ikaw no? Sino ba ang admirer dito, ikaw ba o sya? Isiksik mo yan sa utak mong maliit! May pa badtrip-bad trip kapa jan... Badtripin mong mukha mo, ang yabang yabang neto!” sabi kong ganun sabay alis.

“Hey!” sambit nya habang hinabol ako at hinawakan ang kamay. “Alam mo, ang sarap mo talagang asarin no? Hmmmm!” sabay pisil sa chin ko. “Ok, ok, dito ka na, tabi tayong maupo”. Hinatak nya ako pabalik sa inuupuan nya.

“Ayoko nga! Bad trip nga ako e, at panu ka sisiputin ng tangnang secret admirer na yan kung dalawa tayong nakaupo jan. Kaya tabihan mo ang sarili mo!” Winaksi ko ang kamay niya at tumakbo na. Hinabol nya ako at nung maabutan, parang batang ikinarga sa dalawa nyang braso pabalik sa inuupuan. “Ano ba Jojo! Nakakainis ka na ah?” sigaw ko habang pumipiglas sa pagkarga nya. Nung makarating na ng upuan, pumalag na naman ako at tumakbo. Habol ulit sya.

Napansin ng iba naming mga kabarkada ang tagpong iyon at isa-isa silang naglabasan at nagtawanan. “Hoy mga aso’t pusa! Tantanan nyo na yan at kami ay uuwi na!” ang sigaw ng mga barkada naming nainip na rin sa kahihintay.

Uuwi na rin sana ako ngunit ayaw pa ring lubayan ni Jojo ang paghawak sa akin. “Wag ka nang pumalag, samahan mo na lang ako dito” pamumwersa nya na may halong pagkaasar. Wala akong magawa kungdi ang sumunod. Naupo ako sa tabi nya na walang imik. “Ganyan...!” pagmamalaki sa sariling nasunod ang gusto “Kung ganyan ka ba eh, di sana palagi tayong nagkakasundo”

May mga kalahating oras ulit at syempre, walang sumipot. “Hahhhh! ano ba to! di na yata sisipot yung secret admirer ko.” Tapos lumingon sa akin “Buti na lang may kasama akong isa pang secret admirer” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

“Tado!”

“Alam mo, Francis, pag ganyan kang palaban, lalo akong ginaganahan e. At kapag ganitong mejo mainit ang ulo ko, ansarapppppppp mo talagang asarin, grrrrrr!” sabi nyang nangigigil at ang dalawang kamay ay animong sa tigreng akmang kakalmot sa mukha ko.” Napahinto sya at nag-isip, tinitigan ako “Sandali... wala ka kayang kinalaman dito?”

Mejo nagulat ako sa tanong nya pero todo-deny pa rin ako. “Anong pinagsasabi mo jan? Wala no...? Wala akong kinalaman, ok? At bakit ko naman gagawin ang ganun? Di ako kagaya mong salbahe!” sabi kong umiiwas sa tingin nya.

“Huh! Dapat lang... dahil kapag nalaman ko na may kinalaman ka dito, humanda ka sa akin. At heto ha, kapag ang secret admirer ko na yan ay hindi na nagpapadala ulit ng sulat o magpapakita sa akin, isa lang ang ibig sabihin – may kinalaman ka nga!” pagbabanta nyang nanlilisik ang mata sabay diin ng kamao nya sa mukha ko.

“Abahhh, at mukhang nagdududa na ang kabayo sa akin ah!” sa isip-isip ko.

Mga alas onse na ng gabi ng umuwi kaming dalawa at hinatid din naman nya ako sa bahay. Kahit nang-aasar palagi yang si Jojo, napaka-protective din sa akin. Feeling ko nga kuya ko talaga. At hindi lang kuya, imbestigador pa. E kahit ba ano nalang ang tinatanong gaya ng sa mga lakad ko, mga kasama ko, mga ginagawa ko, oras ng lakad, etc. Kahit mga notebooks at gamit ko pinapakialaman, kinakalkal, inuusyoso. Kaya lalo akong naaasar.

Gusto ko na sanang tantanan na lang ang pagpapadala ng sulat sa kanya ngunit di ko rin matanggal sa isip ang banta nya na kapag di na sumipot ang secret admirer nya, alam nya na – na ako nga yun o at least may kinalaman. Kaya para hindi sya magdududa, nagpadala na naman ako ng sulat, “Dear Jojo, sorry di ako nakasipot sa usapan natin dahil sa biglaang emergency ng pamilya... di naman ako makapag-inform sa iyo dahil sa madalian... Heto nga pala ang email address ko – imwhoyouwant@yahoo.com kung gusto mong makipag-chat, nasa internet cafe ako bukas ng alas 8 ng gabi...”

Maaga akong dumating sa internet cafe, syempre, para mag sign up ng isang bogus acct. At mga 830 pm lang ay may message na kaagad ako – galing kay Jojo. “Hi! How’s my secret admirer!”

Para akong kinikilig nung mabasa ang message nya at hindi mapigilan ang pagtawang mag-isa sa cubicle na parang sira-ulo. “Aba... talagang pursigido ang kumag!” sa isip ko. Nag reply ako, “I’m ok tks for taking your time and understanding dun sa di ko pagsipot...”

“No problem... so kailan ka ulit magpapakita sakin? Gusto ko ng makita ang secret admirer ko”

“Hahaha! Hinay-hinay lang. Sige ka, pag nagpakita na ako sa u, mawawala na lahat ang excitement at thrill at wala ka na ring secret admirer” sagot ko sa message nya.

“Ok... may point ka jan. How about describing yourself na lang?”

“Maputi, matangos ang ilong, sexy ‘daw’ sabi ng mga manliligaw, mahaba ang buhok, hmmmm matalino – ang seatmate – lolz”

“Hahahaha! I like the last description – joke. But really... are you? I mean sexy? Wow! I love sexy people, hehehe. Siguro ang ganda-ganda mo”

“Sinabi rin ng nanay ko yan – lol!”

“Palabiro ka pala. Alam mo, I’m happy na naka-chat kita. At least nasasagot mo kaagad ang questions ko. At napawi lahat ang pagdududa na baka niloko lang ako ng kaibigan ko”

“Sinong kaibigan, si Francis?” tanong kong kunwaring kilala ko rin ang kaibigan nyang ako din pala.

“Kilala mo sya?”

“Oo naman. Di ba teammate kayo at ang cute din nya ha? Pero parang palagi mo syang inaasar. Bakit?”

“Oo nga e. Ewan ko kung bat di ko mapigilan ang sarili sa pang-aasar jan. Parang ang saya-saya ko kapag nakitang napipikon at mukhang iiyak na – hahaha! Pero, yan ang pinaka-close ko sa lahat. Kapatid na nga ang turing ko jan e. Pag di ko nakita kahit sa isang araw yan, nalulungkot ako, para akong lalagnatin. Yan lang ang kaibigan kong kahit anong gawin kong pang-aasar at pang-aapi ay lumalapit pa rin sa akin. Napakabait nya – sobra. At napakaswerte kong naging kaibigan si Francis. Kaya love na love ko ang taong yan, di ko lang pinapahalata...”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalamang revelation na yun ni Jojo. Di ko malaman kung iiyak sa tuwa na kahit pala ganung inaasar at inaapi-api nya ako, napaka-importante ko pala sa buhay nya. Parang gusto ko nang magalit sa sarili dahil sa narealize na heto yung taong akala ko napakasama ng ugali at ipinakita sa akin, un pala... espesyal ako sa kanya at ang sama ng ginawa ko.

“Ey... jan ka paba?” message nya ulit sa hindi ko kaagad pag-reply.

“Yap...”

“May iba ka yatang ka-chat e, selos na ako nyan”

“Nope kaw lang, promiz. Tanong lang ha, wag kang magalit. Bakit si Francis ang napili mong asar-asarin?”

“Hmmm. Mahabang estorya. Pero iksi-an ko para sa yo, hehehe. May nag-iisang kapatid kasi ako na namatay nung 11 yo palang dahil sa cancer. Ako naman nun ay 13. Dahil nag-iisang kapatid, syempre kalaro, kasama, kabiruan, minsan ka-aasaran. Nug namatay sya, lungkot na lungkot ako’t hindi matanggap-tanggap na wala na sya. Nung makilala ko si Francis, ewan ko ba, parang sya yung kapatid kong nawala. Parang may kulang sa akin na na-fill sa pakikipagkaibigan ko kay Francis. Kaya, masaya ako pag nakita at nakasama ko sya. Pakiwari koy bumalik ulit ang saya ng mundo ko. Kaya’t hindi ko ipagpalit yan kahit kaninong kaibigan at hindi ko papayagag mawala yan sa akin...”

Sa una naming pagcha-chat na iyon, marami akong natutunan tungkol kay Jojo. Bilang teammate at kaibigan, akala ko yun na lang talaga siya – mayabang, mang-aasar, easy-go-lucky, walang paki-alam, at salbahe lalo na sa akin. Hindi ko akalain na ang mga ginagawa nya pala ay dahil sa paghahanap nya sa isang bagay na nawala sa kanya, na naging dahilan kung bakit ganyan ang pagkikipag relate nya sakin. At napag-isipisip ko na napakajudgmental ko pala. Simula nun, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman para kay Jojo. Ina-idolize ko sya na may halong pagkaawa, nami-miss kapag di nakikita, at minsan din, di maiwasan ang maasar. Pero ang saya-saya ko pag nanjan sya. At higit sa lahat naintindihan ko na sya. “Siguro” sabi ko sa sarili “kailangan ko lang hanapin ang soft spot nya para lalo syang magtitiwala sa akin” At kino-consider ko nalang na isang challenge sa akin yun. Ang malaking problema ko na lang ay kung panu sasabihin at i-explain na ako yung nagpapanggap na secret admirer nya.

Hindi pa rin nagbago si Jojo sa pakikitungo sa akin. Pero ako, naging sweet na sa kanya dahil nga sa nalaman ko at sa resolve ko na rin na di sya iiwanan. Talagang nag-iixert ako ng effort para ma-feel din nya na kahit ganyang inaapi-api ako, hindi ako nagbago at hindi sya iniiwasan. Nanjan yung pag may outing o practice kami, sa bag ko na nilalagay ang mga gamit nyang extra shirt, short, towel o brief namin. Kahit sa mga backlog notes nya sa mga subjects o research, ako na ang nagbo-volunteer na gumawa. Kahit ano basta para sa kanya ginagawa ko. At napansin nya yun.

“Hey, mukhang ang sweet sweet ng bunso ko netong mga nagdaang araw a! May sakit ka ba, may bird flu o mad cow disease, na-overdose lang sa gamot? O baka naman nagda-drugs ka na? Masama yan sa katawan, bro...”

“Hindi po ako nagda-drugs, itay. Ganito lang talaga ako, mabait, masunurin na anak, at higit sa lahat, mataas ang respeto sa mga matatanda.”

“Abababa.... hindi pa ako ganyan katanda para maging tatay mo ha. Baka kuya pwede pa.”

“Talaga?” tanong kong excited sa sinabi nya “Pweding kuya na’ng itatawag ko sa iyo?”

“Hmmm, pwede.” Nag-isip sya. “Sa isang kondisyon...”

“Ano po yun, kuya.”

“Tange, hindi pa! May initiation ka. Mamyang gabi, sa bahay ko, ok? Kapag pumasa ka, saka mo na ako maging kuya”

Mejo kinabahan na excited. Pero hindi ako nagpahalata. Kinagabihan, nagpunta nga ako sa bahay nila. Walang katao-tao dahil ang mga magulang nya ay nasa Maynila.

“Uy... talagang pursigido maging official bro ko!”

“Oo naman!” sagot ko. Pero sa isip-isip ko lang, “Hmmm, kung di ko lang alam, sya din itong excited na excited na maging little bro ako.”

Pinapasok nya ako at naupo kami sa sala. “OK, may 3 rules ang paggiging kuya ko sa u at dapat mong sundin ito. First rule: Wala kang ibang kuya kungdi ako lang. Second rule: lahat ng i-uutos ko gawin mo. Third rule, walang reklamo. O ano, may reklamo ka ba?”

“Sa rule 1, wala naman talaga akong kuyang iba e. Alam mo namang only child ako, diba? Sa rule 2, wag lang yung pumatay, magnakaw, mag-cheat, at bawal sa batas... susundin kita jan. At tungkol sa reklamo, wala na po akong reklamo, dahil nasa third rule yun” biro ko. “So, kuya na kita?”

“Not too fast... Meron pa akong ipapagawa.” sabay mosyon sa aking sundan sya sa kusina. “Hindi pa ako kumakain ng dinner kaya magluto ka. Nanjan na lahat ng kailangan – karne, isda, ingredients, gamit, etc. Dalian mo at gutom na ako.”

“E, kuya, di ako marunong magluto!”

“May reklamo?” sabay dilat ng mata.

“E...” Sumiksik sa isip ko yung rule 3 nya “Wala po, wala na po kuya.”

Dahil wala nga akong kaalam-alam sa pagluto, inihaw ko na lang ang karne pati na rin ang isda. Pagkatapos, inihanda ang lamesa at tinawag na si Jojo. Uupo na sana ako para sabayan syang kumain. “Opppps, wag muna. Nasa initiation stage ka kaya’t pagsilbihan mo ako, ok?

Wala akong magawa kungdi sundin ang gusto nya. Pagkatapos nyang kumain, pumasok na sa kwarto. “Linisin mo na rin at hugasan ang mga gamit jan at pagkatapos, sumunod ka dito.”

“Abaaa... may masamang balak ang kumag” ang sumiksik sa na-pollute ko na yatang utak. “Mamaya papatulan kita, sige ka” sabi kong nakangisi.

Nung pumasok na ako sa kwarto, nakaupo sya sa may study table, umiinom ng beer. Kumuha sya ng isang bote, binuksan at ibinigay sa akin at pinaupo na ako sa tabi nya. Habang nag-iinuman kami, nagku-kwento sya tungkol sa secret admirer nya na mystified sya at mejo nahulog na din ang loob kahit di pa nya talaga nakikita dahil daw sa ang-saya-sayang ka-chat at witty daw. Tawa na lang ako sa sarili.

“E... panu kung niloloko ka lang nun? panu kung hindi pala yun estudyante at nagpapanggap lang, o sigurado kaba na babae nga yun?” sabi kong pag-alala na baka nga ma-in love sya sa isang bogus na chat-mate na walang iba kundi ako lang naman. “Matatanggap mo ba sya kung sakali?”

“Ewan ko tol. Pero bahala na. Sa sunod naming pagcha-chat ay kung hindi man sya makipag eyeball sa akin, i-demand ko talagang mag web-cam kami.”

“Inaykupo...!” sabi ko sa sariling nag-alala. “Panu nalang to?”

Mejo umiikot na ang paligid nung magpaalam akong uuwi na. “Lasing na yata ako kuya, uwi na ako”

“Oppssss! Di pa tapos ang initiation. Pinapa-relax lang kita” sabay tayo at tanggal ng t-shirt at pantalon. Boxers short lang ang natirang saplot sa katawan nya at napa-shit ako sa tumambad sa akin – ang gandang hugis ng matipunong proportionate na katawan from chest, sa six-pack abs, hanggang sa malalaking hita. Ang makinis nyang balat na kahit may kaitiman, wala kang makikitang kahit na anong spot or pimple. At sa tingin ko‎ nag-ahit sya dahil nawala na ang mga balahibong pusang dumadaloy sa mid-section nya patungo sa ilalim ng underwear na una kong nasilayan nung mag-ala macho dancer sya dun sa beach. Ngunit ang higit na nagpapa-init lalo sa akin ay ang porma ng gitnang katawan. Sa puti nyang boxers short animoy custom-made ito na pati contour ng umbok ng pwet at hips ay lapat na lapat. At bakat na bakat dun ang mataba at mahabang ari nya na kahit hindi pa tumigas ay pansin na pansin na ang laki ng bukol. Na-mesmerized na naman ako sa nakitang iyon. Kinakabahan na excited. Nanginginig na nakikiliti na nasasarapan sa naiisip ng maaring mangyari. Sa tanang buhay ko, wala pa akong experience sa pakiki-pagtalik, at lalo na sa kapwa lalaki. Biglang nawala ang kalasingan ko at para akong kandila na nakatayo sa harap nya at tulalang nakatitig.

“Tangna, tatayo ka na lang ba jan? Ang gusto ko, masahehen mo ako, hindi titigan” sabay angkas sa ibabaw ng kama nya at nahiga.

“Ano po yun ulit kuya?”

“Putsa naman to o... masahehen mo ako!” pasigaw nyang sagot.

“E, di po ako marunong, kuya e.” paliwanag ko.

“Walang problema, turuan kita” sabi nya habang dumapa sa kama at naexposed ang napakandang umbok ng butt. “Halika, umupo ka sa ibabaw ng butt ko habang nakaharap ka sa upper back part ng katawan” Nung napansin nyang naka-jeans ako “Sandali, hubarin mo ang jeans mo at mag shorts ka nalang para komportable tayo”

“A... e... wala akong shorts e...”

“Tangna ang daming satsat... may shorts o wala hubarin mong jeans mo!” ang maypagka-inis nyang sigaw.

Hinubad ko na rin ang jeans ko at brief na lang ang natira at umakyat na sa kama nya at umupo sa umbok ng pwet nya. Habang minamasahe ko ang shoulder blades nya pababa sa may upper back area, napansin kong tumitigas ang ari ko habang kumikiskis yun sa gitna ng dalawang umbok ng butt nya, na siguro kung wala lang yung brief ko at boxers nya ay pwede ko nang ipasok sa butas nya. Nasa ganun akong pag-iimagine ng napansin kong saglit na ipinasok sa harapan ni Jojo ang isang kamay nya na pakiwari koy ini-ayos sa pagkapwesto ang ari nya. “Shit... sabi ko. Tinitigasan din yata si kuya”

Masahe lang ako ng masahe at tinagalan pa ang position na yun, ini-enjoy ang sarap na naramdaman sa kaiimagine habang ang tigas na tigas ko namang ari ay walang tigil sa pagkiskis sa umbok ni Jojo. Maya-maya, siguro napansin na ni Jojo ang pagcha-chancing ko na yun, bigla syang tumihaya habang hindi natinag ang pagkaupo ko sa katawan nya. Sa pagtihaya nyang yun, naupuan ko naman ang ari nya. Tiningnan ko iyon. Ang buong ulo ay nag-protrude sa garter ng boxers short, matigas na matigas na halos kasing taba ng lata ng sardinas at kumikislot-kislot habang inuupuan ko.

Tiningnan ko si Jojo. Hindi ko nakita sa mukha ang emosyon. Tiningnan lang nya ako na parang walang nangyari. “Tangna, nakatitig ka na naman jan e! Masahehen mo kasi ang chest area ko, dito o dito!” sabay hawak ng kamay ko at gina-guide nya yun sa kamay ko. Sa matipuno naman nyang chest ang minamasahe ko habang ramdam na ramdam ko ang pagkikislot-kislot ng ari nya sa ilalim ng puwetan ko. Siguro may mga sampung minuto kami sa ganung ayos ng bigla nya akong kinadyot at napa-sampa ang katawan ko sa kanya at ang mga mukha namin ay halos magdikit, ang dalawa kong kamay ay nakatukod sa magkabilang sides ng ulo nya, at ang kanya ay pinabayaan lang na nakalatag sa sides ng katawan.

“Kuya naman e!” sigaw ko sa kanya na animoy naiinis.

Tumawa sya ng malakas, “Alam mo, gigil na gigil ako sa yu ngayon” sabay lock ng dalawang braso nya sa katawan ko at biglang kinagat ang may parteng kaliwang balikat.

“Kuya! Masakit, Arggghhh, ummmmmppptttt!, uhmmppt!” ang nasambit ko na lang at binitiwan nya na ang pagkagat. Napaluha ako sa sakit ngunit may parang masarap na kiliti din akong naramdaman.

“O anu... give up ka na? Pwedi kanang gumive-up?”

“Hindi po kuya, hindi po” ang sagot ko habang hindi nya binitiwan ang paglock nya sa katawan ko.

“Ok, heto masasarapan ka dito” sabay naman ng pagkagat-kagat at pagsipsip nya sa parang butil na maliit sa kaliwang susu ko, yung butil na tumutubo dala ng pagbibinata. Di ko maipaliwanag ang sarap. Masakit na sobrang kiliti na umaabot hanggang sa dulo ng mga paa ko. “Kuya, ummmmppttt! hmmmmppptttt!” ang sambit ko habang ang dalawa kong kamay ay naka-grip naman ng mahigpit sa mga buhok at anit ng ulo nya.

Habang kinagat-kagat at sinisipsip nni Jojo ang ang utong ko, untiunti namang ibinaba nya ang boxers nya at pagkatapos hinila pababa ang brief ko. Maya-maya lang habang nasa ganung ayos kami, bumubundol-bundol na ang matigas nyang ari sa puwet ko. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko.

Umupo si Jojo sa gilid ng kama at pinababa nya ako sa sahig paharap sa kanya. “Isubo mo” ang pag utos nya sa akin.

“Kuya, hindi ko kaya...!” ang sagot kong pag-aalangan dahil sa hindi ko pa naranasan ang ganun at sa laki ng ari nya ay pakiwari koy di iyon magkasya sa bibig ko.

“Ayaw mo, o sige, alis ka na... alis! At wag ka nang magpakita sakin, ok?” pananakot nya.

“Sige kuya, gawin ko na...” sabi ko sabay luhod sa harap nya

Nag-aalangang ibinuka ko ang bibig ko. Dahil sa laki ng ari nya, hindi ko halos maipasok ang buong ulo nito at nung pilitin ko, nabilaukan ako, “Gwrrkkkkkk!”

Ngunit manhid na si Jojo at imbis na dahan-dahanin, lalo pa nyang idiniin ang ulo ko, hinawakan ng dalawang kamay at pwersahang itinaas-baba sa kandungan nya. Hindi na ako halos maka-hinga at naghalo ang luha, sipon, at laway na lumabas sa mata, ilong at bibig sa pilit ng paglabas-masok ng ari nya sa bibig ko. Ngunit hindi nya ito alintana hanggang sa binilisan nya ang pagtaas-baba ng ulo ko sa ari nya at pumulandit ang katas sa loob ng bibig ko‎ na dumeretso naman sa lalamunan at ang iba ay lumabas sa ilong at bibig, “Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhhh! Shitttttttttt!” ang sambit nya.

Umiyak na akong tuluyan ng nilubayan ni Jojo ang paghawak ng ulo ko at dali-dali kaagad akong umupo sa gilid ng kama, habol-habol ang paghinga. Habang pinahid ko ang naghalong luha, sipon, laway at tamod na nagkalat pa sa mukha ko, tumabi sya, hinawi ang kamay ko sa mukha at sya na ang nagpahid. “Sorry tol, sorry talaga...”

Habang tuloy ang pag-agos ng luha, hinila niya ako pahiga sa kama at nahiga kaming pareho. Tuloy pa rin ang pag hinimas nya ng mukha ko at hinahalik-halikan yun. Maya-maya, dinilaan nya na ang luha kong tumatagos pa rin habang walang tigil sa kabubulong ng “sorry tol...” Hinalikan na rin nya ang buong mukha ko at ng maglapat ang mga bibig namin, kiniskis at nilaro ang dila nya sa loob ng bibig ko. Maya-maya, ibinaba nya ang paghalik – sa leeg, sa dibdib, sa tyan, at ipinasok ang dila nya sa butas ng navel, hanggang sa humantong ang bibig nya sa dibdib ulit, sa utong at kinagat-kagat at sinipsip ang animoy maliit na butil sa ilalim ng umbok nito. Pakiramdam ko‎‎’y naghalong kiliti at sakit ang dumadaloy na pakiwari koy sumagad hanggang sa buto na nagbigay ng kakaibang sensation. Matagal din nyang nilaro yun hanggang tuluyan na naman akong magdedeliryo sa sarap.

Nasa ganung sarap ako nung biglang hinawakan ni Jojo ang matigas ko ng ari at nilaru-laru iyon. Binati na nya ng binati hanggang sa ang nasambit ko na lang ay, “Kuya, lalabasan na ako, kuyaaaaaaaa, uhhhmmmmppppttttttttt!” habang wala syang tigil sa pagkagat-kagat sa susu ko. At pumulandit ang katas ko sa tyan namin at sa mukha nya habang mahigpit ko syang niyakap. 

Nung humupa na ang init ko, hinalikan nya ang pisngi ko at binitiwan ang napakagandang ngiti. Pinahid ko ang likido sa mukha nya at ginantihan ko naman sya ng halik. “Kuya, bakit parang gustong-gusto mo akong asarin?” pabulong kong sabi.

Tinitigan nya ako. “Hindi ko alam tol e. May time talaga na ang sarap sarap mong asarin at paiyakin. At kapag nakita na kitang namumula sa inis o mukhang iiyak na, ansarap mo namang lambingin... Gaya ngayon, parang gusto ko na namang makita kang naaasar.”

“Kuya ha, wag kang ganyan, natatakot na naman ako...”

Binitiwan nya ang nakaka-lokong ngiti “Halika nga masahehen mo nalang ulit ako. ”Napansin nyang hindi ako kumilos at kumibo. “Oppps! Rule number 2, sundin ang mga utos ko at Rule number 3, wag magreklamo.”

“Kuya naman e...” pagmamaktol ko.

Doon na ako natulog sa kwarto ni Jojo. At ilang beses ding naulit ang ginawa naming yun.

Kinabukasan, nabalot ng kissmarks ang mga katawan namin, at namalayan ko na lang ang masakit kong dila, bibig, utong, at buong katawan... Bago ako nagpaalam na umuwi ng bahay tinanong ko ulit sya, “So, officially kuya na kita?”

“Basta, sundin mo palagi ang rules ko, wala tayong problema. At wag na wag mong sabihin kahit kanino ang nagyari sa atin, kuha mo? That’s Rule number 4, isiksik mo sa utak mo.”

“Syempre naman... yeheyyyy! May kuya na ako” sabay hug sa kanya at halik sa pisngi na hindi naman pumalag. “Mwah! Ambango talaga ng kuya ko kahit di pa nakapaligo, ehehehehe” at umuwi na ako na masayang-masaya.

Dumating ang araw ng pagcha-chat na naman ni Jojo sa secret admirer nya. Syempre, dahil ako ang nagkunyaring secret adimrer, schedule ko rin. Gusto ko sanang wag nalang syang siputin. Ngunit sumiksik sa utak ko ang banta na kapag di na sumipot ang secrt admirer nya ay sigurado na may kinalaman ako. Kaya wala akong magawa. Ang totoo, hindi ko na rin maipaliwanag na nararamdaman ko kay Jojo, ayaw ko na syang mawala kahit gusto ko na rin sanang sabihin ang totoo. Pero hindi ko alam kung paano gawin yun na hindi nya ako kamumuhian.

Nandun na ako sa counter para magtanong ng available computer ng biglang pumasok din si Jojo sa mismong internet cafe na yun.

“Hey, tol! Anong ginawa mo dito?” tanong nya nung mapansin ako.

Bigla akong nanginig, hindi halos makapagsalita. “A...e... bubuksan ko lang ang email ko. May email daw kasi ang kaibigan kong nasa Maynila”

“A, ok. Samahan mo nalang muna kaya ako sa cubicle para makita mo na rin ang secret admirer ko. Pilitin ko syang magwe-webcam kami” sabi nyang may halong pagmamalaki.

“Ha? A, e...” sabi kong hindi malaman kung paano lulusot “Sige kuya, pero pagkatapos ko ng mag-email at, a... hmmm... kung may oras pa.”

“Sige. Tawagin na lang kita. At, hey, sabay na tayong umalis pagkatapos natin dito ok? Ah, Miss...” sabi nya sa counter “Tabi kami ng cubicle netong utol ko ha?”

“Disgraya na!” sabi ko sa sarili.

Kahit naka-cubicle ang mga individual computer units sa internet cafe na yun, ang nagsilbing takip lang ay isang manipis na kurtina at ang computer monitor ay nakaharap sa pasukan.

Hindi ko maintindihan ang gagawin. Binuksan ko ang emails ko, binasa ang mga kahit luma ng emails pampatay oras dahil sa kalituhan kung anong dapat gawin. Mga 30 minutes na ang lumipas nung nagpaparinig sa kabilang cubicle si Jojo, “Putsa, di na yata ako sisiputin ah!”

Muli akong kinabahan at upang hindi sya mag-isip, nagdesisyon na lang akong buksan ang bogus acct para makipag-chat sa kanya. “Hi, musta, sorry late ako. Siguro, napuno ka na ng amag sa kahihintay” sabi ko.

“Ey, musta ang secret admirer ko! Kala ko iinjanin mo na ako ha? Ok naman ako, heto atat na atat na makita ka. May webcam ka ba?” sagot nya.

“Aba... talagang tinotoo ang banta nya. Panu kaya lusutan to...” sabi ko sa sarili. “E... wala akong webcam dito, occupied lahat e.” Sagot ko naman.

“Alam mo, nagtatampo na ako sa yu. Siguro, talagang niloloko mo lang ako...”

“Hindi a! Talagang wala akong webcam. Bakit naman kita lolokohin...?”

“A, ok. so kailan tayo magkikita?”

“Malapit na, wag kang mag-alala. Ganito nalang kalapit: dito --> jan. LOLZ!

“Niloloko mo nga ako, e.”

“Jokes lang, kaw naman, o”

Naghintay ako ng sagot. Isang minuto, dalawang minuto, tatlo... Nag type ulit ako “Hey jan kapa?” Pipindutin ko na sana ang enter key nung lingonin ko ang likuran ko – si Jojo at nakatutuk ang mga mata sa screen ng computer ko at ang mukha ay parang hindi makapaniwala sa nakita nya.

“Tang-ina mo tol! Sabi ko na nga ba, niloko mo ako. Shittttttt! Sa lahat ng tao ikawa pa!” sigaw nya sabay alis at deretsong lumabas, ni hindi isinara ang computer nya at hindi na rin nakapagbayad.

Sinara ko ang computer nya at binayaran ko na rin ang oras namin. Dali-dali ko syang sinundan ngunit di ko na nahabol pa. Dumeretso ako sa bahay nila, hindi pa raw sya umuwi sabi ng mommy nya. Hinanap ko sya kung saan-saan – sa school, sa gym, at tinawagan din iba pa naming mga kaibigan, hindi ko pa rin sya mahanap.

Lumubog ang araw ng hindi ko mahagilap si Jojo. Kinabukasan sa practice ng buong team, nandun siya. Pinilit kong lapitan at kausapin ngunit nag-iba na ang pakikitungo nya sa akin. Hindi nya na ako pinansin, hindi kinibo. Feeling ko hindi ako nag-exist. Pagkatapos ng practice habang nagbibihis kami sa locker room, kwentuhan ang barkada.

“Uy, pareng Jojo musta na ang secret admirer naten?” pabirong tanong ng grupo.

“OK lang... gusto ko syang katayin, tadtarin at ihawin, tangnang secret admirer na yan” pagpaparinig nya sabay bitiw ng matalim na tingin sa akin.

“Uy... siguro ansarap lamutakin ng secret admirer mo na yan ha. Mukhang kasing sarap ng inihaw na manok!” kantyaw ng barkada naming si Larrie.

“Baka nagka-inlaban na!” sagot naman ni Wency.

“Putsa! Maiinlove pa ako sa isang hayup kesa tangnang secret admirer na yan!” sagot naman ni Jojo.

“A, may lover’s quarrel na!” sigaw ng barkada sabay tawanan.

Hindi na umimik si Jojo ngunit kitang-kita ko sa mukha at mata nya ang sobrang pagkainis at galit. Nasaktan ako sa binitiwan nyang biro sa grupo pero inintindi ko nalang ang nararamdaman nya dahil sa kasalanan ko rin naman talaga. Hinayaan ko na lang munang humupa ang galit nya. Maya-maya nagsiuwian na ang lahat ng barkada ngunit nandun pa rin si Jojo nakaupo sa bench sa gilid ng locker room, malalim ang iniisip, nakapagbihis na ng shorts ngunit wala pa ring pang-itaas na damit.

Nilapitan ko sya sabay sabing, “Hi Kuya! Ok ka lang?”

Inirapan lang nya ako sabay tayo at suot ng t-shirt, kuha ng knapsack at dali-daling umalis.

Humabol ako at sinabayan sya sa paglakad ng mabilisan “Kuya, sorry naman o... hayaan mo naman akong magpaliwanag, please...”

“Maghanap ka na ng ibang kuyang maloloko mo!” sagot nyang pasigaw. Pinilit ko pa ring magpaliwanag. Ngunit ayaw nya na akong pakinggan. “Ano ba? Di mo ba ako lulubayan?! Tangna!”

Hindi na ako kumibo, huminto ako sa paglalakad at hinayaan syang mag-isang makalabas ng building. Dumeretso ako ng CR, nagkulong sa cubicle at umiyak ng umiyak.

Mag-iisang buwan ding wala kaming imikan ni Jojo. Sa isang buwan na yun, pakiwari koy nag-iba ang paggalaw at pag-ikot ng mundo at akoy sobrang nasaktan sa nakitang pagbabago; na ang taong naging malapit sa puso ko ay halos hindi na ako kilala, abot-kamay lang sana ngunit napakalayo. Bulong lang ang pagitan namin at maiintindihan nya na ang sasabihin ko, ngunit di nya kayang makinig. Nasa harap ko na lang sya ngunit hindi nya na ako nakikita. At ang higit sa lahat, nawala na ang pang-aasar nya sa akin at ang panunuyo, ang paglalambing at ang mga biruan naming dalawa.

Hindi ko alam kung ganun din ang nararamdaman ni Jojo. Ang sigurado lang ako ay nanjan pa ang galit sa puso nya. Minsan pa nga, pinapakita pa sa akin ang pang-aasar nya sa isang baguhang teammate din namin. At nasaktan ako, sobra. Siguro, gusto nyang i-prove sa sarili na madali akong palitan, o baka sadya lang nyang saktan ako.

Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asang bumalik sa akin ang dating “kuya” ko. At ng hindi ko na matiis ang lahat, gumawa ako ng sulat. “Dear Jojo, sumulat ako sa iyo hindi bilang isang nagpapanggap na secret admirer kung hindi, bilang isang kaibigan na minsan ay naging malapit sa puso mo. Gusto ko lang malaman mo na nahirapan ako sa kalagayan ko. Alam kong bale-wala naman sa iyo ito pero nais ko pa ring ipaalam ang nararamdaman dahil sa ako naman ang nagsimula ng lahat ng to. Habang hindi ko nai-explain ang side ko, hindi ako matatahimik. Alam ko, mahirap nang maibalik ang dati nating closeness ngunit ang hinihiling ko lang ay sana pakinggan mo ang explanation ko. At wala akong ibang paraang naisip kungdi ito. Alam mo, nung bago kita naging kuya, inis na inis ako sa iyo. Mainit ang dugo ko dahil palagi mo akong inaasar at bino-bully. Kaya naisipan kong gumanti. At ang pagpapanggap na secret admirer mo ang naisipan kong paraan. Oo, aaminin ko na nung una, tuwang-tuwa ako sa panlolokong ginagawa ko sa yo. Ngunit nung sa pagcha-chat natin na sinabi mong natutuwa ka sa akin dahil na-fill ko ang pangungulila mo sa pagkamatay ng iyong bunsong kapatid; na dahil dun napamahal ako ng labis sa iyo; na di mo kayang ipagpalit ako sa iba mong mga kaibigan; at na di ka papayag na mawala ako sa iyo... nag-sisi ako sa ginawa ko at na-realize na ang sama-sama ko pala. Kaya nag-promise ako sa sarili na intindihin na kita. Lahat ginawa ko para lang mapalapit sa yo. At nung maging kuya na kita, natakot naman ako na baka pag sinabi ko ang sekreto ko, magalit at mawala ka sa akin. Napamahal ka na sa akin... sobra. Kapag hindi kita nakita sa isang araw, hindi ako mapakali. Ikaw lang ang taong nakakapagpaiyak at nakapagpatawa sa akin ng sabay; ikaw lang ang taong kinaiinisan pag nanjan at hinahanap-hanap kapag di nakikita; ikaw lang ang taong gusto kong unang masilayan sa paggising sa umaga at huling makasama at makausap bago matulog... Hindi ko alam kung bakit, at ayaw ko ng malaman pa. Ngunit yan ang tunay kong nararamdaman. At ngayong nalaman mo na ang panloloko ko sa yo, hindi kita masisisi kung magtanim ka man ng galit sa akin. Sa nakalipas na isang buwan, nag-iba ka na... Nasasaktan ako, umiiyak. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan; kung bakit nahirapan akong kalimutan na lang ang lahat sa atin at kung bakit nasasaktan ako kapag hindi mo pinapansin o kung nakikitang may iba kang binibigyang-pansin. Hindi ko kaya. Hinahanap-hanap ko pa rin ang dati kong kuya na inaasar-asar ako ngunit nilalambing-lambing at sinusuyo-suyo sa huli; ang kuyang napaka-protective sa akin; ang kuyang minsan ay inaming mahal ako, na hindi nya kayang ipagpalit ako sa iba... Alam mong wala akong kapatid. Kaya’t nung dumating ka sa buhay ko, napakasaya ko. Sabi ko sa sarili, napaka-swerte ko. Ang mga araw na yun ang pinakamasayang sandali na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko... Ngunit kung hindi na talaga maibabalik pa ang lahat ng iyon, wala na akong magagawa pa. Sana man lang ay mapatawad mo ako. At sana rin, may natitira pang awa sa puso mo para sa akin. Mamayang alas otso ng gabi, pupunta ako sa bahay mo upang hingin sa iyo ang tawad. Pagdating ko sa harap ng gate, sana maglagay ka ng palatandaan, kahit na anong bagay na galing sa iyo – sapatos, medyas, t-shirt, shorts, atbp pagbibigay encouragement sa akin upang malaman ko na bukal sa kalooban mong makipag-usap sa akin. Kapag wala akong makitang palatandaan, alam ko na ang ibig sabihin nun... at hindi na ako tutuloy pa. At maaaring dahil dito, tuluyan na rin akong lalayo sa iyo... Kung mangyari man yun, manghihinayang ako; manghihinayang kung bakit nangyari pa ang lahat kung ganito lang naman pala ang hahantungan. Sayang ang lahat. Sayang ang pagmamahal... Ngunit sa kabilang banda, salamat na rin sa sa masasayang alala at sa pagiging kuya mo sa akin... Hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya sa pagpunta ko sa bahay mo. Nababalot man sa takot, umaasa pa rin ako na makita ang palatandaang hiniling. Sana... Ang iyong kaibigan, Francis”

Eksaktong alas-otso ng gabi ng makarating ako sa harap ng gate ng bahay ni Jojo. Hinahanap ko ang palatandaang binanggit ko sa sulat. Wala akong makita. Tiningnan kong maigi isa-isa ang mga grills, ang mga halaman sa harap, wala. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha. Pakiwari koy tinadtad ang puso ko sa tindi ng sakit na nararamdaman. “Ganito pala kasakit kapag nagmahal ka at magisnan mo nalang na ang taong minahal ay biglang naglaho...” bulong ko sa sarili.

Akmang tatalikod na sana ako upang lisanin ang lugar nung mapansin kong nakabukas ang gate. Sa natatandaan ko, palaging nakasara yun. Parang may nagtulak sa akin na pumasok. Dahan-dahan kong hinawi ang gate. Nung nasa loob na ako, napansin kong pati ang main door ay nakabukas. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot na baka may makakakita sa akin sa loob at dahil na rin sa hindi maipaliwanag na kaba. Ngunit hindi ko rin mapigilan ang mga paang humahatak sa akin paakyat sa second floor kung saan nandun ang kwarto ni Jojo.

Hindi naka-lock ang pintuan at ng bukasan ko ang kwarto nya, hindi ako makapaniwala sa nakita: tumambad sa akin ang hindi isa, kungdi ang napakaraming palatandaang hiniling ko, ang mga personal nyang gamit na sadyang isinabit sa dingding – sapatos, medyas, shorts, t-shirts, pantalon, briefs, relo, gell, knapsack, sunglass, belt, pabango, picture frame, notebooks, at kahit toothbrush, suklay, sabon at shampoo ay nandun nakasabit lahat. At sa gitna nun ay isang streamer na may malaking yellow ribbon sa baba at ang nakasulat, “To My Bro: Welcome Back! Di Pweding Di Kita Patawarin Dahil Ayaw Kong Mawala Ka Pa Sa Buhay Ko. MAHAL NA MAHAL KITA TOL AT HINDI KITA IPAGPALIT KAHIT KANINO MAN - Kuya”

Natulala ako at hindi makapagsalita, halos hindi makapaniwala sa nakita. At sa sobrang saya ng nararamdaman, hindi ko namalayang tumulo na naman ang luha ko. Tiningnan ko si Jojo. Naka-dapa sa kama, naka-boxer’s short lang at binitiwan ang nakakalokong ngiti. “Tangna! Gusto ko’y masahe, hindi titig! Halika na, bilis!” ang pabiro nyang sabi.

Dali-dali kong tinanggal ang jeans at umakyat sa kama nya. Bigla syang tumihaya at niyakap ako ng napakahigpit. 

“I miss you, bro. Miss na miss kita, grabe. Pasensya ka na sa akin ha? Nasaktan lang kasi ako. Sorry sa pagpapahirap ko sa kalooban mo. O wag ka ng umiyak” sabi nya nung humahagolgol na ako “Mamaya nyan mangigigil na naman ako, sige ka.”

“Kuya naman kasi... pinaiyak mo ako e!”

“Ansarap mo kasing paiyakin e! Tingnan mo, nanggigigil na naman ako. Haaahhhhh! Ansarap mo talagang kagatin, hmmmmm!” sabay kagat sa balikat at dibdib ko. Mejo masakit ngunit ang nangingibabaw pa rin ang sarap at kiliti. At muli naming nilasap ang kasabikan at ang init ng pangungulila namin sa isa’t isa.

Nung humupa na ang init nga aming mga katawan. “Alam mo, kuya, nasaktan ako nung sabihin mo sa barkadang mas maiinlove ka pa sa hayop kesa sa secret admirer mo...”

“A yun ba? Sensya kana, dala lang yun ng galit ko. Pero, totoo din naman diba? Hayop ka naman talaga e – hayop sa sarap, hmmmmm!”

Sabay kaming nagtawanan.

6 comments:

DALISAY November 14, 2010 at 6:59 PM  

May fixation ka sa mga "Kuya" Mike? ahihihi

Jayson Patalinghug November 14, 2010 at 11:29 PM  

mahilig siya sa mga kuya....hehehehe

Anonymous,  January 14, 2011 at 5:51 PM  

fetish nya matatanda... joke

- kokey

Anonymous,  May 18, 2011 at 8:18 PM  

first story s blog n nagustuhan q..hehe..naasiwa aq ar first peo mxadong mganda ung story pra di q tapuxin...hehe...


-->n0bita

Brilliance,  May 23, 2011 at 5:47 AM  

hehehe, kanya kanya lang yan. Pero I like the story din.

ian June 7, 2011 at 1:41 AM  

napansin ku nga laging may "KUYA" sa storya ahe.. .^^ pero pernez maganda

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP