Chapter 4 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

Thursday, November 11, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
------------------------------------------------


At tuluyan na akong naalipin sa kamunduhan. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan mayroon si Kuya Rom at tila nawala ako sa tamang katinuan. Ipinaubaya ko ang sariling siilin ng mga halik ni Kuya Rom. Ramdam ko ang init na dumaloy sa buo kong katawan, at ang naiibang kiliti na dulot noon.

Langhap ko ang mabangong hininga ni Kuya Rom habang nilalaro ng kanyang dila ang dila at ang kaloob-looban ng bibig ko. “Ahhhh! Ahhhhhh!” ang pigil kong pag-ungol habang patuloy naman ang paghaplos ng kamay ko sa pagkalalaki niya.

Maya-maya, ibinaba ni Kuya Rom ang shorts at brief niya upang malayang mahawakan ng mga kamay ko ang tirik na tirik niyang ari. Halos hindi ko mahawakan ng buo ito dahil sa sobrang laki. Patuloy ko itong hinihimas hanggang sa mabilis na ikinanyod-kanyod at idiniin-diin ito ni Kuya Rom sa mismong kamay ko. Naramdaman ko naman ang tila lalong paglaki nito. Nagulat ako noong niyakap niya ako ng mahigpit at kinagat ang labi ko.

“Arrgggggh!” Ang pigil na salitang lumabas sa bibig ko gawa ng sakit sa pagkagat niya.

Ngunit hindi ito tinantanan ni Kuya Rom. Tuloy-tuloy pa rin ang paggkagat niya sa labi ko at pagyakap ng mahigpit na animoy nawala na sa tamang katinuan. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nabasa ang kamay na nakahawak sa ari niya, pati na ang t-shirt na suot ko. “Ahhhhhh! Ahhhhhh! Ahhhhhh!” Ang pigil ding ungol ni Kuya.

Hingal-kabayo si Kuya Rom pagkatapus. Noong mahimasmasan, inutusan niya akong tumihaya. Habang nakatagilid siya paharap sa akin, ibinaba naman niya ang shorts ko. Hinawakan sandal ang ari ko at sandaling sinalsal iyon. “Magpalabas ka!” ang bulong niya sa akin.

Dahil sa libog na libog na rin ako, dali-daling kinapa ko ang matigas ko na ring pagkalalaki. Hinawi ko ang nabasang t-shirt sa dagta ni Kuya at itinaas ang tuhod ko upang di mapansin ang galaw ng kumot na nakatakip sa amin ni Kuya. Saka ko sinimulang laro-laruin ang ari ko. Si Kuya naman ay maingat na pumuwesto upang maabot ng bibig niya ang isa kong utong at sinisipsip-sipsip at dinila-dilaan ito. Ibayong sarap at kiliti ang umalipin sa buong pagkatao ko. Hanggang sa naramdaman kong sasabog na ako at binilisan ko na ang paglalaro sa sarili. Noong mapansin naman ni Kuya na malapit na ako, nilipat naman niya ang bibig niya sa bibig ko. Dahil sa nakakadeliryong sarap, kinagat ko din ang labi niya. “Uhmmmmp!” ang mahinang ungol niya gawa ng sakit na dulot sa pagkagat ko.

“Ahhhhh! Ahhhhh! Ahhhhh!” Ang pigil ko namang ungol.

At naramdaman ko na lang na pumulandit ang katas ko sa kumot, at ang iba ay sa tyan ko.

Habol-habol ang paghinga ko pagkatapus. Nilingon ko si Kuya at binitiwan ang ngiti. Marahang sampal naman ang binitiwan niya sa akin. “Sakit noon ha!” ang pigil niyang sabi.

“Eh, bakit, kaw naman ang unang nangagat ah!” sagot ko rin.

O sya, tulog na tayo, may laro pa bukas ng maaga.

“Night Kuya....”

“Night.”

Nakatulog kaming pareho, nakadantay ang isang paa ni Kuya Rom sa harapan ko at ang isang kamay niya sa dibdib ko. Hinayaan na lang namin ang mga dagtang nagkalat sa tiyan ko, sa t-shirt, at sa kumot. Wala kaming pakialam.

Kinabukasan, parang wala lang nangyari. Pakiwari ko nga ay masayang-masaya si Kuya Rom. Nandoon pa rin ang sigla niya, ang kulitan at harutan namin. Maaga kaming nagising at noong magkasalubong ang aming mga mata habang nakahiga pa, binitiwan kaagad niya ang isang nakakaengganyong ngiti. “Good morning bunso!” ang pag-greet niya sa akin.

Nginita-an ko din siya, “Mornig kuya!”

At iyon, bigla na lang niyang ginulo ang buhok ko, kiniliti ang tyan sabay balikwas at takbo papunta sa sampayan ng mga tuwalya namin. “Ligo na tayo, may laro pa tayo!”

Ewan ko ba ngunit tila iba ang saya na naramdaman ko sa umagang iyon. Inspired, excited... di ko lubos maipaliwanag.

Bumalikwas din ako at inayos ang hinigaan namin. Sandali lang iyon at pagkatapus, bumalik din siya, isinablay sa balikat ko ang tuwalya kong kinuha na rin niya sa sampayan namin. Uli, ginulo ang buhok ko. “Tara!” pag-apura niya upang makapag-ligo na kami, dala-dala niya ang isang sabong pampaligo at isang bote ng shampoo. Kapag ganoon kasi, iisa lang talaga ang gamit namin, hiraman.

Ngunit noong magpunta na kami sa shower, marami na palang nakapila, mas nauna pa sa amin. Kaya hinikayat niya na akong sa ilog na lang kami maligo upang di ma-late sa kainan, kasi, ibang pila na naman ang pagkuha ng pagkain, lalo na first game ang isang laro namin.

Takbo kami papuntang ilog at pagkarating, kaagad nag-unahan sa paghubad ng t-shirt at pantalon. Nauna akong lumusong sa tubig, hanggang sa maabot ko ang lalim na hanggang leeg. Huminto ako doon dahil hindi naman ako marunong lumangoy at natakot na rin ako dahil sa nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Nilingon ko si Kuya Rom, nasa aplaya pa rin, tila nagdadalawang-isip lumusing marahil sa lamig. Nakahubad na siya ng pantalon at t-shirt at tanging brief na lang ang natira sa katawan, nakatayo lang doon at nakatingin sa akin.

Sa pagkakita ko sa anyo niya, naramdaman ko naman ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman. Tila may gumapang na magkahalong kiliti, excitement, at paghanga sa ganda ng hugis ng katawan ni Kuya Rom. Bigla ding sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin sa gabing nakaraan kung saan natulog kami na magkatabi.

“Anong tinitingnan-tingan mo d’yan!” sigaw niya sa akin sabay pulot ng maliliit na bato at pabirong inihagis ang mga iyon sa akin.

Umiilang-ilang ako sabay sagot, “Takot sa tubig, kambing – nyahahahaha!” ang pang-aalaska ko.

“Kambing ka d’yan, pag nahuli kita, lagot ka sa akin!” At dali-dali naman siyang lumusong at tinumbok ang kinatatayuan ko. Naghabulan kami. Ngunit dahil sa takot kong pumailalim, nahuli din niya ako. “Huli ka!” sigaw iya.

Hinawakan ang kamay ko habang pumipiglas-piglas naman ako. “Kuya, maligo na tayo, sige ka… ma- late tayo sa kainan, magagalit na naman si coach” ang pag-aalibi ko upang bitiwan niya.

Ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. Naisipan kong huwag na lang pumiglas at humarap na lang sa kanya. Tinitigan ko siya.

Ewan ko ba, ngunit binitiwan din niya ang titig na nakakaloko. Mistulang kinalampag na naman ang dibdib ko noong magtitigan kami, hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

“Sino ang nagsalba sa iyo dito nong malunod ka?” tanong niya.

“I-ikaw”

“Kanino mo utang ang buhay mo?” tanong uli niya

“Sa iyo”

“Natatandaan mo pa ba ang promise mo na gagawin mo ang kung ano man ang gusto kong ipagawa sa iyo dahil sa pagkasalba ko sa iyo?”

Dahil nakikinita ko na ang sunod na mangyayari sa takbo ng tanong niya, ang naisagot ko ay, “Kuya ha… ayoko na! alam ko na kung saan na naman hahantong yan!”

Natawa naman siya ng malakas. “Bakit? Ano ba ang nasa isip mo? Malaswa, ano? Ang i-utos ko lang naman sa iyo ay kunin mo ang sabon at shampoo para matapus na tayo dito, tado ka.” Ang pabiro niyang sabi.

Natameme naman ako sabay sabi ng pabulong, “Hpmpt! Iyon lang pala...” na ang tono ay may bahid panghihinayang. Tinumbok ko kaagad ang kinaroroonan ng sabon at shampoo at dinala ang mga ito sa kanya.

Noong iniabot ko na sa kanya ang sabon, nabigla naman ako sa sinabi niya. “Iyong nasa isip mo na malaswa ay mamayang gabi ko na ipapagawa sa iyo! May laro pa kasi tayo eh.”

“Waaaahhhh! Ansama mo Kuya! Manyakis ka talaga! Ayoko nga!” Sabi ko sa kanya sabay tawa.

Tumawa na rin siya. “Tingnan natin mamaya… kung makaka-ayaw ka.”

“Abababa!” sigaw ng utak ko.

Pero sa totoo lang, may kilig din na dulot sa akin ang narinig. Ewan, naguguluhan din ako pero alam ko naman na hindi ako bakla e. Basta, parang inisip ko na lang na katuwaan lang iyong ginawa naming ni Kuya Rom dahil sa sobrang close namin sa isa’t-isa. At sa parte ko rin alam ko naman na hinding-hindi ko hahanap-hanapin ang ganoon. Alam ko rin namang walang seryosohan ang ganoon sa paarte ni Kuya Rom. Siguro, bahagi lang din iyon ng kabataan namin, ng adventurism, libog, o paglalambing ba bilang kunyari mag-kuya…? Ewan, di ko rin talaga alam.

Last day na iyon ng araw ng palaro at marahil ay dahil sa inspired ako sa araw na iyon, inigihan ko talaga ang trabaho ko bilang tosser ng team. Kahit mahihirap na bola ay nagawa ko pa ring ibigay ng maayos sa mga spikers. Kitang-kita ko rin ang mataas na level ng energy ni Kuya Rom. Kaya sa dalawang laban namin sa araw na iyon, panalo kami. Sobrang saya ang buong team. Pagkatapus ng last game namin ay kinrga pa ako ni Kuya Rom sa court at iniikot-ikot. Pati na rin ang iba pang mga spikers ay pinagtulung-tulongan nila akong buhatin.

Sa kabuuan, second place lang kami dahil may talo kaming isang game ngunit laking tuwa pa rin ng team. Sa tagal na na daw ng panahon na hindi maka-place kahit sa top 3 ang team, noon lang nangyari ang ma-second place kami dahil malalakas daw ang kalaban. At swerte daw ang pagkakasama ko sa team. Syempre, abot-tenga ang ngiti ko at abot langit naman ang tuwa. “Sa sunod, tayo na ang mag-Champion niot!” biro ng mga ka-teammates ko.

Kinabukasan na ang schedule ng awarding kaya’t huling gabi na naming magsamang matulog ni Kuya Rom. Nakakalungkot dahil sa ilang araw naming pagsasama sa palarong iyon, sobrang saya at enjoy kami sa samahan, sa mga games, nagshare ng lungkot at saya, hirap, at pati na rin mga private moments. Pero may kabog din sa dibdib ko ang sinabi niya sa may ilog noong umagang iyon tungkol sa ipapagawa daw niya sa akin ang “malaswang” laman ng isip ko. Nangingiti-ngiti na lang ako sa sarili, “Loko talaga tong si Kuya!” Sa totoo lang, may dalang bahid ng excitement din para sa akin ang sinabing iyon ni Kuya Rom.

Ngunit, hindi ipinagkaloob ng panahon na mangyari pa ang ganoon. Alas 5 ng hapon noong matanggap ni Kuya Rom ang text message ng girlfriend niyang si Kris. May bahay daw kasi ang nobya niya sa kabilang bayan na may mga 20 kilometro lang ang layo sa lugar kung saan ginanap ang palarong sinalihan namin. Darating daw, magmomotorsiklo at pipik-apin siya. At doon silang dalawang matulog sa bahay ng kasintahan at babalik nalang daw siya kinabukasan sa awarding ceremony. Pinayagan naman siya ng coach dahil wala nang laro.

Dahil ipinagmamalaki ni Kuya Rom ang girlfriend niya sa buong team, talagang sinamahan namin siya sa may bukana ng school building kung saan kami naka-house. Sa harap nito ay ang highway kung saan siya pipik-apin ng girlfriend niya.

Dumating nga ang babae, eksaktong alas syete. Noong bumaba ito sa motorsiklo, napa-“Wow!” kaming lahat at tila nahipnotismo. Napakaganda niya, matangkad sa may 5’8 o 5’10 na taas, mahaba ang buhok at sa suot na faded jeans at body-fit na t-shirt, bakat na bakat ang ganda ng hugis ng katawan. Pang-model material at bagay na bagay sila ni Kuya Rom.

“Pare! Ang galing mo talagang pumili! Shiiiitttt! Hayup sa ganda, tangina! Pag nagka-girlfriend ako ng ganyan pwede na akong mamatay!” ang sambit ng isang ka teammate namin. Sumunod naman ang iba na pumuri.

Hindi ko naman maintindihan ang sarili sa naramdaman. Tila may sumundot na na kirot at selos. Pakiwari ko ay bigla akong na out-of-place. Kung natamasa ko ang espesyal na trato sa akin ni Kuya Rom kapag kami lang sa team, noong sumulot ang girlfriend niya ay biglang nagbago ang lahat. Hindi na ako napansin niya at parang wala lang, etsapuwera.

Agad niyan sinalubong ang girlfriend at nagyakapan sila, nag-smack. Saksi naming lahat kung gaano sila ka-sweet sa isa’t-isa. Sa totoo lang, nakakainggit.

Pagkatapus nilang mag kumustahan at itiunuro kaming lahat ni Kuya Rom pagpakilalang ka-teammate niya, dali-daling umangkas na siya sa motorsiklo at umangkas na rin ang babae sa likuran niya. At bago pinaandar ang sasakyan, nagbabay sila sa grupo at tumuloy na, na tila nagmamadali at sabik na sabik na sa isa’t-isa.

Sinundan ng mga tingin ko ang papalayong motorsiklo. Kitang-kita ko ang higpit ng yakap ng babae sa kanya.

Sanasaksihan, biglang naramdaman ko ang panlulumo ng buo kong katawan at ang paggapang ng lungkot. Pakiwari ko sa mga oras na iyon ay bigla akong nag-isa, isinantabi, iniwanan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Dahil lagpas alas syete na iyon ng gabi, naisipan kong dumeretso na lang sa tulugan namin ni Kuya Rom. Inilatag ko ang comforter na higaan naming at nahiga doon. Niyakap ko ang unan niya at ipinikit ang mga mata, pinilit ang sariling makatulog.

Subalit hindi ako dalawin ng antok. Sumiksik sa isip ko si Kuya Rom. Nai-imagine kong masayang-masaya silang dalawa ng kasintahan niya sa kung saan man sila nagpunta. Nai-imagine ko rin na magkatabi silang natulog, magkayakap, naghahalikan, at sabay na nilasap ang sarap na dulot ng kanilang pagmamahalan.

Naramdaman ko na lang ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Hinayaan ko ang mga itong pumatak at tumagos sa unan…

(Itutuloy)

1 comments:

Jullius Cesar Perez September 14, 2013 at 2:39 AM  

nka2touch po i2, myroon k p po bng kwento???to_writer, myroong twist ang bwat pangya2ri, at medyo nka2suspense kc my part n akala mo'y to2o n, un pla'y hndi.... nka2pg_isip ang bwat scene!! i'm so inspired.. cguru kc inspired ang writer. galing!!! more power! po!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP